Magnifico

You might also like

You are on page 1of 1

Magnifico

Ang pelikulang “Magnifico” ay isang pelikula noong 2003, ito ay tungkol sa batang nagngangalang
Magnifico o Pikoy na palayaw niya. Bata palang si Pikoy, mulat na ito sa kahirapan at parang binagsakan
ng langit at lupa sa patong patong na problema. Sa kanilang bahay madalas magtalo ang kaniyang mga
magulang dahil sa gastusin at pera, madalas din nasasama sa pagtatalo ang magiging gastusin na
kailangan nila kapag namatay na ang lola ni Pikoy na may taning na ang buhay, at kasabay sa ingay ng
pagtatalo ay sumabay pa ang nakakabata niyang kapatid na may cerebral palsy na hindi marunong
magsalita. Ang kanyang nakakatandang kapitid ni Pikoy ay nawalan ng scholarship sa paaralan at ito ay
dumagdag pa sa intindihin ng kanilang mga magulang. Kahit bata palang si Pikoy nagdesisyon siya na
kumayod para sa kanyang pamilya. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan pinasok nila ang iba’t ibang
gawain kung saan kikita sila ng pera at noong nakapagipon siya bumili siya ng mga materyales upang
gumawa ng kabaong para sa kanyang lola, ngunit sa kasamaang palad ang kabaong na kanyang ginawa
ay siya din pala ang gagamit nito ng siya ay masagasaan ng bus, ngunit bago siya mawala nahawakan
niya ang puso ng kanyang mga nakilala, at ito ay nagnitsa sa kanilang bagong pagasa at nagsimula sa
kanilang pagbabago.

Ang mga actor na gumanap sa pelikulang ito ay talagang magagaling tulad nina Gloria Romero, Lorna
Tolentino na kahit hindi sila ang bida ay nagbigay ng magandang elemento sa storya at mga eksena kung
saan litaw na litaw ang galing ng mga beterano at beteranang mga actor at aktres, pati na din ang mga
batang mga actor ay nagpapakita din ng galing kahit bata pa ang mga ito tulad ni Isabelle De Leon na
gumanap na may cerebral palsy.

Ang paggawa ng pelikulang ito ay napakaganda, ang direksyon na tinahak ng mga director upang
ikwento ang buhay ni Magnifico, at ang nakakagulat na pagkamatay nito habang ang pelikula ay nasa
stado ng kasiyahan at akala ng lahat ay magiging maayus na ang lahat ngunit lahat ay nagulat ng ito ay
maaksidente at nagpaiyak sa lahat ng nakapanood nito.

Para sakin ang eksenang tumatak sa aking isip ay madami pero para itong pinagtagpi tagpi eksena na
kumukumpleto sa isang kwento, ito ang eksena noong sinabi ng am ani Pikoy na siya ay walang alam at
hindi niya mabubuo ang rubick cubes na binubuo ng kanyang ama, noong pinipilit ng kanyang ina na
pagsalitain ang kanyang kapatid na may kapitid na sabihin ang salitang mama, at noong pinapaalis siya
ng isa nilang kapitbahay na ayaw makipagsalamuha sa iba at sa dulo dahil kay Magnifico nagbago ang
lahat noong tinatapos ng kanyang ama ang kabaong para sa kanyang anak Nakita niyang tinapos ni
Magnifico ang rubicks cube, sa aral ng libing ay nasabi ng kanyang kapatid ang salitang mama, at ang
kanilang kapitbahay ay muli ng nakikisalamuha sa iba simula ng maging malapit ito kay Magnifico.

Ang pelikulang ito ay maganda at siguradong tatatak sa iyong puso pag ito ay napanood mo ito, ito ay
isang pelikula tungkol sa isang tao na inuuna ang iba bago ang sarili, at nagbibigay ng leksyon na ngayon
ay isang araw para pahalagahan ang iyong mga minamahal at nagmamahal sa iyo dahil pwede itong
mawala kahit ano mang oras at simulan na natin ngayon ang pagkilos dahil maiksi lang ang ating buhay
pero kahit maagang Nawala si Magnifico nagging malaking impluwensya siya sa lahat ng kanyang
nakilala at madami nang nagawa sa buong buhay niya, kaya tayo na ay kumilos at maging mabuting
impluwesya sa mundong ating ginagalawan.

You might also like