You are on page 1of 2

Ang Larong Habulan Tungo sa Pangarap

Ni: Ken Ezekia N. Bolivar


STEM-12 da Vinci

Magandang Araw! Bago ko simulan ang talumpating ito, nais kong itanong sa inyo, anong mga
pangarap ang gustong-gusto ninyong maabot? Ayon sa strand na ito, maaaring nais natin maging
inhinyero o “engineer”, doctor, arkitekto, “biologist” o dalub-agbuhay, at iba pa, o maaari ding
gusto lang natin maging masaya at matagumpay sa buhay. Bukod sa pagkakaroon ng trabaho at
maayos na sweldo, nakakaramdam din tayo ng sense of fulfillment kapag may isang bagay
tayong matagumpay na nagagawa, at doon pumapasok ang “saya”. Kasiyahan sa kung ano man
ang ating ginagawa o trabaho.

Ngunit alam naman nating lahat na sa bawat kasiyahan at tagumpay ay may madugong proseso,
“Anything that is successful is a series of mistakes” ika nga ni Billie Armstong. Halimbawa
ngayon, ngayong papalapit na ang susunod na eksaminasyon, marami sa atin na inaasahan na ang
mababa o bagsak na mga grado.“kapag nakita nyo yung score ko, mind your own business
nalang classmates ha”, “grades don’t define who you are”, “intelligence is not measured on
numbers”, at madami pang ibang mga birong linyahan na nagsasabing “tanggap na namin ang
aming kapalaran”. Ang pagkakaroon ng mababang mga grado ay natural lang kapag tayo ay
nag-aaral. Sa pag-aabot ng pangarap, mararanasan natin ang mga “downs” para makamit ang
“ups”.

Sino sa inyo dito ang nahihirapan sa matematika pero gusto maging inhinyero? Ang nahihirapan
sa chemistry at biology pero gusto maging isang doktor? Ang masasabi ko lang ay “same”, ako
rin.
Pangarap ko ang maging isang doktor, na parehong inaaral ang siyensiya at
matematika, na pareho kong kahinaan pagdating sa mga asignatura. Walang dudang mahirap
talaga ang pag-aaral ng medisina, dahil mahirap din ang trabahong ito. Buhay ang inililigtas kaya
dapat alerto sa mga ginagawa. Kailangan kabisado mo ang mga terminong medikal at kung
paano ito gamitin
Kaya bakit nga ba gusto ko pa itong abutin kahit na tanaw ko na naman ang kapalpakan at
kabiguan?

Kayo? Itanong nyo sa inyong mga sarili, “ano ang nagtutulak sa‘yo sa pag-abot ng iyong mga
pangarap?”. Iba-iba ang sagot ng bawat isa sa atin. Ngunit kung ako ang tatanungin, dahil dito ko
nakikita ang aking sarili sampung taon makalipas. Dahil sa tingin ko, dito ko mararamdaman ang
saya bilang isang manggagamot sa medisina.

Malapit na tayong tumuntong sa kolehiyo, kaya naman kailangan na nating magpokus pagdating
sa akademiko. Minsan, may mga bagay talaga na hindi natin maabot kahit anong pilit nating
abutin. Huwag tayong mag-alalaa dahil tiyak na may isang bagay na para sa atin, maaaring hindi
man ito yung pinangarap mo, pero paniguradong dito ka sasaya kasi dito ka itinadhana.
Sa larong habulan, natural lang na madapa, kahit ilang beses pa yan, ang importante
bumabangon pa tayo ulit. Kasi ang totoong talo ay ang sumuko.

Kaya sa mga nangangarap na tulad ko, na tila malabong matanaw ang tagumpay, ‘wag sana
tayong mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob, at patuloy lang sa pag-habol at abot ng mga
panagarap.

Salamat sa pakikinig! Mabuhay tayong mga estudyante!

You might also like