You are on page 1of 20

KAPUWA

• taong labas sa iyong sarili, maaaring


iyong magulang, kamaganak, kaibigan,
kaklase, at pati na rin kaaway (Agapay,
1991).
• Ang pagtukoy at pagkilala sa mga tao na
itinuturing mong kapwa ang simula ng
paglinang sa intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal na aspekto
ng iyong pagkatao
Ayon sa diksyunaryong Pilipino-Ingles >
Kapuwa:
> both >fellowbeing
>others

Ang others ay kabaligtaran ng self o sarili


at nagpapahiwatig ng pagkilala sa sarili bilang
isang hiwalay na identidad. Sa sikolohiya ng
kapuwa, ako at iba-sa-akin ay iisa.
•ang PAKIKIPAGKAPUWA sa
bukal na pagbabahagi ng sarili
sa iba. Sa pakikipagkapwa hindi
batayan ang pagiging mahirap o
mayaman, ordinaryo man o
kakilalang tao sa lipunan.
Bagkus mahalagang maipakita
at maipadama ang pakikiisa at
pagkakaisa bilang kapuwa.
•Ang tao ay likas na
panlipunang nilalang, kaya't
nakikipag-ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang
malinang siya sa aspetong
intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.
•Ang birtud ng katarungan
(justice) at pagmamahal
(charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
•Ang pagiging ganap niyang tao
ay matatamo sa paglilingkod sa
kapwa -- ang tunay na
indikasyon ng pagmamahal.
Aspektong Intelektwal

•(Karagdagang kaalaman,
kakayahan, pagpapaunlad
ng kakayahang mag-isip
nang mapanuri at
malikhain, at mangatwiran)
Aspektong Pangkabuhayan

•(Kaalaman at
kakayahang matugunan
ang mga
pangangailangan ng
sarili at ng kapwa)
Aspektong Politikal
•(Kaalaman at kakayahang
makibahagi sa pagbuo at
pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan)
ASPEKTONG PANLIPUNAN

•kakayahan ng tao na makipag-


ugnayan sa kaniyang kapwa ay
likas sa kaniyang pagkatao o
social nature of human beings
(Pontifical Council for Justice
and Peace, 2004).
Ang makabuluhang pakikipagkapuwa

•Nararapat na may lakip na


paggalang at pagmamahal ang
pakikipagugnayan natin sa ating
kapwa (Agapay, 1991)
•pagtugon sa pangangailangan ng
iba nang may paggalang at
pagmamahal.
Ang Tao Bilang Panlipunang
Nilalang
• Nilikha ang tao ayon sa larawan at
wangis ng Diyos; binigyan siya ng
kapamahalaan sa ibang nilalang; at
binigyan siya ng taong makakasama at
makakatulong.
• Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay
nang may kasama at maging panlipunang
nilalang o social being at hindi ang
mamuhay nang nag-iisa o solitary being
•Ang pagmamalasakit sa
ikabubuti ng sarili at ng
kapwa ang nagiging
dahilan ng pagkakaisa
upang makamit ang
kabutihang panlahat
Pangangailangang intelektuwal
• a) Magbasa ng mga aklat, magazine, newspaper at iba
pang printed materials
• b) Mag-browse sa internet tungkol sa mga salita o
mga bagay na gusto mong maintindihan
• c) Manood ng mga educational videos na nagtuturo ng
mga bagay-bagay o kakayahang nais mong matutunan
• d) Manood ng mga balita at anumang mga
makabuluhang programa sa telebisyon
• e) Magtanong sa mga kapamilya, guro, kaibigan o
kakilala na may maraming kaalaman sa bagay-bagay
f) Regular na dumalo sa klase at makinig nang mabuti
sa guro upang tumaas at lumawak pa ang kaalaman
Pangangailangang Panlipunan
• Walang taong kayang mabuhay na hindi tumatanggap ng
tulong sa kapuwa.
• ang bahay kung saan ka nakatira ay gawa ng ibang tao.
• Bagamat pera ng iyong magulang ang ipinambili ng
inyong bigas, ito ay mula sa pinaghirapang ani ng mga
magsasaka.
• Kung saang antas ka man ng edukasyon ngayon iyan ay
bunga ng pagtuturo sa iyo ng mga guro na itinuturing
mong kapuwa.
• Ang aklat na iyong binabasa ay isinulat ng kapuwa tao,
kaya patunay lamang ito na magkatuwang ang bawat
isa sa pagtugon ng mga pangangailangan.
•Nagmumula rin sa lipunan ang
ating mga kapamilya, kaibigan at
mga mahal sa buhay na
nagbibigay ng pagmamahal, pag-
aaruga at pagmamalasakit.
• Sila rin ang mga tao na
dumadamay sa tuwing tayo ay
may problema, at ang nagbibigay
gabay sa bawat hakbang tungo
sa ating mithiin sa buhay.
Pangangailangang Pangkabuhayan
• pagkakaroon ng maayos na kabuhayan. Dito
kinukuha ng ating mga magulang ang perang
pantustos sa pang-araw-araw na
pangangailangan tulad ng pagkain, maayos na
tirahan, damit at iba pa.
• May ilang mga magulang na empleyado o
namamasukan sa pamahalaan o pribadong
sektor. Sila ay nakatatanggap ng buwanang
suweldo
• namumuhunan o nagnenegosyo at ito ang
nagsisilbing pinagkukunan nila ng kanilang
kabuhayan
• Sa paaralan ay itinuturo din sa mga
mag-aaral na matuto ng mga skills
tulad ng Bread and Pastry
Production, Shielded Metal Arc
Welding, Cookery, Electrical
Installation and Maintenance,
Computer Systems Servicing at iba
pa na maaaring pagmulan ng sariling
pangkabuhayan.
•angpagtitipid sa paggamit
ng mga bagay sa loob ng
tahanan ay malaking tulong na
upang makatipid sa buwanang
gastos ang iyong mga magulang.
Pangangailangang Politikal
• Bilang isang mamamayan, tungkulin
mong tugunan ang iyong mga
pangangailang politikal sa pamamagitan
ng pagtugon sa anumang panawagan ng
iyong lokal na pamahalaan.
• Maaring ito ay bayanihan sa inyong
paaralan, barangay, munisipyo o
probinsya o di kaya ay mga oportunidad
na trabaho, negosyo o scholarship
• Sa simpleng pagpasok mo sa paaralan
hanggang sa pagsunod sa mga
panuntunan ng paaralan at ng iyong
guro, naipapakita mo ang pagtugon sa
iyong pangangailangang politikal.
• Sa pagsunod sa batas ay nagpapakita
na ikaw ay may pakialam sa iyong
sarili at sa mga tao sa iyong paligid.
Ang pagiging masunurin sa batas ay
nagdudulot ng matiwasay at masayang
buhay sa pamayanan.

You might also like