You are on page 1of 4

ARALIN 2: Pagsusuri ng mga Uri ng Babasahin

(Unang Markahan)
Panimula:
Ang bawat isa sa atin ay may iba’t – ibang paraan ng pagkatuto. May mga bagay
tayong ginagamit gaya ng iba’t – ibang babasahin, napapakinggan at napapanood. May mga
mabuti at di-mabuting dulot ang mga ito sa ating sarili at sa miyembro ng pamilya. Nakasa-
lalay sa bawat isa ang resulta ng anumang nabasa, napanood at napakinggan. Kaya naman
kailangan ng masuri o masusing pagpili sa mga dapat basahin, pakinggan at panourin lalo
na sa mga bata, kailangan nila ng patnubay sa mga ito.

Alam in Natin
Gawain 1: Tukuyin ang mga bagay at larawan sa ibaba.

_______________ ______________ _________________

_______________ ____________ ______________

Gawain 2: Ipaliwanag ang mga gamit ng mga ito?

Isagawa Natin

A. Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay magtatala ng mabuti at di mabuting naidudulot ng mga
media sa loob ng 5 minuto.

Unang Pangkat—dyaryo at magasin


Pangalawang Pangkat—radyo
Pangatlong Pangkat—telebisyon
Pang-apat na Pangkat—pelikula
Panglimang Pangkat—internet (facebook, youtube at instagram atbp.)

B. Isahang Gawain
Isagawa sa loob ng 2 minuto ang mga naitalang dulot ng mga media sa pamamagitan
ng:

 Pagguhit ng poster
 pag-awit
 pagbabalita
 pagsasadula
 pagsulat ng kuwento

Pamantayan sa Pangakatang Gawain:

Pamantayan 3 2 1
Husay ng pagkaganap Lahat ng kasapi sa -2 kasapi ng pangkat ay 3-4 na kasapi ng
pangkat ay nagpakita hindi nagpakita ng pangkat ay hindi
ng husay sa pagganap. husay sa pagganap. nagpakita ng husay sa
pagganap.

Tamang saloobin sa Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita ang


sitwasyon maayos at may tiwala maayos at may tamang saloobin sa
ang tiwala ang sitwasyon.
tamang saloobin sa aalinlangan ang
sitwasyon. tamang saloobin sa
sitwasyon.

Pakikiisa Lahat ay tumulong at Isa o dalawang Tatlo at higit pa ang


nagpakita ng pakikiisa miyembro ng grupo ang hindi nagpakita ng
sa upang maaayos ang hindi nakiisa pakikiisa
resulta

Isapuso Natin

A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay mabuting dulot o hindi.
Lagyan ng tsek ( ∕ ) sa tapat ng Mabuti o Hindi Mabuti.

Mabuti Di Mabuti
Nagpapaalam ako sa aking magulang tuwing gagamit ng
internet upang gumawa ng takdang aralin.
Ginagaya ko ang mga maaaksyong eksena na napapanood ko sa
mga pelikula.
Ang mga palabas na pinapanood ko sa telebisyon ay angkop sa
aking edad.
Ang mga magaganda at makabayang musika na naririnig sa
radio
Ay dapat tangkilikin.
Binabasa ko ang mga pangunahing balita sa diyaryo upang
malaman ang pangyayari sa araw-araw.

B. Ipaliwanag ang mensahe ng nasa bahaging Tandaan.


TANDAAN:
“ Maging mapanuri sa pagpili ng mga babasahin.”

Isabuhay Natin
1. Ano ang masasabi mo sa mga larawang ito?
2. Kung ikaw ay isa sa mga bata sa larawan, paano mo isasabuhay ang magandang
dulot ng computer at mga babasahin?

Subukin Natin

Basahin at unawaiin ang mga sumusunod na. Lagyan ng ang patlang kung ito

ay mabuting dulot ng babasahin, pahayagan at panuorin at pangungusap kung hindi.

_______ 1. Maagang lumikas ang pamilya ni Aling Lina sa kanilang lugar nang mabalitaan sa
telebisyon ang paparating na malakas na bagyo.
_______ 2. Laging lumiliban sa klase si Mario dahil mas gusto niyang pumunta sa computer shop
upang maglaro.
_______ 3. Mabilis na natapos ni Sarah ang kanyang proyekto dahil ginamit niya ang internet sa
pananaliksik.
_______ 4. Nakapasok na ng trabaho si Tito Allan dahil nakita niya sa dyaryo na nangangailangan
ng drayber ang isang kompanya.
________5. Nagluto si Inay ng masarap na pasta dahil nabasa niya sa isang magasin ang paraan ng
pagluluto nito.
Inihanda/Isinulat nina:

ROWENA M. MORALES RUBINA JOY A.


AGBUIS
T-1 Bagong Silangan ES T-1 Bagong Silangan ES

HERLYN S. JUANILLO AMANDA D. LAYNO


T-1 Bagong Silangan ES T-1 Bagong Silangan ES

NOTED:

RODRIGO P. NIŇO JR AURIE S. AGUSTIN


Division Trainor Division Trainor

CORAZON SD. QUIZON


ESP, Education Program Supervisor

ELIZABETH E. QUESADA, CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like