You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 3

Aralin 7 Mga Lugar sa Aking Rehiyon at Karatig Lalawigan na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon at
Topograpiya (Pangpitong Linggo)

Bago natin ipagpatuloy ang pagtuklas sa ating rehiyon, balikan natin ang naunang tinalakay sa module na ito.
Naalala mo pa kaya? Kung gayon,narito ang mga panuto para sa iyong unang gawain:
1. mayroong labinlimang salitang natalakay sa naunang aralin na iyong hahanapin sa Loob ng kahon;
2. bilugan ito sa pamamagitan ng pag-drag o pagguhit mismo sa salita. Ito ay maaring pahaba, patayo, pataas o
pabaliktad; at
3. maaari mong hilingin ang tulong ng iyong magulang upang mapagtagumpayan ang gawain.

Hanap Salita (Required)


https://drive.google.com/file/d/1yuSofmjnovrY53faXatJH7v8oSiRyAJy/view
Panimula
Balitang Kalikasan! (Required)
Kumusta? Ilan ang nahanap mong mga salita? Magaling! Ngayon naman ay iyong panoorin ang video clip na
ito para sa ating bagong tatalakayin. Narito ang mga tanong na maaari mong maging gabay sa pag-unawa ng
nilalaman. Pagkatapos mapanood ay ibahagi sa forum sa ibaba ang iyong natutunan. Upang makapag-post ng iyong
iyong sagot, gawin ang mga sumusunod na hakbang:

1. 1-click ang add discussion topic, ito ay may kulay berde sa ibaba.

2. Sa box sa tapat ng subject ay ilagay ang pamagat na "Balitang Kalikasan"

3. Sa tapat ng message ay ilagay ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Tungkol saan ang napanood na video clip?


2. Hanggang saan umabot ang ashfall ng bulkang taal?
3. Ano ang iyong napansin sa lokasyon at topograpiya ng lugar ng Batangas?
4. Sa iyong palagay ang lokasyon at topograpiya ba ng isang lugar ay maaring maging sanhi ng
pagkasensitibo nito sa panganib? Tama ba na alamin ito?

4. Maglagay lamang ng maikli, ngunit kumpletong sagot sa mga tanong.

5. Pagkatapos ilagay ang sagot, i-click ang post to forum.

Panoorin Mo!
https://youtu.be/iZVbl4mv-EM
Pagpapaunlad
Tama ka! Mahalagang alamin ang mga lugar na sensitibo sa panganib. Dapat lamang na tuklasin natin kung saan-
saan ba ang mga lugar sa ating rehiyon ang sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya. Handa ka na bang
i-explore ang ating rehiyon?

Kung gayon, tara na! Ihanda mo ang travel chart at hazard map para sa ating pupuntahan, kung wala sa iyong
bahay, maari mong i-download sa bahaging ito, Sundan lamang mga sumusunod:

1. Hanapin sa bahaging ito ang word file na may pamagat na MY HAZARD MAP o ang HAZARD MAP FOR
GRADE 3.DOCX, i-click upang maidownload. Kusa itong mapupunta sa download folder ng iyong device.

2. Hanapin ito sa device at i-print ang hazard map.


3. Ihanda ang iyong lapis at itim na kroyola para sa pagguhit, pagsulat at pagkulay.

4. Panoorin ang bidyo tungkol sa pagpapaliwanag sa mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at
topograpiya.

5. Maaari mong sagutan ang iyong hazard map habang pinanonood ang video. Siguraduhng nabasa ang mga panuto
bago simulan ang gawain.

6. Kapag naihanda mo na ang lahat, maari mo nang simulan ang pakikinig at panonood ng bidyo.

7. Maaari mo ring hilingin ang gabay ng iyong magulang upang mapagtagumpayan ang gawaing ito.

8. Tumungo sa susunod na aralin- ang comprehension check kapag natapos na ang gawain.

Panoorin Mo!
https://youtu.be/keQD6BhyYMc
Panuto: Panoorin ang video clip tungkol sa mga lugar na sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at
topograpiya. Kulayan ang bahaging nagpapakita ng antas ng pagbaha.

Panuto: Ito ay mapa ng


nagpapakita ng lugar na
sensitibo sa paggguho.
Habang pinapanood
ang video clip, i-
sulat sa loob ng kahon
ang mga
naglalarawan dito.
Panuto: Ito ay hazard map ng ating karatig rehiyon na NCR na nagpapakita ng lugar na sensitibo sa paggguho.
Habang pinapanood ang video clip, i-sulat sa loob ng kahon ang mga naglalarawan dito.

Comprehension Check
Oh kumusta? Tiyak na naging makabuluhan ang iyong pag aaral tungkol sa mga lugar na sensitibo sa
panganib. Sa bahaging ito, sagutan ang comprehension check na nasa ibabang bahagi.

1. may limang tanong na nakasulat sa bawat card. Ang mga tanong na ito ay mula sa mga lugar na sensitibo sa
panganib;.
2, basahin itong mabuti at piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa loob ng kahon;
3 maari mong i-check kung tama ang iyong sagot. I-click lamang ang check sa tabi nito;
4. sa limang tanong na mayroon, ay kailangang makakuha ng 4 na tamang sagot upang mapagtagumpayan ito; at
5. maari mong ulitin muli ang pagsagot kung ikaw ay nahirapan sa unang pagsagot.
Takdang Aralin
Assignment time na tayo! Para sa iyong nalalapit na maikling pagsusulit, muli mong basahin ang pdf file ng
aralin. I-download ang HAZARD MAP na may pulang logo. Maari mo itong gawing basehan ng iyong pagbabalik-
aral. Kapag ikaw ay handa na, maari mo nang kuhanin ang maikling pagsusulit.
Maikling Pagsasanay (Required)
Magandang araw! Kumusta? Nag-enjoy ka ba sa iyong napanood? Naging malinaw ba sa iyo ang mga lugar na
sensitibo sa panganib? Mabuti! Ngayon naman ay subukin natin ang iyong mga natutunan sa ating aralin. Sagutan ang
maikling pagsusulit na ito.

1. Mayroong sampung tanong sa pagsusulit, na maari mong sagutan ng hanggang tatlong beses.

2. Upang makapagsimula, alamin ang password ng pagsususlit sa iyong guro at sagutan ang mga tanong.
Tandaan, pumili lamang ng isang sagot sa bawat tanong.

3. Pagkatapos itong sagutan ay maari ka nang dumako sa susunod na bahagi, i-click lamang ang "ang aking
mga natutunan."

1. Aling lalawigan/lungsod ang may mataas na antas na makaranas ng baha?


a. Lungsod ng Marikina
b. Lungsod ng Makati
c. Lungsod ng SanJuan
2. Mataas ang antas na makaranas ng pagguho ng lupa sa lalawigan ng Quezon at Rizal dahil ang malaking bahag ng
mga ito ay ___________.
a. Mga nasa tabing dagat.
b. Mga bulubundukin
c. Mga kapatagan
3. Mababa ang antas na makaranas ng pagguho ng lupa ang lalawigan ng Cavite dahil __________.
a. Ito ay isang isla
b. Maraming pabrika rito
c. Ito ay nasa kapatagan
4. Ito ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga lugar na maaaring mapektuhan at mapinsala ng mga kalamidad
tulad ng pagbaha, bagyo, pagguho ng lupa at lindol.
a. Hazard Map
b. Landslide Area Map
c. Flood Hazard Map
5. Batay sa mapana mga lugar na landslide prone, alin sa mga lalawigan ang may malaking posibulidad na magkaroon
ng pagguho ng lupa?
a. Lungsod ng Valenzuela
b. Lungsod ng Marikina
c. Lungsod ng Maynila
6. Bilang paghahanda sa anumang na darating ang mga sumusunod ay dapat gawin maliban sa isa.
a. Ihanda ang debateryang radio at flashlight
b. Mag-ibak ng pagkain at ng malinis na tubig.
c. Maging kampante sa lahat ng oras sapagkat marami naming ttutulong
7. Sa talong lugar na ito, aling lalawigan/lungsod ang may mataas na antas na makaranas ng baha?
a. Lungsod ng Maynila
b. Lungsod ng Valenzuela
c. Lungsod ng San Juan
8. Ito ay ang mga kapahamakang nararanasan ng isang lugar na kung saan ay nagbibigay ng malaking pinsala sa
ari-arian at buhay ng isang tao, halimbawa nito ay bagyo, baha at pagguho ng lupa.
a. Problema
b. Sakuna
c. Kalamidad
9. Ano ang tawag sa mahabang panahon na nakararanas ang ating lugar ng malakas at mataas na temperatura na kung
saan na nagdudulot ng tagtuyo o pagtuyo ng agrikultura?
a. El Nino
b. La Nina
c. Tsunami

Ang Aking Mga Natutunan (Requiired)


Tiyak na madami ang iyong natutunan sa video na iyong napanood.
Para sa bahaging ito:
1. pumili na isang sakuna o kalamidad na natalakay at maglista ng limang paraan o hakbang na maaaring gawin
upang mapaghandaan ang sakuna;
2. Sumulat ng hanggang 50 salita na pagpapaliwanag tungkol sa iyong sagot..
3. Ibahagi mo ito sa forum sa ibaba upang makapagsimula, i-click ang add new discussion topic na may berdeng
kulay;
4. sa tapat ng subject ay ilagay ang apamagat na "Ang Aking Natutunan''
5. sa tapat ng message ay isulat ang iyong nabuong mga sagot.
6. I-click ang post to forum kapag natapos mo na at sigurado ka na sa iyong sagot.
7. basahin ang isa sa gawa ng iyong kaklase at magbigay ng maikli at makabuluhang komento. I-click ang reply
upang maipost ang iyong sagot.
Kapag nagawa mo na ang bahaging ito, maaari ka ng tumungo sa kasunod na bahagi i-click lamang ang "i-model
model mo"
Pakikipagpalihan
I-model model mo! (Required)
Oras na ng paghahanda para sa kalamidad. Para sa iyong pagganap,

1. balikan ang isinulat na mga hakbangin upang mapaghandaan ang sakuna at i-akto o i-model ang mga ito.

2. ipasa ang mga larawan kasama ang ginawang hazard map sa submission bin. I-click lamang ang add
submission, piliin ang file, pindutin ang choose file, at hanapin ang mga imahe mula sa iyong device. Magpatulong sa
magulang upang maisakatuparan ang mga ito.

3. sundan ang nakahandang rubrik sa ibaba upang makakakuha ng mataas na puntos.

I am always ready! (Required)


Binabati kita! ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Para sa pagtatapos nito,

1. basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong;


2. isulat ang sagot sa forum sa ibaba.I-click lang add a new discussion topic. na nsa berdeng kulay.
3. sa tapat ng subject ay isulat ang ang pamagat na 'i am Always Ready" . Sa tapat ng mesage ay isulat ang iyong
sagot.
4. sumulat ng maikli ngunit konretng sagot para sa mga sumususnod na tanong. Maaring humingi ng gabay sa iyong
magulang upang mapagtagumpayan ito.

Ano-ano ang mga kalamidad na maaring maranasan ng isang lugar o lalawigan?


Base sa mga narinig mula sa radio, tv, o sa mga magulang, bakit dapat malaman ang mga lugar na sensitibo sa
panganib?
Bakit mahalaga ang maagap na pagtugon sa mga kalamidad sa lalawigan at karatig rehiyon?

5. i-click ang post to forum upang maipasa ang iyong sagot.

You might also like