You are on page 1of 6

Cielo Anne D.

Abas
BSED FILIPINO IA

PAMAGAT: Langaw
Sa simulang bahagi ng maikling kwentong ito ay ang langaw ay isang
insekto na hinuhuli ng batang babae at pipisain upang ipahid sa ulo bilang lunas
upang magkaroon siya ng buhok, at hanggang sa katapusan ng maikling kwentong
ito, ang langaw ay sumisimbolo sa pagiging marumi o karumihan ng tao, mga
ginagawa ng tao at maging ang karumihan ng lugar dito sa mundo, alam natin na
kapag sinabing langaw ito ay marumi, kung saan saan dumadapo, kalimitan ito ay
ating pinandidirihan kaya’t ang istoryang ito ay may pamagat na “langaw”
sapagkat nagpapakita ito ng ilan sa mga karumihan o di kagandahang gawain ng
ilan sa tauhan dito.

TEMA:
Ito ay tungkol sa karanasan o pangyayari sa buhay ng isang batang babae na
sa bandang huli ay gagamitin siya upang maging kabayaran sa isang utang na wala
siyang kinamalayan na humantong sa tuluyang pandidilim ng mga mata nito o
pagkamatay. Maaaring ito ay isang tragic o trahedyang pangyayari.

TAUHAN:
•Batang babae- siya ang pangunahing tauhan sa maikling kwento
•Amay- siya ang ina ng batang babae sa kwento, at siya rin ang namatay sa
kwento
•Apay- siya ang ama ng batang babae sa kwento
•May Celia- siya ang nakatatandang kapatid ni Apay at may-ari ng
karinderya
•Pay Ramon- siya ang asawa ni May Celia at nagkakatay ng baboy
•Tsip- isa sa kasamahan ni Pay Ramon
•Lourdes at May Norma- mga tao sa karinderya
TAGPUAN:
•Sa bahay ng pangunahing tauhan
•Sa bayan, sa bahay ni May Celia
•Sa katayan
•Sa istasyon ng tren
BUOD
May isang batang babae na palaging naiiwan sa bahay nila at ang batang
babaeng ito ay hindi tinutubuan ng buhok. Madalas siyang kantyawan ng kanyang
mga kababata at hindi siya madalas pasalihin sa laro, pasalihin man ito ay sa
bahay-bahayan lamang at siya ang magsisilbing tatay dahil sa kanyang itsura na
walang buhok. Sa kabilang banda, sa tuwing wala ang ang kanyang amay at apay
ay nanghuhuli siya ng langaw, pinipisa at ipinapahid ito sa kanyang ulo na
nagsisilbing gamot para tubuan siyang ng buhok. At sa kasamaang palad,
nagkasakit ang kanyang Amay, dinala ito sa albularyo at sinabing ang dahilan ng
sakit nito ay dahil may malignong nagalit dito, nakapatay diumano ng ay
nakapatay ng anak ng malignong langaw ang batang babae, tawong lipod ang
tawag sa mga ito. Halos ginawa na ang lahat ng payo at tagubilin ng albularyo na si
Tyang Idad, ngunit kalaunan ay namatay ang kanyang Amay, hindi na nito
nasaksihan ang paghaba ng buhok ng kanyang ina. Matapos ang lahat ng
pangyayari na iyon pumayag ang kanyang Apay na sumama siya sa kanyang May
Celia sa bayan upang doon manirahan, pinagtrabaho siya sa karinderya hanggang
sa sa kanya na mapunta ang halos lahat ng gawa ng umalis niyang kasamahan na si
Lourdes. Lumipas ng lumipas ang panahon, at hindi manlang siya dinadalaw ng
kanyang Apay. Isang gabi habang wala ang kanyang May Celia ay dumating ng
lasing na lasing ang kanyang Pay Ramon at kulay na lamang ay masira nag pinto sa
lakas ng katok nito. Magmamano sana siya ngunit bigla siyang siniil sa mukha at
sinabing gumayak ito at may pupuntahan sila. ayaw man niyang gumayak at gusto
niyang umiyak ngunit wala na siyang nagawa sapagkat iapapkilala raw siya sa mga
kaibigan ng kanyang Pay Ramon, nagbihis siya ng bestida na naiwan ni Lourdes at
sa kanyang pagmamadali ay baliktad ang pagkakasuot niya ng tsinelas. Habang
naglalakad ay hawak hawak sjya ng kanyang Pay Ramon sa siko, mabili ang
naging hakbang nila hanggang makarating sila sa istasyon ng tren at may limang
lalaking naandon nagiinuman. Maraming naging tanong sa kanya ang mga lalaki
ngunit ni isa ay wala siyang sinagot, tinangka niyang iginuhit ang mga mukha nito
sa kanyang isip at pare pareho ang naging tingin niya sa mga ito, mga langaw,
malalaking langaw. At bigla na lamang nagdilim ang oaningin ng babae, na wari
niya’y pinukpok siya ng kawayan sa batok, pinagsamantalahan siya ng mgaa lalaki
at ng unti unti ng nagsialisan ang mga lalaki ang kanyang Pay Ramon at si tsip na
lamang ang naiwan, narinig niyang sinabi ng pulis sa kanyang Pay Ramon na
bayad na ito sa kanyang utang at tabla na sila. Sa katapusan ay pilit niyang
tinataboy ang mga tinuturing niyang langaw ngunit damang dama niya ang maliliit
na mga paa na nakatusok sa kanyang katawan kahit na tinakpan na ng dalawang
lalaki ng diyaryo ang ilang bahagi nito at iniwanan siyang nakahandusay sa sahig.

BANGHAY

•Sitwasyon
May isang batang babae na nanghuhuli ng langaw at pipisain ng kanyang
Amay upang ipahid sa ulo bilang lunas sa kanyang panot, isang babae na hindi
palaging isinasali sa laro ng kanyang mga kababata dahil sa kanyang itsura,
isinasali lamang siya ay sa bahay-bahayan at siya ang magsisilbing tatay. Unti-unti
namang nagkakaroon ito ng buhok dahil sa pagpapahid ng langaw, ngunit hindi
nasilayan ng kanyang Amay ang paghaba sng buhok nito sapagkat ito’y dinapuan
ng sakit at di kalauna’y namatay malapit sa kanyang ikasampung kaarawan.

•Komplikasyon
Ang una ay ang hindi nya pagkakaroon ng buhok kagaya ng kanyang mga
kababata, dahilan upang hindi siya isali sa ibang laro maliban sa bahay-bayan.

Ang ikalawa ay ang pagkakasakit ng kanyang Amay na sinasabi ni Tyang Idad na


kaya raw nagkasakit ito ay dahil may tawong lipod na galit dito.

Ang ikatlo ay noong isinasama siya ng kanyang May Celia na doon manirahan sa
bayan.

Ang ika-apat ay pagsama sa kanya ni Pay Ramon sa isang madilim na lugaw, sa


istasyon ng tren na kung saan siya ay pinagsamantalahan at pinagtulungan ng ilang
lalaki upang maging kabayaran sa utang.

•Tunggalian
Tao laban sa tao
Ang mga hindi magandang naging karanasan ng batang babae, kagaya
noong naging karanasan niya noong siya ay pinagsasamantalahan, wala siyang
naging laban doon sapagkat puro kalalakihan ang mga iyon.

Tao laban sa kalikasan


Ang pagkakasakit ng kanyang ina at di kalaunan ay namatay, dito ay sinabi
ng albularyo na ang dahilan nito ay dahil galit ang tawong lipod dahil napatay ang
batang babae ng anak ng malignong langaw. Ang tawong lipod ay taong hindi
nakikita, ngunit hindi sila basta basta tao, may kapangyarihan sila. Parang multo at
parang maligno.

Tao laban sa lipunan


Sa tunggaliang ito pumapasok ang binanggit sa kwento na sa albularyo
unang ipinagamot ang kanyang Amay o dinala ng kanyang Apay ang Amay kaysa
sa mga doktor na hindi na nga maintindihan ang sat ay nag iimbento pa ng sakit at
magbibigay ng tabletas na may kamahalan.

•Climax
Ang kasukdulang ng maikling kwentong ito ay noong madaling araw na
umuwi si Pay Ramon na lasing na lasing at halos masira ang pinto sa pagkatok. At
nang pagbuksan niya ito sinabihan iya nito na magbihis at may pupuntahan sila.
Ayaw niya sanang gumayak ngunit wala siyang nagawa. Natakot siya dahil
madilim na sa daan at habang naglalakad ay hawak hawak siya ni Pay Ramon sa
siko, mabilis ang hakbang at kinakaladkad na siya, at noong makarating ay nakita
nila ang limang lalaki, pang anim ang kanyang tiyo. Madilim sa lugar dahil tanging
bumbilya lang ang ilaw. Naging maraming tanong ang mga lalaki ngunit wala
siyang sinagot, pare-pareho ang naging tingin nito sa mga lalaki, mga malalaking
langaw, nanlilisik ang mata at hindi kumukurao ang huli niyang nakita ng gabing
yon dahil para siyang pinalo sa batok. Hanggang sa maramdaman na niya ang mga
dila na parang tumutusok sa kanyang leeg, ang mga magagaspang na kamay na
humihimas sa kanyang katawan at ang unti-unting pagtanggal ng kanyang mga
suot at pag-ibabaw ng mga lalaki sa kanya.
•Kakalasan
Nang unti-unti ng magdilim ang kanyang paningin at wala ng ibang makita
kundi ang kadiliman, ngunit nararamdaman pa rin niya ang sinasabi niyang mga
langaw. At dahan dahang nagsialisan ang mga kasama ng kanyang tiyo, naiwan
nalang ang ang pulis at si Pay Ramon. Narinig niya na sinabi ng pulis na bayad na
ang utang ni Pay Ramon sa kanya at tabla na sila at mag uumaga na nang umalis
ang lahat, ngunit ang mga langaw ang mga langaw na dumadapo sa kanya,
tinangka niya itong bugawin ngunit wala siyang magawa sapagkat matigas na
matigas na ang kanyang kamay, kaya’t pilit niyang hinihipan ang dumadapo sa
kanya ngunit walang lumalabas na hangin.

•Wakas
Natapos ang maikling kwentong ito sa pag alala niya sa katulad ng umagang
iyon, uupo siya sa pintuan at manghuhuli ng langaw para pagdating ng kanyang
Amay ay may ipapahid sa ulo niya para tubuan siya ng buhok. Ngunit kahit anong
pilit niyang taboy sa mga langaw damang dama niya ang maliliit na paa nitong
parang tumutusok sa kanyang laman kahit na tinakpan ng ng diyaryo ang ilang
bahagi ng kanyang katawan at iniwanan ng dalawalng lalaking nakahandusay sa
sahig.

BISANG PANGKAISIPAN

•Bisa sa isip
Lahat ng tao dumadaan sa pagiging mahirap, o pinakamahirap na parte ng
buhay nila, pero bilang tao na matinong pag iisip, huwag sana nating hayaan
gumawa sa isip natin ng mga bagay na hindi makakabuti at higit sa lahat maaaring
makasira sa iba. Kailangan sa lahat ng aksyon na gagawin natin kailangan nating
pag isipan bago natin ito gawin.

•Bisa sa asal
Bata man o matanda, may kapansanan man o wala, lalaki man o babae, dapat
nating ituring o itrato ng pantay pantay ang lahat. Huwag nating gawin, huwag
nating iasal ang mga katulad ng ginawa sa batang babae sa maikling kwento, tunay
na karumaldumal, ngunit ang naging mali ng batang babae ay nagtiwala siya
kaagad, sumama siya kaagad sa kanyang tiyo. Kaya’t bilang babae huwag basta
basta magtitiwalang sumama sa kahit sino dahil hindi natin alam kung ano ang
maaaring gawin ng ating sinamahan sa atin.

•Bisa sa damdamin
Nakakagalit dahil patuloy pa ring namumuhay sa lipunan ang ganoong mga
klase ng tao na kagaya ni Pay Ramon na ipinambayad sa utang ang batang babae
na wala man lamang kalaban-laban. Masakit sa damdamin na ginunita pa noong
babae yung ginagawa nya noong katulad ng umaga matapos ang panggagahasa sa
kanya, isang batang babae na halos walang alam ay kakayanang lumaban ngunit
walang kaawa awang ginahasa ng anim na lalaki. Bilang isang batang babae rin
kailangan nating maging matapang para sa sarili natin.

You might also like