You are on page 1of 6

AKADEMIKONG

SULATIN

Students

Aldwin Rex Francisco

Alyssa Mari Albarda

Mark Hendrick Legaspi

Morris Yuan Roca

Andrew Keane Soriano

Teacher

Niña Anzaldo

Section

XII-Armstrong
Panukalang Proyekto

Ang kahulugan ng Panukalang Proyekto ay isang dokumento na


ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang
proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikular na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan
nito nang malalim, kung paano ang proyekto magsisimula.

Halimbawa

 proyekto sa Edukasyon
 proyekto sa Kalusugan
 proyekto sa Kalinisan
 proyekto sa Kaligtasan
 proyekto sa Paaralan
 proyekto para sa Komunidad
Agenda

Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga gawain na


kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga
pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga
paksang kailangan nilang pag-usapan.

Halimbawa

 Agenda tungkol sa kung papaano idaraos ang tahimik na


halalan.
 Agenda tungkol sa paano mas mapapalawak ng mga
kabataan ang kaalaman tungkol sa makabagong
teknolohiya.
 Agenda tungkol sa kung papaano makikilahok ang mga
magulang at mga guro sa Brigada Eskwela.
 Agenda tungkol sa pagbabawal sa pagsusunog ng mga
basura.
 Agenda tungkol sa mga hinaing ng mga mangagawa.
Katitikan ng Pulong

Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong.


Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng
adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong
oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang
lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng
isang malaking organisasyon upang maging batayan at
sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.

Halimbawa
Abstrak

Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o


suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa.
Dito rin nakasaad ang konklusyon at rekomendasyon ng
pananaliksik.

Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-


aaral, at pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon.
Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.

Karaniwang gumagamit ng 100 to 500 na salita sa paggawa ng


abstrak. Maaari ring magbago ang nilalaman ng abstrak ayon sa
disiplina at kagustuhan ng palimbagan.

Halimbawa

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at


mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa
anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal.Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga
respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad
na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa
antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag
patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Replektibong Sanaysay

Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik


tanaw. Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan
na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ang
Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling perspektibo,
opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsulat
na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa
isang partikular na pangyayari.

Halimbawa

Pundasyon ni: Cristine Joy S. Cabuga

Naalala ko pa noong bata pa ako laging nandyan ang aking magulang upang ako’y
gabayan sa lahat ng aking gagawin at sila din ang nagturo sa akin kung paano tumayo
sa aking sariling mga paa. Tanda ko pa noon kung paano nila ako tinutulungan sa
aking pagpasok sa school , tulungan sa paggawa ng mga takdang aralin at mga proyekto
, paghahanda ng baon at hinahatid sa eskwela ngayon ako na gumagawa ng lahat ng
ito mag isa. Noong bata pa ako lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko namang
mabuhay kasi andyan naman sila upang gabayan ako ngunit, sa paglipas ng maraming
panahon kung saan natuto na akong mag isip para sa sarili ko, magdesisyon para sa
ikabubuti ko, nalaman ko ang pag kakaiba ng tama sa mali at manindigan sa buhay.
Namulat ako sa katothanang hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi ko upang
gabayan ako sa buhay ko. Noong una hindi ko talaga lubos maisip bakit nila ako
pinapalo pag nag kakamali ko sabi nila pag pinapalo ka indikasyon itong mahal ka
nila pero bakit baliktad ang aking nararamdam? at mga halos araw-araw na sermon
ang aking natatanggap. Ngunit sa kabila ng mga sermon at palong aking natatanggap
katumbas nito ay isang pagdidisplina na akala mo di ka nila mahal dahil
sinasaktankaayun pala ay guisto ka nilang matuto sa mga pag kakamaling nagagawa
mo. Ngayong malaki na ako mas lalo kong napatunayan na hinahayaan na nila akong
magdesisyon para sa sarili ko sapagkat alam nila na matibay na ang Pundasyong
kanilang ginawa sa akin. Para sa aking pananaw ang mga magulang ay gagawin ang
lahat para sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Nagagawa nila ang mga bagay na
hindi nila inaasahang magagawa nila tulad ng pamamalo ngunit sa kabila ng lahat
ng ito dito tayo natututo sa mga pag kakamaling ating nagagawa. Binigay sila ng Diyos
upang gabaya’t alagaan ang kanilang mga anak at patibayin ang pundasyon para sa
kinabukasan at kapakanan ng kanilang mga anak.

You might also like