You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Kwarter 1 – Modyul 16
DIGNIDAD

Pangalan:_____________________________________Grade 10 -_____________Date: _______

PANIMULA
Sa nakaraang talakayan napatunayan mo na ang dignidad ng tao ay
nakabatay sa kaniyang pagiging bukod-tangi at sa pagkakawangis niya sa Diyos.
Naunawaan mo rin na maaaring tayo ay magkakaiba subalit pantaypantay sa
paningin ng Diyos sa pamamagitan ng ating dignidad. Natutunan mo rin na kaakibat
ng paggalang sa iyong dignidad ay mayroon ka ring karampatang tungkulin na
igalang ang dignidad ng iyong kapwa.
Subalit sa kabilang banda, maraming mga tao, lalo na ang mga nasa
laylayan ng lipunan ang mababa ang tingin sa kanilang sarili at tila baga
nawawalan na ng pagpapahalaga at paggalang sa kanilang sariling dignidad.

Halina’t muli nating tuklasin kung ano ang nakalaan sa atin sa araw na
ito. Handa ka na ba? Tara na!

I. LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahan ang kabataang tulad mo na:

4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang


itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kaniyang
taglay na dignidad bilang tao

II. PAGPAPALALIM

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


isang tao?
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang
bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari.
Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan.
May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na
saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na maaari nilang
makuha mula rito. Halimbawa, maraming kompanya na binabale-wala na
lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang mga empleyado sa
dahilang hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay bata pa at
malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa
pagtanda. At lalo’t higit, hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang
itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala man
siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na
kondisyon, nararapat na igalang ang kaniyang dignidad bilang tao.

Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay


ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong
isinasaalangalang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong
kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang
pasubali o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na
mabawasan ang paggalang ng anak sa kaniyang mga magulang kapag ang
mga ito ay tumanda na at naging mahina.

Mahalagang iyong isaisip at isapuso na tao ang pinakabukod-tangi sa


lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob.
Nakatatanggap tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga
mula sa Kaniya. Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito, kung kaya
nakararamdam tayo ng kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat
ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo
ay napagkakaitan.
Ang lahat ng materyal na bagay ay makalupa lamang, hindi natin dapat
na inuubos ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang hindi
matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian.
Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anumang “mayroon” ang isang tao
kung hindi ano siya bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw
ukol sa bagay na ito, hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas
na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan. Kailangan mo
ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang mapanatili
ang dignidad. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na tayo ay ANAK ng
DIYOS.
Gawain 1: Gumawa ng mosaic ng mga larawan ng tao na nagpapakita
ng dignidad. Gawin ito sa long size bond paper.
Gawain 2: Sagutan ang tanong sa loob ng balumbon. (Dito na
magsagot sa modyul)
Ano ang pinagbabatayan ng dignidad ng tao?
Patunayan.
Sagot:

You might also like