You are on page 1of 2

13. Ano ang itinuturo nito?

• Itinuturo lamang nito na ang kahalagahan ng tao ay wala sa kung ano man ang
kanyang panlabas na katangian at estado sa buhay o sa isang lipunan, kundi kung
paano niya ginagamit ang kanyang isip, karapatan, at ugali sa isang tiyak na bagay
maging sa kanyang kapwa. Hindi nasusukat ang kahalagahan ng isang tao sa
kung ano man ang meron siya. Lahat ng tao ay may karapatang pahalagahan at
mapabilang sa isang lipunan.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagmamahal at kagandahang asal ang dapat nating gawin at ipakita sa ating
kapwa bilang isang nasyon nang sa ganon ay makabuo tayo ng isang samahan
na puno ng pagkakaisa at pagmamahalan upang maitaguyod ang kapayapaan at
kaayusan maging sa pag-unlad ng bawat isa.
1. Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagmamahal sa diyos, sapagkat ito
lamang ang daan upang mailapit natin ang ating sarili at kalooban sa paginoon na
siyang makapagtuturo sa atin ng pagmamahal sa ating kapwa gaya ng
pagmamahal natin sa diyos. Ang pananampalataya natin sa ating panginoon ay
magbibigay tibay sa pondasyon ng isang nasyon.
3. Ano ang itinuturo nito?
• Sinasabi dito na ang kakayahang mag-isip at mangatwiran ng isang tao na
ipingakaloob ng diyos ay nararapat lamang na gamitin sa tama at kung ano man
ang kinahihiligan mo ngunit sa paraang makatutulong ka sa ikauunlad ng iyong
kapwa sa pangkalahatang aspeto nang sa ganon ay mapunan mo ang iyong rason
at misyon sa buhay na ipinagkaloob sayo ng panginoon.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagkakaroon ng sikap sa pag-aaral at paggamit nito sa kung ano ang tama
upang maitaguyod ang pamilya maging ang makatulong sa iyong kapwa kasama
ng pananampalataya sa panginoon. Ang paggamit ng pinagaralan hindi upang
manlamang ng kapwa at maging mapagmataas sa iba bagkus, maging inspirasyon
at modelo sa paggawa ng kabutihan.
6. Ano ng itinuturo nito?
• Itinuturo dito na pag-ingatan at pagyamanin natin ang kalupaang ipinagkaloob sa
atin ng paginoon sapagkat tayo lamang ang may kakayahang pangalagaan ito at
ang bayang ito ay may iisa lamang na hangarin at iyon ay ang mapunan ang
pangangailangan at misyon ng tao sa mundong ibabaw.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa ating bayan, sapagkat ito ang pondasyon
na makatutulong sa atin upang mamuhay ng may kasaganahan dahil ang
pangangalaga sa kapayapaan ng bayan ang magbibigay sa atin ng kasarinlan at
pangangailangan upang mapunan ang misyon ng bawat isa.
8. Ano ang itinuturo nito?
• Sinasabi dito na ang isang bansa ay nararapat na may kalayaan ang mamamayan
na magsalita at makamit ang kanilang karapatan gayon din ang mamumuno na
hindi lamang galing sa iisang pamilya upang mabigyan ng pagkakataon ang iba
na ipamalas nag kanilang talino, abilidad sa pamumuno, at sipag na itaguyod,
pagyamanin, at paunlarin ang kanyang nasasakupan.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagpili ng nararapat na pinuno na magtataguyod ng bansa at mamamahala
at mangangalaga sa kanyang nasasakupan ng may puso at dangal at hindi
ipinagkakait ang kanilang karapatan at kalayaan na magsalita at ipahayag ang
kanilang mga hinaing sa ilalim ng kanyang pamamamahala.
9. Ano ang itinuturo nito?
• Ipinahahayag dito ang pagmamahal sa iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa
iyong sarili. Huwag mo gagawan ng masama ang iyong kapwa na ayaw mong
gawin din nila sa iyo. Sinasabi din dito ang pag-iingat mo sa iyong sarili gayon din
ang pag-iingat at paggawa ng mabuti sa iyong kapwa.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagmamahal at paggawa ng mabuti sa iyong kapwa, sapagkat ang isang
nasyon ay kailangan ng pangangalaga ng bawat isa at hindi ang paggawa ng
masama sa iba. Nararapat lamang na ituring mo ang iyong kapwa gaya ng
pangangalaga mo sa iyong sarili upang makamit at kapayapaan at pagkakaisa
bilang iisang nasyon.
10. Ano ang itinuturo nito?
• Sinasabi dito ang palaging pagturing sa iba bilang iyong kaibigan o pamilya na
may iisang hangarin, sitwasyon sa buhay, at kasiyahan.
Mula sa katuruang ito, ano ang values na kailangan natin bilang isang nasyon?
• Ang pagkakaroon ng pakikisama, sapagkat ang kailangan natin bilang isang
nasyon ay ang pagpapahalaga ng iba at pagturing sa atin bilang isang kaibigan o
kapamilya at hindi isang kaaway at hindi kauri. Ito ang magpapatibay ng samahan
at relasyon ng bawa isa sa isang nasyon.

You might also like