You are on page 1of 6

Filipino 3

Elemento ng Kwento

Panimula

Balik-Aral

https://youtu.be/khB97j_AHdA

GAWAIN 1: Pagtatambal ng mga larawan (opsyunal)

Pagtambalin ang mga larawan at ang mga pamagat ng kwento. I-click lamang ang kahon upang mabuksan ang
nilalaman ng mga ito.

Pagpapaunlad
GAWAIN 2: Panonood ng video at Pagtukoy sa katangian ng mga elemento ng kwento (required)
Ang kwento ay mga produkto ng malikhaing-isip ng tao at naipapahayag ito sa pamamagitan ng pagsusulat,
pagdadrama o pagsasapelikula. Maaaring ito ay gawa-gawa lamang tulad ng mga kuwentong bayan. Ito ay tinatawag
nating “fiction” sa wikang english. Maaari rin namang ang kwento ay totoong pangyayari o hango sa totoong buhay.
Alamin natin ang mga elemento ng kwento at ang mga katangian nito sa pamamagitan ng pag-click ng video na nasa
ibaba.
https://youtu.be/nYBXYNViadU

Pagbasa at Pag-unawa sa kwento


Sino-sino ang iyong mga kaibigan?
Ano-ano ang pangarap ninyo? Paano ninyo matutupad ang inyong pangarap?
Halina na! Basahin at pakinggan ang kwento tungkol sa magkakaibigan at ang pagtupad sa kanilang mga pangarap. (I-
click lamang ang play button sa ibabang bahagi ng kwentong babasahin).

GAWAIN 3: Paglalarawan ng Elemento ng Kwento (required)


I-click ang video upang malamang ang gagawin sa pagsasanay na nasa ibaba.

Pakikipagpalihan
GAWAIN 4: Pangkatang Gawain (required)
PAGSAGOT SA BALANGKAS (PANGKAT 1)
Basahin ang Kwento. Magkaroon ng pag-uusap sa magiging sagot sa balangkas sa pamamagitan ng pagclick sa "enter
chat now" na makikita sa ibabang bahagi .Isulat ang kasagutan sa papel, picturan ito at ipadala sa facebook messenger
ng guro.

Ang Batang Matulungin at Masunurin

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Paggagalitan siya ng inakapag mahuli siya
sa pag-uwi. Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tinginpalang niya,
kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan
maya-maya may humintong sasakyan sa harapanni Paul. Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa
sakit ng tiyan ang bata.Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit
naawa siya sa bata. Alam niya na mas kailangan ng mag-ina ang sumakay agad, kaya pianubaya na lang niya ang
sasakyan sa kanila.Nagpapasalamat ang ina ng bata.Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil
nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang.

PAGSAGOT SA BALANGKAS (PANGKAT 2)


Basahin ang kwento. Magkaroon ng pag-uusap sa magiging sagot sa balangkas sa pamamagitan ng pag click sa
"enter chat now" na nasa ibabang bahagi. Isulat ang kasagutan sa papel, picturan ito at ipadala sa facebook messenger
ng guro.

Si Juan at ang mga Alimango


Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng
mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at
nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango at nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nila sa palengke ay
naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang
naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango.

“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo
at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige,
lakad na kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos
ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang
magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura.
Nagmamadali nang umuwi si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan.
Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.

“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”

“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang ibig mong sabihin?”

“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga
alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay
naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.
PAGSAGOT SA BALANGKAS (PANGKAT 3)
Basahin ang kwento. Magkaroon ng pag-uusap sa magiging sagot sa balangkas sa pamamagitan ng pag-click sa
"enter chat now" na makikita sa ibabang bahagi. Isulat ang kasagutan sa papel, picturan ito at ipadala sa facebook
messenger ng guro.

Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong
araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking dumarating.
Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin
kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang polo.
Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila
giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis ang
damit ng lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad
ang taong iyon.”

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalaki.

Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat ang mga
butones ng polo at hinubad ito.

Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.


Pakikinig ng Kuwento
Panoorin at pakinggan ang maikling kwento at pagkatapos ay sagutan ang susunod na gawain.
https://youtu.be/nh_KYQK8yUw
GAWAIN 5: Pagsagot sa mga Tanong sa Kuwento (required)
Basahin ang kwento at sagutan ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-click ng letra ng tamang sagot.

Paglalapat
GAWAIN 6: Pakikinig, Pagbabahagi ng Kwentong Napakinggan Gamit ang mga Gabay na Tanong (required)
Makinig sa kwento ng "Ang Tigreng si Tralala". I-click ang play button upang mapakinggan ito. Ibahagi ang
napakinggang kwento sa inyong mga kasama sa bahay gamit ang mga pamatnubay na tanong na nasa ibaba.

1. Sino-sino ang mga tauhan?

2. Saan at Kailan nangyari ang kwento?

3. Ano ang suliranin ng mga tauhan sa kwento?

4. Paano nalutas ang suliranin ng mga tauhan sa kwento?

You might also like