You are on page 1of 7

During

our
intervie
w
After
our
intervie
w
Anu-ano ang iyong mga nakamit sa buhay na sa iyong palagay ay makabuluhan?
Sagot: Ang pagiging nurse, kasi mas marami akong natulungan kahit nasa trabaho ko ngayon kahit
na hindi sa hospital kundi sa community ko. Makikita niyo naman na iba sa hospital. Dahil sa community
makikita natin ang mga taong malulusog at may mga sakit ay pasyente pa rin namin. Sa tingin namin ko
ang mga nakamit ko ay sa buhay na makabuluhan para sa akin ay ang pagiging nurse ko at nagiging
makabuluhan ito dahil ako’y nakatulong sa kapwa ko at nakapagserbisyo ng libre.

Ano-ano ang iyong mga napagdaanan upang makamit ang mga ito?
Sagot: Ang napagdaanan ko ay sobrang dami. Studyante palang ay naghirap na ako, una na doon
yung mga learning ko ay isa sa mga hadlang upang makamit ang aking pangarap. Lalo na’t ang pag “take
ng board exam” ay sobrang hirap. Mahirap ang pag take sa board exam. Sa pagreview na dapat naka focus
na hindi dapat bumagsak ang mga grado at kinakailangan na maka pasa. Sa akin marami akong
napagdaanan noon bago palang ako naging nurse. Unang pag take ko ay hindi ako naka pasa dahil sa dami
ng problema at sa aking personal problems, family problems at ang mga problemang iyon ay ang
nakatulong sa akin para sa pangalawang pag take ko sa board exam ay sila ang naging inspirasyon ko para
sa susunod ay makapasa na talaga ako.
Ano ang sikreto sa iyong tagumpay?
Sagot: Feeling ko wala naman akong sikreto. Ano lang ang pagkakaroon ng inspirasyon mula sa
pamilya at kapit lang sa Panginoon, magdasal at pagkakaroon ng pananalig sa Panginoon. Yun lang wala
ng iba pa. Basta sa pamilya at Panginoon ako kumakapit.

Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang tulad mo na nais ding magtagumpay sa buhay?
Sagot: Mapapayo ko sa inyo una, magsikap sa buhay, mag-aral ng mabuti. Mag-aral ng mabuti hindi
lang para sa inyo kundi para sa pamilya ninyo. Pangalawa, hindi hadlang ang kahirapan upang hindi
makapag-aral. Kahit ang mga magulang ko ay may mga trabaho, meron din silang kahirapan sa buhay.
Kahit na ganoon meron pa rin kaming mga ups and down sa buhay. Ito lang yung mga hadlang pero hindi
dapat ito ang pipigi sa inyo upang mawalan ng pag-asa at tumigil kayo sa pag-aaral. At pangatlo, ang
lovelife na laganap ngayon na hindi dapat siniseryuso at kung kinakailangan ay hanggang crush lang. Basta
focus lang sa pag-aaral, pag natapos na ang pag-aaral ay puwede na love all you want na kayo. Kayo na ang
bahala kung ano ang inyong gagawin basta ang mahalaga kayo ay nakapagtapos na ng pag-aaral.
THE SECRET OF
SUCCESS:
STOP WISHING,
START DOING.
PEOPLE WHO AVOID
FAILURE ALSO
AVOID
p

SUCCESS.
Submitted by:
Corvera, Hannah Grace A.
Respecia, Daisy Rose B.
Dumas, Rhea Jane H.
Leyble,
p
Almera P.
Escobillo, Errold Joseph R.
Sebuala, Mark Khalid S.

Submitted to:
Mrs. Perlita Casicas

You might also like