You are on page 1of 3

SCRIPT

Ngayon pag-uusapan natin ang maikling kwento na pinamagatang “Bulalakaw” ni German V.


Gervacio.

TAUHAN

Bago natin talakayin ang daloy na kwento ay atin munang kilalanin kung sino-sino ang tauhan
sa kwentong ito.

Pinakauna ay si Aya – siya ang tagapagsalaysay ng kwento natin ngayon

Susunod naman ay si Gen – siya ay kababata ng ating tagapagsalaysay at kadalasang


tinatawag si Aya bilang “Prinsesa Aya”.

Susunod ay sina Ding at Mara – sila ay mga kababata din nina Aya at Gen ngunit mas matanda
ang mga ito ng ilang taon.

Panghuli ay sina Ron, Emil, at Pete – ang mga ito ay ang mga naging nobyo ni Aya.

TAGPUAN

Susunod naman nating aalamin ay ang mga tagpuan ng kwento. Ito ang bubongan, paaralan, at
kanto sa may abangan ng saksakyan.

BANGHAY

Ngayon, matapos natin malaman kung sino-sino ang mga tauhan ng kwento at ang tagpuan
nito, ay dumako na tayo sa mga pangyayari.

           Panimulang pangyayari

           Nagsimula ang kwento sa pagsasalaysay ni Aya tungkol sa kanyang mga kaibigan.
Nabanggit niya ang pagkamatuksuhin nina Ding at Mara na palaging nagpapainggit ng
iskrambol at kulangot-ng-instsik.

           Nabanggit din ni Aya ang pagkamaginoo ni Gen dahil sa nakagawian nitong lagyan ng
kanyang sombrero ang uupuan ni Aya at tawagin si Aya bilang “Prinsesa Aya”.

           Sa bubongan nila Aya naman parating nagpapalipas ng oras ang magkababata at doon
sila laging nagpipiknik, nagtutuksuhan, nagkukuwentuhan, naghaharutan, at nagtatakutan. Si
Ding ang magaling manakot ang mahilig mangtukso sa magkakaibigan, samantalang si Gen
naman ang pinakamagaling magkuwento. Ngunit ang mga kwento nito, ayon kay Aya, ay
napakalalim at mahirap maunawaan.

           Lumipas ang mga taon at tumungtong na sa highschool ang mga magkababata at
nagsimula ng magbago ang lahat. Nagsimula ng humiwalay sina Ding at Mara at ang mga
kuwento at salita ni Gen ay mas lumalim.

 Nasa bubungan sina Gen at Aya ng magkwento si Gen tungkol sa bituin at bulalakaw. Ani ni
Gen, ayaw daw niya sa mga bituin dahil kailangan mo itong suklian ng paghanga bago ito
magbigay ng liwanag. Mas gusto niya ang bulalakaw dahil aniya “Maaaring saglit lang siyang
magbigay ng liwanag pero katumbas naman iyon ng kanyang buhay. At bigla-bigla na lamang
siyang maglalaho, na para bang nahihiyang mapasalamatan. Maaaring sa isang dulo ng
kalawakan siya hihimlay ngunit makakaasa kang siya’y babalik. Bukas? Sa isang taon? O sa
iba pang panahon. Babalik siya habang nabubuhay ang daigdig sa dilim ng mga bituin”.

Ngayon, dumako tayo sa Pataas na Aksyon

           Lumipas na naman ang mga panahon at magtatapos na sina Aya at Gen ng highschool.
Bilang regalo ay binigyan ni Aya si Gen ng isang  pambeysbol na sombrero samantalang si Gen
naman ay naghandog ng isang kard kay Aya nag kung saan ay may nakalagay na sulat at
drowing.

           Napagkasunduan nina Aya at Gen na parehong unibersad ang kanilang papasukan sa
kolehiyo ngunit ng magsimula na ang pasukan, ay walang Gen na nakita si Aya sa paaralan.

           Nagkita ang dalawa sa kanto sa may abangan ng sasakyan at doon nalaman ni Aya na
hindi na tumuloy ng kolehiyo si Gen at nagtatrabaho na ito. Nalaman din ni Aya na iniwan si
Gen ng kaniyang ama.

           Unti-unting lumayo si Gen kay Aya na ikinalungkot naman ng dalaga. Nabalitaan din ni
Aya ang malaking pagbabago ni Gen. Natuto na raw itong manigarilyo, maglasing at may
nakapagsabi na nalulong siya sa droga.

           Dahil sa sakit at galit na naramdaman ni Aya kay Gen, ay nakipag-ugnayan siya sa
ibang lalaki upang malimutan si Gen. Si Ron ang unang naging kasintahan ni Aya, sumunod
naman si Emil at Pete. Ang relasyon ni Aya sa mga lalaking ito ay hindi nagtagal dahil hindi nila
kayang bigyang liwanag ang puso ni Aya.

Kasukdulan

Isang gabi’y bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagising si Aya sa tunog ng nabuksang
bintana. Babangon na dapat siya upang isara ang bintana ng may biglang humaltak sa kanya at
may itanapal sa kanyang ilong at bibig. Hindi nagawang manlaban ni Aya ngunit buhay parin
ang kanyang diwa’t kamalayan.

Pababang Aksyon

Kinaumagahan ay pinuntahan ni Aya si Gen pero may balitang gumulat sa kanya. Nabalitaan
niyang patay na si Gen at natagpuan itong laslas ang pulso at putok ang ulo sa pagkakauntog.
At iyon ang araw na nagsimulang magbago si Aya at tila nawalan na ng kulay ang kanyang
mundo.

Wakas

Tatlong buwan ang nakalipas at nasa bubungan si Aya, nilagyan niya ng sombrero ni Gen ang
kanyang inuupuan. So nung gabing may nangyari kay Aya, ay may naiwan na sombrero sa
kanyang kwarto at ang sombrerong yon pala, ay yong sombrero na regalo ni Aya kay Gen.

So simula ng pagkamatay ni Gen ay palaging nasa bubungan na si Aya at ang mga nakakakita
sa kanya ay nagsasabing nababaliw na siya.
Ang nasa isip ni Aya tuwing may nagsasabing nababaliw na siya ay “Si Prinsesa Aya baliw?
Bakit Gen, baliw ba ang tawag nila sa isang buntis na gabi-gabi’y nasa bubungan at naghihintay
sa pagbagsak ng bulalakaw?”

So doon nagtatapos ang maikling kwentong pinamagatan na “Bulalakaw”. Sa kwentong ito ay


nasaksihan natin ang masayang karanasan ng ating mga bida sa kanilang kabataan at ang unti-
unti nitong pagbabago ng sila ay lumaki. Ipinahayag sa kwentong ito na habang lumilipas ang
panahon ay mas lumalawak ang ating pag-iisip at lumalalim ang damdamin. Hindi tayo habang
buhay magiging bata na kung saan ay pansariling kasiyahan lamang ang inaatupag, tayo ay
lalaki at haharapin ang mga hamon na dala ng buhay. Ngunit ganun paman, maaasahan mong
may bulalakaw na dadating at babalik upang magbigay liwanag sa madilim na mundo.

Sa kwento ding ito, Iniugnay ng awtor ang tauhan sa kalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng
Bulalakaw at bituin bilang isang simbolismo upang ipahayag ang kanyang mensahe sa kwento.

You might also like