You are on page 1of 1

LEAD CAST:

•John Lloyd Cruz


•Sarah Geronimo
•Isabelle Daza
•Matet de Leon
•Joross Gamboa
•Guji Lorenzana
•Rowell Santiago
•Gio Alvarez
DIRECTOR: Cathy Garcia-Molina
SCREENWRITER: Carmi Raymundo
PRODUCER: Charo Santos
GENRE: Drama, Romance, Comedy
RUNNING TIME: 120 minutes
DISTRIBUTOR: Star Cinema & Viva FILMS
LOCATION: Philippines
Technical Assessment: 3.5
Moral Assessment: 3.5
CINEMA rating: V 14
MTRCB rating: G

Malaki ang problema ni Miggy Montenegro (John Lloyd Cruz), isang publisher ng kilalang magazine na nanganganib na
masakop ng ibang kumpanya kung hindi siya gagawa ng paraan. Ang tanging solusyon ay hingin ang tulong ni Laida
Magtalas (Sarah Geronimo), dati niyang kasintahan na ngayo’y isa nang sophisticated at mahusay na magazine editor sa
New York. Maaari ba silang magtrabaho nang magkasama ngayong ang bagong katipan si Miggy na si Belle (Isabelle Diaz)
ay makakasama din nila? Magtatagumpay ba silang pagtulungan ang pagsalba sa magazine ng mga Montenegro?
Ibinabalik ng It Takes a Man and a Woman ang tambalang Miggy Montenegro at Laida Magtalas na nagpakilig sa
maraming manonood noong 2008 sa pelikulang A Very Special Love at ang kasunod nitong You Changed My Life noong
2009. Parehong box office hits ang naturang dalawang naunang pelikula at mukhang hindi pahuhuli ang final installment.
Pagpapatunay na maganda ang ikot ng kuwento, kapani-paniwala ang pagganap ng mga artista—lalu na ang mga kaibigan
at kasama ni Laida sa trabaho na tinaguriang Zoila and friends, Hindi maitatatwa ang chemistry ng dalawang nasa lead
roles at dahil mga characters na nakilala na ng mga manonood sa naunang dalawang pelikula, madaling makapasok sa
daloy ng kuwento. Kuhang-kuha nila hindi lang ang kiliti ng manonood sa mga nakatutuwang eksena kundi pati na rin ang
simpatiya ng mga ito sa mga eksenang magpapatulo ng luha. Mayroon ding mga one-liners na siguradong uulit-ulitin ng
mga nakapanood. Maayos din at angkop ang musika, simple ang sinematograpiya, mahusay ang editing at comedic timing.
Sayang nga lang at asiwa ang wig ni Laida at may ilang dialogo na hindi maayos ang daloy—parang pilit at masyadong
masalita. Maari ding masabing may mga eksena na “corny” subalit ikinasiya naman ito ng ilan. Ngunit higit sa mga teknikal
na aspeto ng pelikula, ipinapakita ng It Takes a Man and a Woman na ang pagpapatawad ay susi sa mabuting samahan
hindi lang ng magkasintahan kundi sa pamilya at sa trabaho din. Ito ang tunay na sukatan ng pagmamahalan. Ang
dalawang magkasintahan na nagkalayo ay natutong maging mabuti at ganap dahil sa pag-ako sa pagkakamali, paghingi ng
kapatawaran, at pagsisikap na magbago. Kapuri-puri din ang pelikula dahil nagtagumpay itong ipakita ang pagmamahalan
ni Miggy at Laida nang hindi ginagamit ang pre-marital sex. Naipakita rin nito ang tunay na sukatan ng tagumpay sa buhay.
Dahil sa tema ng pelikula (na sa titulo pa lang ay halata na) iminumungkahi ng CINEMA ang pelikula para sa mga
manonood na may edad 14-taon pataas.

You might also like