You are on page 1of 12

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

Unang Markahan

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikalawang Linggo

Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
katatagan ng loob,mapanuring pag- iisip, pagkamatiyaga, pagkamapagtiis,
pagkabukas- isip, pagkamahinahon, at pagmamahal sa katotohanan na
magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng
pamilya

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang pamamaraan /
pamatayan sa pagtuklas ng katotohanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito
Esp4PKP-1a-b-23

II. NILALAMAN
ARALIN 2: Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!
Batayang Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga (Perseverance)

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
Mga pahina 7-10

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral


Mga pahina 11-19

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource


MIMOSA 4 Pagbibigay ng Tamang Impormasyon , Magandang Asal 3,
2000.mga pahina 76-84, UIirang Mag-aaral: Makadiyos,Makabayani
3,1997,mga pahina 64-67, Pilipino sa Ugali at Asal 4(Patnubay ng Guro)
1999.mga pahina 79-83, Pilipino sa Ugali at Asal 1(Patnubay ng Guro)
mga pahina 60-64.

5. Iba pang Kagamitang Panturo


Papel, kuwaderno, metacards, powerpoint presentation (ICT)

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Kapag may tiyaga ay may nilaga”?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Anong kasabihan ang nauugnay sa pagiging matiyaga?
(Kapag may tiyaga may nilaga)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ipakita ang isang talumpati gamit ang power point presentation sa
mga bata.

Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya


“Ako ay nagmula sa isang dukhang pamilya. Ang aking ama
ay isang karpintero at ang aking ina ay tumatanggap ng labada
upang matulungan ang aking ama sa mga pangangailangan
naming walong magkakapatid,” panimulang paglalahad ni Dr. Noel
Garcia sa harap ng mga mag-aaral ng Paaralang Legarda sa
Sampaloc, Maynila.
Si Dr. Garcia ay naanyayahan ng mga guro sa naturang
paaralan upang magbigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng
kaniyang mga karanasan, sa mga mag-aaral na may nakamit na
karangalan sa Araw ng Pagkilala. Tuwang-tuwa si Dr. Garcia
sapagkat muli niyang masisilayan ang paaralang pinagtapusan at
maibahagi niya sa mga natatanging mag-aaral ang kaniyang mga
naging karanasan upang maabot ang tagumpay na kaniyang
tinatamasa ngayon. Pagkakataon na rin niyang muling makita ang
kaniyang mga guro sa elementarya.
“Natatandaan ko pa noon,” ang pagpapatuloy ni Dr. Garcia,
“sabik na sabik ako sa bawat araw na ako ay papasok sa paaralan.
Dahil kami nga ay mahirap, madalas na wala akong baong pera,
bagkus ay ipinagbabalot ako ni Nanay ng kaunting kanin at kung
anuman ang natirang ulam namin. Alam ko na tinitingnan ako ng
mga kamag-aaral ko sa tuwing bubuksan ko ang aking baon ngunit
hindi ko na lamng sila pinapansin. Ang mahalaga ay hindi ako
nakakaramdam ng gutom habang nagkaklase.”
“Ang gamit kong kuwaderno ay pinagsama-samang pahina
ng ginamit ko nang nakaraang taon. Matiyaga kong pinagsama-
sama ang mga pahinang wala pang sukat, tinahi at nilagyan ng
takip upang hindi mapansin ng aking mga kamag-aral na ito ay
luma.”
“Kupasin ngunit malinis ang ginamit kong uniporme at
sapatos na matiyaga kong inihahanda sa araw-araw.”
“Ang gamit naming ilawan ay isang agsera na isinasabit ni
Tatay sa haligi n gaming maliit na bahay. Pinagtitiyagaan kong
gawin ang aking mga takdang-aralin at proyekto sa liwanag nito,”
ang nakaaantig-damdaming kuwento ni Dr. Garcia.
“Malayo- layo rin ang paaralan mula sa aming tahanan. Ang
mga kamag-aral ko na nakatira sa malapit sa amin ay sumasakay
papunta sa paaralan. Nagtitiyaga akong maglakad papunta at
pauwi mula sa paaralan sapagkat wala akong pamasahe,”
pagpapatuloy ni Dr. Garcia.
“Sa kabila n gaming kahirapan, sinikap kong hindi lumiban
sa klase. Pinagbuti ko ang pag-aaral sapagkat alam kong ito
lamang ang paraan para makamit ko ang aking inaasam na
tagumpay.”
“Nang dumating ang araw ng pagtatapos, laking ligaya ko at
ng aking mga magulang sapagkat ako ang nanguna sa pangkat ng
mga magsisipagtapois.” May himig pagmamalaking dagdag ni Dr.
Garcia.
“Naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya at
kolehiyo sa tulong ng mga nagbigay sa akin ng scholarship. Bukod
doon, nagtiyaga rin akong magtrabaho sa isang maliit na kainan
bilang tagapagsilbi pagkatapos ng aking klase upang may
pandagdag sa araw-araw na gastusin. Madalas na ilang oras
lamang ang aking tulog dahil sa pag-aaral ng mga leksiyon, lalo na
kapag may mga pagsusulit, dahilan upang makakuha ako ng
matataas na marka,” ang sabi pa ni Dr. Garcia.
“Ngayon, ako ay isa nang manggagamot na naglilingkod sa
mga mamamayan. Nagbunga ang ginawa kong pagtitiyaga sa
aking pag-aaral. Sana, ang aking karanasan ay magsilbing
inspirasyon s ainyong lahat. Pakatandaan ninyo na napakahalaga
na makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang makatutulong sa inyo
upang magtagumpay. Pagsumikapan ninyo at pagtiyagaan kung
anuman ang mayroon kayo ngayon. Gamitin ito para sa
magandang bukas,” ang panghuling pananalita ni Dr. Garcia.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
Talakayin ang mga tanong sa mga pahina 13-14 ng LM.
Sagutin at gawin ang sumusunod:
1. Ano ang tampok na pag-uugaling ipinakita ni Dr. Garcia habang
siya ay nag-aaral?
2. Basahin mo ang bahaging magpapatunay na siya ay matiisin,
matiyaga, at matatag ang loob.
3. May maganda bang ibinunga ang pagiging matiyaga ni Dr.
Garcia? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, nakapagtapos kaya ng pag-aaral si Dr.
Garcia kung hindi siya naging matiyaga? Patunayan.
5. Ikahihiya mo ba na ikaw ay mahirap at mawawalan ka pa ba ng
pag-asa na umunlad sa iyong paglaki? Pangtwiranan.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungosa Formative Assessment)

Ano-anong magagandang katangian ang makatutulong sa tao


upang gumanda ang buhay?
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Lakip Blg. 1
(binagong gawain)
Magtala ng mga pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng
pagiging matiyaga bilang isang mag-aaral at sa tapat nito ay iguhit
ang  kung ito ay nakatulong sa iyo upang maging matatag.
Isulat ang sagot sa papel.

Pangyayari sa iyong buhay na


nagpapakita ng pagiging
Iguhit ang  kung nakatulong
matiyaga sa iyo upang maging matatag at
umunlad.

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang maaring maging bunga ng pagiging matiyaga ng isang tao?

I.Pagtataya ng Aralin

Isulat sa notebook ang isang mahalagang katangian upang magtagumpay sa


buhay
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

Bakit kailangan nating maging matiyaga ?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin ng aralin.


Ang layunin natin sa araling ito ay maisadula ang isang sitwasyon na
nagpapakita ng pagiging matiyaga.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Ipagawa ang Isagawa Natin sa Gawain Blg. 2 mga pahina 14-15 ng LM.
Gawain 2
1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng magiging lider sa bawat pangkat.
2. Ang lider ay bubunot sa kahon ng metacard na may nakasulat na
tema tulad ng:

 Pagiging matiyaga
 Pagiging matatag ang loob
 Pagtanggap sa katotohan
3. Gumawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng nabunot na
tema. Gamiting batayan ang pangyayari sa buhay ni Dr. Garcia .
Isadula ito sa harap ng klase.
4. Pagkatapos ng pagsasadula, maaaring magbigay ng komento ang
ibang pangkat.

F. Paglinang sa Kabihasaan
Sa iyong palagay makakatulong ba ang pagiging matiyaga upang
gumanda ang buhay?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ipagawa ang Isagawa Natin sa Gawain Blg.1,pahina 14 ng LM.

1. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matiyaga kasama ang


katatagan ng loob sa oras ng pangangailangan o crisis?
2. Sa isang malinis na papel, magtala ng mga pangyayari sa iyong buhay
na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matiyaga bilang isang
mag-aaral.

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

H. Paglalahat ng Aralin
Bakit kailangang maging matatag ang loob ng isang tao?
I. Pagtataya ng Aralin
Pasalita: Upang gumanda ang buhay ano ang nararapat gawin?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang inyong natutuhan sa ating aralin kahapon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ano ang nais mong malaman sa araling ngayon?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


F. Paglinang sa Kabihasaan

Talakayin ang Tandaan Natin gamit ang Powerpoint presentation.


Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang
napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo. Ang
katangiang ito ay malilinang kung palagi mo itong isasagawa. Maraming
matagumpay na tao tulad n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal,
na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan sa kaniyang pagkatao ay
naging matatag sa paraan ng pagsusulat ng mga libro at inihayag ang
kalabisang ginawa ng mga dayuhan sa mga Pilipino. Sa kaniyang
pagkakakulong sa Dapitan ay naging matatag siya at hindi sumuko sa laban
para makamit ang inaasam na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro,
mga doktor, at iba pang propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral
dahil sa kanilang pagiging matiyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin. Ang
iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang. Kahit na
totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral, tinanggap nila ito
nang taos sa puso at hindi ito nagging jhadlang para sila ay magsikap. Gamit
ang kanilang katatagan ng loob at tiyaga nagging maganda ang kanilanag
buhay.
Ang pagiging matiyaga at matatag ang loob ay maaaring magawa ng
isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang matiyaga ay
nakagagawa ng kaniyang mga takdang Gawain at iba pangproyekto upang
makakuha ng mataas na marka. Natatapos niya nang mahusay at madali ang
mga gawaing nakaatang sa kaniya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging
matiyaga at may tatag ng loob.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ipagawa ang Isapuso Natin mga pahina 15-16 o ang Lakip Blg. 2
Nasa ibaba ang amg simbolo na nagpapahiwatig ng pagiging masipag,
matatag ang loob, at matiyaga. Pumili ng isa na ilalagay mo sa pinakamataas
na antas ng bilang na nasa ibabang larawan. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Masipag
Matatag ang loob

Matiyaga

1 2 3
Bumuo ng maikling talata tungkol sa simbolong iyong napili at ipaliwanag
kung bakit mo ito inilagay sa una, pangalawa, at pangatlong baitang.

H. Paglalahat ng Aralin
Abstraksyon:

Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang


napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo.
Ang katangiang ito ay malilinang kung palagi mo itong isasagawa. Ang
pagiging matiyaga at matatag na loob ay maaaring magawa ng isang
batang katulad mo upang maganda ang inyong buhay.

I. Pagtataya ng Aralin
Punan ng angkop na salita ang pangungusap

Ang pagiging ______kasama ng tatag ng loob ay isang napakagandang


ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo..

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

IKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

Ibahagi sa kamag-aaral ang mga pagkakataon na naipakita ninyo ang


pagiging matiyaga at ano ang naging bunga nito
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paglalahad ng guro ng aralin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Ipagawa ang Isabuhay Natin mga pahina 17-18 ng LM.


Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasa mong nagpapatunay na
ikaw ay nagging matiyaga? Ano naman ang nagging bunga nito sa iyo?
A. Gamit ang template sa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong
mga karanasan na nagpapakita ng pagiging matiyaga at sa katapat ay
ang mga bunga nito.
Karanasan sa Pagiging Matiyaga Bunga

B. Gumawa ng pangako ng pagiging matiyaga bilang mag-aaral at bilanfg


mabuting kasapi ng pamilya.
C. Sumulat ng isang Gawain sa bahay na maaari mong maisagawa nang
higit na mahusay kung ikaw ay magbibigay ng sapat na oras at
magpapamalas ng pagtitiyaga.
Halimbawa: pagliligpit ng mga kalat at pag-aayos ng mga gamit sa
bahay.

H. Paglalahat ng Aralin
Paano ninyo mararating o makakamit ang inyong mga pangarap ?

I. Pagtataya ng Aralin
Ano ang maaaring makamit ng isang indibidwal kung may ibayong
pagpupursigi at tamang adhikain sa buhay?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


IKALIMANG ARAW
SUBUKIN NATIN

A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

Ano ang dulot sa isang tao kapag siya ay matiyaga?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paglalahad ng guro ng gawain sa araw na ito.


Ngayong araw ay tatayahin natin ang inyong sarili kung kayo nga ba ay
may katangin ng pagiging matiyaga.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

F. Paglinang sa Kabihasaan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin
Balikan ang mga konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.

I. Pagtataya ng Aralin

Pasagutan sa mga mag-aaral ang Subukin Natin mga pahina 17-18.


Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung nagpapakita ito ng pagtitiyaga at
ekis ( x ) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
____________1. Hinintay nina Joven at Erika si Renante sa Plasa Mabini
kahit na lampas na sa takdang-oras ng kanilang usapan.
____________2. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-aralin
kahit na ito ay may kahabaan.
____________3. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit
sapagkat ayaw niyang manahi.
_____________4. Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa
kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong hindi nakatatapos sa
Gawain.
_____________5. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong
bigas dahil alam niyang mahalaga ito at wala silang sapat na salapi para
ipambili ng sobra.
_____________6. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Evan
dahil angugutom na siya.
_____________7. Tumutulong si Jomer sa kanyang kuya na mag-ipon ng
tubig tuwing hapon sapagkat iyon lamang ang oras na may tubig ang
kanilang gripo.
_____________8. Inihiwalay ni Maricar ang pahina ng kanyang
kuwaderno na wala ng sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa
susunod na pasukan.
_____________9. Nanatili sa loob ng paaralan si Mayan kahit may isang
oras na ang nakaraan pagkatapos ng kanilang klase upang hintayin ang
pagdating ng kanyang ina na susundo sa kaniya.
_____________10. Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel.
Sapagkat oras na ng programang gusto niyang panoorin ay bigla niyang
inilipat ang channel sa programang iyon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation


Gumawa ng scrap book ng mga kilalang tao na nagpamalas ng pagiging
matiyaga.

You might also like