1. Ibuod ang pelikulang napanood. Anong kinalaman nito sa ating aralin?
- Nalaman nila na mamatay na ang lol ani magnifico at nagaalala si magnifico kung saan ililibing at saan sila bibili ng kabaong dahil ito ay may kamahalan kaya nagplano na lamang siya na gumawa ng sarili niyang kabaong at nagipon siya para makabili siya ng paglilibinigan at para na den sa may sakit niyang kapatid si helen. Ang kinalaman nito sa pag aaral natin ay kabutihang loob ni magnifico dahil imbis na ienjoy niya ang kanyang kabataan ay inuna niya ang kaniyang pamilya at tumutulong den siya sa mga tao ng bukal sa puso. 2. Kung ikaw ang director ng pelikula na ating pinanood, anong pamagat ang ibibigay mo dito? At bakit? - Ang kabutihang loob ni magnifico, dahil ang pelikulang iyon ay tungkol sa kabaitan ng batang si magnifico 3. Anong aral ang makukuha mo sa istorya? Paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay? - Na maging matulungin na walang hinihinging kapalit at mahalin ang pamilya at wag gumamit ng mga tao para sa sariling kapakanan, kami ay pareho ni magnifico na family-oriented o malapit sa pamilya. 4. Anong mensahe ang pinahihiwatig ng kwento? - Maging Mabuti ng walang hinihiling na kapalit at maging mapagmahal sa pamilya at maging madiskarte kahit gaano kahirap ang buhay. 5. Anong eksena ang tumatak sa yung isipan? At bakit? - Noong namatay na si magnifico at nasa sementeryo na sila, dahil Nakita ko kung gaano kadami ang nagmamahal kay magnifico dahil sa kabaitan niya at halos lahat ng tao doon ay kaniyang natulungan.