You are on page 1of 2

Sa paglipas ng taon, nagbago ang aking mundo mula sa isang simpleng pangarap tungkol sa pagtulong sa

mga may sakit patungo sa isang makulay at masalimuot na paglalakbay bilang maging isang nurse. Ang
aking pagpili na maging nurse ay nagmula sa masalimuot na karanasan ng aking lola na nangangailangan
ng agarang tulong sa kalusugan ngunit nagtagal bago ito natugunan. Ang pangyayaring ito ang nagbigay
daan sa aking pangarap na maging instrumento ng tulong at kalinga sa mga nangangailangan.

Ang aking pamilya ay naging inspirasyon din sa aking pagpili. Ang aking tito, isang nurse sa Australia, ay
nagsilbing halimbawa ng tagumpay at katiyakan sa trabaho. Nakita ko kung paano siya umunlad sa
kanyang propesyon, nabibili ang mga naisin, at makakapaglakbay sa iba't ibang bansa. Ito ang nagsilbing
inspirasyon sa akin na magkaruon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng propesyong ito.

Isa pang dahilan ay ang aking personal na paghanga sa mga doktor at nurse na nag-aalaga sa akin noong
ako'y bata pa. Sa bawat pagbisita ko sa kanila, nadadama ko ang bilis ng kanilang pagkilos at ang
kahalagahan ng kanilang serbisyong pangkalusugan. Dahil dito, napagtanto ko na nais kong maging
bahagi ng ganitong propesyon at maging sandigan ng mga tao sa oras ng pangangailangan.

Noong bata ako naging mas malalim ang aking interes sa larangan ng kalusugan. Sa tuwing naglalaro
kami kasama ang mga kababatang kalaro ko, nagiging laro ko ang maging doktor o nurse, nagtatangkang
gamitin ang stethoscope at termameter sa mga kalaro ko. Ang paglalaro na ito ay naging inspirasyon ko
upang magtagumpay at maging totoong nurse balang araw.

Pagkatapos ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili na susubok ako at magtagumpay sa pagsusulit
bilang isang nurse. Nagsilbing daan ito upang magkaruon ako ng sapat na kasanayan at karanasan sa
larangan ng pangangalaga sa kalusugan sa Pilipinas bago nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa.
Ang aking pangarap na makatulong at magkaruon ng mas mataas na antas ng kabuhayan ay natupad.

Sa pagtatrabaho ko sa ibang bansa, makamit ko ang aking pangarap na magtagumpay at maging


maunlad. Naging instrumento ako ng pag-asa sa mga nangangailangan. Ang aking trabaho ay hindi
lamang nagsilbing propesyon kundi naging daan din ito para maiahon ko ang aking pamilya mula sa
kahirapan.

Sa paglipas din ng sampung taon, magkaruon ako ng kakayahan na maiahon ang aking pamilya mula sa
kahirapan. Naging inspirasyon ako sa aking sarili upang maging mas matatag at mas handa sa hamon ng
buhay. Naging maunlad ang aking buhay, nagkaruon ako ng sapat na yaman para makabili ng sariling
bahay at sasakyan. Naabot ko ang mga pangarap na dati'y tila malayo.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko iniwan ang aking pangarap na makatulong sa iba. Kaya't sa
paglipas ng sampung taon, hindi lang ako nagtagumpay sa propesyon kundi maging instrumento rin ako
ng pagbabago sa buhay ng iba. Sa pagtulong ko sa komunidad, maging mas makabuluhan ang aking
buhay at nagkaruon ito ng mas malalim na kahulugan.

Paglipas ng sampung taon, makikita ko din ang aking sarili na patuloy na nagtatagumpay sa larangan ng
kalusugan. Ipagpapatuloy ko ang aking misyon na maging katuwang ng mga nangangailangan. Subalit,
hindi ko kakalimutan na bigyan ng prayoridad ang sarili ko at ang aking pamilya. Sa pagiging masaya at
mapayapa, higit kong magagampanan ang aking papel bilang tagapagtaguyod ng kalusugan at
kaginhawaan sa aking komunidad.

Inaasahan kong maging inspirasyon din sa iba, tulad ng aking tito at iba pang mga propesyonal sa
larangan ng kalusugan. Nais kong magkaruon ng pag-asa ang mga kabataan na, sa kabila ng anumang
pagsubok, maaaring magtagumpay sa propesyong ito. Ang aking kwento ay magiging patunay na ang
pangarap at determinasyon ay maaaring maging daan tungo sa tagumpay at pag-unlad.

Sa bawat hakbang na aking tinatahak, ang aking layunin ay mapanatili ang pagnanais na maging
instrumento ng pag-asa at pagbabago sa mundong ito. Sa pamamagitan ng pagiging nurse, nakamtan ko
hindi lamang ang tagumpay sa larangan ng kalusugan kundi pati na rin ang kasiyahan at kaganapan ng
aking personal na buhay.

You might also like