You are on page 1of 2

RUBRIC PARA SA PANUNURING PELIKULA

DIMENSYON MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA Puntos


8-10 puntos 5-7 puntos 1-4 puntos

PAGKASULAT Walang maling Walang maling Hindi nakikitaan ng


pang-gramatika at panggramatika kalinawan sa
mahusay at pagpapahayag ng
malikhain ang kaisipan.
paggamit ng mga
salita.

Nakikitaan ng Kompleto ang mga Iilan lamang ang mga


NILALAMAN mahusay na pagka- impormasyong impormasyong
unawa sa ipinahayag. ibinigay.
pelikulang
napanood batay sa
panunuring ginawa
na nakapupukaw ng
interes ng
mambabasa.

Mahusay at mabisa Maayos na nasunud- Hindi malinaw at


ORGANISASYON ang pagkasunud- sunod ang mga walang kaugnayan
sunod ng mga pangyayari. ang mga detalyeng
detalyeng inalahad inilahad sa panunuri.
sa panunuri.

PAG-UNAWA SA Mahusay at Naipaliwanag ang Hindi malinaw ang


TEORYANG malinaw na naisa- paggamit ng teoryang pagka-unawa.
REALISMO isa ang mga bahagi realismo sa
ng pelikula na malawakang (broad)
nagpapakita ng panunuri.
paggamit ng
teoryang realismo

Mahusay at malinis Malinis ang Marumi at nakikitaan


KALINISAN ang pagkasulat ng pagkasulat ng ng pagmamadali sa
panunuri. panunuri. ginawang panunuri.

KABUUAN
Gabay para sa Panunuring Pampelikula (Ikatlo at Ikaapat na Taon)
I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula:
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat.
Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)
B. Direktor:
(Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser:
(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)
E. Tema ng Pelikula:
(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang
musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
B. Sinematografi
(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang
pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na
ginamit?)
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng
tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Arista
(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang
pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)
E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang
palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga
isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)
B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)
Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa
Realismo.
C. Mga Aral
Karamihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay
may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad
ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa
bahaging ito.
D. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang
pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)

You might also like