You are on page 1of 8

Panunuri Ng Pelikula

FIL 1
G. ANGELO BAUTISTA

DEJARME, JOSHUA JUNE B.


BS CRIMINOLOGY

( TAGALOG AT INGLES NA PELIKULA )

Trimex Colleges
A.Y. 2021-2022
I. Pamagat ng Pelikula: Four Sisters And A Wedding
II. Mga Tauhan:
Young Teddie - BRENNA GARCIA
Young Bobbie - BEA BASA
Young Alex - VEYDA INNOVAL
Young Gabbie - ARBEY ALEGADO
Grace Salazar - CONEY REYES
Gabbie Salazar - SHAINA MAGDAYAO
Manang - VANGIE LABALAN
CJ Salazar/ Reb Reb - ENCHONG DEE
Teddie Salazar - TONI GONZAGA
Bobbie Salazar - BEA ALONZO
Alex Salazar - ANGEL LOCSIN
Tristan Harris - SAM MILBY
Chad - BERNARD PALANCA
Frodo - JANUS DEL PRADO
Trixie - SAMANTHA FAYTAREN
Toti Marie - CECIL PAZ
Sassa - JOY VIADO
Honey Boy Bayag - BOBOY GAROVILLO
Jeanette Bayag - CARMI MARTIN
Princess Bayag - ANGELINE QUINTO
Lolo - JOHNNY BARNS
Mocha - MOCHA USON
Police Chief - RICHARD ARELLANO
Mama Pedring Magbutay - ALEXIS NACION

III. Buod ng Pelikula:


Simple lang ang buhay ng mga Salazar, ngunit nag kagulo at
nagkasamaan sila ng loob habang tumatanda, lagi silang nag tatalo. Si
Gabbie ay isang guro dito sa piliipinas, si teddie naman ang alam ng
pamilya ay guro narin sa spain di alam ng pamilya nila na natanggal ito at
nag tttrabaho na lamang sa isang bar sa espanya, Si Bobbie naman ay
successful na nag ttrabaho sa america, At si alex nanan ay isang assistant
director sa mga pelikula dito sa pilipinas. Nabuo sila at muling umuwi ng
pilipinas si teddie at bobbie, umuwi din sa kanila si alex bagamat sa
pilipinas lang siya ngunit di siya palaging nauwi sa kanila, kung dipa
ikakasal ang bunso nilang kapatid na si cj ay hindi pa sila uuwi sa kanila at
magsasama sama muli. May hidwaan na noon si bobbie at alex ng maging
kasintahan ni alex ang dating nobyo ni bobbie na iniwan nito para sa
magandang trabahong nag aantay sakanya sa america, at dito nakilala ni
bobnie ang nobyo niya ngayon na si tristan na kasama niya umuwi ng
pilipinas kasama ang anak nito na si trixie. Nag usap usap na sila at duda
sa pamilya ng papakasalan ng bunso nila kaya humanap sila ng butas para
malaman kung bat ganun kayaman ang pamilyang Bayag, Hanggang
natunton ni teddie ang spa nila princess, naging malisyosa ang pag iisip
nila dahil sa pangalan ng spa nito na may “Happy Ending” Nahuli sila ng
nanay at tatay ni princess kasama ang pulis doon nagalit si cj sakanila.
Dumaan mga araw at lingo puro laitan sa bawat pamilya. Bandang huli
ang nakasal ay si bobbie at tristan ay sa huli nagkasundo sundo din ang
dalawang pamilya at napagkasunduan na sa susunod na taon na ang kasal
nila cj at princess.
IV. Banghay ng mga Pangyayari:
a. Tagpuan - Bahay at mga lugar kung saan nag trabaho ang
magkakapatid.
b. Protagonista: Gabbie Salazar - SHAINA MAGDAYAO
c. CJ Salazar/ Reb Reb - ENCHONG DEE
d. Teddie Salazar - TONI GONZAGA
e. Bobbie Salazar - BEA ALONZO
f. Alex Salazar - ANGEL LOCSIN

g. Antagonista:
Honey Boy Bayag - BOBOY GAROVILLO
Jeanette Bayag - CARMI MARTIN

h. Suliranin
Nang malaman ng magkakapatid na mauuna pang ikasal ang bunso
nilang kapatid sa kanila, at papakasalanan nito ang babaeng nakilala
nito sa barko nung siya ay nag bakasyon ng galing siya sa isang
malaking hiwalayan.

i. Kaugnay na Pangyayari o Pagsubok sa Paglutas ng mga Suliranin


Mga Ibinunga
Nasolusyunan nila ang kanilang hidwaan sa bawat pamilya at bandang
huli nagkasundo silang lahat.
V. Paksa o Tema
Ang tema ng pelikula na ito ay pang pamilya na kahit anong manyare sa
huli mahalaga parin ang pamilya.

Mga Aspektong Teknikal

a. Cinematograpiya
Makatotohanan ang cinematograpiya ng pellikulang ito kaya mas nakaka
enganyo panoorin.
b. Musika
Umaayon ang musikang nilalpat sa pelikula sa bawat eksena ng palabas.
c. Visual Effects
Normal at masaya sa mata dahil madadama ang pinapahiwatig.
d. Set Designs
Normal ang set design ngunit gumamit ng mga bagay na normal sa
paningin at maganda sa paningin ng manonood.

VI. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang kabuuang mensahe para sa akin ay kahit anong mangyare o pagsubok
man talaga namang walang tatalo sa pagmamahal ng pamilya may lihim sa man
sa kanila sa una ay matatanggap at malalaman mo parin na mahal ka nila na
buong buo ka nilang tatanggapin.
I. Pamagat: Unbroken
II. Mga Tauhan

a. Louie (1974-2014)
b. Watanabe
c. Phil
d. Mac
e. Mga Hapon
f. Mga Americano
DIRECTED BY: ANGELINA JOLIE

III. Buod ng Pelikula


Si Louie ay naging magnanakaw o laman siya ng mga gulo sa kanilang barangay nung
siya ay bata pa at siya rin ay takaw sa bully. Hanggang isang araw sumali siya sa paligsahan sa
pagtakbo at hanggang pagtanda ay ginagawa niya ito, hanggang makilala siya bilang isa sa
pinaka sikat na mananakbo o atleta sa bansa nila (America) Pag tanda niya pinasok naman niya
ang Air Force hanggang sa dumating ang panahon na nagkaroon ng gera sa pagitan ng america
at ng japan kung saan talaga namang nasubukan ang kanilang mga lakas. Hangang sa ang
eroplano na sinasakyan o ginagamit nila ay nasira at napunta sila sa gitna ng dagat lima silang
sakay ng eroplano ng lumubog ito sa gitna ng dagat ngunit sa kasamaang palad pag ahon nila
ay tatlo nalamang sila ng lobohan nila ang kanilang salbabida ang kasama ni louie ay sina phil,
mac. Sila ay nag lutang lutang sa dagat ng mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan ng may
dumaan na eroplano akala nila ay tulong na ito ngunit sa kasamaang palad ay eroplano pala ito
ng kanilang mga kalaban, at pinag babaril sila kaya wala silang ibang magagawa kundi
tumalon sa dagat kahit na sila ay pinapalibutan sila ng mga pating. Dumaan pa ang mga araw
at linggo binagyo na sila dagat ngunit lumalaban padin sila, pero makalipas ang higit isang
buwan na pag papalutang lutang sa dagat si mac ay binawian din ng buhay. Gumising naman
isang araw sila louie at phil na nasa harap nila ang napaka laking barko ng mga hapon at
dinakip sila, ginawang alipin at kinawawa. Makalipas ang ilang araw at linggo nilipan sila ng
campo at doon laging napag didiskitahan si louie ng comander ng mga hapon na si watanabe,
kahit na anong pang aapi ni watanabe kay louie pinakita nito na may paninindigan siya sa
kanyang bansa. Makalipag na bombahin ng america ang campo ng japan lumipat nanaman sila
ng campo at di nagtagal natapos ang gera sa pagitan ng japan at america ng sumuko ang mga
hapon. Dito nakaluwag ng hinga si louie at mga kasama niyto dahil sa wakas ay tapos na ang
kanilang paghihirap. Matapos makauwi nila louie sa kani kanila nilang pamilya ay nag balik
siya sa pagtakbo. Matapos ang ilang taon bumalik siya sa tokyo upang makipag kita kay
watanabe ngunit tumanggi si watanabe na makipag kita kay louie dahil sa hiya matapos ang
ginawa niya kay louie noon.

IV. Banghay ng Pangyayari

a. Tagpuan
America, Tokyo Japan
b. Protagonista
Ang Protagonista ay si Louie
c. Antagonista
Ang Antagonista ay si watanabe at ang mga hapon.
d. Suliranin
Nang mapunta sila louie sa kampo ng mga hapon grabeng pag papahirap na ang tinamo
nila sa mga ito.
e. Mga Kaugnay Na Pangyayari O Mga Pagsubok Sa Paglutas Ng Suliranin.
Matapos ang kanilang paghihirap sa kamay ng mga hapon ay nakaligtas sila ng sumuko
ang mga hapon sa amerikano.
f. Mga Ibinunga
Sa kabila ng lahat ng mga problemang kanilang hinarap sa huli ay masaya sila sa bago
nilang naging buhay matapos ang mga nangyare lubos ang pag papasalamat ni louie sa
panginoon.

V. Paksa o Tema

Ang pelikulang ito ay hango sa totoong pangyayari noong WORLD WAR II kung saan
grabe ang naging labanan ng amerikano at hapon ng taong ito umabot din kito ng matagal na
panahon.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinemaktograpiya

Sa sinematograpiya ng UNBROKEN ay talagang napakahusay, sa page-edit ng director ay


sadyang kahanga hanga dahil bawat labanan at mahahalagang detalye ay nakukunan nito na
hindi nakakatamad panoorin, at mapapanood mo ito ng malinaw at makikita mo talaga ang
bawat emosyon na pinapakita ng mga karakter.

b. Musika

Sa musika naman na ginamit ay napakaganda bumabagay sa bawat nangyayare sa gerang


kanilang kinakaharap.

c. Visual Effect

Visual effect ay talagang pinag isipan at paniguradong patok sa mga tao lalong lalo na sa mga
kabataan dahil nakakaakit panoorin dahil sa kwento at aral na makikita rito.

d. Set Design

Sa set design naman ay talagang matutukoy mo kung nasaang lugar ang bawat eksena,
kakaibang lugar ang makikita natin sa pelikula dahil ito ay ibang bansa at ang gera na
pinapakita ay makatotohanan.

VII. Kabuuang Mensahe Ng Pelikula


Sobrang pagpapahalaga ni louie sa kanyang paninindigan pinakita niya hanggang huli na
hinding hindi siya susuko dahil may mga kasamahan rin siya na makakakita na dapat lumaban
sila kahit sila ay hawak ng mga hapon hindi niya pinakita na mahina siya. Grabeng mga
pagsubok ang pinag daanan nila at ng dahil don mas gusto ni louie na ipag laban at
pangatawanan ang kanyang paninindigan.

You might also like