You are on page 1of 16

ARALIN 1.

PANGANGAILANGAN
AT
KAGUSTUHAN
Gawain 1: ILISTA NATIN

Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito nag sunod-
sunod ayon sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa kahong nasa ibaba.

Sampung bagay na mahalaga sa akin bilang isang mag-aaral.


Pamprosesong Tanong:
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
 Ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay ang pagkain dahil
ito ang tanging nakapagbibigay sa akin ng lakas at talino para
magsipag sa pag-aaral.

2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?


 Ang aking naging batayan sa ginawang listahan ay ang pag-iisip
ng mga bagay na labis na nakatutulong sa akin bilang isang mag-
aaral, ayon sa aking mga karanasan, ayon sa aking mga
pinagdaanan at ayon sa buhay ko ngayong kasalukuyan bilang
estudyante. Binatay ko ang aking ginawang listahan ayon sa mga
kailangan kong kagamitan sa aking pag-aaral.

3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong listahan sa listahan ng


iyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay mo ang dahilan ng
pagkakaiba ng mga ito?
 May mga kamag-aral ako na halos kaparehas ko, pero may iilan
ding hindi ko kaparehas. Sa aking palagay, ang dahilan kung
bakit nagkakaiba ang aming mga listahan ay dahil sa ang bawat
tao ay may iba’t-ibang kagustuhan ayon sa kanilang
pangangailangan, minsan nakadepende ito sa karanasan at mga
pinagdadaanan ng tao.
Gawain 2: WHY OH WHY?

Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B.
Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon.

Option A Option B Dahilan


1. Magte-text Tatawag sa telepono Option A, dahil mas makakamura
kung magtetext ka na lang kaysa sa
tumawag, parehas din naman itong
makakarating sa taong nais mo
kausapin.
2. Maglalakad papasok sa Sasakay pagpasok sa paaralan Option B, dahil sobrang layo ng aking
paaralan tinitirhan mula sa aking paaralan kaya
mas mainam na sumakay ako upang
hindi malate sa klase.
3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay Option A, dahil mas mabubusog ako
sa kanin kaysa sa tinapay lamang.
4. Supot na plastic Supot na papel Option B, dahil environment-friendly
ang papel,.
5. Gagamit ng lapis Gagamit ng ballpen Option A, dahil ito ang angkop na
gamitin para sa isang estudyante sa
hayskul na katulad ko.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili?


 Ang aking naging batayan sa ginawang pagpili ay ang mga magiging epekto nito sa atin kung sakali ito
ang ating piliin, isa rin sa aking naging batayan ay ibinase ko sa aking buhay mismo, kung ano ang aking
kailangan ngayong panahon na ito.

2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit?


 Opo, posibleng magbago ang aking desisyon sa hinaharap dahil hindi habambuhay iisa lamang ang
aking pangangailangan sapagkat habang lumilipas ang panahon, nag-iiba na ang aking pangangailangan
na angkop sa aking edad, at isa ito sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan.

3. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay


mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito?
 Halos lahat ng aking kamag-aral ay katulad ng aking mga sagot ngunit may iilan pa ring hindi. Sa aking
palagay, ito ay dahil sa pare-parehas kami ng mga pangangailangan sapagkat pare-parehas lang kaming
nasa iisang stage ng pagiging tao. Ang dahilan naman kung bakit ang iilan ay hindi ko katulad ay dahil
sa magkaiba kami ng kalagayan sa buhay.
Gawain 3: CROSSROADS
Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon na nasa susunod na pahina. Isulat
ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL na kaalaman.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at


kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

INITIAL NA KAALAMAN

Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at


kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag
isinaalang-alang mo ang konseptong ito, magiging makahulugan ang
pagdedesisyong isasagawa dahil mas pipiliin ng tao ang kanyang
pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan sa kadahilanang mas
mahalaga at importante ang bagay na kanyang kailangan kumpara sa bagay
na gusto niya lamang at dahil dito, magiging matalino ang kanyang
pagdedesisyon na ginawa/ ginagawa/ gagawin.
Gawain 4: KAILANGAN O KAGUSTUHAN
Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.

1. GUSTO kong pumunta sa party


2. KAILANGAN kong kumain ng prutas at gulay upang manatiling
malakas ang aking katawan
3. GUSTO kong magbukas ng savings account sa isang matatag na
bangko para sa aking kinabukasan
4. GUSTO kong lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. KAILANGAN kong uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. GUSTO ko ng mamahaling regalo
7. GUSTO ko ng telebisyon
8. GUSTO kong kumain ng pizza
9. GUSTO kong maglaro ng video game
10. KAILANGAN kong magsuot ng maayos na damit

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?


 Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao
sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity)
samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga bagay na hinahangad
ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa pangangailangan at
nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?
 Nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan kapag ang
kagustuhang ito ay nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at
kaginhawaan sa buhay at ang kaniyang kailangan ay ang mga
bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at kaginhawaan
sa buhay.

3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aral?


 Ang pagkakaiba ng aking sagot kumpara sa mga sagot ng aking
mga kamag-aral ay ang kanilang ilang kasagutan ay “kailangan”
nila samantalang ako ay “gusto” ko lamang at ang ilan naman ay
“gusto” nila samantalang ang sa akin ay “kailangan” ko.

4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan?


Patunayan.
 Opo, maaari po itong mangyari. Bilang halimbawa, may isang
babae na nagkaroon ng problema sa balat, at ang kaniyang
kailangan ay magpahid ng cream na panggamot sa kanyang sakit,
habang nagtatagal, gumagaling na siya at dumating na din ang
panahon na siya ay tuluyan nag gumaling pero dahil sa kanyang
kagustuhan, pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapahid ng nasabing
cream kahit na hindi naman na niya ito kailangan, ito lang ay dahil
sa kagustuhan niyang hindi na muling magkaroon ng problema sa
balat.
:pgksurdhnto-H
bw
alim
(PIK
;
R
,y)eST
Gawain 5: BAITANG-BAITANG
Isulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng tao batay sa teorya ni Abraham
Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng mga halimbawa. Sa ikalimang baitang ay ilagay ang pangalan ng
kilalang tao sa iyong komunidad na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham


Maslow?
 Ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow ay:
Pangangailangang Pisyolohikal, Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan, Pangangailangang Panlipunan, Pagkamit ng Respeto sa
Sarili at Respeto ng Ibang tao, at Kaganapan ng Pagkatao.

2. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa


ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?
 Sa aking palagay, hindi pwedeng makarating ang tao sa ikalawa,
ikatlo, hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una
dahil mga pangangailangang ito ay parang isang proseso na kung
saan kinakailangang pagdaanan ang lahat ng mga pangangailangan
na ito nag sa gayon ay maging isang produktibong mamamayan.
Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang
pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang
antas.

3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang


dapat mong gawin upang marating ito?
 Ang pinakamataas na baitang ay ang “Kaganapan ng Pagkatao”.
Ayon kay Maslow, ito ang pinakamataas na antas ng
pangangailangan ng tao at mararating lamang ang baitang na ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan. Ang dapat kong gawin upang
makarating dito ay hindi matakot na mag-isa at matutong gumawa
kasama ang ibang tao. Ako dapat ay magtaglay ng hindi
mapagkunwaring katangian at ako ay dapat maging totoo sa aking
sarili at ang mahalaga ay dapat may kababaang loob ako at may
respeto
sa ibang tao. Dapat kong isakatuparan ang mga ito nang sa gayon ay
Gawain 6: PASS MUNA

Ipagpalagay na miyembro ka ng isang pamilyang binubuo ng limang miyembro.


Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari ninyong ikonsumo sa
buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kita na Php10, 000 sa
isang buwan. Lagyan ng tsek (/) ang inyong dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat
ang dahilan kung bakit (x) ang iyong sagot.

MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (Php)


/ 1. kuryente 1,000
/2. tubig 500
X 3. pagbili ng paboritong junkfood 150
X 4. video game 100
X 5. upa sa bahay 2,500
X 6. pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan 500
/ 7. pagkain ng pamilya 5,000
X 8. panonood ng paborito mong palabas sa 180
sinehan
/ 9. pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate 2,200
/ 10. cable / internet 900
Total (/): 9,600

Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.


(3) pagbili ng paboritong junkfood
 Hindi masustansya ang junkfoods, mas mainam na gastusin ang pera sa mga
nakakabusog at masusustansyang pagkain para maging malakas at malusog.

(4) video game
 Hindi mahalaga para sa akin ang video game, marami pang ibang paraan upang
magkaroon ng entertainment sa buhay, pwedeng maglaro ng iba’t-ibang laro ng lahi,
magiging masaya ka na, na-eexercise pa ang katawan mo, o diba? San ka pa? 

(5) upa sa bahay


 Hindi kami nagbabayad ng upa sa bahay na tinitirhan namin, hindi dahil sa may
sarili kaming bahay at lupa kundi dahil pinatira kami ng tita ko, ang kapatid ng
Mama ko sa kanyang bahay.

(6) pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan


 Sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang bisitahin ang aking mga kaibigan sa kani-
kanilang tahanan sapagkat nakikita ko naman sila halos buong araw araw-araw sa
aming paaralan.

(8) panonood ng paborito mong palabas sa sinehan


 Ginagawa ko ang bagay na ito paminsan-minsan ngunit hindi ko siya nilagyan ng
Pamprosesong Tanong:
1.Sa iyong ginawang pagdedesisyon, magkano ang
kabuuang halaga na maaari mong magastos o
matipid?
Sa aking ginawang pagdedesisyon, ang
kabuuang halaga na maari kong magastos ay
Php9,600 samantalang ang halaga naman na
maaari kong matipid ay Php400.

2.Ano-ano ang naging batayan mo sa


pagdedesisyon? Bakit?
Ang aking naging batayan sa aking ginawang
pagdedesisyon ay ang pangangailangan at
kagustuhan, mas pinili ko ang mga kailangan
namin bilang pamilya kaysa sa mga
kagustuhan lamang na hindi naman dapat
gaanong pagkagastusan.

3.Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang


personal mong kagustuhan at pangangailangan
sa suliranin ng kakapusan?
Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at
pangangailangan ay nakasalalay sa kung
paano pamamahalaan ng tao ang kakapusang
nararanasan nila.
Gawain 7: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN

Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga


pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din
kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.

Ang una ay ang pangangailangang pambuhay na kung saan nakapaloob dito ang mga
bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.

Ikalawa naman ay ang pangangailangang pangkaligtasan, seguridad na makapagbibigay ng


kapayapaan sa buhay ng isang tao.

Ikatlo ay ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang


tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso.

Ikaapat naman ay ang pangangailangang pagpapahalaga na makakamit ang respeto sa sarili


at syempre pati na rin sa ibang tao.

At ang huli, ang pinakamahalaga sa lahat ng mga pangangailangan ay ang


pangangailangang pagkatao na kung saan dito ay may kamalayan ang tao hindi lamang sa
kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?
 Maisasakatuparan ko ang aking pamantayan sa pagsasaalang-alang ng mga
kahalagahan ng mga pamantayan na ito at sisimulan sa ibaba hanggang sa taas.

2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit?


 Sa aking palagay, nasa ikatlong baitang pa lamang ako, ang pangangailangang
magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga
kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso. Dahil nasa hayskul pa lamang
ako na kung saan nakakilala na ako ng mga kaibigan na magmamalasakit sa akin.
Gawain 8: CROSSROADS

Matapos ang lahat ng gawain sa LINANGIN, isaayos ang paunang kaalaman sa


kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito sa iyong buhay.
Sagutin muli ang tanong sa box sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng REVISED
NA KAALAMAN.
Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

REVISED NA KAALAMAN

Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan
ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay
ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa
pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).

Ang kaugnayan ng pangangailangan at kagustuhan sa aking buhay ay dito nalilinang


ang pagsasagawa ko ng matalinong pagdedesisyon dahil sa pangangailangan at
kagustuhan, mas pinipili ang pangangailangan dahil ito ang mas mahalaga kaysa sa
kagustuhan na luho lamang ng katawan, na hindi dapat pinagkakagastusan.
Gawain 9: Ang Bayan Ko

Magsagawa ng obserbasyon sa iyong lokal na komunidad at tingnan kung


ano-ano ang magagandang katangian nito. Gumawa ng editoryal na nagpapakita ng katangian at
kasalukuyang kondisyon ng komunidad at ilarawan sa iyong editoryal kung ano-ano ang
pangangailangan nito batay sa komposisyon ng populasyon.

Ang aming barangay ay tinatawag na Barangay Gordon Heights na kung saan ang mga
mamamayang naninirahan ay palaging nakikiisa kapag may isinasagawang mga proyekto na tiyak
na makabubuti sa lahat ng tao. Ipinaiiral ang kapwa-tao at bolunterismo sa aming barangay. Isang
barangay na nangingibabaw ang kapayapaan at karangalan. Sa aming mga puso ay nagnunulay
ang pagmamalasakit sa aming kapwa-tao. Palaging gumagabay ang Poong Maykapal. Sama-sama
kami sa bawat oras tungo sa aming kaunlaran.

Kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pambarangay ang aming barangay


katulad ng tree planting, green community project at marami pang iba na talaga namang
makabubuti sa lahat ng mga mamamayan.

Isa sa mga tinaguriang pinakamalaking barangay sa Olongapo City ay ang aming


barangay, ang Barangay Gordon Heights kung kaya’t minsan ay dumadating na sa puntong
nagkakaroon kami ng problema dahil sa populasyon kagaya na lamang ng kakapusan at
kakulangan sa badyet ng barangay at sa suplay ng mga pagkain at tubig na aming sinosolusyonan
sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng konsepto ng ekonomiks na pangangailangan at kagustuhan.

Maraming suliranin man ang makasalamuha, patuloy pa rin sa paglaban at pagtutulungan


ang mga mamamayan n gaming barangay upang makabangon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng iyong lokal na komunidad? Bakit?
 Ang mga katangian ng aking lokal na komunidad ay marunong makiisa,
makipagkapwa-tao, mapayapa, makaDiyos at pinaiiral ang bolunterismo at ang mga
katangiang ito ay dulot ng pagtutulungan ng mga mamamayan.

2. Sa iyong palagay, ano ang maaari pang gawin upang lubos na mapakinabangan ang
magagandang katangian ng iyong lokal na komunidad?
 Sa aking palagay, ang isang tanging bagay na maaari naming gawin upang lubos na
mapakinabangan ang magagandang katangian ng aming lokal na komunidad ay ang
pagsasagawa pa ng mga proyektong tiyak na magpapaunlad sa aming lokal na
komunidad.
Gawain 10: PARA SA KINABUKASAN

Gumawa ng isang open lettertungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan


ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan
_________________” bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi
ng liham kung para kanino ito.

Sa kagalang-galang na Olongapo City Mayor, Rolen Paulino,

Para sa kinabukasan at sa aking bayan, ako ay humihiling ng tulong mula sa


pamahalaan ng Lungsod ng Olongapo upang matugunan ang suliraning kinahaharap ng
Barangay Gordon Heights. Mga suliranin katulad ng kakulangan sa seguridad at kaligtasan
n gaming barangay dahil sa hindi sapat ang mga pulis at tanod na nagbabantay sa bawat
lugar sa aming barangay, nais kop o sanang madagdagan ng mga pulis at tanod na
siguradong magbabantay ng buong puso sa bawat tao upang nang sa gayon ay magkaroon
kami ng mas mapayapang pamumuhay ng walang kabang nananalantay sa aming
damdamin. Sa barangay kasi namin, hindi ganoong kagandahan at kayos ang mga
kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan araw-araw kung kaya’t gusto ko po sanang
maipagawa ang ilang mga kalsadang delikado ng daanan dahil sa mga sira nito. At isa pa
pong bagay ay ang mga baradong mga kanal na kadalasang umaalingasaw ang masangsang
na amoy sa buong barangay kaya ito ay nagdudulot ng sakit sa mga naninirahang
mamamayan. Pati na rin po ang mga basurahan na nakalagak sa aming barangay, kaugnay
po nito, ang mga basurahan ay sa tingin ko hindi sapat ang bilang dahil kung minsan may
iilang residenteng inaangkin ang mga basurahang dapat nakalagay sa isang kanto bagkus
ang nangyayari ay akala mo sila na ang may-ari ng mga ito na umaabot na sa puntong
nakalagay ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan na parang sila lamang ang may
karapatan na magtapon ng basura dito. Yun lamang po ang nais kong iparating, maraming
salamat po!

Gumagalang, Sophia Marie D. Verdeflor, labinlimang taong gulang na


residente ng Barangay Gordon Heights
Gawain 11: CROSSROADS

Matapos ang mga pagwawasto, sagutan ang ikatlong bahagi ng CROSSROADS na nasa
susunod na pahina. Sa gawaing ito ay dapat na maipahayag mo na ang iyong pagkakaunawa sa mga
araling iyong pinag-aralan. Inaasahan sa bahaging ito na alam mo na ang kahalagahan ng
pangangailagan at kagustuhan bilang batayan ng matalino at maunlad na pamumuhay. Isulat ang
iyong sagot sa box ng FINAL NA KAALAMAN.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at


kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

FINAL NA KAALAMAN

Ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan ay lubos na makatutulong sa


atin lalong-lalo na sa pagbuo ng matalinong desisyon sa maraming aspeto. Bilang isang mag-aaral, ito
ay makatutulong sa pagbabadyet natin ng oras, dito papasok ang pangangailangan dahil kung ano
muna ang mas mahalaga na dapat unahin ang nararapat na gawin katulad ng pagsasagawa ng mga
proyekto at takdang-aralin, kaysa sa mga gawaing kagustuhan lamang natin na hindi naman ganon
kahalaga kagaya ng pagtetext, paglalaro sa mga smartphones, pagsusurf ng internet at paglalakwatsa.
Bilang kasapi ng pamilya, matututo tayong magbadyet ng perang pampamilya, na dapat munang
unahing bilhin ang mga importante sa pamilya (pagkain at tubig) kaysa sa mga kagustuhan lamang ng
pamilya (malaking tv, baging sofa set, atbp.). Pagdating naman sa ating lipunan, gawin dapat ang
proyekto na makakabenipisyo ang lahat kaysa naman sa isang proyekto na iilan lamang ang
makakabuti. Sa madaling salita, dapat bigyan ng pansin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan.

You might also like