You are on page 1of 15

Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayong mapaunlad pa ang iyong


kaalaman sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Sa araling ito ay inihanda rin ang mga gawain na siyang susubok sa iyong
kakayahan batay sa iyong matutunan sa aralin.
Sa maikling kwento na pinamagatang “Ang Ama” ay nakilala mo na kung
sino-sino ang mga tauhan at natunghayan mo rin ang mga mahahalagang
pangyayari napapaloob dito.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paraan sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari?
a. Sekwensyal c. Kronolohikal
b. Prosidyural d. paghahambing
2. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon o oras.
a. Prosidyural c. Kronolohikal
b. Paghahambing d. Sekwensyal
3. Ito ay mga serye o sunod-sunod na mga bagay na konektado sa isa’t isa.
a. Paghahambing c. Prosidyural
b. Sekwensyal d. Kronolohikal

Aralin
Napagsusunod-sunod ang
6 mga pangyayari sa akda
Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ay isang kasanayan na dapat
matutunan ng bawat isa. Nabibigyan ng patataya o ebalwasyon ang isang
mambabasa kung alam niya kung paano pagsusunod-sunurin ang mga
mahahalagang pangyayari sa isang kuwento.
Balikan
Sa kuwentong pinamagatang “Ang Ama” alam kong natatandaan mo pa ang mga
mahahalagang pangyayari rito. Magbigay ng mga mahahalagang pangyayari na
iyong natandaan batay sa pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.

Tuklasin
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito ay isang
hakbang na kung saan ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ang mga
pangyayaring napapaloob sa isang akda.
Isa rin itong paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa
pagkuha ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kwento.
May tatlong paraan sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Sekwensyal
Kronolohikal
Prosejural
Sekwensyal ay mga serye o sunod-sunod na mga bagay na konektado sa isa’t-isa,
ang isang teksto ay gumagamit ng pagsunod-sunod na sekwensyal kung ito ay
kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t-isa.
Halimbawa: Mula sa Maikling kwento na, “Ang kalupi” ni Benjamin Pascual.
1. Pagpunta ni Aling Marta sa palengke upang mamili ng mga ihahanda sa
pagtatapos sa haiskul ng anak na babae.
2. Pagkabunggo ng isang batang patpatin at gusgusin kay Aling Marta.
3. Pagkawala ng kalupi ni Aling Marta.
4. Paghahanap ni Aling Marta sa batang gusgusin at pilit niyang ipinalalabas
ang nawawalang kalupi.
5. Pagkakita at pananakit sa batang gusgusin at pilit niyang ipipanalalabas
ang nawawalang kalupi.
6. Pagdating ng pulis at pagtakas ng bata sa mahigpit na pagkakahawak ni
Aling Marta.
7. Pagkabundol sa bata na naging sanhi ng kamatayan.
8. Pag-uwi ni Aling Marta at natuklasan niyang hindi ang nawala ang kalupi
kundi naiwan sa bahay.
Kronolohikal ay ang pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari
ayon sa tamang panahon at oras.
Halimbawa: Ang mga naging Pangulo ng Pilipinas:
1. Emilio Aguinaldo (1898 – 1901)
2. Manuel L. Quezon (1935 – 1944)
3. Jose P. Laurel (1943 – 1945)
4. Sergio Osmeña (1944 – 1946)
5. Manuel Roxas (1946 – 1948)
Prosidyural ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo
ang inaasahang hangganan o resulta.
Halimbawa: Pagluluto ng Egg Souffle.
1. Una, kumuha ng dalawang bowl na pwedeng pag lagyan ng itlog.
2. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
3. Ika tatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
4. Ang puti ay ilagay sa isang bowl, at ang yellow ay ilagay sa isa pa.
5. Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin hanggang
magging -“whipped cream” like ang mukha nito.
6. Lagyan ng asin ang yellow ng itlog at haluin rin.
7. Ihalo ang yellow na timpla sa puti ng itlog.
8. Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
9. I lagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
10.Hintaying maluto.

Suriin
Panuto: Buhat sa kuwento na “Ang Ama” Pagsunod-sunurin ang mga
pangyayaring naganap. Lagyang ng bilang 1-4
____ Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama.
____ Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
____ Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpesa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang
supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na
hirap nilang ubusin.
____ Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata
gayung binalaan nilang papaluin ito.

Pag
yamanin
Panuto: Isaayos ang pangungusap upang mabuo ang kwento. Lagyan ng bilang 1 –
5 ayon sa pagkakasunod ng mga pangyayari.
_____ Namatay ang anak
_____ Nagbago ang ama sa kanyang asawa’t anak.
_____ Habang kumakain ayaw niyang makarinig ng iyak kaya nagulpi niya si Mui
Mui.
_____ Pag uwi ng ama sa bahay na ang mga bata ay nakadarama ng takot at
pananabik.
_____ Nagsisi ang ama

Isaisip
Tandaan ang mga sumusunod na mga ideya upang malaman kung sa
anong pagsusunod-sunod ba ito napapabilang.
Sekwensyal (cause and effect)
Binubuo ito ng mga serye ng mga pangyayari at konektado sa isa't isa.
Kronolohikal (when)
Tumutukoy ito sa agham na pag-aayos ng mga pangyayari ayon sa kung ano ang
nauna sa panahon. Kadalasang naglalaman ito ng isang petsa o panahon.
Prosidyural
Iniisa-isa kung paano nagaganap ang isang proceso mula simula hanggang wakas.
Nagpapakita ng mga hakbang na kailangang sundin upang matamo ang
insaasahang resulta.

Isagawa
Panuto: Basahin ang kuwento na “Anim na Sabado ng Beyblade” At gawin ang
Time Line na makikita sa ibaba.

Anim na Sabado ng Beyblade


(Bahagi Lamang)
ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng


kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng
biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang
di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat
ng Sabado. Maraming- maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-
Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang
paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang
lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa
limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro
ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang Ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang
dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya
makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang
nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas
bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali
man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang
tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong
hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad
akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga
kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at
nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang
kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas
ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na
kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya
ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,
kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng
pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata
ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit
ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang
mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit
nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang
mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay
na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na
ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga
nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali
matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-
usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-
sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na
masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.
Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar
na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.
Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-
aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
TIMELINE

Sabado Sabado Sabado


Sabado Sabado Sabado
1 2 3 4 5 6

Tayahin

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang S kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng katangian ng tekstong Sekwensyal, K kung
kronolohikal at P kung ito ay prosidyural.
____ 1. Nagkakasunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa oras o panahon.
____ 2. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa serye ng mga gawain
upang magkaroon ng resulta.
____ 3. Kung ito ay kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa
isa’t-isa ito ay.
____ 4. Ang pagluluto ng adobo sa tulong ng mga hakbang na susundin ay
halimbawa ng anong uri ng pagsusunod-sunuod ng mga pangyayari.
____ 5. Takdang aralin ni Mira na kilalanin at pagsunod-sunurin ang mga
pangalan at taon ng mga nanungkulang pangalawang pangulo sa Pilipinas.

B. Panuto: Nasa ibaba ang mga hakbang sa pagluluto ng lugaw. Pagsunod-


sunurin ang mga hakbang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6.
____ Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman hanggang mahinang apoy
upang lumambot ang bigas. Halo-haluin nang madalas upang hindi dumikit ang
kanin sa ilalim ng kaldero.
____ At sa huli, kapag ihahain na ay maaaring timplahan ito ng pamintang durog o
lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at kalamansi.
____ Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking kaldero o kaserola.
____ Matapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang pinagpira-pirasong
manok at sibuyas saka timplahan ng patis ayon sa panlasa.
____ Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo sa lugaw ang itinabing pinagpakuluan ng
manok. Lakasan ang apoy upang kumulong muli.
____ Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa kumukulong tubigat saka
haluin.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga naitalang pangyayari upang makabuo ng
makabuluhang talata. Lagyan ng bilang 1, 2, 3, 4, 5. (5 puntos)

_____ Naglakad siya patungong paaralan


_____ Gumising ng maaga
_____ Naglinis ng katawan
_____ Kumain ng agahan
_____ Tinupi ang kumot at inayos ang agahan

Susi sa Pagwawasto

Tayahin Karagdag
Pagyama
Subukin Suriin A. B. ang
nin
1. K 3 Gawain
1. D
1 3 2. P 6
2. C 4 5
5 3. S 1
3. b 2 1
2 4. P 5
3 1 5. K 4 4
4 3
2
2

Sanggunian
 Panitikang Asyano 9
 https://prezi.com/xvo5fv5ffcjx/sekwensyalkronolohikalat-prosidyural/
 https://www.slideshare.net/daniholic/anim-na-sabado-ng-beyblade
Alamin

Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa “Ang Ama”, bumuo ng ilang pahayag
na may kinalaman dito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang
sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng
transitional devices sa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot.

Subalit datapwat ngunit samantala kung gayon

Kaya dahil sa sa wakas sa lahat ng ito saka

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na ___.
a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos
2. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit
tayo ng mga:
a. pantukoy c. pandiwa
b.Pangatnig d. pang-abay
3. ___ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitawang
nawawala sa pangungusap ay .
a. Kung c. Sa
b. Kapag d. Simula
4. ___ makakauwi na rin ako sa amin pagkatapos ng enchanced community
quarantine.
a. Pati c. Sa wakas
b. Datapwat d. Dahil sa
5.____ Covid 19 ay maraming buhay ang nabago.
a. Dahil sa c. Sa wakas
b.Kung d. Subalit

Aralin Napagsusunod-sunod ang


mga pangyayari gamit ang
7 angkop na mga pang-ugnay
Sa pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, makatutulong kung
magagamit mo nang wasto ang mga pangatnig at transitional devices.

Balikan

Sa iyong mga naging kasagutan sa “Alamin”, ano sa tingin mo ang mga


salitang kabilang sa mga pangatnig, at alin naman sa mga salitang ito ang kabilang
sa tinawag na transitional devices?

Tuklasin

Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng


dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon
sa tamang gamit nito.
Ang mga transitional devices ay mga katagang ginagamit upang pag-
ugnayin ang naratibo o ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Mga Pangatnig:
Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider
natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali,
sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit,
kahit na
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa
kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban
niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang
mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan,
gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan. d.
Nagtanim siya ng upo at saka patola.
Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw/raw, sa ganang
akin/iyo, di umano.
Halimbawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
B. Mga Transtional Devices
Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang,
sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa wakas ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.
Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit. Kaya, samakatuwid, kung gayon
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

Suriin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga pang-ugnay sa pagsunod-sunod ng mga


pangyayari.

Kapag sa wakas mula


Kaya hanggang

__________ noon nang makilala ko siya di ako mapalagay __________ tinawagan ko


siya. __________ mahulog ang loob niya sa akin __________ umuuwi sinasabayan ko
siya. __________ napasagot ko rin siya.
Pagyamanin

Panuto. Punan ng tamang pang-ugnay ang puwang upang makabuo ng


makabuluhan pangugnusap.
_________ noon nawala na ang paghanga ko sa kanya dahil sa kanyang mali
nagawa. Ano ang salita ang maaaring ipuno sa patlang?
Bumangon siya agad __________ malamang siya’y buhay pa.
Hindi niya alam ang gagawin sa umiyak na bata_________ makita niya ang gatas
nito?
Pagkatapos ng apat na araw ng paglalakbay_________ nakita rin niya ang
hinahanap
Hugasan mo ___________ ang mga dahon bago ito pakuluan

Isaisip

Ginagamit ang mga pangatnig at transitional devices upang maging malinaw ang
kaisipan ng mga pangungusap at upang matiyak ang lohikal na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.

Isagawa

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional devices


upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu,
(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito
haharapin.
2. (Datapwat, Subalit) nasabi niyang siya’y nakaraos sa buhay, hindi parin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sawakas, saka) naisip niyang dapat siyang
magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng
ito), hindi na niya alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon,
kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa
kaniyang pamilya.
Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:
a. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. Pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng salita.
c. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o gaganapin ang kilos o
pangyayari.
2. Uri ng pangatnig na ginagamit kapag nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
a. panubali b. pananhi c. panimbang d. pamanggit
3. Ginagamit ito sa paghihiwalay o pagtatangi ng isa o higit pang tao, bagay,
pangyayari o kaisipan.
a. Panimbang b. pamukod c. panubali d. pananhi
4. Ito ay nagsasaad ng pagwawakas o nalalapit na pagtatapos ng nagsasalita.
a. Panlinaw b. panapos c. panubali d. pananhi
5. Si Alden daw ang nagsabing hindi kapat-dapat ni lider si Kiko. Ang salitang
may salungguhit at halimbawa ng pangatnig na __.
a. Panimbang b. panahi c. pamanggit d. paninsay
6. ____ masasabing naging maayos ang katatapos lamang na konsiyerto. Anong
salita ang maaaring isulat sa patlang?
a. Daw b. Kung c. Sa kabuuan d. Dahil sa
7. Mahilig siyang kumain ____ kata-takang hindi siya tumaba.
a. Kaya b. dahil sa c. daw d. ngunit
8. Nagkatampuhan sina Bert at Susan ___ hindi makakasama si Bert sa atin sa
bahay nina Susan sa Tagaytay.
a. Dahil sa b. saw akas c. umano d. kung gayon
9. Magpupunta sina Marnie ____ Andrea sa palengke maya-maya at susunduin
ang kapatid sa eskwela.
a. At b. kung c. kaya d. kung gayon
10.Sigurado akong magtatatagumpay tayo sa ating proyekto sino ___ ang maging
pinuno natin.
a. Man b. ni c. maging d. kung

Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ng angkop na pangatnig at transitional devices ang mga patlang
upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot .

Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo
ng diving para sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games. ____ nga
mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ____
kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi
na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo,
matatanggap pa rin siya ____ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang
Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na
pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging
tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag
na sinag ng buwan. ____.
_____ habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na
tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang
dalawang kamay, ____ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa
pagtalon. ____ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na
nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. ____ na lamang
ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa
kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at
umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa
aking kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa
inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang
kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang
paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na
wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago
namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po,
Panginoon.” Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na ‘yun.

Susi sa Pagwawasto

Tayahin
Subukin Pagyama 1. A
Suriin Isagawa
2. A
1. C nin
1. Kaya 3. B
2. B Mula
Mula 2. Datawat 4. B
3. B Kaya
Kaya 3. Saka 5. C
4. C Hanggang
Hanggang 4. Kaya 6. C
Kaya
5. A Sa wakas 5. Kung 7. D
Sa wakas
Kaya gayon 8. D
Sanggunian 9. A
 Panitikang Asyano 9 10.A
 Pinagyamang Wika at Panitikan 9 11.
 https://www.slideshare.net/mariejajaroa/pangatnig-58499902
 https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-9-filipino-learners-module

You might also like