You are on page 1of 2

BOMBALES, Hany Claire P.

Grade 12-STEM 3

“Lakas ng Loob ang Nagdala Sakin Kung Nasaan ako Ngayon”

Isang malaking pagkakataon, ang tumayo sa inyong harapan ngayon


matapos ang labing-limang taon nakalipas. Ako nga pala si Hany Claire Pacete
Bombales, isang dating mag aaral ng UPHSD. Aking naalala noong ako’y isang
estudyante pa lamang, ang masasayang araw ng pagiging estudyante kasama
ang mga kinagigiliwang guro at kaibigan, sa kabila nito ay ang hamon na maging
isang mabuting estudyante at matutunan ang lahat ng bagay na magiging
sandata ko sa pagtatapos ng aking kurso.

Ang pinili ko na kurso ay medisina dahil gusto ko makatulong sa may mga


sakit. Mayroong ako isang prinsipiyo sa buhay na hanggang ngayon ay
sinusunod at tinutupad ko. Dahil lahat ay may karapatang magkaroon ng
pangalawang pagkakataon sa buhay lalo na ang mga taong mayroong
malubhang sakit at wala ng pagasa sa buhay. Dito nabuo ang aking prinsipiyo na
maging determinado sa buhay.

Nabasa ko sa isang artikulo noong isang araw, ayon kay Edwards, “[Have]
persistence in action, determination toward the outcome, and resilience to
overcome.” Sinasabi dito na dapat magpursige sa pag kilos, dapat determinado
sa kalabasan at magkaroon ng lakas upang mapatagumpayan ang hinaharap.
Ang pagkakaroon ng katangian ng determinasyon sa buhay ay magiging isang
gabay din para sa ating lahat. Naalala ko ang mga araw na kasama ko ang mga
kaklase ko gumagawa ng proyekto gaya ng isang maikling pelikula, mga
proyekto ng sining at marami pa. Sa pagtataya, kahit madaming pagkakaiba
namin ng pananaw o minsan ideya sa isang bagay batay sa amin na kaalaman at
kasanayan. Nakayanan pa rin namin makamit ang mga importanteng gawain
magkasama at nagtagumpay.

Ilang taon lumipas at dumating ang araw ng aking tagumpay, nakapagtapos


ako ng kursong medisina at naipasa ang medical board examination. Naging
isang resident doctor ako sa isang malaking ospital. At sa kalaunan, naging
dalubhasang doctor at nakapag patayo ng sariling klinika. Ako ay masaya dahil
nakakatulong na ako sa may sakit. Utang na loob ko po ito sa paaralang ito kung
saan nagsimula ang aking munting pangarap.

Nais kong ibahagi sa inyong lahat na ang edukasyon ay isang sandata upang
maging malaya sa karalitaan at makamit ang inaasam na tagumpay. Darating din
ang iyong tagumpay, gamit ang mga kasanayan na nakamit sa pamamagitan ng
edukasyon. Laging tandaan na kailangan maging determinado para makamit ang
inyong mga layunin sa buhay.
Muli, salamat sainyong lahat, salamat sa UPHSD sa imbitasyon para mag
salita sainyong lahat at sa lahat ng magulang at kasama ng ating mga estudyante
ngayon, congratulations! Nag bunga na ang inyong paghihirap.

You might also like