Professional Documents
Culture Documents
SY 2022 – 2023
ng
nakararami.
araw ng araw ng
pasahan. pasahan.
DIARY MAP
ACTIVE Components Ratin Remarks
g
Across Discipline
Communication and
Collaboration
Technology-Enabled
Individualized Learning
Values-Driven
Experiential Learning
4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of the The inclusion of the The component is
well-planned and present in the components seems component is not present in
practiced in module module and reflected forced in module and practiced in the class module and in class.
and in class. during class. in class.
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
but not reflected in
the module.
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
Balangkas ng Modyul
Activity F2F/ODL
Week 1
TALASALITAAN ODL
Pagbasa ng Teksto
Talakayan: Bahagi ng Tula
Tukuyin Natin: Mga bahagi ng Tula
Talakayan: Pangngalan
Formative Assessment
F2F
KONSULTASYON: Discussion Board
SEATWORK #1
Quiz #1
Week 2
TALASALITAAN ODL
Pagbasa ng Teksto
Talakayan: Kayarian ng Pangngalan, Tauhan bilang Elemento ng
Kwento
Formative Assessment: Padlet Activity
KONSULTASYON F2F
SEATWORK #1
Quiz #2
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
INTRODUKSYON
Ngayong panahon ng pandemya, tiyak na nakararanas ka ng stress dulot na rin ng
matagal na pamamalagi sa inyong bahay. Sa mga panahong ganito, mayroon tayong mga
ginagawang hakbang upang kahit papaano’y maiwasan ang iyong stress na nararanasan at
mga dapat gawin upang makaiwas sa pagkakasakit.
Sa modyul na ito, iyong pag-aaralan ang tungkol sa panghalip, mga iba’t ibang uri nito,
at ang mga kaukulan nito. Inaasahan din na iyong malalaman ang anekdota, talaarawan, at
pagsunod sa panuto o tagubilin.
Mga Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ng ikalimang baitang ay inaasahang:
Anekdota, Talaarawan, Panghalip at mga Uri Nito
• Nauunawaan ang binasang anekdota.
• Nakasusulat ng isang anekdota.
• Natutukoy ang uri ng panghalip at nagagamit ito sa makabuluhang pangungusap.
• Nakasusulat at nauunawaan ang gamit ng talaarawan
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
Pangunahing Katanungan:
Paano mo nagagamit sa pang-araw-araw ang panghalip?
Talasalitaan: Basahin ang mga sumusunod na salita at ang kahulugan nito. Matapos nito,
pipili ang guro ng 3 mag-aaral na magbibigay ng pangungusap.
1. sigwa – ulan; bagyo
2. naggawad – nagbigay; naghandog
3. umiindak – sumasayaw
4. gumiwang – lumihis
5. ibayo – makatawid sa ilog o sapa
6. humulagpos - kumawala
Ang Tsinelas
Anekdota ni Jose Rizal
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna.
Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paruparong puti na naghahabulan. Ang bangka
ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat.
Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang
ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit
namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng
kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa
kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan
ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko
ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa
akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Anekdota
Ang anekdota ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng
isang tao. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan
o ang pangyayari ay makatotohanan.
Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga
pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging kapanapanabik. Ang
isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga mambabasa at mahihilig
upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.
Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang-
kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng
kahulugan sa ideyang nais ipadama.
Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Hindi ito dapat mag-iwan ng anumang bahid
ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.
Panuto: Basahin ang bawat halimbawa ng mga anekdota. Sagutin ang mga katanungang
kaugnay ng anekdota.
Mga katanungan:
1. Sino ang bumisita sa pangulo?
2. Ano sa iyong palagay ang naging reaksyon ng pari matapos marinig ang nagging pahayag ng
pangulo?
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon
ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y
nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawat titik. Hindi siya tumigil sa
pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga
dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid,
pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.
Mga katanungan:
1. Paano nasabing may angking katalinuhan si Pepe?
2. Ano ang mga bagay na pilit inaaral ni Pepe?
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
Pamantayan:
• Hindi bababa sa 5 pangungusap ang anekdota.
• Binubuo ng isa hanggang dalawang talata.
• Dapat na uumpisahan gamit ang mga nakakaenganyong pahayag.
Ang panghalip ay salitang inihahalili sa mga ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.
Mayroon itong mga uri.
Mga halimbawa:
1. Ako ay magkukwento ng isang pabulang nabasa ko.
2. Ikaw ang maunang magkuwento.
3. Siya ang susunod na magbabasa ng kuwento.
4. Kami ay sasali rin sa inyo sa pagkukwento.
5. Kayo ang magsisilbi naming tagapakinig.
6. Sila ay handa nang makinig sa kuwento.
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
3. Pamatlig – mga salitang inihahalili sa mga pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari na itinuturo.
Mga halimbawa:
1. Ito ang sabong gagamitin natin sa paghuhugas ng kamay.
2. Dito tayo sa lababo maghugas ng kamay.
3. Walang tubig sa lababo. Ayun ang drum may tubig doon.
4. Tingnan ninyo ako. Ganito ang tamang paghuhugas ng kamay.
5. Ganyan naman ang ginagawa naming paghuhugas ng kamay. Ito, tingnan mo.
Halina’t Magsanay!
A. Panghalip Panao
1. (Ako, Sila, Tayo) ang naging pangulo ng aming klase.
2. Si Jules, Antonio, at Paulo ang naatasang magbuhat ng sako-sakong bigas dahil (sila,
kami, tayo) ang pinakamalalakas sa grupo.
B. Panghalip na Pananong
3. (Sino, Saan, Kailan) ba ang nagtatag ng Katipunan?
4. (Ilan, Sino, Gaano) kamahal ang bagong labas na iPhone ngayon?
C. Panghalip na Pamatlig
5. (Hayun, Diyan, Ito) ang Bulkang Bulusan na kung pagmamasdan mo mula rito sa bahay
ay pagkaganda-ganda.
6. “Sige Juan, maupo ka muna (diyan, hayun, ito) sa silya at maghahain lamang ako ng
pagkain sandali,” wika ni Leslie.
D. Panghalip na Panaklaw
7. “Walang (anuman, sinoman, lahat) ang nabubuhay para sa sarili lamang.”
8. (Anuman, sinoman, kailanman) ang mangyari, hindi kita iiwan lalo’t may pandemya
ngayon.
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
E. Panuto: Gawin ang hinihingi sa ibaba. Ang talata ay naglalaman dapat ng tatlo hanggang
limang pangungusap. Ang iyong sagot ay bibigyang-marka batay sa mga
pamantayang ito:
4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nagpapakita ng Nagpapakita ng sapat Nangangailangan ng Hindi maayos at
maayos at malinaw at hindi masyadong maayos at malinaw malinaw ang
na paglalahad ng malinaw na na paglalahad ng paglalahad ng
nilalaman sa paglalahad ng nilalaman sa nilalaman sa
pagsagot ng tanong nilalaman sa pagsagot pagsagot ng tanong pagsagot ng
at may ng tanong at may at pagsasaayos ng tanong at
organisasyon ang kakulangan sa mga ideya. pagsasaayos ng
mga ideya. organisasyon ang mga mga ideya.
ideya.
13-16. Magsulat ng dalawang araw na talaarawan tungkol sa iyong mga ginagawa sa inyong
bahay ngayong panahon ng pandemya. Maaaring ang maging laman ng inyong
talaarawan ay tungkol sa mga pamamaraan kung paano napananatiling ligtas ang
inyong pamilya sa CoViD-19 o ‘di naman kaya’y ang mga ginagawa mong hakbang
upang ikaw ay malibang sa panahong ito.
Basic Education Department
SY 2022 – 2023
Mga Sanggunian:
AKLAT
Agbon, Zenaida Z., Vinta 5: Paglalayag sa Wikang Filipino. Don Bosco Press, Inc. Makati City.
2017
ONLAYN
https://www.academia.edu/36889445/Ang_Tsinelas_-Anekdota_ni_Jose_Rizal
https://www.academia.edu/37766783/Ano_ang_anekdota_What_is_an_anecdote
https://quizlet.com/89281161/kaukulan-ng-panghalip-palagyo-at-paari-flash-cards/
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/11/pagpili-ng-panghalip-na-
pananong_21-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2012/11/pagkilala-sa-panghalip-na-
pamatlig_1-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/07/panghalip-na-panao_6-1.pdf
https://drive.google.com/file/d/1I66g-u7y7yllYPBWq3wqad0V-J0Yg0Or/view
https://drive.google.com/file/d/1XOW1IMWeETpsnULqy7-hC34qF7uLiIzI/view
https://www.slideshare.net/rafaeladantes/panghalip-16420276
https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Panghalip
https://tl.wikipedia.org/wiki/Talaarawan