You are on page 1of 1

Gawain 7

Pagpili ng Pangangailangan

Simula pa noong una, maraming ng pangangailangan ang mga tao upang mabuhay sa
mundong ito. Hindi lamang pagkain,damit o tirahan, kailangan rin natin ng mga tao sa na magbibigay ng
mental at emosyonal na suporta para sa atin. Ngunit ang mga papangangailangang ito ay may kanya
kanyang antas ng kahalagahan batay sa hirarkiya ng pangangailangan.

Bilang isang tao na namumuhay rin sa lipunang ito, ako ay may tanging pangangailangan rin
upang makapamuhay nang maayos. Sila ay aking binibigyan ng prayoridad batay sa kanilang kahalagahan
at kung ikabubuti koba ito o hindi. Unang-una sa mga ay ang pagkain, tirahan, damit,tubig,hangin,at iba
pang mga bagay na importante upang ako ay mabuhay. Ang sunod naman ay ang seguridad ng aking
kaligtasan , kung wala ito ay palagi akong mangangamba at matatakot sa aking paligid dahil sa mga
kapahamakang maaaring mangyari sa akin. Hindi tayo makakagalaw sa mundong hindi ligtas. Ang sunod
naman ay ang sosyal na pangangailangan natin, batay nga sa sinabi ko kanina, hindi tayo mabubuhay
kung walang pamilya,kaibigan, at kapwa na nagmamahal at nagbibigay kasiyahan sa atin. At ang
pinakahuli ay ang Self-esteem at self actualization na kailangan natin para magkaroon tayo ng tiwala sa
ating sarili at upang makita natin ang ibat ibang direksyon ng ating buhay. May iba't iba tayong
pamantayan sa pagpili ng pangangailangan,maaaring maiba at kaparehas ng saakin.

Isa lamang ang sagot sa tanong na "Paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong
pagkatao?",at yoon ay ang pagkumpleto sa iyong mga pangangailangan nang dahan-dahan lamang dahil
walang mangyayari kung bibiglain mo ang mga ito, lalo lamang babagsak ang antas ng iyong
pamumuhay. May mga pagkakataong mahihirapann ka talaga at mayroon din namang mga sitwasyon na
madadalian ka. At may nais akong itanong sa iyo, ano ang iyong pamantayan sa pagpili ng
pangangailangan?

pAMPROSESONG TANONG

1. Maisasakatuparan kopo ang aking pamantayan sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa mga ito.
Kailangan kong unahin ang mga bagay na aking kailangan upang makamit ang kaganapan ng aking
pagkatao.

2.Sa aking palagay, kung babase ako sa ginawa kong pamantayan. ako ay nasa pang-apat na baitang na
dahil napupunan naman ang pangangailangan ko sa baitang una hanggang tatlo. Ang self-esteem o ang
tiwala sa sarili ang nagpupumigil sa akin na makamit ang kaganapan ng aking pagkatao.

You might also like