You are on page 1of 5

Daily Lesson Plan

Asignatura Filipino Antas 2

Markaha
Petsa/Oras 1
n

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
PANGNILALAMAN

B. PAMANTAYANG PAGGANAP
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO Nailalarawan ang mga elemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi at ng
kuwento (panimula kasukdulan katapusan/kalakasan)
F2PN-Ii-j-12.1, F2PB-IId-4
D. INTEGRASYON Filipino 1 (F1PN-IIf-8): Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa
napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawan at pamatnubay na tanong

ESP 2 (EsP2PKP- Ic – 10): Nakapagpapakita ng kakayahang labanan ang


takot kapag may nangbubully
II. NILALAMAN Mga Elemento ng Kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN
1. PAHINA MULA SA TG Banghay Aralin sa Filipino 2 Ikalawang Markahan DepED RO5, pah. 74-77

B. IBANG PANG KAGAMITANG Filipino 2 SLM Kwarter 2-Modyul 5; MELCs pah. 148
PANTURO Mga imahe mula sa Googles, video clip, PowerPoint presentation

IV. PAMAMARAAN Limited Face-to-Face

A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG Panalangin


ARALIN AT/O PAGSISIMULA Pampasiglang Awitin
NG BAGONG ARALIN
Itanong:
- Mayroon ba kayong matalik na kaibigan?
- Paano kayo naging magkaibigan?

Panimulang Pagsubok
Ipabasa/iparinig ang kuwento sa mga bata.

Si Carlo at Felix

Si Carlo at Felix ay magkaibigan. Nakaugalian na nila na magpunta sa


bukid pagkatapos ng gawaing bahay.
Minsan, sa pagdating ni Felix, nakita niyang tulog si Carlo. Mayamaya ay
nakakita siya ng malaking ahas sa ilalim ng punong manga at tila tutuklawin ang
kaibigan.
Napasigaw nang malakas si Felix, “Ahas!” “Ahas!” at halos napapikit ang
mga mata ni Felix samantalang iminulat naman ni Carlo ang kanyang mga
mata. Dali-daling bumangon si Carlo at sabay silang tumakbo palayo sa bukid.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon lalong tumibay ang pagkakaibigan nila.

Ipasagot:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang pangyayari sa kuwento?
3. Ano ang nakita ni Felix habang natutulog ang kaniyang kaibigan?
4. Ano ang ginawa nila upang maiwasan ang ahas?
5. Ilarawan ang dalawang magkaibigan.
6. Ilarawan ang pangyayari sa kuwento.

Ipakita ang larawan.

- Ano kaya ang nangyayari sa larawan?


- Tama ba ang ginawang ng malaking bata? Bakit?
- Ano ang inyong gagawin kung may mambu-bully sa inyo?*

*Integrayon sa ESP 2: Nakapagpapakita ng kakayahang labanan ang takot


kapag may nangbubully
B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG Itanong:
ARALIN - May paborito ba kayong kuwento?
- Sino-sino ang mga tauhan sa inyong paboritong kuwento?
- Saan at kailan ito nangyari?
- Ano ang nangyari sa mga tauhan sa inyong paboritong kuwento?
C. PAG-UUGNAY NG MGA Sabihin: Pamilyar ba kayo sa kuwentong “Ang Daga at Ang Leon”?
HALIMBAWA SA LAYUNIN NG
BAGONG ARALIN
Ipakita ang larawan.

Sabihin: Ayusin ang larawan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nito sa


kuwento.*
*Integrasyon sa Filipino 1 (F1PN-IIf-8): Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
sa napakinggang kuwento.
D. PAGTATALAKAY NG BAGONG Iparinig/ipapanood ang kuwento sa mga bata.
KONSEPTO AT PAGLALAHAD Link: https://youtu.be/IrRz81sc-Jc
NG BAGONG KASANAYAN #1
Pagsagot sa mga tanong:*
1. Sino ang mahimbing na natutulog?
2. Bakit nagising ang leon mula sa kaniyang pagkakatulog?
3. Ano ang ginawa niya sa daga?
4. Anong nangyari sa leon nang siya ay naghahanap ng pagkain?
5. Sino ang tumulong sa kaniya?
6. Paano siya tinulungan ng daga?
7. Kung ikaw ang daga, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
E. PAGTATALAKAY NG BAGONG Punan ang Story Map.
KONSEPTO AT PAGLALAHAD
NG BAGONG KASANAYAN #2
STORY MAP
__________________
Pamagat
Tagpuan: Tauhan:

BANGHAY
Panimula: Kasukdulan Katapusan/Kalakasan:

Sabihin: Ang kuwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong maglahad ng


isang mahalagang pangyayari. Ito ay may elemento na gumagabay sa
mambabása upang maunawaan nilang mabuti ang kuwentong binása.

Talakayin ang mga elemento ng kuwento.


1. Tauhan. Ito ang mga tao, bagay, hayop na gumaganap sa isang kuwento.
2. Tagpuan. Ito ay tumutukoy kung saan at kailan nangyari ang kuwento.
3. Banghay. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kuwento.
Mga Bahagi ng Kuwento
1. Panimula. Ito ay nagpapakilala sa mga tauhan at naglalarawan sa
tagpuan ng kuwento.
2. Kasukdulan. Ito ay naglalahad kung unti-unti nang nalulutas ang
suliranin.
3. Kakalasan. Ito ang nagiging daan patungo sa wakas ng kuwento.
4. Katapusan. Ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa kuwento.
F. PAGLINANG SA KABIHASAAN Pangkatang Gawain:
(TUNGO SA FORMATIVE TEST) Hatiin ang mga bata sa 3 pangkat.
Bago magsimula, ipaalala sa kanila ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain. Siguraduhin din na nasusunod ang “social distancing” lalo
na kung hindi maiiwasang mag-usap-usap ang bawat kasapi.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan 5 3 1
Pagkakaunawa sa paksa
Kahusayan sa pag-uulat
Pakikiisa sa gawain
Kabuuan

Iparinig ang kuwento ng batang tamad.


Link: https://youtu.be/GLhPpL80-sM

Unang Pangkat:
Ilarawan si Nico sa pamamagitan ang pagguhit. Ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong ginawa.

Ikalawang Pangkat:
Gumawa ng Story Map ng kuwento.
STORY MAP
_________________
Pamagat
Tagpuan: Tauhan:
BANGHAY
Panimula: Kasukdulan Katapusan/Kalakasan:

Ikatlong Pangkat:
Ilarawan ang mga elemento ng kuwento.
1. Ang mga tauhan sa kuwento:
a. Nico -
_____________________________________________________
b. Nanay -
____________________________________________________
2. Ang tagpuan sa kuwento
____________________________________________________________
__
3. Banghay
a. Ang simula ng kuwento
b. Ang nagging problema ng kuwento
c. Ang paglutas ng mga tauhan sa problema
d. Ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento
e. Abg wakas ng kuwento
G. PAGLALAPAT NG ARALIN Itanong:
- Ano ang katangian ni Nico? Ni Nanay?
- Saan nangyari ang kuwento?
- Ano ang panimula ng kuwento? Kasukdulan? Kalakasan/Katapusan?
- Tama ba ang hindi pagsunod ni Nico sa utos sa kanya ng nanay? Bakit?
- Paano napagtanto ni Nico na mali ang kanyang ginawa?
H. PAGLALAHAT NG ARALIN Ano-ano ang mga elemento ng kuwento? Ilarawan ang mga ito.

I. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Basahin ang kuwento at punan ang mga nawawalang ideya sa
bawat patlang.
Ang Sisiw

May isang inahing kasama ng kaniyang mga sisiw ang nakatira sa


silong ng isang malawak na bahay. Araw-araw ay naghahanap sila pagkain.
Isang araw, kinausap ng inahin ang mga anak na sisiw. “Huwag kayong
masyadong lalayo. May isang lawin na nag-aabang upang kayo ay dagitin.”
Ngunit may isang anak na sisiw na malikot. Sa paghahanap ng pagkain,
siya ay napalayo sa mga kasama. Hindi niya nakita ang papalapit na lawin.
Patuloy siya sa paghahanap ng uod. Nang dadagitin na lamang siya ng
lawin nagtatakbo ang sisiw.
“Inay! Inay! Tulungan ninyo ako!” Tumakbo ang sisiw patungo sa inahin.
Takot na takot ang malikot na sisiw na halos mawalan ng ulirat sa subrang
pagod.

Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang ideya o salita, upang maibigay


ang elemento ng kuwento at mailarawan ang mga ito.

Elemento Paglalarawan
Pamagat Malikot
Mga Tauhan Inahing Manok
Malikot
Lawin
Panimula Silong ng bahay
Kasukdulan Nakakatakot
Katapusan Tumakbo ang sisiw sa ina
Rubrik sa Pagwawasto
10-8 Nailarawan ng wasto ang elemento ng kuwento sa pamamagitan ng
kuwento
7-6 Nailalarawan ang element o ng kuwento ng may Kaunting pagkakamali
5-4 Nailalarawan ang elemento ng kuwento maraming mali
3-1 Nailalarawan ang isang elemento ng kuwento
0 Hindi nailarawan.
J. KARAGDAGANG GAWAIN Panuto: Basahin ang kuwento at unawaing mabuti.

Isang araw, nakakita si Niňo ng puno ng bayabas. Maraming bunga ito.


May hinog at berde. Gusto niyang kumuha ng bunga. Lumukso siya. Lumukso
siya. Ngunit hindi niya maabot ang mga hinog na bunga. Nag-isip siya. Umuwi
siya sa bahay. Kumuha siya ng panungkit. Marami siyang bungang nakuha.

Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng paguhit ang pagkakasunod sunod


ng kuwento.
Pamagat _______________________________________
Panimula _______________________________________
Kasukdulan _____________________________________
Katapusan ______________________________________

Rubrik sa Pagwawasto
10-8 Nailarawan ng wasto ang elemento ng kuwento sa pamamagitan ng
kuwento
7-6 Nailalarawan ang element o ng kuwento ng may Kaunting pagkakamali
5-4 Nailalarawan ang elemento ng kuwento maraming mali
3-1 Nailalarawan ang isang elemento ng kuwento
0 Hindi nailarawan.

You might also like