You are on page 1of 3

PAGBUO NG SINTESIS O BUOD

Panuto: Matapos panoorin ang pelikula bumuo ng buod ng pelikulang ito.

______Magnifico_____

Pamagat

(angkop ba ang ginamit na pamagat?)

Angkop ang pamagat na ginamit dahil ito ay pangalan rin ng pangunahing tauhan ng
kwento na si Magnifico at tungkol sa kanya umikot ang buong pangyayari sa kwento.

DIREKSYON PRODYUSER:

(paglalarawan sa katauhan ng director) Violeta C. Sevilla

Maryo J. De Los Reyes


___________________________

Ang award winning at nominada sa iba’t ISKRIP:


ibang parangal at batikang director.
Ginawa niyang kahanga-hanga at Makikita mo ang maayos paghahatid ng
maganda ang pelikulang ito. Napaka- kwento sa pelikula dahil sa maayos
emosyonal ng kanyang ginawa at pagkakasunod sunod ng mga pangyayari.
napaka-realistic at nakakaiyak ang Nagiging malinaw ang daloy ng kwento at
kwento. ang bawat emosyon ay tumutugma sa
isang pangyayaring nagaganap. Mas
naiintindihan sila dito sa magandang
pagkakasunod-sunod ng kwento at pag-
arte.

(angkop ba ang mga ginamit na salita?)

Angkop ang mga ginamit na salita kaya mas


madaling maintindihan ng mga manonood
ang kwento.
MGA TAUHAN
GUMANAP PANGALAN NG KARAKTER KARAKTER
1. Jiro Manio -MAGNIFICO -bidang bata

2. Cella Rodriguez -KA DORING -matandang


masungit/nakakatakot

3. Mark Gil -MANG DOMENG -namatayan ng


nanay/hinihiraman ng wheel
chair ni magnifico

-babae na nililigawan ng
4. Girlie Sevilla -ISANG kapatid ni magnifico (si
Miong)

-kapatid ni magnifico
5. Isabelle De Leon -HELEN
-marites ems/may gusto kay
6. Cherry Pie Picache -ALING CRISTY mang domeng, kaaway ni
tessie

-lola ni magnifico
7. Gloria Romero -LOLANG MAGDA
-tatay ni magnifico
8. Albert Martinez -GERRY
-nanay ni magnifico
9. Lorna Tolentino -EDNA
-kuya ni magnifico
10. Danilo Barrios -MIONG
-tatay ni isang
11. Tonton Gutierrez -KA ROMY
-kaaway ni Aling Cristy sa sari
12. Amy Austria sari store
-TESSIE
TEMA

Ito ay tungkol sa isang batang laki sa hirap. Ang


kwento ay umiikot sa pagsisikap, tagumpay,
kabutihang loob at pagmamahal ng isang bata sa
kaniyang pamilya.

MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

MUSIKA SINEMATOGRAPIYA
Maganda ang musika at akma sa genre Anggulo- nasa ayos ang mga lent eng
ng pelikula. Mas lalong nakakatulong kamera nito.
ang mga nilapat na musika sa bawat
Kulay-ang kulay nito ay napakasimple
parte ng pelikula dahil mas binibigyang
at napakadramatic.
buhay nito ang bawat pangyayari ng
kwento. Kasuotan- angkop ang kanilang mga
kasuotan sa tema ng palabas.

Ilaw-medyo madilim ang ilaw nito.

BUOD

Si Picoy (Magnifico) ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Inalis ng kahirapan ang lahat ng
pag-asa sa kanyang pamilya at nagdagdag ng maraming problema. Ang kanyang nakababatang
kapatid na babae ay may cerebral palsy, isang nakatatandang kapatid na nag-aaral sa Maynila
na hindi nakakuha ng scholarship at isang lola na may cancer sa atay at may diabetes. Madalas
makita ni Picoy ang kanyang mga magulang na nagtatalo dahil sa pera. Ang kanyang amang
isang karpintero lamang ang nagtatrabaho at ang kanyang ina ay hindi nagtratrabaho ng buong
oras. Bagama't bata pa si Pikoy, gusto niyang makatulong sa kanyang mga magulang sa lahat ng
paraan. Sa tulong ng mga kaibigan, nagsimulang gumawa ng iba't ibang bagay si Pikoy para
makalikom ng pera para sa pagpapagawa ng kabaong ng kanyang lola. Nang mabili ang
materyales, nagpatulong si Pikoy sa kaniyang pamilya na gawin ang kabaong. Tinulungan naman
siya ng mga ito at kalaunan ay natapos din ang ginagawang ataul. Gayunman, hindi pala ang
kaniyang lola ang gagamit ng kabaong. Nasagasaan si Pikoy ng bus dahil hindi niya ito napansin
sa kaniyang pagtawid. Si Pikoy pala ang gagamit ng sariling kabaong na kaniyang pinag-ipunan
na ikinalungkot naman ng mga tao sa paligid niya dahil mabuting bata si Pikoy.

You might also like