You are on page 1of 19

IKALAWANG PANGKAT

SKP est. 2019

SAGIP KABATAAN

PROGRAM

Seminar at Worksyap

Tema: "MENTAL HEALTH: Alamin at Busisiin".


Oktobre 29, 2019
CAL Building
7:30 N.U
Kategorya ng
Proyekto
Ang kategorya ng aming
naisipang proyekto ay seminar at
worksyap kung saan mahihikayat sila
na maglathala ng kanilang damdamin,
malaman ang kanilang kalakasan at
kahinaan at matulungan ang kanilang
sarili na alamin ang kakayahan lalo na
sa paglaban sa depresyon upang ito
ay maiwasan.
Proponent
ng Proyekto
TSART NG ORGANISASYON
Pangulo- Namumuno sa Organisasyon
-inaaprobahan ang mga isinasagawanga plano ng organisasyon
Bise-Presidente- Taga-suporta at tagahalili sa Pangulo
Kalihim- Nagtatakda ng mga mahahalagang detalye na kailangan sa plano.
-taga tala ng mga nagpag-usapang plano.
-gumagawa ng dokumento.
Ingat-Yaman- Ang nakaatas sa pangongolekta at pagtatago ng pondo.
-nagbabadyet sa mga gastusin
Tagasuri- Pagtutuos ng kwenta.
Staff- mga tauhan na tumutulong upang maisagawa ng maayos ang
seminar at workshop.
Tagapanayam- Tagapagsalita at siyang nagbibigay ng mga impormasyon sa
seminar.
Tagapangasiwa- Nangangasiwa ng mga kagamitan.
Deskripsyon at
Layunin ng
Proyekto
DESKRIPSYON

Ang proyektong ito ay magsisilbing tulong sa mga


kabataang nakararanas ng suliranin sa kanilang kalusugang
pangkaisipan at mga kabataan na nagnanais na magkaroon ng
kamalayan tungkol sa pangkalusugang kaisipan. Ang
proyektong ito ay maglulunsad ng seminar at worksyap upang
makapagbigay ng impormasyon at ideya kung ano nga ba ang
kalusugang pangkaisipan, kahalagahan ng kalusugang
pangkaisipan at kung paano mapagtatagumpayan ang mga
problema sa kalusugang pangkaisipan. Magbibigay rin ng mga
aktibidad o gawain sa mga kalahok upang mahasa ang kanilang
pakikipagsalamuha at pagbabahagi ng kanilang nararamdaman
sa ibang tao, nang sa gayon matutuhan nilang mailabas ang
kanilang nararamdaman upang huwag nila itong kimkimin
lamang.
LAYUNIN

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay


makatulong sa mga kabataan, partikular sa mga may
kinakaharap na suliranin sa kalusugang pangkaisipan.
Inilunsad ang organisasyong ito upang matiyak na
makapagbibigay ng tulong, serbisyo at sapat na
impormasyon sa pamamagitan ng programang SAGIP
KABATAAN(SK):SEMINAR AT WORKSYAP para sa mga
kabataang nakararanas ng depresyon, pagkabalisa,
matinding kalungkutan at iba pang uri ng problema sa
kalusugang pangkaisipan at pati na rin sa ibang
kabataan na nagnanais na magkaroon ng sapat na
kaalaman ukol sa pangkalusugang kaisipan.
Rasyonal
Rasyonal
Ang depresyon ito ang kondisyon kung saan ang mga kabataan ay nalulungkot, nawawalan
ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay at maaari din silang pigilan na gawin
ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Umaabot din ito sa milyong tao na may iba’t ibang edad ang
naapektuhan ng depresyon at sa iba't ibang uri ng problema sa kalusugang pangkaisipan ng isang
tao. Hindi biro ang pagkakaruon nito ng isang tao ngunit sa husto at tamang gabay ng mga
magulang o kakilala, katulong ang payo ng eksperto na maaari itong mapagtagumpayan at
maiwasan.

Sa Paglunsad ng SK o Sagip Kabataan Program, ang organisasyong ito ay makakatulong sa


kabataang nangangailangan at mabigyang sapat na impormasyon upang magabayan sila sa
kanilang karanasan o pinagdaraanan sa problema. Sa pagbibigay ng aktibidad na SEMINAR at
WORKSHOP, maibabahagi nila sakanilang sarili ang lahat na kaalaman at anumang pagsasagawa
tungo sa aktibong partisipasyon. Para maiparamdam sakanila na hindi sila nag iisa, bukas ang
Sagip Kabataan Program(SK) sa mga kabataan na gustong maliwanagan o matiwasayan ang
kanilang buhay at handang tumulong sa anumang pangangailangan ukol sa programang ito.
Gastusin ng
Proyekto
Talatakdaan ng mga
gawain at estratihiya
Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang
mga sumusunod na gawain o hakbang;
Kapakinabangan
ng Proyekto
Ang bawat tao ay mayroong kaniya-kaniyang paraan kung paano nila ipinapahayag
ang kanilang sarili sa iba ngunit sa ganitong sitwasyon, hindi tayo sigurado kung ano nga
ba talaga ang nararamdaman at tumatakbo sa kanilang isipan. Totoo ngang ang mental
health lalo na ang depresiyon ay hindi natin agad-agad mapupuna, wala itong mukha at
hindi natin maisasalamin sa bawat taong ating nakakasalamuha.

Maraming pwedeng paraan para makatulong sa mga taong nakararanas nito at isa
na doon ang pagkakaroon at pag-iimplementa ng isang seminar at worksiyap. Maganda
at kapakipakinabang ang maidudulot nito sa mga tao dahil sa ganitong paraan ay
nagkakaroon tayo ng kaalaman sa kanilang pinagdadaanan at sila rin ay natutulungan sa
pamamagitan ng pakikinig at pagsagawa ng iba't-ibang gawain sa seminar at worksiyap.
Mas nabibigyan sila ng pag-asa at nagkakaroon sila ng pagkakataong makisalamuha sa
iba at iwasang isipin ang mga suliraning kanilang kinakaharap.
Mayroon ding mga taong tutulong at makikinig sa kanila upang mabigyan sila
ng payo at magkaroon ng inspirasiyon at motibasyon sa bawat gawain nila.
Tuturuan din silang maging positibo at wag agad sumuko sa bawat problemang
kinakaharap nila.

Ang mga gawaing itatampok sa seminar at worksiyap ay makakatulong


upang maliwanagan ang kanilang isipan at matutunan ang mga dapat gawin kapag
nakakaranas nito upang maiwasan ang mga masasamang pwedeng idulot nito hindi
lang sa iba kundi pati na rin sa kanilang mga sarili. Isang paaraan ito upang
maiparamdam at maipakita sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroong tutulong sa
bawat isa sa kanila. Bukod pa doon, pwede din silang magbahagi ng kanilang
karanasan kung paano nila ito nalampasan at tumulong din sa iba na kahit simple
man ang ganitong pamamaraan ay malaki ang maiaambag nito sa kanilang buhay.
IKALAWANG PANGKAT Lesly Botin
John Cornelio
Saira Cardeño
Aizel Bonagua
Nikkie Bordeos
Kimberly Basilan
John Xyle Bauso
Alexza Baybayon
Angelica Canaria
Carmela Bermundo
Kristine Dela Torre
Mary Grace Del Rosario

You might also like