You are on page 1of 1

PAMAGAT: Sonata (2013)

MGA PANGUNAHING TAUHAN: Cherie Gil bilang Regina Cadena, Chino Jalandoni bilang
Jonjon/Don Giovanni
MGA TAGA SUPORTANG TAUHAN: Joshua Pineda bilang Ping/Pinkerton, Chart Motus bilang
Cora, Madie Gallaga bilang Nanang Ellen, Richard Gomez bilang Carlo
DIREKTOR: Peque Gallaga, Lore Reyes WRITER: Wanggo Gallaga
TEMA: Trahedya

Ang kwento ay patungkol sa isang opera singer na si Regina Cadena, na naging "nega-
star" dahil sa pagkalaos. Magmula noon ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang
uminom ng alak, at magkulong sa kaniyang kwarto. Hanggang sa isang araw, dumating
si Jonjon, anak ng isang kasambahay. Dahil sa kuryosidad ng bata, naglibot siya sa
mansyon at napunta sa kwarto ni Regina. Noong una siyang makita ni Regina ay
pinagalitan niya ito at dahil sa takot ay natutop na lamang ito. Naging magkaibigan
sila Regina at Jonjon, nabalik ang kaniyang dating sigla. Unti unti siyang
nakabangon sa kalungkutan niya. Dahil sa labis na pasasalamat, sinurpresa niya si
Jonjon ng isang gabing hindi nito malilimutan. Kasama ang mga kasambahay ay inayos
nila ang beranda ng mansyon para magmukhang opera theater at kinantahan ni Regina
si Jonjon ng isang opera classic. Naging masaya ulit ang buhay ni Regina, nagkaroon
muli siya ng dahilan para mabuhay. Itinuring niyang matalik na kaibigan si Jonjon,
at tinawag itong Don Giovanni. Ngunit sa kasamaang palad, may trahedyang naganap.
Makakayanan kaya ni Regina ang panibagong pagsubok ng kaniynang buhay? Ano kaya ang
trahedyang ito?

Overall Rating sa pelikula: 9/10


Dahilan: Ang buong storya ay maganda, kabilang ang katapusan ngunit nakakalungkot
talaga ito. Ito ay nagtuturo sa ating na kahit gaano tayo kalugmok sa ating buhay,
may isang tao o bagay pa rin ang makakapagbigay sa atin ng panibagong pag-asa.

Paboritong Linya: "Sa kamatayan lang natin matututong mahalin ang buhay."

You might also like