You are on page 1of 3

Gamit ng Wika sa Lipunan ng Pelikulang “Cinderella”

Ang “Cinderella” na may mga pangunahing tauhan na sina Cinderella, Prince


Charming, Fairy Godmother, Anastasia, Drizella, at ang Stepmother ni Cinderella ay isang
pelikula na nagpapakita ng kasamaan ng kaniyang mga kapatid at Stepmother na
magiging hadlang sana sa pag-iibigan ni Cinderella at ng Prince Charming. Anong uri nga
ba ang gamit ng wika sa lipunan ng pelikulang ito?

Ang wika ang nagdudugtong at nagkokonekta sa atin upang magkaroon tayo ng


pagkakaisa at kaayusan sa mundong ito. Kaya’t dapat natin itong pahalagahan, gamitin at
alamin upang mas lalong lumawak ang pagkakaisa sa mundo.Marami ang may pamilyang
nagtutulungan ngunit, mayroon din mga pamilyang hindi nagkakasundo. Ang pag-utos sa
miyembro ng pamilya ay normal lang ngunit kung aalilain ito, ito ay isang tanda na ng
pagmamaltrato ng pamilya at hindi pagkakasunduan. Respeto at pagmamahal sa isa’t isa
ang nagbubuklod sa isang pamilya upang mas lalong lumalim ang kanilang
pagsasamahan.

Ang pelikulang ito ay patungkol sa isang dalaga na si Cinderella na nakatira


kasama ang stepmother at kaniyang stepsisters kung saan pinagbawalan siyang pumunta
sa sayawan sa palasyo ngunit nang lumabas siya nakatagpo siya ng lola na naging
kaniyang “Fairy Godmother” at tinulungan siya upang makarating sa sayawan.Ngunit
naiwan niya ang kaniyang sapatos noong siya ay nagmamadali at hindi nalaman ng
prinsipe ang kaniyang pangalan.Pagkatapos nito ay ipinahanap ng prinsipe ang may ari
ng sapatos na ito sa buong siyudad. Nang paalis na sana sila sa bahay ni Cinderella ay
narinig nila ang tinig ng babae na kumakanta.Kaya’t isinukat nila ang sapatos at
nagkasiya.Ngunit huli na ang lahat ng magsisi ang kaniyang stepmother.

Mayroong iba’t ibang paggamit ng wika sa Lipunan at nagtataglay ng dalawa ang


pelikulang ito. Ipinapakita ng pelikulang ito ang paggamit ng Instrumetnal na paggamit ng
wika sa Lipunan, dahil ang pag-uutos ng kaniyang stepmother at stepsisters ay
nagpapakita ng kagustuhan at pangangailangan nila. Kagustuhan din at pangangailangan
ang pagpapahanap ng prinsipe sa babae gamit ang pag-utos sa kaniyang mga kawal.
Nagkaroon din ito ng interaksyunal na paggamit ng wika sapagkat nagkaroon ng maayos
na relasyon ang prinsipe, kaniyang mga kawani, at mga taong nakatira sa nayon.
Nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap tungkol sa lugar, panahon, oras, at
pananamit.Naging malinaw din sa kaniyang mga kawal ang kaniyang utos sa
pagpapahanap sa babaeng kaniyang nakasayaw noong gabing iyon. Isa pa ang kaniyang
mga magulang, naintindihan niya ang kaniyang anak na napa-ibig ito sa babaeng
kaniyang Nakita noong gabi kahit na ito ay hindi isang prinsesa.

Sa paglalahat, masasabi nating napakahalaga ng ating wika at dapat na gamitin


natin at alamin ito upang mas lalong magkaisa at amgkaayusan ang bawat tao. ang
pelikulang ito ay nagpapakita ng iba’t ibang pangaral at magpapaalala rin ito sa ating mga
kasalanan na naggagawa natin sa ting mga pamilya. Nakapagpapaalala rin ito na hindi
lahat ng kagustuhan ay dapat lagging nasusunod lalo na kung ito ay iniutos mo lang sa
iba. Nabibigyang diin dito ang pakikipagugnayan o pakikiusap ng maayos sa ibang tao ay
mahalaga upang hindi kayo magkaroon ng hindi pagkakaunawaan o galit sa isa’t isa.

You might also like