You are on page 1of 2

KONTEKSTONG PANGKASAYSAYAN NG SALITANG HUGOT

(1)

Ang salitang hugot ay maraming ibig sabihin, may kahulugan ito noong unang panahon na naiiba na sa
kasalukuyang panahon. May literal itong kahulugan at mayroon ring bagong pinagmulan. Ayon kay
Garcia (2017), ang kulturang hugot ay isang bagong bagay. Tulad ng iba pang mga bagong uso,
magtatapos lang din ito kapag ang mga tao ay napagod dito at may bagong nagaganap. Ang mga hugot
ay pinapasa-pasa rin lamang sa paligid kaya't madali itong kumalat. Ayon din kay Apagalang, ang hugot
culture ay isang paraan upang makaya ang sakit na nararamdaman; dahil dito, masasabi na ang hugot ay
hindi buong mawawala sa ating kultura.

Mula sa artikulo ng pananaliksik ni Maranan(2014), ang paghugot ay ang pagkuha ng mga pagkatuto
mula sa mga karanasan. Ang mga pagkatutong ito ay maaaring ang mga nagbibigay-linaw na mga
obserbasyon at realisasyon, mga inputs galing sa iba na naghahatid ng mahalagang mgapagbabago, mga
aral at obserbasyong nagpapalawak o nagpapalalim ng pag-unawa at iba pa.Kasama naman sa maaaring
paghugutan ng pagkatuto ang mga dinaanang karanasan, mga binalikang mga karanasan, at ang mga
nahagap na karanasan. Kasama sa dinaanang karanasan ang sariling mga karanasang kinapulutan ng
mga pagkatuto—kasama rin ang mga payo, puna o sinabi ngiba na may pinaghugutan ring karanasan.
Kasama sa binalikang karanasan ang mga personal na karanasan ng mas maagang panahon na binalik
tanaw at pinangibabawan sa kasalukuyang panahon. At kabilang naman sa mga nahagap nakaranasan
ang mga narinig na sinabi, pananaw o opinyon ng iba na tinatayang may pinagbuhatan ring
karanasan.Malaki ang kaugnayan ng artikulo ni Maranan sa pag-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik
sapagkat tulad ng hugot lines, inilarawan niya ang paghugot bilang pagkatuto mula sa mga karanasan, na
kung saan ang paghugot ay pinaniniwalaang pinagmumulan ng mga hugot lines.

Ayon sa artikulo ni Bayan (2016), ang ating nararamdaman at napaghuhugutan ng hugot ay dahil sa
impluwensiya ng mga pelikula at social media, ito ay nasa kulturang Pilipino. Dahil dito, nakakahugot
tayo ng kalungkutan o emosyon mula sa mgasimpleng karanasan katulad ng paghahambing ng
paghihintay ng pagdating ng LRT sa paghihintay ng pagdating ng tamang taong para sa atin. Ngunit, ito
rin ay nakakatulong sa mga malabhang pagkabigo ng isang tao dahil ito ay isang paraan ng
pagpapapagaanng problema.

Ayon kay Saraza (2015), ang hugot ay ang metaporang ginagamit ng kabataan upang mahugot at
mailabas nila ang kanilang emosyon. Nasabi rin dito na minsan ay mas madaling ngumiti nalang kaysa
ipaliwanag kung bakit ka malungkot kaya’t ang hugot ay nagiging paraan ng pagpapagaan ng problema.
Ang hugot rin ay nagiging paraanupang makipag-ugnayan sa mga tao dahil sa social media. Ang mga
post ng mga tao na may hugot ay kadalasang mayroong maraming “likes” o “retweets”. Nakasaad rito
natungkol sa pag-ibig ang mga hugot dahil ang mga kabataan ay naghahanap pa ng senseof belonging
habang sila pa ay nasa developmental stage mula sa kanilang pamilya’t kaibigan.

Ayon kay Paguio (2018), hindi na masyadong nagagamit ng kabataan ang tula sapagpapalabas ng
kanilang emosyon. Ang kabataan ay mas mahilig nang gumamit ng hugot sa pagpapalabas o pagbuga ng
kanilang nararamdaman o karanasan dahilnadadaan nila ito sa biro at tawa; hindi nila kinakailangang
seryosohin ang kanilangproblema at napapagaan ang kanilang pakiramdam dahil dito.

Garcia, L. (2017, May 23). Is Hugot Culture Ending? - Social Media & Digital Marketing Agency
Philippines. Retrieved from http://www.m2social.net/blog/2017/5/23/is-hugot-culture-ending

Bayan, A. (2016, August 31). The Filipino Hugot Culture. Retrieved


fromhttps://www.candymag.com/features/the-filipino-hugot-culture-a312-20160831.

TeachrAllen. (1970, January 1). HugotLines101. Retrieved November 5, 2019,


fromhttp://teachrallen.blogspot.com/2015/04/hugotlines101.html.

Paguio, R. G., & Bataan. (n.d.). Retrieved November 5, 2019, from http://udyong.gov.ph/index.php?
option=com_content&view=article&id=9633:kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-tula-sa-mga-mag-
aaral&catid=90&Itemid=1267.

You might also like