You are on page 1of 12

PAARALANG PAREF SOUTHRIDGE

Yugto 2: Katanggap-tanggap na Katibayan (Plano sa Pagganap)

Asignatura: FilipinoBaitang: 8Markahan: Ikalawa AT: 2017-2018Yunit Blg.: IIPamagat:


Magnifico-Suring Pelikula
Inihanda ni: Rofer A. Arches

Kinakailangang Pag-unawa Mga Pamantayan

Bakit mahalagang pag-aralan ang Nasusuri ang pinanood na pelikula batay sa


suring-pelikula? banghay, tauhan, paksa/tema at layunin.
Anong katangian ng pangunahin tauhan Naihahayag ang sariling pananaw tungkol
ang repleksyon ng isang Pilipino? sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
Ano-ano ang mga elemento at sangkap napanood na pelikula.
na nakita sa pelikula? Nakakasulat ng isang suring-pelikula batay
sa mga itinakdang pamantayan
Pangmatagalang Pag-unawa

Mauunawaan ng mga mag-aaral na ang panonod ng pelikula at pagsusuri nito ay isang mabisang paraan ng
paglalahad ng sariling pagkiling sa interes at pananaw kaugnay ng mahahalagang isyung isinasalaysay nito
na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikitungo sa kapwa.
Pagganap

Nakasusulat ng Panunuring Pampelikula


Integrasyon

Teatro, Sining, Araling Panlipunan

Rubrik sa Panunuring Pampelikula

Dimensyon MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA Puntos


8-10 puntos 5-7 puntos 1-4 puntos

PAGKAKASULAT Walang maling pang- Walang maling Hindi nakikitaan ng


gramatika at mahusay at panggramatika kalinawan sa pagpapahayag
malikhain ang paggamit ng kaisipan.
ng mga salita.

Nakikitaan ng mahusay Kompleto ang mga Iilan lamang ang mga


NILALAMAN na pagka-unawa sa impormasyong ipinahayag. impormasyong ibinigay.
pelikulang napanood
batay sa panunuring
ginawa na nakapupukaw
ng interes ng
mambabasa.

Maayos na nasunud-sunod Hindi malinaw at walang


Mahusay at mabisa ang ang mga pangyayari. kaugnayan ang mga
ORGANISASYON pagkasunud-sunod ng detalyeng inilahad sa
mga detalyeng inalahad panunuri.
sa panunuri.

PAG-UNAWA SA Mahusay at malinaw na Naipaliwanag ang paggamit Hindi malinaw ang pagka-
TEORYANG REALISMO naisa-isa ang mga bahagi ng teoryang realismo sa unawa sa nasabing teorya.
ng pelikula na malawakang (broad)
nagpapakita ng paggamit panunuri.
ng teoryang realismo

KAANGKUPAN NG Mahusay at tumpak na Katamtaman na nailahad Hindi maayos na nailahad


PALIWANAG SA MGA nailahad ang paliwanag ang paliwanag sa mga ang paliwanag sa mga
GABAY NA TANONG sa mga gabay na tanong gabay na tanong na gabay na tanong.
na tumutugon sa tumutugon sa kalinawan sa
kalinawan sa pelikula. pelikula.
KALINISAN Mahusay at malinis ang Malinis ang pagkasulat ng Marumi at nakikitaan ng
pagkasulat ng panunuri. panunuri. pagmamadali sa ginawang
panunuri.

KABUUAN

Magnifico- Isang Panunuring Pampelikula

A. Matapos na mapanood ang pelikula, tukuyin ang papel na ginampanan ni Magnifico


bilang bahagi ng ibat ibang sektor ng lipunan.

Si Magnifico
Bilang anak:
Bilang anak, si Magnifico ay may-respeto sa kaniyang mga magulang. Kahit nasaktan siya
dahil sa kaniyang magulang, iniintindihan niya ang kalagayan ng kaniyang mga magulang
at minamahal din.__________________________________________________________
Bilang Kapatid:
Bilang kapatid, si Magnifico ay nagbibigay ng respeto sa kaiyang kuya. At kahit papano,__
inaalagaan din niya si Kuya Miong at si Helen.____________________________________
_________________________________________________________________________
Bilang Apo:
Bilang apo, si Magnifico ay ginagawa ang halos lahat para sa Lola Magda niya. Gumawa
siya ng kabaong at damit para sa lola niya kapag namatay. Sinusuportahan din niya ang
lola niya para hindi siya mamatay._____________________________________________
Bilang Kapwa:
Si Magnifico ay mapagmahal at mabait sa kaniyang kapwa. Sinusundan ang mga utos na
binibigyan ng mga kapwa niya sa kaniya at nagsasakripisyo ng kaniyang oras para
magiging masaya sila._______________________________________________________
Bilang Kaibigan:
Bilang kaibigan, si Magnifico ay gumagawa ng maliliit na bagay para maging masaya ang
kaibigan niya. Minsan nagbibigay siya ng gamit sa kaniyang kaibigan kahit wala siyang
pera. Minsan din, humihingi siya ng tulong sa kaniyang kaibigan._____________________
Bilang Mamamayan ng Pilipinas:
Bilang mamamayan ng Pilipinas, si Magnifico ay halimbawa ng tao na kahit lahat ay
mukhang imposible, may paraan kapag may pagsisikap. Kahit ang Pilipinas ay hindi
mayaman na bansa, hindi iyan nagpapahinto ng gating gawain.______________________
Bilang Mamamayan ng Daigdig:
Bilang mamamayan ng daigdig, si Magnifico ay isang magandang halimbawa ng tao na
mahal niya ang kapwa niya, at dahil diyan inaalagaan niya kahit papano ang kapwa niya.
Sinusunod niya ang utos na nagbibigay sa kaniya, at kahit may ginawang masama ang
kapwa niya sa kaniya, hindi nagbabago ang pagtingin niya sa kanila.__________________

B. Batay sa napanood, ano-anong mga salita at katangian ang maiiugnay mo kay


Magnifico? Magtala ng apat.

Mabait
Siya ay may-respeto sa iba.

Mausisa Paglilingkod
Siya ay may kagustuhan sa MAGNIFICO Siya ay sumusunod sa mga
malaman ang mga bagay- utos na ibinibigay sa kanya.
bagay sa mundo.

mabuting loob
Siya ay nagbibigay ng oras
at gamit sa iba kahit siyay
walang pera.
C. Suriin ang pelikula batay sa sumusunod:

Paksa/Tema Ang paksa ay pagmahal sa kapwa at


pamilya. Sa pelikula, si Magnifico ay isang
bata na nagbibigay ng respeto sa kapwa at
pamilya niya. Siya ay nag-aalaga sa mga
pamilya niya na hindi makapag-alaga sa
sarili. Ang buong pelikula ay nakabase sa
mga magandang katangian na ito.
Layunin Gusto ng pelikula na magbago ang mga
pamilya bagong mamatay ang isang
myembro. Sa simula ng pelikula, maraming
problema ang pamilya ni Magnifico (kagaya
ng walang pera at pag-aaway). Nagbago
lang sila pagkatapos mamatay si Magnifico.
Dahil masamang ugali ito, ito ang gustong
ipabago ng pelikula.
Mga Pangunahing Tauhan at Papel na Maginifico- Si Magnfico ay ang pangunahing
ginampanan tauhan sa pelikula at siya ay ang nagbibigay
respeto sa mga kapwa at pamilya.
Helen- Si Helen ay ang kapatid ni Magnifico
na may cerebral palsy.
Miong- Siya ang panganay ng pamilya na
nagliligay kay Isang.
Edna- Siya ay ang nanay ni Magnifico na
nagbigay-sala sa ibang tao dahil sa kaniyang
problema.
Lola Magda- Siya ang lola ni Magnifico na
nagkasakit.
Gerry- Siya ang tatay ni Magnifico na
nagdadala ng problema na dapat iniwan sa
trabaho sa bahay.
Iba pang mga Tauhan at Papel na Mrs. Doring- Siya ay ang masungit na tao na
ginampanan nagbebenta ng lupa at kabaong sa
semeteryo.
Ria- Siya ay kaibigan ni Magnifico.
Carlo- Siya ay ang kaibigan ni Magnifico na
nagsusuporta kay Magnifico.
Cristy- Siya ay ang palagaing nag-uutos kay
Magnifico.
Tessie- Siya ay ang itinatawag na chismosa
sa kuwento.
Isang- Siya ay ang kasintahan ni Miong, Mr.
Domeng- Siya ay ang drayber na hindi
nagbibigay.
Romy- Siya ay ang tatay ni Isang na hindi
sumasang ayon sa relasyon nina Isang at
Miong.
Pracing- Siya ay ang nanay ni Carlo.
Sulyap sa Suliranin Maraming problema ang nangyayari sa
pamilya at lahat ay gustong ayusin ni
Magnifico. Nawalan ang pamilya ng pera.
Nagkasakit si Lola Magda. May cerebral palsy
si Helen. Lahat ay gustong ayusin ni
Magnifico para hindi mahihirapan ang
kaniyang pamilya.
Saglit na Kasiglahan Gumawa si Magnifico ng kabaong sa lola niya
at gumawa pa siya ng ibang bagay para sa
kapwa o pamilya. Inalagaan niya si Helen.
Ginawa niya ng gawaing bahay para
makatulong sa nanay niya. Marami pang
maliit na bagay na ginawa ni Magnifico para
makatulong sa layunin.
Tunggalian Ang tunggalian ay tao sa lipunan. Nawalan
ng pera ang pamilya. Higit pa, nagkasakit si
Lola Magda. Ito ay halimbawa ng kahirapan.
Ang kahirapan ay isang problema ng lipunan.
Kasukdulan Ang kasukdulan ay noong namatay si
Magnifico. Naging masaya na sila. Kaunti-
unti rin sila ay nagbabago. Noong namatay si
Magnifico, naging malungkot naman ang
kapwa at pamilya niya.
Kakalasan Ang kakalasan ay noong ilibing si Magnifico.
Lahat ay nalungkot. Lahat ay nalaman na
ang ginawa ni Magnifico ay para sa
kabutihan ng lahat. Dahil dito, nalaman nila
na dapat sila ay magbago.
Wakas Ang wakas ay noong nagsalo-salo ang
pamilya at nag-uusap tungkol sa magandang
ginawa ni Magnifico. Nakita ni Gerry ang
isang rubiks cube na kumpleto. Ito ang
naging simbolo ni Magnifico bilang mabuting
tao. Nagbago rin ang pamilya dahil sa
magandang halimbawa ni Magnifico.

D. Ilahad ang mga ideya at pananaw sa pagsagot sa mga tanong.

1. Binanggit ni Lola Magda ang pag-aalala niya sa mga gastusin dahil sa kanyang
pagkakasakit. Ayon sa kanya, huwag na siyang ibili ng gamot dahil malapit na siyang
mamamatay. Idinugtong din niya na mas magastos naman kung siya ay mamamatay.
Anong isyung panlipunan ang binibigyang-diin dito? Ipaliwanag.

Ang isyung panlipunan na binigbigyang diin dito ay kahirapan. Maraming tao sa buong
mundo lalo na sa Piipinas ay hindi kayang bayaran ang mga pangunahing
pangangailangan kagaya ng sapat na gamot para magiging malusog ang tao o kung hindi,
para hindi siya mamatay. Higit pa, kung namatay ang tao, hindi makabayad ang mga
kapwa natin na nasa kalagayang ng kahirapan ang mga kabaong at lupa.______________
2. May cerebral palsy ang bunsong kapatid ni Magnifico at maysakit naman si Lola Magda.
Ipinakita sa pelikula ang limitasyon ng mga may karamdaman at marahil ng mga may
kapansanan. Ibigay ang iyong sariling pananaw kaugnay ng pagmamalasakit sa kanilang
kapakanan. Ano-ano ang maaring gawin upang sila ay mapangalagaan?

Ang unang dapat gawin sa kanila ay bigyan sila ng gamot para sa kanilang sakit. Kung
hindi kaya, kagaya sa pamilya ni Magnifico, ang pwede mong gawin sa kanila ay magbigay
ng suportang moral sa kanila. Ibigay mo sa kanila ang pagpahalaga para mararamdaman
nila na tao din sila. Magiging masaya sila kahit may problema sila sa kalusugan nila._____

3. Naging napakabuting bata ni Magnifico sa kabuuan ng pelikula. Pumili ng dalawa


hanggang apat na bahagi na iyong nagustuhan. Paano ito nakaapekto sa iyong pagkatao?
Isulat ang iyong repleksiyon kaugnay nito.

Ang unang bahagi na nagustuhan ko ay ang pagbibigay ni Magnifico. Kahit wala siyang
pera, kahit papano nagbibigay siya ng oras o bagay sa kaniyang kapwa. Ang pangalawang
bahagi na nagustuhan ko ay ang paraan kapag may pagsisikap na saloobin. Ginawa niya
ang lahat para makagawa siya ng kabaong para sa lola niya. Ang pangatlong bahagi na
nagustuhan ko ay huwag sumuko. Kahit may problema si Helen sa utak niya, hindi
sumuko si Magnifico para maalagaan si Helen.____________________________________

4. Kailangan bang may mamatay para mabuksan ang isipan ng pamilya ng pangunahing
tauhan? Ipaliwanag ang sagot.

Walang dapat mamatay para mabuksan ang isipan ng pamilya. Hindi dapat maghintay na
mamatay ang isang tao bago magbago ang saloobin ng pamilya. Dapat magbago na para
maging masaya ang isang pamilya. Kapag namatay ang isang miyembro ng pamilya bago
sila nagbago, baka lalong maging hindi masaya ang pamilya.________________________

5. Naaayon o angkop ba ang pamagat na Magnifico?

Angkop ang pamagat na Magnifico. Si Magnifico ay isang taong gumawa ng maraming


magnificent na gawain. Dahil diyan, siya ay magnificent. Siya ay isang magnificent
na halimbawa ng taong mabuti.

6. Maayos ba ang pagkakalapat ng musika at tunog sa bawat bahagi ng pelikula? Bakit?


Ipaliwanag.

Maayos ang paglalapat ng musika sa pelikula. Ang layunin ng musika ay bigyang diin ang
mga emosyon. Kapag nasa karnibal, magiging masaya ka dahil sa musika. Kapag namatay
si Magnifico, malulungkot ka dahil din sa musika. Kung hindi sila nakipaglagay ng musika,
ang epekto ng pelikula ay hindi magiging kasing ganda kumpara sa pelikulang may musika
7. Ang pag-uugali ba ng mga tauhan ay may kaugnayan sa uri ng kultura at pamumuhay
ng mga Pilipino?

Lahat ng tauhan ay kasing ugali ng mga Pilipino. May mga chismosa, bading, may
maraming drayber, maraming nagnenegosyo, maraming nagmamahal, at iba pa. Pero ang
pinakamalapit na pamumuhay ang kahirapan ng mga Pilipino._______________________

8. Makatotohanan ba ang tagpuan na pinakita sa Magnifico? May kakulangan ba o


kalabisan ang tagpuan ayon sa hinihingi nito? Ipaliwanag.

Makatotohanan ang tagpuan na ipinakita sa Magnifico. Saktong-sakto ang mga tagpuan.


Sila ay kumakatawan ng mga kaugalian ng mga Pilipino sa angkop na konteksto ng lunan
nito._____________________________________________________________________

9. Ang direksyon ba ng pelikula ay nagpapakita ng kahusayan? Makikita ba ang expertise


ng direktor sa kanyang pelikula. Ipaliwanag.

Mahusay ang direksyon ng pelikula. Makikita mo na propesyonal ang direktor dahil


nauugnay ang lahat ng elemento ng pelikula para makagawa ng malaking epekto sa mga
nanonood.________________________________________________________________

10. Ano ang teoryang Realismo? Paano ipinakita ang nasabing teoryang sa pelikula?
Magbigay ng isang tiyak na sitwasyon sa pelikula na kakakitaan ng teoryang Realismo.

Ayon sa Wikipedia, ang teoryang Realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng


mga cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at
paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa tunay na mundo. Kasama nito
ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa
sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa
kamalayan).Ang mga praktikal na impormasyon na ginagamit ng mga tao sa kanilang
proseso ng pangangatuwiran ay (ngunit hindi limitado sa): alaala ng mga bagay na sinabi
ng ibang tao, lahat ng tao ay nagsisinungaling, at lahat ng tao ay nagkakamali. Ang mga
bagay ay nagbabago, at sa mas matagal na panahon, mas maraming pagbabago ang
mangayayari. Sa pelikula, matanda na si Lola Magda. Dahil diyan, at dahil sa teoryang
Realismo, naghanda na sila para sa taon na mamatay si Lola Magda at gumawa sila ng
kabaong. Ito ay isang halimbawa ng paggamit ng teoryang realismo dahil naghanda sila
para sa kinabukasan na gumamit ng isip na praktikal.

Opsyonal
Rekomendasyon
Magbigay ng tatlong (1-3) rekomendasyon upang higit na mapaganda ang pelikula.
1. Gumawa ng modernong pag-aangkop ng pelikula para mas maintindihan ang mga mas
batang henerasyon.
2. Paiklihin ang hindi sobrang halaga na eksena dahil maikli lang ang attention span ng
maraming tao.
3. Idagdag ng masmaraming drama para maintindihan ng mga manonood kung ano
talaga ang nararamdaman ng mga tauhan.

Pagpalain sa inyong dalawa sa pagsusuri!

PAARALANG PAREF SOUTHRIDGE


Mataas na Paaralan- Departamento ng Filipino
Akademikong Taon 2017-2018

Ginabayan na
Pagsusuring Pampelikula
Ipinasa nina:
Alphonso Alcabao, Manu Alegre, Joaquin Mills, Hanniel Alonsabe
8-B

Ipinasa kay:

Ginoong Rofer A. Arches

Buod ng Magnifico

Sa direksyon ni Maryo de los Reyes, Magnifico ay isang sentimental family-oriented


melodrama mula sa Pilipinas, na isinulat ni Michiko S. Yamamoto bilang unang premyo
sa isang paligsahan sa pagsulat. Si Magnifico (Jiro Manio) ay isang batang lalaki mula
sa mahihirap na bayan ng Lumban, Laguna, na nagsisikap na tulungan ang kanyang
mga magulang (Albert Martinez at Lorna Tolentino) sa pamamagitan ng pagtaas ng
pera upang ilibing ang kanyang lola (Gloria Romero), na namamatay ng kanser.
Samantala, nawala ang kanyang nakatatandang kapatid (Danilo Barrios) sa kanyang
scholarship, at ang kanyang kapatid na si Ellen (Isabella De Leon) ay naghihirap mula
sa cerebral palsy. ~ Andrea LeVasseur, Rovi

https://www.fandango.com/magnifico_82210/plotsummary

You might also like