You are on page 1of 1

Ang Propesyon na aking pinili ay Doctor, kung saan ito ay pinapangarap ko at

hinahangad. Ang naging dahilan kung bakit ito ang napili ko ay dahil gusto kung
matulungan ang kapwa kung nagkakasakit at matugunan ang kanilang
pangangailangan. Bukod pa dito ay aking napansin na nangangailangan ng mga
dagdag na doctor ngayon at sa hinaharap. Ito ay pinapangarap din ng ina para sa
akin kaya ito din ang nagtulak sa akin na pagsikapan itong maabot. Gamit ang
propesyon na ito ay mas paghuhusayan ko ang pagkilos at ang pagtulong ng
bukal, mahirap man o mayaman ang pasyente. Maari akong magbigay tulong sa
mga kapos palad at makapunta sa ibang lugar para magtrabaho din, sa
pamamagitan nito mapapaunlad at mapapabuti ang bansa. Kung mabilis na
matutugunan ang nagkakasakit at may sapat na lakas ang lahat mas malaki ang
tsansa sa pag unlad. Ang propesyon na aking pinili ay nakakatulong sa pag unlad
sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong upang mapanatili ang kalusugan at
kalakasan ng kinasasakupan ng bansa. Kung may sapat na enerhiya at lakas ang
mga nasasakupan ay may posibilidad na magagawa ang mga bagay at gawi na
magpapahusay at magpapabuti sa bansa.

You might also like