You are on page 1of 3

PAGNINILAY SA ESP TUGSAYAWIT

Group 1 (Hydrogen)

DOKUMENTARYO:
PAGNINILAY SA ESP TUGSAYAWIT
Group 1 (Hydrogen)

PAGNINILAY

1. Ano-ano ang mga natutunan sa isinagawang pagganap? Ipaliwanag ang inyong sagot sa
pamamagitan ng isang paragraph na may lima hanggang sampung pangungusap.

Mula sa aming naisagawang aktibidad, Tugsayawit, napagtantuan namin na mahalaga ang


pagkakaisa at bukas na komunikasyon sa mga samahan sapagkat nagiging madali o tuloy-tuloy
ang daloy ng mga gawain gaya ng paghahanda o pagpaplano. Halimbawa na lang nito ay ang
paghahanap namin ng lugar na pwedeng pagplanuhan at paghandaan ang mga gagawin sa
naging aktibidad, dahil sa pagiging bukas at pagtutulungan ng bawat indibidwal sa aming
samahan ay nakahanap kami ng lugar at nakapag practice rin kami. Sa madaling salita,
natutunan namin na mahalaga ang pagkakaisa at bukas na komunikasyon sa isang pangkat
sapagkat ito ang susi sa pagsasakatuparan ng layunin o mga layunin ng isang samahan.

2. Magbigay ng limang sitwasyon na kung saan nailapat ang mga karapatan at tungkulin
bilang mga kabataan.

● Tungkulin mag-aral nang Mabuti at karapatan mag-aral: Ito ay aming nailapat sa


pamamagitan nang paglaan namin ng aming oras upang paghandaan ang Tugsayawit.

● Tungkulin i-respeto ang mga nakatatanda at karapatang ituring may dignidad ang isang
tao: ito ay aming nailapat sa pamamagitan ng pagmano at pag po at opo sa mga
nakatatanda nung kami ay nagpractice sa isang pook, kung saan sila ay nagbabantay
sa amin noon.

● Tungkulin maging masunurin sa mga nakatatanda: ito ay aming nailapat sa


pamamagitan ng pagsunod sa aming nakatatanda noong kami ay nagpractice,
PAGNINILAY SA ESP TUGSAYAWIT
Group 1 (Hydrogen)
halimbawa nito ay ang pagsunod namin sa kanila noong sinabi nila na hanggang
ganung oras lamang kami puwedeng magpractice.

● Tungkuling gumawa ng tamang desisyon:


Ito’y aming nailapat sa pamamaraan ng pagdedesisiyon sa mga gawaing nagbigay
ganda at buhay sa aming tugsayawit na nag resulta sa isang kamangha-manghang
talento.

● Tungkuling makipagtulungan sa bawat isa:


Dahil sa pakikipagtulungan namin sa bawat isa ay nakatulong itong magbigay ng
direksiyon sa paggawa ng aming Tugsayawit ng tama at hindi magulo. Malaki ang
naging tulong ng kooperasiyon sa pagkamit ng kagandahan ng aming gawa.

3. Bilang mga kabataang Pilipino, paano ninyo mapananatili ang magagandang kaugalian at
pagpapahalaga ng ating bansa? Ipaliwanag

Bilang isang kabataang Pilipino. Mapapanatili namin ang magagandang kaugalian kung ito’y
aming pahahalagahan at isasabuhay sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. At kung
pahahalagahan namin ang magandang kaugalian ay amin ding pangangalagaan ang aming
sariling bansa. Bilang isang kabataan ay mahalaga sa amin na matutuhan ng maaga kung
paano igalang at magbigay halaga sa sarili naming bayan at mapapahalagahan namin ito kung
irerespeto at pag-aaralan natin ito. Kailangan din nating tumangkilik ng sariling atin at
ipagpatuloy ang kultura nito kagaya nga ng kulturang magagandang kaugalian ng Pilipino.
Ipagmalaki at tangkilikin ang magagandang impluwensiya ng ating bansa upang ito’y lumago pa
sa hinaharap.

You might also like