You are on page 1of 1

ANG AKING SARILI 15 TAON MULA NGAYON

Minsan napag isip isip ko kung ano ba ang magiging kalagayan ng kinabukasan ko gamit ang imahinasyon
ko. Hindi naman masamang mangarap kaya ngayon samahan niyo ako,lawakan niyo lang ang imahinasyon niyo
upang mailarawan ng isip niyo ang mga sinasabi ko.

Sa loob ng labinglimang taon, tiyak na napakarami nang pagbabago ang mangyayari sa buhay ko at kung
bibilangin ay dalawamput siyam na taong gulang na ako sa mga panahong iyon. Mayroon na akong magandang
trabaho na may malaki at maayos na sweldo. Nakatutulong na ako sa mga gastusin sa bahay, napagtapos na ang
kapatid at masayang namumuhay kasama ang sarili kong pamilya. May gwapo, responsible, matalino at mabait
na asawa at maganda o gwapo at mabait na anak. Kalakip ng masasayang mga araw, namamasyal kami ng
aking pamilya kasama sina mama at papa, nag bobonding kapag walang pasok sa trabaho, pinaglilingkuran ang
Diyos sa pamamagitan ng pag sisimba sa linggo, hinahatid ang mga anak sa skwelahan kasama ang asawa ko
na nagtatrabaho din. Sa labing limang taon ng aking buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at masayang
pamumuhay. Walang kaaway o kasamaan ng loob, samakatuwid isang mabuting mamamayan ng bansang
pilipinas na kailangan kong ituro sa magiging anak ko. Sa isang dalawamput siyam na indibidwal, umiikot ang
kanyang buhay sa pagtatrabaho, sa pamilya, kasintahan o di kaya sa sarili nitong pamilya. Ako, gusto kong
maikasal sa edad na dalawamput pito hanggang dalawamput siyam na taong gulang, gusto kong magkaroon ng
isa o dalawang anak. May maayos na tirahan na aking pinapangarap mula ng aking pagkabata, malaki at kaaya-
aya, may “swimming pool” may hardin, may “aircon” may malaking sala, silid tulugan at kusina, at dahil narin
sa mahilig akong kumanta,mayroon ding music room sa bahay at higit pa roon ay natutuganan ang
pangangailangan ng aking mga anak. Pangarap kong maging “agriculturist” o di kaya’y maging isang business
woman. Sa trabaho, mayroon akong masisipag at mababait na mga katrabaho, mayroon akong mataas na
posisyon sa kumpanyang pinapasukan ko. Minsan ay pumupunta kami sa isang “outreach program” kasama ang
pamilya ko na tumulong sa mga kapus palad. Mahalagang bumalik tayo sa ating pinagmulan kahit sa mga
panahong iyon ay may maunlad at maayos na akong pamumuhay, nabibili ko ang kailangan ko sa araw araw,
alalahanin natin kung ano tayo bago pa tayo maging ano sa kasalukuyan.

Dito na muna magtatapos ang aking kuwento, lagi lang nating tandaan na ang pagbabalik tanaw ay
mahalaga, dahil ito ang humubog nang iyong pagkatao, at sa mga kabataang tulad ko, hindi masama ang
mangarap dahil dito ay makakapag isip tayo kung ano ang ninanais natin para sa ating sarili sa bukas na
darating kaya mangarap lang tayo hanggat may bukas.

You might also like