You are on page 1of 20

Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan sa mga taong-lansangan sa Sto.

Rosario, Cebu

City

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Bb. Jembel Alegado Montalla

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan ng Gr. 11- ABM (Accountancy,

Business and Management)

Nina:

Aubrey C. Bernardino

Mariajen R. Cabajar

Czerina Maybellerree Villeza

Evitha A. Albarracin

Louella V. Layam

Jenalyn P. Ponce

Retsin Joyce Y. Sacro

Steve O. Bolo

Cecile S. Albino

Darrel Mae Valmoria

Marso, 2017
Dahon ng Pagpapatibay

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang

Pag-aaral sa Isyu ng Kahirapan

ay inihanda ng grupo mula sa ika-11 na baitang bilang bahagi ng katuparan sa Proyekto


sa Asignaturang Filipino (Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t-ibang teksto Tungo sa
Pananaliksik)

ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan


ng Asignaturang Filipino.

Bb. Jembel A. Montalla Ginoong Jervin Alegado

Guro Coordinator

Bb. Beverlie Abella

Punong Guro
Dahon ng Pasasalamat

Taos puso kaming nagpapasalamat sa mga taong tumulong at nag-ambag ng

kanilang tulong at kooperasyon para mabuo at magawa ang aming pananaliksik.

Nagpapasalamat kami kay Bb. Jembel A. Montalla na hindi nagsawang

magbigay ng kaniyang ideya at opinion tungkol sa nasabing pananaliksik at gumbay at

nagpaintindi sa amin sa kung anong dapat sundin sa pagbuo ng tesis o pananaliksik.

Sa aming minamahal na paaralan na hinayaan kaming gawi an gaming

pananaliksik ang Asian College of Technoloy o (ACT) at sa mga masigasig na

nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming mga katanungan at sa amin ding mga

magulang na sumuporta sa aming ginawang pananaliksik dahil kung hindi rin sa kanila

ay hindi naming magagawa an gaming pananaliksik.

Sa lahat ng myembro ng aming grupo, hindi maitatagumpay ang lahat ng ito

kung wala ang tulong ng bawat isa.

At higit sa lahat ang Panginoon, na syang aming naging lakas at gabay sa aming

ginawang pag-aaral. Siya ang aming inspirasyon upang magkaroon kami ng tibay ng

loob at sigasig na itagumpay an gaming pananaliksik.


DEDIKASYON

Ang pananiksik na ito ay hindi maitatagumpay kung wala ang tulong ng lahat ng

mga buong pusong sumuporta sa aming pananaliksik ukol sa isyu ng kahirapan.

Inilalahad rin naming ito sa mga taong naging bahagi ng pananaliksik na ito. Higit sa

lahat, sa ating Mahal na Panginoon na siyang nagbigay sa amin ng gabay upang

maipagpatuloy at maitagumpay ang saliksik na ito. Hindi name makakamit ang

tagumpay na ito kung wala ang gabay ng ating Maykapal.

Aubrey Bernardino

Evitha Albarracin

Cecile Albino

Steve Bolo

Mariajen Cabajar

Louella Layam

Jenalyn Ponce

Retsin Joyce Sacro

Darrel Mae Valmoria


Kabanata I

INTRODUKSYON

Rationale

Ang kahirapan ang nangungunang suliranin na kinakaharap ng ating bansa.

Araw-araw rin sa ating paglalakbay sa kung saan ay hindi maiiwasang may mga

makikita tayong mga taong-lansangan. Sa pagtagal rin ng panahon ay tila ba hindi

nababawasan ang bilang ng mga taong lansangan na ito.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw at saloobin ng

mga tao sa ating komunidad ukol sa isyu ng kahirapan. Mahalagang malaman ang mga

kasagutan ng mga ito sapagkat ito ang gagamiting batayan ng kalalabasan ng naturang

pag-aaral. Sa pananaliksik na ito, malalaman, masasagutan, at matutuganan ang mga

tanong na lingid pa sa kaalaman ng karamihan. Dito mahahalungkat ang mas malalim

pang impormasyon tungkol sa usaping aming tinatalakay. Nais ng mga mananaliksik na

mailahad ang lahat ng mga datos na nakalap mula sa pananaliksik.


Layunin ng Pag-aaral

Nais ng pag-aaral na ito na malaman at kumalap pa ng mas maraming datos at

impormasyon tungkol sa suliranin ng mga taong-lansangan partikular na sa Sto.

Rosario, Cebu City. Nais naming malaman ang iba’t-ibang mga dahilan kung bakit sila

naghihirap at dumaranas ng ganitong klase ng kalagayan sa buhay.Ang mga tao sa

kanilang kalagayan ay mga walang pangkabuhayan kung kaya’t ang iba sa kanila ay

nabuhay sa pagnanakaw at maging sap unto na ang mga batang musmos pa lamang

ay natuto na sa maling gawaing ito.

Nakikita rin naming na ang isyu ng kahirapan ay nangunguna sa iba’t-iba pang

mga isyu sa ating bansa. Ito ang siyang nag-udyok sa amin upang ito ang gawan namin

ng pag-aaral. Layunin namin na mas lalo pang maghalungkat ng impormasyon upang

kami ay makatuklas ng ibang mga maaaring maging solusyon na siyang maaari naming

maiambag at maitulong sa mga nasasabing mamamayan na siyang lubos na

naaapektuhan at sakop ng isyung ito.


Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

sumusunod:

Mahihirap- Ang pananaliksik na ito ay may malaking maitutulong sa mga mahihirap

dahil sila ang punto ng pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito ang mahihirap ay maaaring

magkaroon ng solusyn upang maging maginhawa ang buhay.

Pamahalaan- Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil sa pag-

aaral na ito nagkaroon sila ng ideya kung bakit marami ang naghihirap. Sa pag-aaral na

ito ag pamahalaan ay maaaring gumawa ng hakbang upang magkaroon ng solusyon.

Ordinaryong Tao- Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga ordinayong tao

dahil sa bawat araw naging marami ang mga magnanakaw. Sa pag-aaral na ito

magiging kampante na ang mga ordinaryong tao sa gusto nilang gawin.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang persepsyon ng mga tao tungkol sa isyu

ng kahirapan. Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunodna

suliranin:

1. Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan.

2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad

o kapaligiran.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas lalong maunawaan ang pananaliksik na ito ay narito ang ibang mga

terminolohiya na binigya ng kahulugan.

Street-dwellers- Ito ang pumapatungkol sa mga taong lansangan. Sila yung mga taong

naninirahan sa ting mga lansangan at doon humahanap ng panggagalingan ng kanilang

pangkabuhayan.

Kahirapan- Ito ang estado kung saan may pagkukulang sa mga pangunahing

pangangailangan ng isang tao. Ito’y kung saan hindi na nila kaya pang panustusan ang

pangangailangan nila bilang indibidwal.

Pamahalaan-Ito ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad

ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay

ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sakop ng isyung kahirapan o yung mga

taong-lansangan. Nakapokus ang pag-aaral naming ito sa mga street dwellers na

matatagpuan sa Sto. Rosario, Cebu City. Kukunin namin at mga ideya at opinyon ng

mga ordinaryong tao kung ano ang saloobin nila tungkol sa mga ganitong isyu at paano

ito nakakaapekto ito sa kanila. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga datos,

impormasyon, mga pananaw at iba’t-ibang saloobin na may kaugnayan sa aming paksa

na isyu ng kahirapan. Malaki ang magiging bahagi ng bawat kalahok dahil sila mismo

ang pagkukuhanan namin ng impormasyon.


Konseptwal na Balangkas

Isyu ng Kahirapan;

Mga Taong Lansangan

Mga Residente ng Sto. Rosario,


Cebu City

Mga Dahilan kung bakit sila Mga praktikal na solusyon


lugmok sa isyung ito. upang ito’y malunasan.
Kabanata II: Metodolohiya at Pamamaraan

Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga panitikan, ideya, at iba pang

kaalaman na may kaugnaya sa paksa. Ito ang magbibigay ng mga pantulong pa na

kaisipan upang mas lalong maintindihan ng mambabasa.

Ayon sa pag-aaral nina Rawlings at Rubio (2005), “The country’s economy

address both future poverty, by fostering

human capital accumulation among the young as a means of breaking the

intergenerational transmission of poverty and current poverty, by providing income

support for consumption.


Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang panaliksik na ito ay gumamit ng deskriptib sarbey upang malaman ang mga

pananaw at opinion ng mga respondante ukol sa mga nabanggit na layunin,

Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang percentage

technique sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang percentage technique upang makita

ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente.

Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong

mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang kung saan:

n=bilang ng sagot

N=bilang ng mga respondante

%= bahagdan

Ang mga talatanungan ay inihanda ng mga mananaliksik at pinasagutan sa mga

respondente. Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang

bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat

tanong sa talatanungan. Masusing pinag-aralan at ginawang pagbubuod at konklusyon

ang mga sagot ng mga respondente. Sa paraang ito ay nakuha ang iba't-ibang mga

pananaw ukol sa mga taong-lansangan at paano ito makakaapekto sa isang

komunidad.
Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Kalahok: Iba't-ibang uri ng mga tao na nasa iba-iba ring antas at edad.

Bilang ng kalahok: 100

Kalahok Sa Pag-Aaral: Kalahok sa pananaliksik na ito ang mga nasa iba't-ibang uri ng

antas ng mga tao. Sapagkat sa pamamagitan nito ay malalaman namin ang kanilang

pananaw ukol sa aming isyung ito; mga Taong-lansangan, at ang mga impormasyong

nakuha ay magkakaiba-iba sa isa't isa sapagkat ito'y nagmula sa magkakaiba-ibang uri

ng sangkatauhan.
Kasangkapan ng Paglikom ng Datos

Talatanungan

Ito ang instrumento na aming ginamit sa aming pananaliksik. Ang

talatanungan ay naglalaman ng mga maaaring maging reaksyon ng mga respondente

ukol sa isyu ng kahirapan na higit na nakapokuus sa mga taong-lansangan.

edukasyon. Ang mga respondente ay nagbigay ng kanilang kooperasyon sa bawat

tanong na aming ibinigay. Sa pamamagitan ng talatanungan, nalalaman ang tunay na

pananaw ng mga respondente. Lalong lalo ng mga guro na isa sa mga maaapektuhan

sa pagpapatupad ng memorandum na ito.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang

instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong masagutan ng mga

respondente ay agad isinagawa ang pagtatally sa bawat sagot ng mga katanungan. At

susunod dito ay ang paggawa ng grap na nakabase sa mga sagot ng mga respondent.
Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Sa kabanatang ito,ipinapakita ang pagsusuri at pagiinterpret ng mga datos na nakuha

batay sa instrumentongginamit sa pag-aaral.ang mga datos ay inilarawan sa

pamamagitan ng grapikal na paglalahad.

Upang matukoy ang iba't-ibang mga aspeto tunglol sa usaping ito ay gumawa ang mga

mananaliksik ng grap. Ang x-axis ay tumutukoy sa iba't-ibang mga ideya at sa y-axis

naman ay tungkol sa bahagdan ng bilang ng mga sumasang-ayon.

100
90
80
70
60
50 Sang-ayon

40 Hindi sang-ayon

30
20
10
0
A B C D E

Kung saan:
a.) Mayroon paraan pa upang masugpuan ang isyu ng taong lansagan.
b.) Sang-ayon o mas pinipili ang pagbibigay ng limos sa mga taong-lansangan
c.) Ang pagbibigay ng limos ay isang paraan ng pagturo sa mga taong ito sa
pagiging tamad.

d.) Nakakaapekto ang mga taong lansangan sa turismo ng isang lugar.

e.) May sarili ka bang paraan upang mabawasa ang mga bilang ng taong ito.
Resulta

100
90
80
70
60
50
40
30
20 Sang-ayon
10
0 Hindi sang-ayon
Mayroon Sang-ayon o Ang Nakakaapekto May sarili ka
paraan pa mas pinipili pagbibigay ng ang mga taong bang paraan
upang ang pagbibigay limos ay isang lansangan sa upang
masugpuan ng limos sa paraan ng turismo ng mabawasa ang
ang isyu ng mga taog- pagturo sa isang lugar. mga bilang ng
taong lansangan mga taong ito taong ito.
lansagan. sa pagiging
tamad.

Sa unang hanay ay makikita na mas malaki ang bahagdan ng mga sumang-ayon


at naniniwalang may paraan pa upang masugpuan ang isyu ng taong lansangan. (92%
ang sumang-ayon, 8%-Hindi)

Sa ikalawang hanay ay maoobserba rin na mas malaki ang bahagdan ng mga


taong mas pinipili na magbigay ng limos sa mga taong lansangan sa tuwing nanghihingi
ito sa kanila. (71%-Sang-ayon, 29%- Hindi)

Sa sumunod na hanay naman ay 22% ang sang-ayon na ang pagbibigay ng


limos ay isang paraan lamang ng pagtuturo sa mga taong ito na maging tamad, at 78%
naman ay hindi.

Sa ikaapat na hanay ay 77% ang sumang-ayon na ang presensiya ng mga taong


lansangan ay nakakaapekto sa turismo ng isang lugar.

Sa huling hanay ay 31% ang naniniwala na bilang indibidwal ay may magagawa


sila upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga taong ito.
Lagom, Konklusyon, at Rekomedasyon

Ang kabanatag ito ay naglalaman ng buod/lagom, resulta,konklusyon, at


rekomendasyon ng pag-aaral tungkol sa “Isyu ng Kahirapan”

Buod/Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Isyu ng Kahirapan” Ang mga mananaliksik


ay gumamit ng mga bahagdan upang malaman at mailarawan ang pangkalahatang
salooin ukol sa naturang usapin.

Sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang sumusunod na tiyak na


talatanungan.

1. Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan.

2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad

o kapaligiran.

Sulirain #1

. Masuri kung ilang porsyento ang may perspektibo na ang isyung ito ay malutasan.

Resulta/Konklusyon: Natukoy sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga mamamayan

ang naniniwala at may perspektibo na masugpuan ang isyung ito.93% ang sumang-

ayon at 7% naman ang hindi.

Rekomendasyon: Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa pamahalaan na pagtuonan

nila ng pansin ang suliranin na ito. Maaari silang maghandog ng mga karampatang

trabaho sa mga taong ito nang sa gayon ay mayroon na silang pangkabuhaya at

maiiwas sila sa mga maling gawain gaya ng pagnanakaw.


Suliranin #2

2. Mabatid kung paano maaaring makaapekto ang mga taong-lansangan sa komunidad

o kapaligiran.

Resulta/Konlusyon:

Nakita sa resulta na mas malaking porsyento rin ang nagsasabi na talagang

nakakaapekto ang mga taong-lansangan na ito sa turismo ng isang lugar. Ang mga

taong-lansangan ay maaaring siyang naging factor upang ang mga turista o kahit yung

ibang mga dayo lang sapagkat may badya ng mga taong lansangan na minsan ay

siyang may kagagawan sa maling gawain gaya ng pagnanakaw.

Rekomendasyon:

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ang ating pamahalaan na siyang

responsible para dito ay siyang maglapat ng solusyon. Maaai silang maghandog sa

mga taong ito ng lugar na malilipatan ng para malinis na rin ang lansangan ng ating

komunidad at maiwasan na rin ang mga maling gawain at mababawasan na rin ang

badyang nakakaapekto sa pagdating ng mga dayo sa isang lugar

You might also like