You are on page 1of 4

Katotohanan

Pag-usapan naman natin ang unang core value ng CAST – ang Katotohanan. Kabilang dito ang
mga sumusunod:
1. Katotohanan sa pagsabi kung ano ang nakikita, nadarama at naririnig. Mahalaga sa
CAST ang pagsasabi ng totoo at pagiging totoo. Bilang isang sining, ang teatro ay
nagpapamalas ng katotohanang nakikita, nadarama at naririnig sa ating kapaligiran.
Hindi dapat ito ginagamit sa pagkakalat ng maling balita o informasyon.
2. Katotohan rin ang pagtindig sa tama. Bilang mga artista dapat lagi tayong nakapanig sa
katotohan. Para malaman natin kung ano talaga ang katotohanan, kailangan maging
mapanuri tayo o critical sa mga nakikita, nadarama at naririnig. Wika nga “The truth
shall set you free.”
3. Katotohanan rin ang pagkakaroon ng pananampalataya sa malikhain presensya ng
Maylalang. Kung ano man ang meron tayo ngayon, ay galing ito sa Pinakadakilang
Maylalang. Kaya’t kailangan gamitin natin sa wasto ang ating mga talento.
4. Katotohanan ang pagiging totoo sa sarili at sa kapwa. Mahalaga ito, dahil kung hindi ka
totoo sa sarili mo, paano ka magiging totoo sa iba? Huwag nating itago o ikahiya kung
ano tayo at sino tayo dahil kung ano ka man at sino ka man, tanggap ka naming sa CAST.
5. Ang Katotohanan ay katapatan sa sarili, sa kapwa at sa organisasyon. Habang tumatagal
ka sa organisasyon dapat lalong tumitibay ang iyong katapatan ‘di lamang sa iyong sarili,
sa iyong kapwa at sa ating Samahan.
6. Katotohanan rin ang pagtitiwala sa isip, sa salita at sa gawa. Lahat ng ginagawa natin sa
CAST ay tungo sa pagiging mabuting tao at lider. Kaya’t dapat nating ibigay ang lubos na
pagtitiwala na hindi tayo dadalhin sa masama ng organisasyon.
7. Katotohanan rin ang kalinisan ng loob at labas ng pagkatao. Dahil tayo ay hinuhubog
upang maging mabuting lider, mahalaga na tayo ay maging mabuting halimbawa sa iba.
Umiwas tayo sa mga bagay na ikasisira ng sarili mo at ng organisasyon. Dahil ang
mabuting asal ng artista ay tinitingala at ginagawang modelo ng kanyang manonood.

At iyan ang Katotohanan para sa CAST.

Kapatiran

Ang ikalawang core value ng CAST ay Kapatiran. Nakapaloob sa Kapatiran ang mga
sumusunod:
1. Kasama sa kapatiran ang pagkilala o pagtanggap sa ating pagkakaiba at pagkakaiba-
iba. (differences & diversities) Dapat kilalanin natin na bawat tao ay may kakanyahan
at kailangan itong irespeto. Kung mayroon man tayong hindi napapagkaisahan,
kailangan pag-usapan ito sa mapayapang paraan.
2. Ang kapatiran ay pakikisama at pakiki-isa tungo sa landas ng mga adhikain ng
organisasyon. Simulat-sapul ay nililinaw na natin ang direksyon na gustong tunguhin
ng ating Samahan. Iisang bangka tayong maglalakbay tungo sa adhikaing
napagkaisahan. Kasama na rin dito ang pagyakap sa anumang layunin na ibig
tahakin ng ating organisasyon.
3. Kasama sa kapatiran ang pagbibigay respeto sa mga tao, sa mga gamit at lugar na
pinakikinabangan at sa mga pinagtibay na kasunduan ng organisasyon. Lagi nating
panatiliin ang respeto sa lahat ng tao. Kahit hindi siya karespe-repeto. Irespeto rin
natin at pangalagaan ang mga bagay na ginagamit natin sa CAST maging pag-aari
man ito ng CAST o hiniram sa iba. Panatiliin natin ang kalinisan ng lugar na
pinakikinabangan upang hindi tayo mapulaan. Higit sa lahat irespeto natin ang
anumang pinagtibay na kasunduan ng ating Samahan.
4. Kasama sa kapatiran ang kababaang-loob sa pamamagitan ng pagtanggap ng
responsibilad na naiatas. Anu mang responsibilidad ang ibinigay sa iyo, tanggapin ito
ng buong puso at may kababaang-loob. Tanggapin natin ito bilang hamon at
pagkakataong matututo at mapagbuti ang ginagawa para sa sarili, sa kapwa at sa
bayan. Para sa isang artista, walang maliit o malaking papel na ginagampanan.
Nakabase ito kung paano mo tinitingnan ang papel na iyon.
5. Ang kapatiran ay nagbubunga ng pagkakapantay-pantay ng bawat isa. Sa CAST,
lahat tayo ay pantay-pantay anumang papel ang iyong ginagampanan. Ang
mahalaga ay ginagawa natin ang lahat ng makakaya at nagpapakita tayo ng
kagalingan sa lahat ng bagay. Hindi dapat nagiging hadlang ang anumang
katungkulan na iyong ginagampanan sa ating organisasyon.
6. Kasama rin sa kapatiran ang pagiging makatao sa bawat desisyon at pakikitungo sa
bawat isa. Sa lahat ng ginagawa natin sa CAST panatiliin ang ating pagpapakatao.
Dahil tayong lahat ay tao, sisikapin nating maging makatao ang ating mga desisyon
at ang pakikitungo natin sa iba.

At iyan ang Kapatiran para sa CAST!

Kahusayan

Ang ikatlong core value ng CAST ay Kahusayan. Nakapaloob sa Kahusayan ang mga
sumusunod:
1. Kahusayan sa pagtuklas ng mga pangangailangan sa anumang aspetong pang-
Organisasyon, pang-Artistiko at pang-Oryentasyon. Ito ang O-A-O framework ng
PETA. Organizational, Artistic at Orientation. Anumang Gawain natin ay may
pang-Organisasyon tunguhin. Kasama rito ang mga pagpaplano at pagsasagawa
ng mga proyekto. Sino ang gagawa at paano natin ito gagawin. Sa pang-
Artistikong tunguhin naman, kasama ang mga malikhaing pamamaraan at
concepto na ating gagawin para maisagawa ng maayos ang isang proyekto o
Gawain. Panghuli at pinakamahalaga any ang pang-oryentasyong tunguhin.
Kasama dito ang ating mga paninindigan at dahilan kung bakit natin isinasagawa
nag mga proyekto at Gawain. Ito ang ubod ng ating mga tunguhin na nagbibigay
direksyon sa atin.
2. Kahusayan sa pag-aaral ng pang-akademiko at aspetong O-A-O. Walang
artistang mahina ang kukote. Kapag artista ka, mahusay ka rin sa mga pang-
akademikong Gawain dahil taglay ng artista ang 21st Century skills. Ito ang 4C’s
na mahalaga upang tayo ay makausad sa kasalukuyang panahon. Ang 4C’s ay
ang Communication skills, Collaboration skills, Critical Thinking skills at Creativity.
Kapag artista ka, inaasahan na mahusay kang magpahayag ng sarili, verbal man o
sa panulat. Kapag artista ka sanay kang makipagtrabaho sa ibat-ibang klase ng
tao. Kapag artista ka, critical o mapanuri kang mag-isip. Hindi mo basta basta
tinatanggap ang lahat ng isinusubo sa iyo. Pinag-iisipan mo itong Mabuti at
hinahanapan ng dahilan. Nagiging mapanuri tayo kung ikaw ay nagbabasa,
nagmamasid at nagsasaliksik ng mga kasagutan sa ating mga katanungan. Ang
pinaka huli at pinakamahalaga ang pagiging malikhain o creative. Ito ang ang
paglutas ng mga problema sa iba at kakaibang paraan. Kapag taglay mo ang mga
kasanayang ito, mas magiging malinaw sa iyo ang pang-organization, pang-
artistiko at pang-orientasyong tunguhin ng ating Samahan.
3. Kahusayan sa Sining at Kultura. Dahil pinili mong sumanib sa isang grupong
pangkultura, dapat marami tayong alam sa sining at kulturang Filipino. Sa
pamamagitan ng mga palihan at trainings na tin sa CAST, mabibigyan tayo ng
maraming pagkakatao at oportunidad na maging bihasa sa Sining at kultura ng
ating bayan.
4. Kahusayan sa kolektibong pamamaraan sa paglikha ng sining. Dahil tayo ang
Collective Arts of Students and Thespians, mahalaga ang pamamaraang kolektibo
o sama-sama sa paglikha. Magagawa natin ang anumang bagay kung tayo ay
sama-sama.
5. Kahusayan sa pagtatanghal ng mga makabuluhang dula hango sa totoong
suliraning kinakailangan tugunan sa lipunan. Ang mga dula ng CAST ay may
saysay sa lipunan at may particular na suliraning panlipunan na tinutukoy at
sinusubukang tugunan. Hindi tayo basta nagpapasaya lang ng mga manonood.
Sinisisiguro rin natin na may mapupulot silang aral, kaisipan o sulusyon sa mga
problemang ating nilalatag.

At iyan ang kahusayan ng CAST!

Paglilingkod
Ang ika-apat at huling core value ng CAST ay ang Paglilingkod. Bahagi na ng buhay ng
isang CAST member ang paglilingkod.
1. Paglilingkod sa pamamagitan ng pagkukusang-loob na umpisahan at tapusin ang
mga Gawain. Kapag artista ka, sinisiguro mong tapos ang gawaing inumpisahan.
Ito ang manifestasyon ng ating katapatan sa sarili, sa kapwa at sa organisasyon.
Wala na yatang mas tapat pa(committed) na tao sa isang artista sa teatro.
2. Paglilingkod sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok sa anumang Gawain.
Sa CAST, hindi ka nag-iisa. Lagi kang may kaagapay sa pagtupad mo ng mga
Gawain. Walang iwanan sa CAST!
3. Paglilingkod sa pamamagitan ng epektibong pamumuno upang makapagpakilos
ng tao. Bawat kasapi ay hinuhulma para maging isang mahusay na lider. Lahat
ay nabibigyan ng pantay-pantay na pagkakataong maipakita ang kanyang
pamumuno sa anumang proyekto at Gawain.
4. Paglilingkod sa pamamagitan ng pasyon sa sining at kultura. Sa pamamagitan ng
mga pag-aaral, palihan at training, nagiging bihasa ang bawat kasapi sa sining at
kulturang Filipino. Sa pakikilahok natin at pakikipag-ugnayan sa ibang samahang
panteatro, nagiging malawak ang ating pag-unawa sa sing at kultura natin.
5. Paglilingkod sa pamamagitan ng bayanihan at kabayanihan. Dahil nga iisang
bangka tayo, nagtutulungan ang bawat kasapi na maabot ang mga pangarap at
mithiin ng bawat isa. Kolektibo pa rin ang pag-unlad para sa makabuluhang
paghulma natin ng ating kinabukasan. Kapansin-pansin din ang pagpapamalas
ng wagas na kabayanihan ng ilang mga lider-artista ng bayan.
6. Paglilingkod na makatao. Sa bawat desisyon at Gawain natin, lagi nating
isinasaalang-alang ang iba.

Iyan ang taus-pusong paglilingkod ng CAST!

You might also like