You are on page 1of 8

REPLEKSYON SA

SINESOSYEDAD/
PELIKULANG
PANLIPUNAN

Submitted by: Kezie G. Santiago


Course & Section: BSBA-2C
Submitted to: Mrs. Hiyasmine De los Santos
KOMEDYA
BWAKAW (2012)
Ito ay tungkol sa pagtanda, ang bwakaw ay istorya ni Rene, isang matandang bakla. Masungit at walang
maliw ang ngitngit, palaging kasama ni Rene ang kanyang alagang aso na si bwakaw. Komedi ang hatid
ng mga pag-aangil ni rene (eddie garcia) sa lahat halos na kaibigan, kapitbahay at mga kasama sa trabaho.
Dahil retirado na mula sa pagtatrabaho sa pahatiran ng sulat at tila wala nang natirang kamag-anakan,
niligpit na ni rene ang lahat ng gamit sa kanyang bahay. May marka na ang mga kahong ito batay sa
kanyang huling testamento na halos araw-araw ay binabago upang ibigay sa kura paroko ng kanilang
bayan, ang kanyang pinagkatiwalaan upang magpatupad ng nilalaman ng kanyang huling habiln. ang
ngitngit ni rene sa buhay ay kanyang paraan upang sawatain ang lungkot ng kanyang pagtanda at para
bang paghihintay na lamang sa katapusan ng kanyang buhay. Dahil dito, bumili na rin siya ng ataul na
dahil sa pagsasara ng punerarya sa kanilang bayan ay kinailangan na ring ideposito sa kanyang
bahay.Marami pang sanga-sangang mga istorya ang tinalakay ngunit ang lahat ng ito ay mahusay na
uminog bilang bahagi ng sentral na karakter ni rene. mula sa kanyang tila pakialamerang kapitbahay na
ginampanan ni beverly salviejo, natalakay ang pagkakaroon ni rene ng santo entierro, isang
mapaghimalang poong nazareno na sa paniniwala ng karakter ni salviejo ay nagpagaling sa kanyang apo.
Bagamat masayahin at mandadarayuhan pa sa canada, nauna pa si minda (luz valdez) na pumanaw kay
rene dahil sa kanyang sakit sa puso. Inatake ito sa puso sa gitna ng isang kasayahan para sa kanyang
napipintong operasyon. nagkaroon din ng kasintahan si rene noong kanyang kabataan sa katauhan ni
alicia (armida siguion reyna) na dahil sa katandaan at pagkakaroon ng dementia ay nakalagak na sa
hospisyo para sa matatanda. Bagamat madalas ang pagdalaw niya sa simbahan upang makipag-usap sa
kura (gardo versoza), di naman nagsisimba si rene. Dahilan niya, galit yata ang diyos sa kanya dahil sa
kinahinatnan ng kanyang buhay. Sa bawat eksena ni Gardo Versoza, palagi siyang may abaniko kahit
makulimlim naman ang araw. Maaari itong metaporo para sa tagong pagkatao ng kura o ironiya sa
kanyang di pagiging interesado sa mga maninimba ngunit may tunay namang malasakit sa mga ito.
Medyo kumbensyunal naman ayon sa kalakaran ng komedyang pinoy ang talakay ng pelikula sa mga
bungangaan nina rene at kanyang kaibigang si mother zaldy (soxy topacio) at katulong nitong pinapelan
ni joey paras. Parloristang taratitat ang dalawa habang “nag-uumasim” naman si rene, lalo na nang
padalhan ni mother si rene ng mga “boys”.Sinematikong paepek ang pagkakaroon ni rene ng espesyal na
relasyon kay bwakaw. Oo nga’t puwedeng may espesyal na ugnayan sa pagitan ng amo’t alaga, pero
medyo malayo sa hinagap sa katotohanang pampinoy na magkaroon ng isang matandang bakla na may
kasamang askal sa lahat ng kanyang puntahan. alam naman ng lahat na sa kulturang pinoy, ang aso ay
“taong bahay”. madalas kaysa hindi, iiiwan ang mga alaga upang bantayan ang bahay lalo na nga’t wala
nang kasama sa bahay si rene. Wala pa tayo sa kalakaran sa ibang bansa na humahanap ang mga
matatanda’t may kapansanan ng alagang maaaring umakay sa kanila sa bawat galaw nila lalo na sa labas
ng bahay. Pasable na rin ang ideyang ito dahil nakatutuwa ang asong gumanap bilang bwakaw, si
princess, at siyempre dahil kay bwakaw, nakilala ni rene ang traysikel drayber na si sol (rez cortez).
magkaaway muna ang kanilang ugnayan dahil sa pag-angil ni rene kay sol sa bayaran ng pamasahe.
Ngunit nang magkasakit si bwakaw at tuluyan nang mamatay ito, nagbago ang relasyon nina rene at sol.
naging suki ni sol si rene at nagkapalagayang-loob upang ipagkatiwala ni rene ang pagpipintura at
pagkumpuni ng kanyang bahay kay Sol. Ang kakatwang atraksyon ni rene sa mukhang di
mapagkakatiwalaang si sol ang isa sa indieng-indie na ideya ng pelikula. Dahil na rin sa atraksyon at
siguro’y huling bambang na pagpipilit sa pag-ibig at pita, ninakawan ni rene si sol ng halik at tulad ng
inaasahan, nagalit ang machong si sol kay rene, di na niya ito pinansin at tuluyan nang lumayo. Bagama
di natuloy ang sana’y mas indieng-indie na pag-iibigan ng dalawa, nagkaroon ng bagumbuhay si rene.
Inilabas niya ang lahat ng gamit mula sa kahon at dinekurasyunan ang kanyang bahay bilang meteporo sa
pagkakaroon nitong muli ng sigla at ganang magpatuloy sa buhay at maging masaya. Di kalat-kalat ang
mga banghay ng pelikula ni Jun Lana at may maayos na daloy ng talakay. Bagamat indie ito, wala itong
magalaw o nakahihilong mga kuha ng kamera at maayos ang pagkakakuwadra sa San Pablo, Laguna,
malayo sa dumi o sukal ng kamaynilaan, ang palagiang lunan ng mga pelikulang indie. Isang tunay na
alagad ng sining si Eddie Garcia. Epektibo ang batikang aktor at direktor bilang rene kahit na nga para
bang nahirapan siya ng sobra sa mga eksenang kailangan niyang sumakay sa traysikel. Sa kabuuan,
istorya ang bwakaw ng pagtanggap sa sarili kahit nasa dapithapon na ng buhay at pag-iisa sa pagtanda.
medyo kumbensyunal at makailang-beses na ring tinalakay ang temang ito sa ibang pelikula at palabas sa
telebisyon ngunit sa bwakaw, binigyan ito ng nakatutuwang positibong pananaw at malugod na lapit.
Tagumpay ito sa paghahatid ng balanse sa pagitan ng mga katatawanan at mga eksenang malungkot o
mabigat.

MUSIKAL
INDAK (2019)
Mahusay ang daloy at pagkakalahad ng kuwento ng Indak. Ipinakita sa pelikula ang iba’t-ibang daigdig
— nariyan ang buhay sa isla, sa siyudad, at sa ibayong dagat. Sa sentro nito ay isang babaeng nag-aagam-
agam at tila di tiyak sa kanyang sarili at sa tunay na naisin sa buhay. Makabago ang paglalahad nito ng
kuwento — walang histerya, halos walang mabibigat na eksena — kumbaga sa sayaw ay alalay lang at
kusang dumadaloy. Sa umpisa tila nakakabagot ngunit habang lumalalim at yumayabong ang kuwento,
kasabay ng mga indakan at tugtugin, naliliwanagan ang manonood na hindi lang ito basta pelikulang
romansa o patungkol sa pag-abot sa pangarap — tungkol ito sa ating kasarinlan bilang Pilipino na ipininta
sa makabagong panahon. Mahusay ang naging pagganap ni Lustre. Lutang na lutang ang kanyang husay
dito hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pagsayaw at pagkanta rin. Hindi rin matatawaran ang
angking galing ni Concepcion sa pagsayaw at pag-awit. Marahil nagkulang sa lalim ng kilig o relasyon ng
dalawa ngunit maari na itong palagpasin lalo pa’t hindi naman ito ang sentro ng kuwento. Mas naiangat
pa rin sana ang husay ng lahat sa pagsayaw kung mas naging kamangha-mangha pa ang kanilang
ipinakitang pag-indak. Ngunit para sa isang pelikulang nangahas ipagyabang at sumugal sa galing ng
Pinoy sa pag-indak, kapuri-puri pa rin ang pelikula.

PANTALAMBUHAY
HENERAL LUNA (2015)
Binigyang buhay ang pinagdaanan ni Heneral Antionio Luna sa pelikula, pinakita kung papaano
siyang naging isang tapat and mabagsik na heneral noong panahon na sinakop ng mga Amerikano ang
Pilipinas. Ngunit, hindi lamang ito ang naipakita sa pelikula, naipakita rin ang tradisyon at kultura
merong ang mga Pilipino noon – mula sa pananalita, pananamit, kabuhayan at mga values. Ang values ay
ang mga pinaniniwalaan at nakasanayang gawain nang isang kultura, nakapaloob dito ang alam nilang
tama at mali. Ilan sa mga Filipino values na ipinakita sa pelikula ay naisasagawa pa rin hanggang ngayon.
Ilan sa mga Filipino values na ito ay naipakita sa pamamagitan ng pamilya, pakikisama at pakikitungo sa
ibang tao. Naipakita sa pelikula na kahit kasagsagan ng gyera, si Heneral Luna ay patuloy pa rin na
bumibisita sa kaniyang inay. May mapapansin rin na value dito, ang respeto sa mga matatanda. Naalala
ko’y siya nag mano sa kaniyang nanay at patuloy ang paggamit ng po at opo. Sila ay nagkakamustahan at
nakita na talagang nag-aalala para sa isa’t isa. Pinakita rin sa isang pagbaliktanaw noong sila ay bata pa
sabay sabay sila kumakain sa hapag at masayang nagsasalusalo. Hindi man masyado nagkakasundo ang
magkakatapid na Luna pinakita pa rin sa pelikula ang kanilang pinagsamahan noong bata pa sila.
Naipakita rin ang value natin na relihiyoso, makikita sa mga bahay ng mga karakter ang mga birhen at
idolo; simbolo nang ating pananampalataya. At ang kakabaihan ay kadalasang may dala o suot na
rosaryo. Naipakita rin ang ating pagiging masayahin. Hindi man siguro totoong nangyari noon, pero
pinakita pa rin ito sa pamamagitan ng karakter ni Archie Alemania bilang Kapitan Eduardo Rusca. Sa
pelikula, sa gitna ng kaguluhan, ngiti at lakas ng loob ang kaniyang dala. Na-interpreta ko ito bilang may
mga paraan talaga ang mga Pilipino na gawing magaan ang mga mabibigat na sitwasyon. Isa pang value
ay ang bayanihan o ang positibong pakikitngo sa mga hindi kakilala. Naipakita ito sa eksenang punong-
puno man ng galit si Heneral Luna matapos ang kanilang pag-uusap kasama ang matataas na opisyales, na
mapapatay na niya isang matandang nagbebenta ng manok, sa huli ay tinulungan pa rin niya ito at
binigyan ng pera. Naipakita rin ang bayanihan noong nangangailangan ng mga pangkat si Heneral Luna,
sa loob ng tatlong araw nakakuha siya ng mahigit-kumulang 6,000 na tao para lumaban.
Sa kabuaan karamihan ng mga Filipino values na naipakita sa pelikula ay maaaring nasa ilalam nang
moral at collective values dahil ilan sa mga ito ay nagtatakda kung tama o mali ba ang ginagawa nang
isang tao. Sa personal na pananaw, bukod sa mga positibong value nating mga Pilipino sana ay
nakasanayan din ang matinding nasyonalismo o pagmamahal para sa ating bansa. Mahirap man sabihin at
masarap lang banggitin pero para sa akin, isa ito sa mga importanteng value na sana ay maipakita at
magawa ng mga Pilipino. Kapuri-puri ang mga taong nasa likod na bumuo nang pelikulang ito, sana nga
lang ay hindi mabali wala ang mga leksyon tat aral na dala nito para sa ating mga Pilipino.

KRIMEN
UNLUCKY PLAZA (2016)
The film pokes fun on the difference between Singapore and Philippine culture, with very obvious
references to the blatant corruption in the Philippines (where you can always pay off the judge if you
don’t win a trial), and to how Filipinos romanticize events as if it were a soap opera. If you think about it,
it’s really how Filipinos do things, and it’s not something that Singaporeans roll with. A lot of the humor
is extremely racist (and to highlight reality, most of the racist uttering were from Onassis, a Filipino),
which is an irony Kwek wanted to point out in Singaporean culture: a culture so diverse and very multi-
racial. Some of the humor may be lost to Westerners, but is very apparent not only to Singaporeans and
Filipinos, but to Asians in particular.

PAKIKIPAGSAPALARAN
CAREGIVER (2008)
Istorya ng isang Pilipinang may ambisyon para sa pamilya angpapel ni Sarah. Dahil sa hangarin niyang
matulungan ang asawang si Teddy(John Estrada) ay nag-aral siya ng kursongcaregiving at naging isa sa
150,000OFWs na nagtatrabaho sa United Kingdom. Magkasama nilang iniwan saPilipinas ang anak na si
Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng winter coat kalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang
pamasahe nito upang makasamanila sa London. Ang pelikulang ito ay nagbigay diin sa
pakikipagsapalaran ng ating mgakababayan upang mabigyan ng magandang buhay o kinabukasan ang
mgaminamahal sa bayang pansamantalang iniwan. Ito ay patungkol sa mga OFW’s oOverseas Filipino
Workers na nagtitiis sa mga hirap na nararanasan nila at sapatuloy na pagkayod para sa ikabubuti o
kapakanan ng kani-kanilang pamilya.Isa pa, napagtuunan din ang transpormasyon ng mga indibidwal
tungo saikauunlad o ikababagsak ng kanilang pagkatao. Una, sa parte ni Sarah(SharonCuneta), mula sa
nakasanayan niyang pagsunod sa bawat kagustuhan ngkanyang asawa ay nabago niya ang takbo ng
kanyang buhay; malaya siyangnakapagpasiya para sa alam niyang mas makabubuti sa buhay niya. Sa
kabilangbanda, mula sa nasimulang determinasyong gumanda ang buhay, naipakita niTeddy(John
Estrada) ang isang nakakabiglang pagbabago, at ito ay angdesisyon niyang sumuko na sa trabahong sa
tingin niya ay hindi naman karapat-dapat sa kanya...Bukod pa rito, natalakay rin ang mga katangian ng
isang tunay na Pilipino.Isa sa mga ito ay buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot
ngmakakaya, paggalang sa kapwa, at higit sa lahat, ang pagkapit sa tamangpaniniwala o ang pagsulong sa
tamang prinsipyo.

PAG-IBIG
THE HOWS OF US (2018)
Base sa aking natutunan sa pelikula, nais nitong maghatid ng mensahe na kapupulutan ng aral tungkol sa
takbo ng totoong buhay sa isang relasyon. Na hindi sa lahat ng oras ay masaya lang minsan mapait din at
kailangan may mag paraya, mag pasensya pero hindi lang ang isa ang gagawa o palaging gagawa ng
paraan para maayos ang problema. Dapat balansi lang ang kanilang mga pagpaparaya sa isa't-isa para
walang ma dihado ni isa man lang sa kanila at para hindi na umabot sa puntong hindi na magsusumbatan
sa mga nagawa nila sa isa't-isa.

AKSYON
BUYBUST (2018)
Ang mensahe ng pelikula kung pagmumulat sa publiko ng kabulukan sa gobyerno kaugnay sa
pagpapatupad ng programa laban sa ipinagbabawal na droga ang layunin nito. Naihatid naman ito sa
kabila ng mga butas sa kwento. Nagtuturo ng taktika para maging gabay sa pagsasagawa ng operatiba ang
tagapagsanay ng squad at base sa intelligence report ang mga inpormasyon, pero bakit tila hindi pinag-
aralan mabuti ang lugar ng Gracia Maria na pinapasok nila at inalam ang mga daan palabas. Gumamit pa
ng timer para ipakita kung ilan oras na sila naliligaw na parang nasa kagubatan na pinaglalaruan ng mga
elemento at isa-isang mapatay. Bagamat aksyon ay di maiwasan na mabagot sa panonood ng mga
pinahabang eksena ng madugong labanan at walang habas na patayan lalo na at gabi ang eksena kaya
madilim ang mga kuha ng camera. Gayunpaman, makatotohanan ang setting na slum area. Gayundin ang
ang galaw, hitsura, pananalita ng mga tao at kaakibat na sound bites. Akma ang ginamit na pag-iilaw at
epektibo bilang simbolo ng madilim na labanan sa magdamag hanggang sa pagsilay ng liwanag sa umaga.
Nasa konteksto ang mga murahan at pagsambit ng mga bulgar na salita. Nakatulong ang mga inilapat na
musika sa pagpapaigting ng mensahe. Malakas ang dating ng drone shot sa huling bahagi habang naka
voice over ang broadcast news tungkol sa enkwentro. Sa kabuuan ay makikitaan ng sinseridad ang
direktor sa paghahatid ng pelikulang tumatalakay sa talamak na isyu ng droga, kahirapan at korupsyon sa
lipunan.
DRAMA
TRANSIT (2013)
Kwento ang Transit ng mga migranteng Pinoy sa Tel Aviv, Israel na nagpupunyaging panatilihing buo
ang pamilya sa kabila ng banta ng deportasyon. Sa bagong batas na ipinatupad ng Israel, maaaring ipa-
deport ang mga anak ng mga migranteng may gulang na apat na taon pababa. Para hindi ma-deport ang
anak, itinatago ni Moises (Ping Medina) ang apat na taong gulang na si Joshua (Marc Justine Alvarez)
mula sa mga awtoridad. Katuwang ni Moises sa pag-aalaga kay Joshua ang kasamahang si Janet (Irma
Adlawan). Pero maging si Janet ay namomroblema sa tila pagrerebelde ng teenager na anak na si Yael
(Jasmine Curtis-Smith). Sa kabila nga kani-kanilang problema, nagawa pa ni Janet na tulungan ang
bagong saltang si Tina (Mercedes Cabral).Sa halip na tahiin ang kawing-kawing na kwento ng limang
tauhan ng pelikula sa isang linear na naratibo, binasag ni Espia ang kwento sa limang bahagi. Bawat isa
sa limang bahagi ay nagpokus sa indibidwal na kwento ng bawat pangunahing tauhan. Sa paggamit ng
estilong ito, pinapasilip sa manonood kung paano nakikita ng limang tauhan ang kanilang
mundo.Inilarawan din sa pelikula ang magkaibang pananaw sa pagtugon ng mga migrante sa mga
problemang kanilang kinakaharap. Kapwa mahal nina Janet at Moises ang kani-kaniyang anak at gagawin
nila ang lahat para protektahan sina Yael at Joshua. Naniniwala si Janet na kailangan ang
pakikipagtulungan at pakikiisa sa komunidad sa pagharap sa problema ng mga migrante. Sinarili naman
ni Moises ang pagharap sa problema nilang mag-ama.

EPIKO
GOYO (2018)
Ipinakita ng pelikula na siya ang paboritong heneral ni Aguinaldo (isang katotohanang hindi ko alam
bago panoorin ang pelikula), na inutusan niya ang mga tao na laban sa kanila na papatayin, at mayroon
siyang maraming mga pag-ibig sa mga babae mula sa iba’t ibang bayan. Ipinakita ng pelikula ang
kanyang mga pagkakamali sa halip na ang kanyang mga tagumpay. Ang kanyang kamatayan ay hindi
kahit na sa panahon ng labanan. Siya ay kinunan sa mukha habang siya ay nakatayo sa plain paningin ng
American snipers. Nang malaman ng mga sundalo na nakikipaglaban sa Tirad Pass ang tungkol sa
kanyang kamatayan, sila ay tumakas na nagsasabi na ang labanan ay tapos na. Nakakabigla. Maraming
beses na ang paglaban sa mga Amerikano ay maaaring napanalunan, kung ang Goyo ay mas nakatuon,
kung hindi siya ginulo ng mga kababaihan, at kung nakipaglaban siya para sa mga tamang dahilan.
PANTASYA
MAGIC TEMPLE (2009)
Ito ang kwento ng tatlong batang kinupkop ng isang matandang may angking galing, talino at
kapangyarihan – si Sifu.Sinasanay sila ni Sifu para linangin ang kanilang mga kapagyarihang taglay.
Si Jubal ang lider ng grupo, mapagpakumbaba at masunurin. Taglay niya ang kapangyarihan ng tubig at
hangin. Nakikita niya ang hindi nakikita ng matang normal. Si Sambag naman ay iyakin at mareklamo.
Ang pangalan niya ay mula sa kanilang salita na ang ibig sabihin ay sampalok , maasim na prutas. Ang
paraan niya ay paraan ng kalikasan. Nakakausap niya ang mga halaman at hayop. Si Omar ay mayabang
at palaaway. Taglay naman niya ang elemento ng bato at ng mga mineral na nanggagalings a lupa. Isa sa
mga pagsubok nila ay ang pagtakbo ng walang tigil ng may laman na tubig sa bunganga. Umiinom sila ng
tubig bago tumakbo saka binabalik sa baso ang tubig sa bunganga. Kapg may bawas ang tubig, ibig
sabihin, tumigil sila sa pagtakbo at malalagot sa matandang si Sifu. Habang nagsasanay sila, hindi nila
alam na nagkakagulo na pala sa Kaharian ng Samadi. Naririto ang timbangan ng balanse ng mundo, isang
mahiwagang bato sa mahiwagang temple. Sa oras, na maalis ang bato sa kinalalagyan nito ay mawawala
ang balanse ng mundo, magkakaroon ng kaguluhan, mamatay ang mga halama at mga hayop at
mamumuno ang isang napakagandang tao ngunit napakasama – si Ravenal. May pakiramdam ang mga
matatanda sa templo na nangangnib mawala ang balanse ng mundo kung kaya’t pinadala nila ang batang
mensahero, ang tinatawag nilang gamay upang maghatid ng mensahe kay Sifu. Ang mensahe ay:
Kailangan namin ng tulong mo dito.

ROMANTIKONG KOMEDYA

SHE’S DATING THE GANGSTER ( 2014 )


Ang pelikulang She’s Dating the Gangster ay halaw sa isang nobela na isinulat ni Bianca B. Bernardino o
mas kilala bilang SGWannabe. Ito ay kaniyang inilathala sa isang sikat na mobile application na kung
tawagin ay Wattpad. Sa pelikula, napakaraming pagbabago ang ginawa ng scriptwriter na si Carmi
Raymundo. Mga pagbabago mula sa katangian ng mga tauhan, balangkas ng kuwento, maging ang
katapusan. Nagsimula ang kwento sa pagpunta ni Kenneth de los Reyes (Daniel Padilla) sa Legazpi dahil
nalaman niya na ang kanyang ama na si Kenji de los Reyes (Richard Gomez), ay kabilang sa mga
biktima ng airplane accident. Sa paghahanap sa kanyang ama, nakilala niya si Kelay (Kathryn Bernardo),
na siya namang pamangkin ni Athena Dizon (Dawn Zulueta). Napag alaman ni Kenneth na hinahanap rin
nito ang kanyang ama sapagkat nais niyang magtagpo muli ang landas ni Athena at ni Kenji. Ang dalawa
ay dating magkasintahan. Sa paglalakbay ni Kelay at Kenneth upang mahanap si Kenji, isinalaysay ni
Kelay ang istorya ng kanyang tiyahin at ng ama ni Kenneth. Nagsimula ang kwento nila noong inakala ni
Kenji na si Athena Dizon ay si Athena Abigail Tizon na tinatawag niyang bee. Itinext niya ito at humingi
ng tawad at hiniling na makipagkita sa kanya upang personal na makahingi ng tawad ngunit nairita si
Athena at nagpanggap ngang si “Athena” na tinutukoy ni Kenji. Gumawa si Kenji ng kasunduan na
magpapanggap si Athena bilang girlfriend upang pagselosin si Abigail ngunit sa araw-araw na pagsasama
nila at pagde-date ay parating puno lamang sila ng away at hindi pagkakaintindihan.
Sa madalas nilang pagsasama, nabuo ang isang magandang pagtitinginan kung kaya’t tinanggal na nila
ang deal sa kanilang relasyon. Nagmahalan ang dalawa, ngunit bumalik si Abigail at nagmakaawa sa
pagmamahal ni Kenji. Sa panahong iyon, naguguluhan pa rin pala si Kenji sa tunay niyang nararamdaman
para kay Athena kung kaya’t dumating ang panahon na iniiwan niya si Athena para kay Abigail dahil may
cancer ito. Naghiwalay ang dalawa at dito rin ang punto na kung saan ay nalaman na sa mga
eksaminasyon ng mga doctor na lumala ang sakit ni Athena. Sa huling parte ng pelikula, muling
nagkatagpo ang landas ni Kenji at ni Athena. Subalit, huli na upang ituloy muli nila ang naudlot nilang
pag-iibigan. Sa panahong iyon kasi, malala na ang sakit ni Athena at kaunting oras na lang ang naging
kanilang pagsasama.

KATATAKUTAN
SUKOB (2006)
Itong palabas na ito ay hango sa kasabihan o paniniwala ng matatandang Pilipino. Ang Sukob ay
nangyayari pa gang kapatid o kamag-anak ay ikinasal ng parehong taon. May isang mamatay o kaya
naman maisusumpa. Isang nakakatakot na palabas pero para sa akin bilang manunuod, ay hindi.
Nakakatwa lang yung mga multo. Hindi talaga ako natakot. Oo, maganda yung storya pero kahit papano
kasi, alam mo na yung mga susunod na pangyayari. Kumbaga sa Ingles, “usual story” na. Yung patay na
katawan sa may unahan ng storya eh medyo nakakahiya kasi nakakatawa talaga. Hindi nakakagulat o
nakakatakot. Dito ipinapakita kung gaano naniniwala ang mga Pilipino sa mga multo.

SCIENCE FICTION

You might also like