You are on page 1of 2

Do Re Mi (DoReMi)

idineirector: Ike Jarlego Jr


Noong:1968
Isinulat ni: Mel Mendoza-Del Rosario
Music composed ni: Margot M. Gallardo
Production company: Neo Films

Mga tauhan:
Donna Cruz bilang Donette Legaspi,Regine Velasquez bilang Reggie Mendoza,Mikee cojuangco
bilang Maki Tolentino,Gloria Romero bilang Lola ni Reggie,Gary Estrada bilang Toto,Anthony
cortez bilang Julio,Lee Robin Salazar bilang Joey Melisse santiago bilang Nene
Pamagat:
Isang grupo ng tatlong babaeng mang-aawit ang nagsusumikap sa kanilang mga karera sa musika sa
Japan, na naglalakbay sa mga tagumpay at kabiguan ng buhay sa kanilang pagkakaibigan at pagkahilig
sa musika.
Buod ng Pelikula
Ang Do Re Mi ay isang pelikula na napapaloob sa hanay ng mga komedya na Kung saan ay kung kapwa mgamang-
aawit at dahil sa kanilang pag-awit ay nakabuo sila ng isang pagkakaibigan na hindiinaasahan.Ang nasabing tatlong
babae ay nangangarap na maging isang ganap na recording artists balang araw at dahil dito ay itinuloy nila ang
desisyong pumunta ng Japan para sa ikabubuti ngkanilang career ngunit huli na nang malamang nilang peke ang
kanilang mga dokumento at pasaporteng galing sa ahensyang kanilang pinagkatiwalaan. Dahil dito, hindi
sinasadyangnapadpad sila sa isang probinsya hindi nila ganuong kilala noong una dahil baguhan pa lamang sila
dito. Ngunit, hindi nagtapos dito ang kanilang mga pangarap na bagama’t malayo sila sa katotohanang may
makakakita sa kanilang magsasalba ng pangarap na naudlot. Noong gabinghindi sila natuloy sa Japan dahil sa
aberyang nangyari may nakita silang isang bahay at naisipangdito na magpalipas ng gabi at nagkataon ding bukas
ang bintana nito kaya hindi na sila nag-atubiling pumasok. Kinabukasan ay nahuli sila ng may-ari ng kainang ito at
sinabihang ipapa- barangay kapag hindi pa sila umalis ngunit agad na nakaisip ng ideya si Reggie para manatili
rito.Dahil sa wala pa silang matitirhan at para isalba ang magiging kahihiyan sana ng kanilang career ay
napagdesisyunan nilang manatili na lamang sa lugar na ito nang sa gayon ay hindi malamangng kanilang mga
guardians na hindi talaga sila natuloy sa Japan. Nang mapansing walangkumakain sa kainang ito ay naglatag ng
suhestiyon si Reggie para maisalba ang nasabing kainanngunit may kaakibat namang dalawang kondisyon na
sinang-ayunan ng may-ari. Ayon sadalawang kondisyon ni Reggie, una, hindi makikialam ang may-ari sa mga
gagawin nilang tatlosa kainang ito kumbaga kung may mga aayusin pa rito o idadagdag na mga dekorasyon
paramakakuha ng mga customer pangawala, saka na nila hahatian ng parti ang may-ari kapag lumagona ang
negosyong nasabi. Habang nag-iiisip kung papaano makakapasok sa industriya ng musika,napagkasunduan nilang
tatlo na gawing mini bar ang dating maliit na kainan na kung saan aymaipapakita nila ang kanilang talento sa pag-
awit at para rin masustentuhan nila ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Dahil sa gabi-gabing
pagpeperform sa nasabing mini bar ay nagbigay ito ng ingay para sa totoo nilang pinanggalingang lugar na nag-
udyok para may makakitasa kanilang isang kompanya- at ito ang VIVA COMPANY. Ngunit, ng makauwi na sila sa
kani-kanilang tahanan ay nagbago ang ihip ng hangin dahil sa biglaang pagbabago ng gusto nina Mikkiat Donnette
na tumulak sa kanila para hindi na pumirma sa kontratang iniaalok. Dahil sa mgakaganapang ito, ito ang siyang
naging daan para magkahiwa-hiwalay sila ng kanilang mga landassa buhay
Tagpuan
Antipolo City, Rizal, Philippines,Ninoy Aquino International Airport, Pasay City, Metro Manila,
Philippines,San Juan, Metro Manila, Philippines,japan
Tema: Pagkakaibigan
Dito malalam na lahat ng tao ay puwedeng magkaibigan lalo na kapag kayo nalang ang magkakasama
magiging pamilya na rin ang magiging turingan ninyo sa isat isa.
Musika at tunog:
Ang mga naging musika at tunog na ginamit sa pelikula ay nababagay sa tema ng pelikula.Ang musika
naman na ginamit sa pelikula ay nagkakatugma sa kwento ng pagkakaibigan nilang tatlo.ang musika ay
nababagay sa scenaryo ang mga musika kung malungkot ang scenaryo ay malungkot din ang musika
ganun din pag masaya
Editing:
Ang pelikulang ito para sakin ay may mga scenaryo na hindi ako masyadong napighani sa editing ngunit
halos lahat ng scenaryo sa pelikula ay sobrang ganda ng editing,lagi syang nababagay sa tema at
panahon kung pano ito ginawa.
Disenyong Pangproduktion:
Para saakin ang desenyo ng produktion ng pelikulang DO RE MI ay maganda at nababagay sa panahon
kung kelan ito ginawa.May mga desenyo na kung nakakalungkot ang scenaryo ay pati ang desenyo ay
nakakalungkot din,ganun din kapag nakakatawa.

You might also like