You are on page 1of 23

AKTIBITI

E-endorso mo!
(Papangkatin Gawain) lalake at babae sunod ay pipili kayo ng
isang bagay na makikita sa loob ng inyong tahanan na gagawan
ng nakakapanghikayat na patalastas sa loob ng 1-3 minuto at
bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang pagplanuhan ang gagawin.
1.Para sa iyo ano ang kahalagahan ng panghihikayat?
2.Sa iyong palagay ano ang katangiang dapat taglayin ng nanghihikayat?
3.Group 2 naging epektibo ba sa inyo ang ginawang panghihikayat ng
group1?Bakit?
4.Group1 naging epektibo din ba para sa inyo ang presentasyon group2 ?
bakit?
5.Kung ikaw ay kakandidato bilang Presidente ng bansa ano ang gagawin
mo upang mahikayat na iboto ka ng mamamayan?
Tekstong Persweysib
Tekstong Persweysib
-Ito ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi na kadalasang
ginagamit sa mga patalastas o pageendorso.
7 Propaganda divices sa tekstong perweysib:
1.Name Calling
2.Glittering generalities
3.Transfer
4.Testimonial
5.Plain folks
6.card stacking
7.Bandwagon
1.name calling
-Ito ay karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng di magandang taguri sa
isang produkto o katunggaling pulitiko upang hindi tangkilikin.
Halimbawa:brand x na sabon may chalk o di mabula.
2.Glittering Generalities
-Ito ay isang maganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produkto o tao.
Halimbawa:1.Abot isang linggo!
3.Transfer
-ito ay pag gamit ng sikat na personalidad upang mailapat sa isang
produkto o tao ang kanyang kasikatan.
4.Testimonial
-Kapag ang isang personalidad ay tuwirang nag-endorso ng tao o
produkto.
5.Plain Folks
Mga tanyag o kilalang tao na pinalalabas na ordinaryong tao na
nahihikayat sa produkto o serbisyo.
6.card stacking
-Ipinapakita nito ang lahat ng magagandang katangian ng isang produkto
ngunit hindi binabanggit ang di magandang katangian nito.
Halimbawa:Instant noodles pinapakita na ito ay nakakapagbuklod ng
pamilya,mura na masarap pa subalit di nito sinasabing konti lamang ang
sustansyang nakukuha dito.
7.Banwagon
-Ito ay humihimok sa lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang
pangkat dahil sila ay sumali na.
Halimbawa:Marami nang sumali sa amin pati nga mga guro(karaniwang
linya ng nagnenetworking).
3 paraan ng panghihikayat ayon kay Aristotle:
1.Ethos
2.Pathos
3.Logos
1.Ethos
-Ang kredibilidad ay isang malinaw na pagpapahayag ng katotohanan na
humimok sa tao.
2.Pathos
-ayon kay Aristotle karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang damdamin o emosyon.
3.Logos
-Ito ay tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang
mambabasa.
Pagsusuri sa isang halimbawa ng Tekstong Persweysibo
“Gensing Gising Lambanog”ni E.R.M
Mga Gabay na tanong sa pagsulat ng reaksyong papel .
1.ano ang pamagat ng tekstong binasa.
2.ano ang masasabi mo sa estilo ng may akda sa paraan ng
panghihikayat ito ba ay epektibo? kung oo bakit?
3.Batay sa iyong binasa ano ang mabubuting benipisyong naidudulot
nito?
4.Kung ikaw ay kukuhanin upang e-endorso ang Gensing gising
Lambanog ano ang mga salitang gagamitin mo at bakit?
5.Batay sa iyong nabasa mayroon kabang nais imungkahi kung oo o hindi
ano ito ipaliwanag?
Inihanda ni:Norwen S. Herman

You might also like