You are on page 1of 15

Basic Education Department

S.Y. 2022 - 2023

STUDY GUIDE – Filipino 10 10.30.2022

Module Topic: Teacher: Bb. Gizelle


Code: Q2-M1
Nobela at Panunuring Pampanitikan V. Tagle
Content Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Standards: pampanitikan ng mga bansang kanluraninn
Performance Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling akda sa hatirang pangmadla
Standards: (social media)
Learning Competencies:
Panitikan: Anekdota/ Epiko/ Nobela

Wika: Pagsasaling-wika, / Panunuring Pampanitikan/ Kakayahang Komunikatibo

 Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota (M)


 Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan, tagpuan motibo ng awtor paraan ng pagsulat
at iba pa (M)
 Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (M)
 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you tube(M)
 Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota (M)
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na
anekdota (M)
 Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan (M)
 Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa (M)
 Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng binasang
akda (M)
 Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: (M)
 Sarili, panlipunan pandaigdig
 Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang social media (M)
 Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda (M)
 Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan (M)
 Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo (M)
 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito
(M)
 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (M)
 Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-ugnay sa panunuring
pampelikula* (M)
 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa
at/o Persia (M)
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata ng
nobela (B/M)
 Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata (M)
 Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa: pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa; at
suring-basa ng nobelang nabasa o napanood (B/M)
 Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo (B/M)

Performance Task: Criteria:


Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

GOAL: Makabuo ng isang vlog na naglalaman ng reaksyon at pagsusuri patungkol sa Phase 1: Pagbuo ng
ilang Independent Film sa Pilipinas na pumapaksa sa ekonomiya. isang panunuring
ROLE: Vlogger pampanitikan sa
AUDIENCE: Kapwa Kabataan isang bahagi ng
SITUATION: isang kilalang
Magdiriwang ng Buwan ng pagbasa ang inyong paaralan kung saan ikaw kasama ang nobela sa daigidig.
iyong mga kapangkat ay sasali kayo sa patimpalak ng pagbuo ng vlog ukol sa ilang (Filipino)
Independent Film sa Pilipinas.
PRODUCT: Phase 02: Pagsusuri
isang reactionary vlog na naglalaman ng reaksyon at pagsusuri patungkol sa ilang ng isang
Independent Film sa Pilipinas na pumapaksa sa ekonomiya. Independent Film sa
Standards: Pagbuo ng Vlog Pilipinas na
Pamantayan 4 3 2 1 pumapaksa sa
Nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman ekonomiya. Pagbuo
x2 ay ay tama at ay kaugnay sa ay kaugnay sa ng isang isang vlog
nagpapahayag kaugnay sa tinalakay; Ang tinalakay
na naglalaman ng
ng wastong tinalakay. ibang ideya ay ngunit malayo
pagkakaugnay A. Ang bahagyang sa konteksto reaksyon. (AP)
sa tinalakay. paliwanag sa malayo sa mga ang
A. Ang bawat konseptong kasagutan.
paliwanag sa katanungan ay tinalakay.
bawat kaugnay ng
katanungan ay konsepto.
may kaugnay ng B. Ang
konsepto at sitwasyon na
napalalim ang binanggit ay
pagtalakay rito. makatotohanan
B. Ang at kaugnay ng
sitwasyon na konseptong
binanggit ay tinalakay.
sinasalamin ang
realidad ng
buhay at
nagbahagi ng
kanyang
sariling
repleksyon
tungkol dito.
Kaangkupan Ang pokus ay Ang pokus ay Ang pokus ay Ang nilalaman
at pokus nakatuon sa nakatuon sa nakatuon sa ng argumento
mga konseptong mga konseptong at mga
tinalakay; konseptong tinalakay pahayag ay
Ang mga tinalakay; ngunit ang malayo sa
termino at Ang mga ibang ideya ay paksang
ideyang termino at hindi kaugnay tinalakay.
ipinakita sa ideyang ng paksang
pagpapaliwanag ipinakita sa tinalakay; ang
ay kaugnay ng pagpapaliwanag ibang termino
konsepto ang ay kaugnay ng ay hindi angkop
mga ideya ay konsepto; ang sa konseptong
nakaayos batay mga ideya ay ipinapaliwanag.
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

sa nakaayos batay
pagkakasunod- sa
sunod o tamang pagkakasunod-
organisasyon ng sunod o tamang
ideya. Mahusay organisasyon ng
na ideya.
nakapagdagdag
ng mga
impormasyon at
konsepto na
kaugnay ng
tinalakay.
Elemento ng Ang mga Ang mga Ang ilan sa mga Ang mga
Vlog larawan, salita, larawan, salita, larawan, salita, elemento ng
font at mga font at mga font at mga vlog ay hindi
kulay ay angkop kulay ay tugma kulay ay tugma nakakatulong
at tugma sa sa tema at sa tema at sa
tema at nilalaman ng nilalaman ng pagpapahayag
nilalaman ng aralin; aralin; hindi ng mensahe
aralin; nakatutulong sa gaanong ng
epektibong pagpapahayag epektibo ang isinagawang
nakatutulong sa ng mensahe ng pagtulong nito vlog.
pagpapahayag vlog. sa
ng mensahe ng pagpapahayag
vlog. ng mensahe.
DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across-Discipline 

Communication and Collaboration

Technology-Enabled

Individualized Learning

Values-Driven

Experiential Learning

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of the The inclusion of the The component is not
well-planned and present in the module components seems component is present in module and
practiced in module and reflected during forced in module and practiced in the class in class.
and in class. class. in class. but not reflected in the
module.

Modyul 01: Nobela at mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsususring Pampanitikan


Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

Subject and Level Filipino 10 Prepared by: Bb. Gizelle V. Tagle LPT
Schedule Second Quarter (Week 1-2 )
Panimula:
Sa bahaging ito ng ating module pag-uusapan naman natin ang nilalaman ng mga kilalang nobela sa
mundo na naisalin sa wikang Filipino at pag-uusapan rin natin ang mga pagdulog o pananaw na ginagamit sa
panunuring pampanitikan.
Kaya halina’t simulan na natin ang ating pagkatuto!
Mga Layunin:
Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
Nobela at mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsususring Pampanitikan

- Naihahambing ang nobela sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito.
- Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan.
- Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita kabilang ang mga terminong ginamit sa panunuring
pampelikula
- Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela.
- Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag at salita sa pagsasagawa ng suring basa o panunuring
pampanitikan.
- Nailalapat nang may kaisahan ang magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring
pampelikula.

Study Guide Outline

Activity F2F/ODL
Week 1
 Payabungin Natin: Word/Hugot-of-the-day ODL 01
 Lunsungin Natin: Sariling Pabalat ng aklat
 Linangin Natin: Talakayan ng Nobela
 Sipatin Natin: Pagsusuri ng Nobelang Ang Kuba ng Notre Dame ODL 02
 Pag-usapan Natin: Pagtalakay sa naging pagsusuri ng nobela (SW1) F2F 01
 Linangin Ntain: Talakayan sa Panunuring Pampanitikan
 Maikling Pagtataya (SW2)
 Maikling Pagsusulit (Quiz01)
Week 2
 Paghahanda para sa Phase 01 PT: Panunuri ng Nobela ODL 01 and 02
 Presentasyon Phase 01 PT F2F 01 and 02

Aralin 01: Nobela at Panunuring Pampanitikan


Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

I. Payabungin Natin!
Word-of-the-day!

Panuto: Mula sa ini-upload na akda sa canvas ng guro, ang nakatalagang mag-aaral ay pipili ng
sampung salita mula rito na kanyang bibigyang kahulugan at gagamitin sa pangungusap na kanyang
ipapaskil sa TEAMS Channel na nakalaan para sa TALASALITAAN. Bilang recitation ng klase, ang bawat
kamag-aral naman ay pipili ng 3 salita na kanila naman gagamitin sa sarili nilang pangungusap bilang
tugon sa post ng nakatalagang tagapagbigay ng Word- of- the-day!
II. Lusungin Natin!
Kung susulat ka ng isang nobela patungkol sa iyong buhay, anong magiging pamagat nito? Sa
pamamagitan ng iba’t ibang aplikasyon na tulad ng Canva, bumuo ka ng isang pabalat ng aklat
bilang tugon sa tanong sa itaas. Ipapaskil ang iyong gawa sa Canvas discussion. Maghanda rin
para sa bahagnan sa klase. Bibigyan ng 15 minuto upang gawin ang nasabing Gawain.

III. Linangin Natin!

Ang nobela ay isang mahaba at makathang akdang pampanitikan na kinapapaloona ng mga


madudulang pangyayari sa buhay ng mga piling tauhan. Ang kwento ay pinaghahabi-habi sa
pamamagitan ng mga kabanata. Ito ay mula sa salitang Italian na “novella” na ang ibig sabihin ay
new at tidings. Binubuo ang isang nobela ng 60, 000 hanggang 200,000 na mga salita at 101-300
pahina. Ito ay may iba’t ibang katangian na nagpapanda sa kariktan nito.

Mga Katangian ng Nobela:


Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang nobela.
1. Ang nobela ay napapalooban ng maraming magagandang tagpuan.
2. Kakikitaan ng iba’t ibang ligaw na tagpo at kaganapan na siyang magdudulot ng interes
sa mga mambabasa na subaysabayan ang bawat kabanata.
3. Pumupuna sa iba-ibang larangan sa buhay ng tao na totoong nangyayari sa lipunan.
4. Malikhain ang pagkakalahad ng bawat kabanata.
5. Ang nobela ay pumupukaw ng damdamin at nag-iiwan ng kakintalan sa mga
mambabasa.
6. Taglay nito ang mga aral na maaring makatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay.
7. Organisado ang pagkakabuo ng banghay.

Iba’t ibang Uri ng Nobela


1. Nobelang pangyayari – Nakasentro ang nobelng ito sa mga pangyayari sa isang kwento.
Mahusay nitong inilalarawan ang iba’t ibang aspekto ng bawat pangyayari.
2. Nobelang Tauhan – Pinag-uusapan sa nobelang ito ang mga pangunahing tauhan kabilang
ang kanilang mga hangarin at pangangailangan.
3. Nobelang Romansa – Pinapaksa ng nobelang ito ang tungkol sa pag-iibigan ng
magkasintahan o magkarelasyon. Umiikot ang kwento nito sa malalim na pagmamahalan
na talaga naming mag-iiwan ng malaking kakintalan sap ag-iisip at damdamin ng mga
mambabasa.
4. Nobelang Pagbabago - Isinasaad ng nobelang ito ang iba’t ibang hamon ng pagbabago sa
particular nalupinan. Nagsisilbi itong pampamulat sa mga natutulog na isipan ng mga tao
tungkol sa mga kaganapang nagaganap sa kaniyang lipunang ginagalawan.
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

5. Nobelang Kasaysayan – nakapaloob sa nobelang ito ang


mga naging ambag ng iba’t ibang bayan isa kasaysayan ng isang bansa. Layunin nitong
isalaysay ang mga kagabnapan sa pagkamit ng Kalayaan mula sa mga mapang-aping
dayuhan.

Mga Elemnto ng Nobela:


Ang mga sumusunod ay ang mga elemento ng nobela.
1. Tauhan – tumutukoy ito sa mga karakter na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa bawat
eksena sa nobela.
2. Tagpuan - isinasaad nito ang mga lugar at panahon na pinagyarihan ng bawat tagpo sa
isang nobela.
3. Banghay – Ito ang sistematikong pagkakasunod-suno ng mga pangyayari sa isang buong
nobela.
4. Tema - tumutukoy ito sa paksa na binibigyang-diin o pinangingibabaw ng manunulat sa
kaniyang nobela.
5. Pamamaraan - Dito nagkakaiba-iba ang bawat manunulat ng nobela. Tumutukoy ito sa
estilo o paraan ng sa pagbuo ng nobela upang maging masining ang pagsulat at paglalahad
ng mga kaganapan o pangyayari.

F2F 01:
IV. Sipatin Natin!

Basahin at unawaing mabuti ang buod ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ni Victor Hugo.
Sagutin ang mga tanong matapos mong basahin ang nilalaman ng isang bahagi ng nobelang ito.
Ang Kuba ng Notre Dame
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni William A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa
"Pagdiriwang ng Kahangalan" na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si
Quasimodo—ang kuba ng Notre Dame bilang "Papa ng Kahangalan" dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa
trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na
nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringore, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar.
Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada.
Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtang kang manood ng kaniyang inihandang
palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at
ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringore ang kagandahan ni La Esmeralda——ang dalagang


mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda
ang daan, laking gulat niya nang sunggab siya ng dalawang lalaki—sina Quasimodo at Frollo, Sinubukang
tulungan ni Gringore ang dalaga subalit hindi niya na kaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't nawalan siya
ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus—
ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. samantala, hatinggabi na nang
pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw bitayin si Gringore. Lumapit si La Esmeralda sa
pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang sa magpakasal
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringore
sa kamatayan.

Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng


paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat ng latigo ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip
niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang Iahat iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo—na
kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang
matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na
bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya—na ang tanging gusto ay
lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa 'di
kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na
mananayaw” at “anak ng magnanakaw."
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang
bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at
pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng
dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila nawalan siya ng ulirat
nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala.
Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa
nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran
ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang
dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa
pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari
si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa.
Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya
ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang aga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na
monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay,
iniharap si La meralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo
ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa
kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang
pakakasalan. Ilang sandali'y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La
Esmeralda gamit ang hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa katedral at tumatangis na isinigaw ang
katagang "Santuwaryo” Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran Siya ng dalaga ng
tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung
paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay
mananatiling ligtas hangga't nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La
Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.

Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw - sila ang kinikilalang pamilya ni La
Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang
parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan


upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,
sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok Siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang
mahalin Siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na
tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng
dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na
iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon
hinanap ang dalaga. Sa 'di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing
bestida at wala ng buhay. Naantig Siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay
Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si
Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay
inihulog niya ito mula sa tore—ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong
naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal—si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay
na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “Walang ibang babae akong minahal." Mula noon, hindi na
muling nakita pa si Quasimodo.

Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ng libingan ni La
Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan—nakayakap ang kalansay ng kuba sa
katawan ng dalaga.

V. Pag-usapan Natin!

A. Paano hinuhusgahan si Quasimodo ng mga tao? Ilarawan.


B. Batay sa panghuhusga ng mga tao kay Quasimodo, nagaganap pa rin bai to sa
kasalukuyan? Ipaliwanag.
C. Paano naging malapit na magkaibigan sina Quasimodo at La Esmeralda. Isalaysay.
D. Sa tingin mo, makatwiran ba ang pagpataw na may kasalanan si La Esmeralda sa
pagpatay? Pangatwiranan.
E. Kung ikaw si La Esmeralda, iibig ka kay Quasimodo? Bakit?
F. Kung ikaw si Quasimodo, paano mo ip[aglalaban ang iyong Karapatan bilang tao at
bilang mangingibig? Ilahad.
G. Ano ang ibig ipahiwatig ng wakas ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”?
Ipaliwanag.

VI. Maikling Pagtataya:


A. Suriin ang mga pahayag sa ibaba, kilalanin kung mga ito ay isa sa mga katangian ng isang nobela.
Isulat ang Tumpak kung ito ay isa sa ng katangian ng nobela at Alaws kung hindi naman.
1. Organisado ang pagkakabuo ng banghay. Tumpak
2. Binubuo ng 60, 000 hanggang 200, 000 na mga salita. Tumpak
3. Maaring matapos ng isang upuan lamang dahil maikli lamang pagkakasulat. Alaws.
4. Malikhain ang pagkakalahad ng bawat kabanata. Tumpak
5. Isa sa mga elemento nito ay ang pagkakaroon ng sukat at tugma. Alaws
6. Kinapapalooban ng maraming magagandang tagpuan. Tumpak
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

B. Tukuyin kung ano ang isinasaad ng bawat pangungusap sa ibaba.


7. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa bawat eksena ng nobela. Tauhan
8. Layunin nito isalaysay ang mga kaganapan sa pagkamit ng Kalayaan mula sa mga mananakop.
Nobelang Kasaysayan.
9. Paksa ng nobelang ito ang pag-iibigan ng dalawang taong magkarelasyon. Nobelang Romansa.
10. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela. Banghay.
11. Dito nagkakaiba-iba ang mga manunulat ng nobela sa kung anong estilo ang kanilang ginamit sa
pagsulat ng nobela. Pamamaraan
12. Ang nobela ay mula sa salitang Italian na ang ibig sabihan ay new at tidings. Novella

VII. Linangin Natin: Gramatika

Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan


Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng
panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay
dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang
tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang
paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Uri nito:

1. MORALISTIKO - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina


at kaayusang nakapaloob sa akda

2. SOSYOLOHIKAL- mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan

3. SIKOLOHIKAL - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.

4. FORMALISMO - Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng


matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda

5. IMAHISMO - Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan
ng mambabasa

6. HUMANISMO - Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay

7. MARXISMO - Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at


mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi

8. ARKETIPO / ARKITAYPAL - gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

9. FEMINISMO - maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at


gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa
akda layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati
Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

10. EKSISTENSYALISMO - Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng
tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal
nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan

11. KLASISISMO - Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan
Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan

12. ROMANTISISMO - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa
realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan

13. REALISMO - Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas din
itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.

VIII. Maikling Pagtataya 02


A. Tukuyin ang inilalarawan na Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan. Narito ang pagpipilian:  

A. Eksistensyalismo  B. Feminismo C. Humanismo 


D. Klasismo  E. Sikolohikal   F. Arketipo/ Arkitypal
G. Marxismo H. Moralistiko I. Sosyolohikal
1. Sa pananaw na ito, makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. E.   
2.  Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan ng isang akda.  D.
3. Ipinapakita sa pananaw na ito na ang tao ay may malayang magpasiya para sa kaniyang sarili upang
mapalutang ang pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi makahon ng lipunan. A.
4. Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa anumang bagay. C.
5. Layon nitong labanan ang anumang diksriminasyon, eksploytasyon, opresyon at ang tradisyonal na
pananaw sa mga kababaihan. B.
6. Gumagamit ito ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda na nangangailangan ng
masusing pag-aaral na nagbibigay-diin sa mga taglay na simbolismo ng akda. F.
7. Sinusuri sa pananaw na ito kung nagtataglay ba ng pagpapahalaga ang isang panitikan H.
8. Nakabatay ito sa teorya ni Karl Marx. G.
B. Analohiya: Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba.
9. Realismo: Katotohanan; Humanismo: Tao
10. Arketipo: Modelo; Moralistiko; Disiplina
11. Humanismo: Pagpapahalaga sa tao; Eksitensyalismo; Malaya ang taong magpasiya
12. Larawang Biswal: Imahismo; Damdamin kaysa Isipan: Romatisimo

Phase 01 PT: Pagsusuri ng isang Nobela.


Magsusuri ka kasama ang iyong mga kapangkat ng ilang halimbawa ng mga nobelang naisulat mula sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig, na naisapelikula. Bilang paghahanda ninyo sa inyong pagbuo ng PT.
Narito ang mga pelikula at links na maari mong gamitin upang mapanood ang kabuuan ng nobela:
1. The Little Prince (Ang Munting Prinsipe): https://www.youtube.com/watch?v=APG1upS8LDw
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

2. Things fall apart (Pagguho) https://www.youtube.com/watch?


v=PM3H1zoXGDQ
3. Count of Monte Cristo https://www.youtube.com/watch?v=vXYB5DpqVSU
4. The Pearl: https://www.youtube.com/watch?v=rUSf9M0PZ8g
5. The Old Man and the Sea: (585) Ang Matanda at Ang Dagat - YouTube

Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay kaugnay


nagpapahayag ng wastong tama at kaugnay sa kaugnay sa tinalakay; sa tinalakay ngunit malayo
pagkakaugnay sa tinalakay. tinalakay. Ang ibang ideya ay sa konteksto ang
A. Ang paliwanag sa bawat A. Ang paliwanag sa
bahagyang malayo sa kasagutan.
katanungan ay may kaugnay bawat katanungan ay
ng konsepto at napalalim ang kaugnay ng konsepto. mga konseptong
pagtalakay rito. B. Ang sitwasyon na tinalakay.
B. Ang sitwasyon na binanggit ay
binanggit ay sinasalamin ang makatotohanan at
realidad ng buhay at kaugnay ng
konseptong tinalakay.
nagbahagi ng kanyang sariling
repleksyon tungkol dito.

Nakapagbibigay ng higit sa Nakapagbibigay ng Nakapagbigay ng Malabo at walang kaugnayan


inaasahan na kahusayan sa mahusay na sariling simpleng sariling ang ginawang sariling
pagbibigay ng sariling wakas at wakas at malinaw ang pagwawakas at simple pagwawakas at nabuong
napakalinaw nang nabuong buod nabuong buod ng ang nabuong buod ng buod ng kwentong nabasa.
ng nabasang kwento nabasang kwento. nabasang kwento
Naipaliwanag nang mahusay at Naipaliwanag nang May kulang sa ibinigay Malabo at hindi angkop ang
mabisa ang sagot sa mga tanong mahusay ang sagot sa na paliwanag kaya’t mga sagot na ibinigay sa mga
kaya’t masasabing sistematiko mga tanong kaya’t hindi gaanong tanong kaya hindi naging
ang naging pagsusuri. masasabing sistematiko sistematiko ang naging sistematiko ang pagsusuri.
ang naging pagsusuri. pagsusuri

Gamitin ang pormat sa ibaba bilang gabay sa gagawing presentasyon. Gaganapin ang presentayson sa
ikatlong pagkikita para sa module 01.

Pamagat:
Manunulat:
Tema:

Mga Tauhan: Tagpuan/ Panahon:

Maikling Buod:

Pumili ng isang pananaw sa pagsusuring pampanitikan. Suriin ito gamit ang napiling pananaw o pagdulog.
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

Mahahalagang Kaisipan/ Aral na Taglay ng Akda. Sariling Wakas:

XI. Maikling Pagsusulit


Pagtataya 01 sa Filipino 10
Ikalawang Markahan
Pangalan: Seksyon:
Module: Modyul 01: Nobela at mga Pagdulog sa Panunuring Pampanitikan Petsa:
Mga  Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / Marka:
Kasaayan teoryang pampanitikan na angkop dito (M)
:  Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
(M)
 Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula* (M)

Panuto: Basahing Mabuti at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.


1. Uri ng akdang pampanitikan na binubuo ng mga kabanata at hindi kaagad natatapos sa isang upuan
lamang ang pagbabasa.
A. Anekdota B. Dula C. Maikling Kwento D. Nobela
2. Sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga pag-aaral ng panitikan.
A. Panunuring Pampelikula C. Teoryang Pampanitikan
B. Panunuring Pampanitikan D. Panunuring Pannobela.
3. Elemento ng nobela na tumutukoy sa pagsunod-suno ng mga pangyayari.
A. Banghay
B. Paksa
C. Tauhan
D. Pamamaraan
4. Uri ng nobela na nagsisislbing pampamulat sa mga natutulog na isipan ng mga tao tungkol sa ga
kaganapang nagaganap sa kaniyang lipunang ginagalawan.
A. Kasaysayan
B. Pagbabago
C. Pangyayari
D. Tauhan
5. Ang lahat ay katangian ng nobela MALIBAN SA…
A. Organisado ang pagkakabuo ng banghay.
B. Binubuo ng 60, 000 hanggang 200, 000 na mga salita.
C. Maaring matapos ng isang upuan lamang dahil maikli lamang pagkakasulat.
D. Kakikitaan ng iba’t ibang ligaw na tagpo at kaganapan na siyang magdudulot ng interes sa mga
mambabasa na subaysabayan ang bawat kabanata.
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

6. Siya ang sumulat ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”


A. Victor Neri C. Victor Hugo
B. Victor Yulo D. Victor Yuko
7. Bansang pinagmulan ng nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”
A. England
B. France
C. Germany
D. United Kingdom
8. Buoin ang linya sa ibaba.
Isinulat ni ang nobelang “Kuba ng Notre Dame dahil sa pagnanais niyang mapabatid ang ___________.
A. Gothic Architecture C. Gothic Culture
B. Gothic Literature D. Gothic Adventure
9. Dahil kung bakit pinarusahan ng bitay si La Esmeralda.
A. Dahil sa pagnanakaw
B. Kasalanang pagpatay
C. Umibig sa may asawa
D. Paglapastangan sa simbahan
10. Sa pagwawakas ng nobela si Quasimodo ay…
A. Naging tuwid ang likod
B. Nagtagumpay sa buhay
C. Namatay kasama ni La Esmeralda
D. Nabuhay nang maligaya kasama ang kaniyang mahal.
11. Nang hukayin ang libingan ni La Esmeralda makalipas ang ilang taon, Nakitang nakayakap sa kaniya
si…
A. Frollo
B. Phoebus
C. Quasimodo
D. Wala
12. Batay sa mga pangungusap sa ibaba ang lalarawan sa teoryang realismo.
A. Ang sentro ng usapan ay tao.
B. Naipapakita ang mga pangyayari sa nobela.
C. Nailalahad ang pagiging romatiko ng mga tauhan sa nobela.
D. Ipinapakita ang mga karansan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan.
Para sa bilang 13-16, tukuyin ang uri ng dulog na ginamit sa mga akda sa ibaba.
A. Eksistensyalismo
B. Feminismo
C. Marxismo
D. Imahismo
E. Sosyalismo
13. “Sustentuhan mo kung gusto mo, katungkulan mo ‘yun e! Pero wala kang karapatang sabihing huminto
ako sa trabaho ko!”
- Leah Bustamante, Bata, bata paano ka ginawa? Ni Lualhati Bautista
14. “Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at papel de Hapon;
Magandang laruang pula, puti, asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon.
- Bahagi ng tulang, Ang Guryon ni Idelfonso Santos
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

15. ako
ang daigdig
ako
ang tula
Ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

Bahagi ng tulang, “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla

16. “Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na
akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang
sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng
sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla
lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang
lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po
mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong paalisin.
Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po nama’y malakas pa.’ Ngunit...
Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
Bahagi ng maikling kwentong, “Tata Selo” ni Rogelio Sikat

X. Mga Paglilinaw (Consultations)


Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng
guro. O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo
upang mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.

XI. Mga Sanggunian:


Mga Aklat:

 Marasigan, E. V. (2018). Pinagyamang Pluma 10, Ikawalang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing
House.
 Domingo, E.J. (2017). Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino Unang Aklat. Makati City: Salesiana Books by
Don Bosco Press.
Basic Education Department
S.Y. 2022 - 2023

 PEAC Learning Module (2019), Filipino 10 Quarter 3, Makati City, PEAC


National Secretariat

Mga Eltronikong Kagamitan:


 https://www.youtube.com/watch?v=9afgtVLlPYI ,
 https://www.youtube.com/watch?v=20zF8Ug0MjM
 https://www.youtube.com/watch?v=1TroueqxAtM

You might also like