You are on page 1of 3

SCIENCE 3

ARALIN 1.3: KATANGIAN NG GAS/Week 3/ October 19-23, 2020


Katangian ng Gas
Magandang araw mga bata! Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga iba't ibang katangian ng gas. Ang
gas ay isa sa tatlong anyo ng matter. Ito ay mga bagay na di nahahawakan at walang sariling hugis. Hindi natin ito
nakikita ngunit ating nararamdaman.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapaglalarawan at makauuri ng mga gas ayon sa
panlabas na katangian ng mga ito.
Tara magsimula na sa pamamagitan ng pagclick sa Introduction button.
Kung ikaw ay handa na, tara na at alamin ang katangian ng gas sa pamamagitan ng mga sumusunod na mga gawain.
Panimula
Magbalik-aral muna tayo tungkol sa ating aralin tungkol sa mga katangian ng mga liquid. Basahin at unawain
ang bawat tanong at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pag-click ng button ng iyong sagot.
Ipagpatuloy mo ang gawain sa pamamagitan ng pagclick sa Gawain 1: Buuin Mo Ko.

Gawain 1: Buuin Mo Ako (Optional)


Magaling ka! Naalala mo pa ang ating aralin tungkol sa mga katangian ng mga liquid.
Ngayon naman mayroon akong isa pang hamon sa iyo, subukan mong buuin ang puzzle sa itaas.
Iclick ang Development button para sa susunod na gawain.
Click https://www.bookwidgets.com/play/TBB32TL?teacher_id=6277407257395200

Pagpapaunlad
Katangian ng Gas (Video)
https://youtu.be/6e9WGnHMgIM
Ano ang mga gas na nakita mo sa video?
Your answer:

Gawain 2: Tama o Mali (Required)


Pindutin ang play button upang mapakinggan ang Audio Recording.
Basahin at unawain ang bawat tanong. Sagutin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa button ng True kung tama
at False naman kung mali.
Magaling mga bata! Ipagpatuloy ang gawain sa pamamagitan ng pagclick sa Gawain 3: Ano ang Opinyon Mo button.
Ang gas ay may sariling hugis.
a. True b. False
Hindi natin nakikita ng gas subalit ito ay ating nararamdaman.
a. True b. False
Nakukuha ng gas ang hugis nito sa kanyang paligid.
a. True b. False
Ang gas ay may lasa.
a. True b. False
Ang hangin na ibinubuga ng electric fan ay halimbawa ng gas.
a. True b. False

Gawain 3: Ano ang Opinyon Mo? (Required)Forum


Panoorin mo ang video na naka-attach sa forum session at sagutin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan
ng pag-click sa "Add a new discussion topic" button. Ilagay ang iyong pangalan sa subject. Kapag natapos, i-click
lamang ang "Post to forum" button. Pumili ka rin ng tatlong kamag-aral mo, basahin mo ang kanilang mga sagot at
magbigay ka ng opinyon sa mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa 'reply" button. Tandaan lamang na maging
magalang ka sa pagbibigay ng iyong opinyon.
Narito naman ang mga katanungan:
1. Anong gas ang binanggit sa video?
2. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng maruming hangin?
3. Paano makakaapekto sa kalusugan nating mga tao ang maduming hangin?

4. Sino-sino ang maaapektuhan kapag madumi ang hangin na nilalanghap?


5. Bilang isang bata, meron ka bang magagawa upang makatulong sa pagpapanatiling malinis ng hanging nilalanghap
natin?
Pakikipagpalihan
Ikaw ba ay nakapunta na sa isang birthday party? I-click ang puzzle file na naka-attach sa ating forum at buuin
ito. (Clue: Ang puzzle ay tungkol sa birthday party.)
Pagkatapos mabuo ang puzzle, sa ibaba ng puzzle mo ay gumawa ng talata bilang sagot sa mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang nabuong larawan sa puzzle?
2. Bakit ka dumadalo sa mga birthday party?
3. Anong mga gawain ang gusto mo sa birthday party?
4. Nabigyan ka na ba ng lobo?
5. Mabuti bang dumalo sa mga ganitong pagdiriwang? Bakit?
Ang inyong nai-upload na puzzle at talata ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba.
Magpatuloy sa pamamagitan ng pagclick sa Assimilation button para sa sunod na gawain.

Paglalapat
Napapanahon ngayon ang pagsusuot ng face mask. Kahit saan ka tumingin at kahit saang lugar, ang mga tao
ay nakasuot ng face mask. Hindi puwedeng lumabas ng bahay nang hindi nakasuot ng face mask. Sagutin mo ang mga
sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pag-click sa "Add a new discussion topic" button sa ibaba. Pumili ka rin ng
tatlong kamag-aral, basahin mo ang kanilang mga sagot at bigyang komento mo ito sa pamamagitan ng pag-click ng
"reply" button sa ibaba ng kanilang sagot. Paalala lamang na maging magalang sa pagbibigay ng opinyon.
Narito ang mga tanong:
1. Anong pandemya ang nararanasan natin hindi lamang sa Pilipinas kundi buong mundo?
2. Bakit kailangan magsuot ng face mask?
3. Ang pagsusuot ba ng face mask ay makabubuti sa bawat tao? Ipaliwanag kung bakit.
4. Bilang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpigil ng paglaganap ng
pandemyang ating nararanasan ngayon?
Mahusay mga bata! Natapos ninyo ng maayos ang mga katangian ng Solid, Liquid, at Gas.

You might also like