You are on page 1of 2

Parte na nang buhay natin ang mangarap,

ang magkaroon ng pangarap, at ang tuparin ang


ating mga pangarap. Ano nga ba ang pangarap?
Lahat tayo may pangarap, lahat tayo may
gustong marating sa buhay, may gustong
patunayan. Ako, ano nga ba ang pangarap ko?
Ano nga ba ang gusto kung trabaho pagkatapos
ng aking kolehiyo?
Bata palang ako ninanais ko na ang maging
isang doktor. Bakit? Hindi dahil sa bantog ito na
propesyon, kundi dahil sa gusto kung
makatulong sa ibang tao. Gusto kung sagipin
ang mga taong lumalaban para mabuhay, ng sa
ganun wala akong makitang pamilya na may
luhang tumutulo sa kanilang mata.
Ngunit habang tumatagal nagbabago
ito, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil tungkol
ito sa pangarap ko at praktikalidad ng buhay.
Alam kung madami ang kagaya ko na sinuko
ang kanilang gustong propesyon dahil sa ilang
mga kadahilanan. Kaya ang gagawin ko ngayon
mag-aaral ako ng mabuti. At sa tamang
panahon tutuparin ko ang pangarap ko na
maging isang Doktor. Dahil naniniwala ako na
kapag gusto mo ang isang bagay ay hindi mo
dapat sukuan. Huwag tayong dumipende sa
sinasabi na kung para sayo, para sayo, dahil
mas naniniwala ako sa, kung gusto mo gawin
mo, kung gusto mo paghirapan mo.

You might also like