You are on page 1of 5

Aralin 1- Mapanuring Pag-iisip

(Unang Markahan)

Hunyo 29, 2016


Miyerkules

Panimula:
Malaki ang impluwensya ng media sa mga kabataan. Lahat ng mga
pangyayari ay kanilang nasusubaybayan tulad lamang ng mga bagay na hindi nila
dapat mapanood o makita subalit hindi ito naiiwasan. Kailangan ang mapanuring
pag-iisip upang mauunawaan nila ang kahalagahan nito.

Alamin Natin

1. Panonood ng video clip.


( I-click ang link: https://www.youtube.com/watch?v=hRGiOhSYsYc)

2. Suriin ang video clip.


3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang masasabi ninyo sa napanood o napakinggang balita?
b. Bakit nararanasan natin ang El Nino?
c. Ayon sa balita, paano nakakaapekto ang EL Nino sa ating
pamumuhay.
Isagawa Natin

Basahin ang patalastas.

Gabay sa Pangkatang Gawain.

1. Pangkatin ang mag-aaral sa lima.


Unang Pangkat Pag-awit
Ikalawang Pangkat: Pagguhit
Ikatlong Pangkat: Pagsasadula
Ika-apat na Pangkat: Paggawa ng tula
Ikalimang Pangkat: Paggawa ng slogan

2. Ang bawat pangkat ay isasagawa ang iba’t-ibang pamamaraan


tungkol sa patalastas na nabasa.

3. Isagawa ang pagpaplano sa loob ng limang minuto at ipapakita ng


bawat pangkat ang nabuong gawa sa loob ng dalawang minuto lamang.

4. Gamitin ang Rubrics bilang pamantayan sa gawain.

PAMANTAYAN
Pakikiisa Nakikiisa ang Isa o dalawang Tatlo o mahigit
lahat ng kasapi kasapi ay hindi pang kasapi ay
sa gawain. nakiisa sa hindi nakiisa sa
gawain gawain
Kasiyahang Nagpakita ng Isa o dalawang Tatlo o mahigit
ipinamalas sa kasiyahan ang kasapi ang pang kasapi
gawain lahat ng kasapi hindi nagpakita ang hindi
ng pangkat ng kasiyahan nagpakita ng
kasiyahan
Isapuso Natin

Panonood ng programang WANSAPANATAYM: Sarah And Sarapen


( I-click ang link: https://www.youtube.com/watch?v=lDIiE05vXZA)

Sa loob ng hugis puso,isulat ang natutunan sa napanood na programa sa


telebisyon.

Tandaan Natin
Ang mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa, mga napanood na
programang pantelebisyon o sa internet ay dapat suriing mabuti.

Isabuhay Natin

Dyad:Pag-usapan ang tanong:

“Sa mura mong edad ngayon, sa paanong paraan mo magagamit nang


wasto ang internet?”
Subukin Natin

Sagutin ng TAMA kung ang sitwasyon ay sinasang-ayunan at MALI kung di


sinasang-ayunan. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Umuwi nang maaga si Kara galing sa paaralan. Nanood muna siya ng
programa sa telebisyon bago gumawa ng takdang- aralin.
______2. Ang batang si Pina ay masipag. Tinutulungan niya ang kanyang nanay sa
mga gawaing bahay. Pagkatapos gawin ang mga ito, nanonood na siya ng mga
palabas hanggang madaling-araw.
______ 3. Si Ana ay inutusang bumili ng asin nang makita niya ang kamag-aral sa
computer shop. Dali-dali niya itong nilapitan at nagsimula na silang nagsaliksik ng
impormasyon tungkol sa kanilang takdang-aralin.
______ 4. Habang kumakain ang pamilyang Santos ay masaya silang nanonood ng
balita.
______ 5. Si Aling Tinay ay mahilig bumili ng mga produkto na napapanood niya sa
mga patalastas subalit pinipinili lamang niya ang produkto na abot-kaya ng kanyang
badyet.
Inihanda/Isinulat nina:

KRISHIA R. AGUSTIN ANABEL F. CABRERA


Division of Quezon City-Benigno S. Aquino Jr. E/S Division of Quezon City-San Francisco E/S

CLARIZA CAPANANG MA. ELENA S. BORABO


Division of Quezon City-Benigno S. Aquino Jr. E/S Division of Quezon City-Masambong E/S

Noted:

RODRIGO P. NINO JR. AURIE AGUSTIN


Divisionl Trainor Divisionl Trainor

CORAZON SD QUIZON
ESP Education Program Supervisor

You might also like