You are on page 1of 5

Ana Rafaela M.

Belda Pictorial Essay


Grade 12 – Agapito Flores
Tatlo, Para Maging Beterinaryo

Makakamit ko ang pangarap na ito, ang aking hangad na maging


isang beterinaryo. Isang ganap na beterinaryo na may mabuting
adhikain na alagaan ang mga hayop at hindi gagamitin ang
kagalingan sa maling paraan na makakasakit sa iba para lang
makakuha ng parangal at pera, dahil iyon ang sinabi ng guro ko sa
General Biology na huwag naming gagawin kahit kailan. Sinasabi
ko sayo, tototohanin ko ang sinabi ko. Tototohanin, pero paano ko
nga ba ito gagawin? Ano ang mga hakbang na kailangan kong
sundin at gawin tungo sa aking pangarap? Ang mga ito ay tatlo lamang ngunit ito ay mga
pinakamahalagang bagay na isasapuso at isasagawa ko sa buong buhay ko.

Ang pinakauna sa lahat na karapatdapat kong alalahanin upang makamit ang


ambisyon ko na maging beterinaryo ay pagbutihin ang aking mga kakayahan
sa pagsulat, pakikipag-usap sa tao, time at stress management, at lalo na sa
pag-aaral ng maraming leksyon kasi siguradong ubod ng dami ang mga
terminolohiyang aaralin sa kursong kaugnay sa trabahong ito. Sa aking
palagay, ang mga nabanggit na iyon ay dadalhin ko hanggang sa pagtanda at
hindi lang magtatapos sa pagkagradweyt. Ang paghahasa ng kapabilidad ay
hindi matatapos para sa akin, sapagkat ngayon hindi pa ako gaanong
magaling sa iba’t ibang gawain at aralin sa paaralan na nagsisilbing
paghahanda para sa kursong Doctor of Veterinary Medicine at hanapbuhay na
inaasam pagkatapos mag-aral ng anim na taon sa kolehiyo. Upang makamit
ang trabahong ito, gusto kong hasain ang mga kasanayan na natututunan ko sa paaralan na
kasama sa mga hakbang tungo sa pangarap.

Pangalawa, magtiwala sa sarili. Kahit ano pang mangyari, bumagsak, ma-delay


ang pagtatapos sa kolehiyo (huwag naman sana), hindi matanggap sa trabaho, o
mga simpleng pangyayari tulad ng hindi pagsagot sa recitation, basta’t lagi ko
lang tatandaan na hindi na iyon ang katapusan ng mundo. Hindi ibig sabihin
noon na mahina na akong tao, wala akong silbi, hindi ako maaasahan, at iba pang
negatibong pag-iisip na hahadlang sa pananaw ko sa buhay. Sa kadahilanan na
may mga oras din na pinagkukumpara ko talaga ang sarili ko sa mga ibang
studyanteng mas magaling kaysa sa akin, iyong mga iyon ay makakaapekto sa
aking paggawa sapagkat mawawalan ako ng kompiyansa sa sarili na kaya ko ring
gawin ang mga kaya nila. Ang pagtitiwala sa sarili ay hindi dapat mawawala sa aking puso’t
isipan hanggang sa pagtanda ko kahit na nakuha ko na ang gustong trabaho.

Ang pinakahuli, dapat sigurado na ako sa okupasyong pipiliin.


Kinakailangan na pinag-iisipan nang mabuti ang pagpili ng kurso
at hindi padalos-dalos sa paggawa ng desisyon. Ang desisyong
gagawin ko ang magsisilbing gabay sa daang tatahakin ko, at
pupunta lamang ako sa tingin kong doon ako nararapat at sasaya
pa rin ako kahit nakakapagod. Karapatdapat na may paninindigan
ako sa gusto ko kahit anong sabihin ng iba na huwag ito, huwag
iyan, dito ka na lang, at huwag na diyan. Bagaman naniniwala ako
na ang sarili ko ang pipili ng mga nais kong makamtan sa aking
buhay, lagi ko pa ring tatandaan na rumespeto sa opinyon ng ibang
tao at isaalang-alang na maaari kong magamit ang mga sinasabi
nila bilang patnubay sa daan na patungo sa aking hangarin.

Tatlo ang mga hakbang na kailangan kong sundin upang


totohanin ang pangarap kong okupasyon at ang mga ito
ay pagpapabuti ng kakayahan, pagtitiwala sa sarili, at
pagiging mapagpasiya sa piniling hanapbuhay. Tatlong
bagay na mag-aakay sa akin sa destinasyon ko papunta
sa ninanais kong puntahang lugar, ang lugar ng aking
ambisyon. Ang tatlong nabanggit ang nagsisilbing mga
pangunahing baytang na aking aakyatan hanggang sa
makarating sa palapag ng pinapangarap kong trabaho,
ang maging isang beterinaryo.
Talasanggunian

Bene, C. S., & Roseman, F. (2022, April 4). When the caring is too much [Image]. Counseling

Today. Retrieved April 9, 2022, from https://ct.counseling.org/2020/01/when-the-caring-

is-too-much/

pirocool1227. (2017, October 14). What is Hellevator? !! [web log]. Retrieved April 9, 2022,

from
https://ameblo.jp/pirocool1227/entry-12319469766.html.

You might also like