You are on page 1of 11

PAKIKIPAGKAPWA

• Kasama sa pagkakalikha sa tao ay ang katangian na niloob


sa atin ng Diyos na tayo ay maging panlipunang nilalang
at mamuhay na may kasama (Social Being).
• Ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan
ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay natural
na makikita sa kanyang pagkatao.
• Ang mga tao bukod sa ating sarili gaya ng ating mga
magulang, kamag-aaral, guro, at kapitbahay ay matatawag
natin na kapwa.
• Ang pakikipamuhay kasama ang ibang tao at ang
paglilingkod sa isa’t-isa sa pamamagitan ng diyalogo ay
matatawag nating pakikipagkapwa
• Sa pakikipagkapuwang ito ay kailangang
nilalahukan ng respeto at pagmamahal sa kapwa.
• Makakamit lamang ng tao ang kaniyang
kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at
mabuting pakikipagkapwa.
GOLDEN RULES
• “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”;
• “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa
iyong sarili”
• “Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring
pakitunguhan ka”
• Kailangan din isaalang-alang ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng diyalogo sa pakikipagkapwa.
• Ang kondisyong ito ay naipapakita ng isang tao sa
pamamagitan ng paggamit ng wika na maaring pasalita
o pasulat at di-pasalita gaya ng kilos, gawi, at senyas.
• Sa pakikipagkapwa ay mahalaga na maisaalang-alang ang
birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) na
nakatutulong upang mas mapatatag ito
• Makikita na unang tinutugunan sa ating lipunan lalo na sa
panahon natin ngayon ay kung ano ang nararapat para sa
ating kapwa.
• Sa pamamagitan ng katarungan ay naibibigay ang
nararapat na matanggap ng ating kapwa.
• Ngunit higit pa sa mga bagay na maari nating maibigay
sa ating kapwa ay ang pagbibigay ng malasakit at
pagmamahal sa kanila.
BUKOD SA MGA AKSYON NA ATING GINAGAWA
AY MAY NALILINANG NA MGA ASPEKTO

• Aspektong intelektwal - pakikipagkapwa ay


nakakakuha tayo ng mga kaalaman, kakayahan, paraan
ng pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip nang
mapanuri at maging malikhain na hindi natin
matututunan kung hindi dahil sa ating
pakikipagugnayan sa ating kapwa.
• Askpektong pangkabuhayan - pamamagitan ng pakikipagkapwa
ay natututo tayo ng mga kaalamang makatutugon sa
pangangailangan ng sarili at ng ating kapwa.
• Isang magandang halimbawa nito ay ang ugnayan ng mga
mamimili at ng mga nagtitinda na kung saan ay parehas na
nakikinabang sa bunga ng kanilang pakikipag-ugnayan sa isat-
isa
• Aspektong pampolitikal at panlipunan - natututunan natin ang
kahalagahan ng pagbuo at pagsali sa mga samahan upang mas
maraming tao ang makibahagi at makiisa sa mga gawaing
panlipunan na tutugon sa pagkamit ng mga layuning
pangkabuhayan at panlipunan, pangkultural, panghanapbuhay at
pampolitikal.
ANO ANG MAGANDANG
KATANGIAN NA DAPAT
TAGALAYIN NG ISANG
KAIBIGAN

You might also like