You are on page 1of 20

Basic Education Department

SY 2021 - 2022

STUDY GUIDE – FILIPINO 5


Paksa ng Modyul:
Guro: Joanne
Mga Bahagi Ng Tula, Pangngalan at
Pauline B.
Kasarian Nito, Pagbasa ng Teksto, Code: Q1M1
Septimo(08-
Kayarian ng Pangngalan, Tauhan Bilang
09-2022)
Elemento ng Kwento
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin, mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pamantayan sa napakinggan, mapanuring pagbasa at pag-unawa sa iba’t ibang
Pagganap: uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan ukol sa
pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin tungo sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa
ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral
Pamantayan sa ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, at
Pagkatuto: pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t
ibang teksto/babasahing lokal at pambansa.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
• Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto. (I)
• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid, sa usapan at paglalahad tungkol sa sariling karanasan.
(I)
• Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
(I)
• Naipapangkat ang mga pangngalan batay sa kasarian nito. (I)
• Nauunawaan ang binasang teksto at nasasagot ang mga katanungan mula rito. (I)
• Natutukoy at nagagamit ang pangngalan batay sa kayarian nito. (I)
• Nakikilala at nauuri ang tauhan batay sa elemento sa kwentong binasa. (B)
• Nauunawaan ang binasang anekdota. (B)
• Nakasusulat ng isang anekdota. (B)
• Natutukoy ang uri ng panghalip at nagagamit ito sa makabuluhang pangungusap, (B)
• Nakasusulat at nauunawaan ang gamit ng talaarawan. (B)
• Nakapagbibigay ng panuto ukol sa mahahalagang gawaing pansarili. (I)
• Naipapangkat ang mga panghalip batay sa kaukulan nito. (B)
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

GOAL Makagawa ng isang short video ng pagbigkas ng tula Filipino:


na nagpapahayag ng pagmamalaki sa sinaunang Individual
lipunang Pilipino. rubric:
ROLE Isang miyembro ng Disaster Risk Reduction Council • Istilo ng
ng isang bayan pagsulat ng
AUDIENCE Mga kapwa mag-aaral at kabataan tula

SITUATION Ang paaralan sa inyong barangay ay nagdiriwang ng
Organisasyon
kanilang Buwan ng Wika at naimbitahan ka ng isa sa
mga guro sa Filipino na magsagawa ng ng mga ideya
pampublikong pagbabasa ng iyong tulang may • Petsa ng
kaugnayan sa tema ng pagdiriwang ng Buwan ng pagpapasa
Wika. Nakapokus ang pagdiriwang nito sa pagtukoy Overall rubric:
ng iba't ibang lalawigan at rehiyon ng ating bansa. • Nilalaman ng
video
Bilang isang makatang nakapaglimbag na ng sariling • Pagkamalikh
aklat, ikaw ay naatasang sumulat ng isang tula ain
tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino at ito ay • Maayos at
babasahin sa pamamagitan ng pag-record ng video. malinaw na
Dahil dito, ikaw ay inaasahang makapagbubuo ng pagbigkas ng
isang maikling video ng pagbasa ng isinulat niyong tula
tula tungkol sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at • Petsa ng
rehiyon sa Pilipinas. pagpapasa
PRODUCT Maikling video ng pagbigkas ng tula tungkol sa
pinagmulan ng lahing Pilipino Phase 1:
STANDARD Phase 1 (Individual rubric): Pagsasaliksik
Nilalaman, maayos at malinaw na paglalahad ng
mga ideya, petsa ng pagpapasa
Phase 2:
Phase 2 (Overall rubric):
Pagsulat ng
Nilalaman ng video, Kalidad ng boses,
script para sa
Pagkamalikhain, Maayos at malinaw na pagbigkas
video.
ng tula, Petsa ng pagpapasa
Phase 3 (final
output)
Mga 4 na 3 puntos 2 puntos 1 puntos Nakuhan
Pamantaya puntos g Puntos
Pagkuha ng
n
video
Nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman ay
ng video ng video ay ng video ay ay kaugnay sa kaugnay sa
nagpapahaya tama at may tinalakay; Ang tinalakay ngunit
g ng wastong kaugnayan sa ibang ideya malayo sa
pagkakaugna paksa; ay bahagyang konteksto ng
y ng paksa; Inilahad ang malayo sa paksa;
Inilahad ang paksa nang paksa; Ang Nangangailanga
paksa sa mauunawaan ilang bahagi ng ilahad ang
paraang ng marami. ng paksa ay paksa sa paraang
madaling bahagyang mauunawaan ng
mauunawaan mauunawaan. marami.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

ng
nakararami.

Kalidad ng Gumamit ng Bahagyang Mayroon Nangangailanga


boses epektibong epektibo ang pang n ng paggamit
pamamaraan pamamaraan kakulangan sa ng epektibong
ng pagbigkas ng pagbigkas paggamit ng paraan ng
ng tula sa ng tula dahil epektibong pagbigkas ng
pamamagitan may mga pamamaraan mga salita sa
ng salitang hindi ng pagbigkas tula.
intonasyon, nabigyan ng ng mga salita
tamang diin, tamang sa tula.
pagbasa nang intonasyon at
may diin sa
damdamin sa pagbasa.
tulang
isinulat.
Pagkamalikhai Gumamit ng Bahagyang Mayroon Nangangailanga
n epektibong epektibo ang pang ng gumamit ng
pamamaraan pamamaraan kakulangan sa epektibong
ng paglalahad ng paglalahad paggamit ng pamamaraan ng
ng ng epektibong paglalahad ng
mensaheng mensaheng pamamaraan mensaheng nais
nais ipabatid nais ipabatid ng paglalahad ipabatid sa mga
sa mga sa mga ng tula; manonood;
manonood; manonood; Naipakita ang Kinakailangan
Naipakita Naipakita pagkamalikha pang ipakita ang
nang nang may in sa pagbuo pagkamalikhain
mahusay ang kahusayan ng short sa pagbuo
pagkamalikha ang video ng tula. ng short video ng
in sa pagbuo pagkamalikha tula.
ng short in sa pagbuo
video ng tula. ng short
video ng tula.
Maayos at Ang Ang Ang Nangangailanga
malinaw na paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng n ng malinis at
pagbigkas ng mga salita sa mga salita sa mga salita sa malinaw na
tula tula ay tula ay malinis tula ay paglalahad ng
lubhang at malinaw. bahagyang mga salita sa
malinis at malinis at tula.
malinaw kung malinaw.
kaya't
nauunawaan
nang mabuti
ang nilalaman
ng tula.
Petsa ng Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang PT
pagpapasa PT bago o sa PT isa PT tatlo nang higit sa
mismong hanggang hanggang limang araw
nakatakdang dalawang limang araw matapos ang
araw ng araw matapos matapos ang nakatakdang
pasahan. ang nakatakdang araw ng pasahan.
nakatakdang
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

araw ng araw ng
pasahan. pasahan.

KABUUANG PUNTOS (20 PUNTOS ANG PINAKAMATAAS)

DIARY MAP
ACTIVE Components Ratin Remarks
g
Across Discipline

Communication and
Collaboration
Technology-Enabled

Individualized Learning

Values-Driven

Experiential Learning

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of the The inclusion of the The component is
well-planned and present in the components seems component is not present in
practiced in module module and reflected forced in module and practiced in the class module and in class.
and in class. during class. in class. but not reflected in
the module.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Balangkas ng Modyul
Activity F2F/ODL
Week 1
TALASALITAAN ODL
Pagbasa ng Teksto
Talakayan: Bahagi ng Tula
Tukuyin Natin: Mga bahagi ng Tula
Talakayan: Pangngalan
Formative Assessment

F2F
KONSULTASYON: Discussion Board

SEATWORK #1

Quiz #1

Week 2
TALASALITAAN ODL
Pagbasa ng Teksto
Talakayan: Kayarian ng Pangngalan, Tauhan bilang Elemento ng
Kwento
Formative Assessment: Padlet Activity

KONSULTASYON F2F

SEATWORK #1

Quiz #2
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

MODYUL 1 - MGA BAHAGI NG TULA, PANGNGALAN AT KASARIAN NITO, PAGBASA NG


TEKSTO
Asignatura at Baitang: _Filipino 5________ Inihanda ni: Joanne Pauline B. Septimo
27Aug2022
Iskedyul: ____Unang Markahan (W5-W6) Inaprubahan ni: Gng. Maria Belinda Cabonegro

INTRODUKSYON
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahalaga ang edukasyon lalo na sa panahon
ngayon. Sinasabing ang edukasyon ang siyang susi upang makaahon sa kahirapan ang mga
pamilyang mahihirap kung kaya’t marami ang nagpupursige na makapagtapos. Bukod dito,
mahalaga rin ang wika sa pagkakakilanlan natin bilang isang Pilipino. Nasasalamin nito ang
pagka-Pilipino natin sa puso, diwa, at gawa.
Sa modyul na ito, iyong pag-aaralan ang tungkol sa pangngalan, mga uri at kasarian
nito, at mga anyo at kayarian nito. Inaasahan din na iyong malalaman ang mga bahagi ng
isang tula at ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng tauhan sa isang maikling kuwento gayundin
ang pagpapahayag ng sariling karanasan at mga opinyon o reaksyon patungkol sa isang isyu.

Mga Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ng ikalimang baitang ay inaasahang:
Mga Bahagi ng Tula, Pangngalan at Kasarian Nito
• Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.
• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,
hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid, sa usapan at paglalahad tungkol sa sariling
karanasan.
• Naipapangkat ang mga pangngalan batay sa kasarian nito.

1.1 Mga Bahagi ng Tula, Pangngalan at Kasarian Nito


Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Talasalitaan: Basahin ang mga sumusunod na salita at ang kahulugan nito. Matapos nito,
pipili ang guro ng 3 mag-aaral na magbibigay ng pangungusap.
1. himpapawid – kalangitan
2. naggawad – nagbigay; naghandog
3. likha – gawa
4. lunday – bangka

Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutan ang mga tanong na kaugnay nito.
Sa Aking mga Kabata
Unknown

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,

Sapagka’t ang Poong maalam tumingin


Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa?
2. Ang mga linyang, “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit pa sa hayop at malansang isda”
ay sino ang mga pinapatungkulan?
3. Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng unang saknong?
4. Sa iyong nabasang tula, ano ang pinapaabot na mensahe nito sa mga mambabasa?
5. Anong aral ang natutuhan mo sa tulang iyong binasa?

Pag-unawa sa Tula
Ang tula ay binubuo ng taludtod (tawag sa linya ng isang tula) at saknong (binubuo ng
apat na taludtod o linya sa tula). Ang tugma ay nagpapaganda sa daloy ng pagbigkas ng tula.
Nakatutulong sa pag-unawa ng tula ang pagbasa nang may tamang bilis, diin, ekspresyon, at
intonasyon.
taludto Ang hindi magmahal sa kanyang salita
d Mahigit sa hayop at malansang isda,
saknon Kaya ang marapat pagyamaning kusa
g Na tulad sa inang tunay na nagpala.
tugma

Panuto: Basahin ang tulang nasa ibaba at sundin ang panuto.


A. SALUNGGUHITAN ang LAHAT NG TALUDTOD
B. Lagyan ng bracket ang bawat saknong
C. Bilugan ang mga salitang may tugma.

Bayan Ko
Jose Corazon De Jesus

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Pangngalan
Ang pangngalan ay salitang nagbibigay ng ngalan sa mga tao, bagay, pook, hayop, at
pangyayari.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa:
Basic Education Department
SY 2021 - 2022
Basic Education Department
SY 2021 - 2022
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

DALAWANG URI NG PANGNGALAN


Pangngalang Pambalana – karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari.
Nagsisimula sa maliit na letra maliban na lamang kung ito ay nasa unahan ng pangungusap.
Halimbawa: babae, estudyante, guro, tindera

Pangngalang Pantangi – tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari.
Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa: Ingles, Latin, Kastila, Bb. Santos
Kasarian ng Pangngalan
• Panlalaki – kung ang ngalan ng tao o hayop ay nauukol sa lalaki.
Halimbawa: tatay, ginoo, ninong, tandang

• Pambabae – kung ang ngalan ng tao o hayop ay tumutukoy sa babae.


Halimbawa: tiya, ate, dalaga. Inahin

• Di-tiyak – kung ang tinutukoy ay maaaring babae o lalaki.


Halimbawa: manggagamot, anak, kaklase, pusa

• Walang kasarian – kung ang pangngalan ay tumutukoy sa bagay o lugar.


Halimbawa: mesa, gusali, aklat, kalan

Halina’t
A.Magsanay!
Panuto: Piliin ang titik ng pangngalang pambalana ng bawat pangngalang pantangi.
______1. Lupang Hinirang A. awit B. epiko C. nobela D. tula
______2. Harry Potter A. awit B. epiko C. nobela D. tula
______3. Taal A. bulkan B. bundok C. burol D. talampas
______4. Maynila A. bayan B. lungsod C. probinsya D. rehiyon
______5. Far Eastern University A. kompanya B. simbahan C. tindahan D. unibersidad

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit. Gamitin ang
mga sumusunod na titik: PB (pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang
kasarian), at WK (walang kasarian).
_________6. May pinadalang pasalubong ang ninang mo na galing sa Maynila.
_________7. Pinili siya na maging pangunahing artista sa isang pelikula.
_________8. Maghahanap ako ng magaling na modista para sa iyong kasal.
_________9. Narinig nila ang tunog ng kampana ng simbahan.
_________10. Dumaan dito kanina ang kumpare mo at hinahanap ka.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Sa pamamagitan ng discussion board, magsulat ng isa o dalawang talata patungkol sa iyong


sarili gamit ang dalawang uri ng pangngalan at mga kasarian ng pangngalan. Ang talatang
iyong isusulat ay dapat naglalaman ng tatlo hanggang limang pangungusap.

GAWAIN SEATWORK #1
5

A. Panuto: Isulat ang PANTANGI kung ang sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa


pangngalang pantangi, PAMBALANA kung ito naman ay tumutukoy sa pangngalang pambalana.
Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

____________1. Si dating pangulong Manuel Quezon ang itinuturing na Ama ng Wikang


Pambansa.
____________2. Ang Batanes ay ang pinakadulong probinsya ng Pilipinas sa hilaga nito.
____________3. Ang bulkan ay isang anyong lupa na nagbubuga ng mga nag-aalab na mga bato
at asupre.
____________4. Ginagamit ang mga paaralan bilang evacuation center ng mga inilikas sa
kanilang mga tahanan tuwing may bagyo.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit. Gamitin ang mga
sumusunod na titik: PB (pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang kasarian), at WK
(walang kasarian).
_________5. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.
_________6. Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.
_________7. Suot ng binata ang pinakamagara niyang damit.
_________8. Ang mga ginang ay inaasahang dadalo sa pagtitipon mamayang hapon.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Unang Maikling Pagsusulit sa Filipino 5


Unang Markahan
Pangalan: Baitang at Seksyon: 5 - Joy

Paksa: Tula at mga Bahagi Nito, Pangngalan at Kasarian Nito,


Pagbasa ng Teksto, Kayarian ng Pangngalan, Tauhan bilang Elemento Petsa:
ng Kwento
Yunit: 1 Puntos: _________/12

Mga • Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga
Pamantayan tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid, sa usapan at paglalahad tungkol sa
sa sariling karanasan.
Pagkatuto: • Naipapangkat ang mga pangngalan batay sa kasarian nito.
• Natutukoy at nagagamit ang pangngalan batay sa kayarian nito.

I. Panuto: Pagtambalin ang mga pangngalang pantangi sa Hanay A at ang kaugnay na


mga pangngalang pambalana sa Hanay B.
Hanay A
_____1. Maynila Hanay B
_____2. Batangas A. probinsya
_____3. Melchora Aquino B. pangulo
_____4. Manuel Quezon C. bayani
_____5. Luneta D. parke
_____6. Islam E. rehiyon
_____7. Bicol F. bayan
_____8. Pateros G. relihiyon
H. lungsod
B. Panuto: Gawin ang hinihingi sa ibaba. Ang talata ay naglalaman dapat ng tatlo hanggang
limang pangungusap. Ang iyong sagot ay bibigyang-marka batay sa mga
pamantayang ito:
4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nagpapakita ng Nagpapakita ng sapat Nangangailangan ng Hindi maayos at
maayos at malinaw at hindi masyadong maayos at malinaw malinaw ang
na paglalahad ng malinaw na na paglalahad ng paglalahad ng
nilalaman sa paglalahad ng nilalaman sa nilalaman sa
pagsagot ng tanong nilalaman sa pagsagot pagsagot ng tanong pagsagot ng
at may ng tanong at may at pagsasaayos ng tanong at
organisasyon ang kakulangan sa mga ideya. pagsasaayos ng
mga ideya. organisasyon ang mga mga ideya.
ideya.
9-12. Batay sa ating binasang teksto, ilahad ang iyong sariling karanasan tungkol sa iyong
pag-aaral ng wikang Filipino gamit ang mga uri at kasarian ng pangngalan.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

1.2 Pagbasa ng Teksto, Kayarian ng Pangngalan, Tauhan bilang Elemento ng Kwento

Pangunahing Katanungan:
Paano mo nagagamit sa pang-araw-araw ang panghalip?

Talasalitaan: Basahin ang mga sumusunod na salita at ang kahulugan nito. Matapos nito,
pipili ang guro ng 3 mag-aaral na magbibigay ng pangungusap.
1. tugon – sagot
2. tanaw – tingin
3. umpisa – simula
4. panganib – peligro
5. mainip – di-pagkapalagay
6. pamilyar – dating alam
7. hudyat – senyas
8. himig – awit
9. hapong-hapo – pagod na pagod
10. himutok - hinaing
Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutan ang mga tanong na kaugnay nito.

Pagsusumikap Para sa Hinaharap

“Tapos ka na bang mag-almusal? Inubos mo ba ang sopas, anak?” tanong ni Aling Annie kay
Anton.
“Opo, Nanay. Tingnan po ninyo, wala nang laman ang tasa,” tugon ni Anton sa tanong ng ina.
“Sige lumakad ka na. Ito ang mga lapis mo, may tasa na ang mga iyan. Ilagay mo na sa bag.”
Inihatid ako ng tanaw ni Nanay hanggang sa makalabas ako sa aming gate.
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Ito ang buhay-estudyante. Umpisa na naman ng isang taong pagsusumikap. Tigil muna ang
paglalaro, panonood ng telebisyon, at mga computer games. Simula na naman ng walang-patid na
pagsusulat at pagbabasa.
Sa umaga, maglalakad papunta sa paaralan. Sa panahon ngayon na masyadong mabigat ang
trapiko, mas praktikal ang maglakad kaysa sumakay kung malapit-lapit din lang ang pupuntahan. Sa
paglalakad, iiwas ka sa mga nagmamadaling sasakyan sa kalye. Gagamitin mo ang iyong pandinig sa
mga tunog na naghuhudyat ng panganib.

Pito kaming magkakaibigang sabay-sabay na pumapasok sa Mababang Paaralan ng Ilaya-


Barangka. Malayo-layo rin ang paaralan. Upang hindi mainip habang naglalakad, pumipito kami ng
isang pamilyar na himig.
Dumaraan kami sa Kalye Parada. Ito ang shortcut na daan papunta sa paaralan. Ang
dinaraanan naming ay kaagapay ng riles ng tren. May mga bakod naman upang maging ligtas ang
mga naglalakad sa bangketa nang hindi mahagip ng tren. Araw-araw ay nakasasabay naming ang tren
mula sa Sta. Mesa papunta sa Laguna. Lumiliko kami sa palengke ng Barangka. Madalas naming
nakasasabay ang mga manok at baboy na ibinababa ng trak papunta sa matadero. Ito ang kabutihan
sa naglalakad. Marami kang nakikita at naoobserbahan.
“Kawawa naman ang mga baboy at manok, ano,” sabi ni Allen.
“Iyon talaga ang papel nila sa mundo. Alagaan para kainin.”
“Hoy! Huwag na kayong manood diyan at baka mahuli tayo,” sabi ni Memet.
Ilang minuto pang paglalakad at mararating na namin ang simbahan ng San Roque. Tamang-
tama kumakalembang ang kampana bilang hudyat sa pagtatapos ng misa sa umaga.
Nakagawian ko na tuwing umaga, pagdating na pagdating ko sa paaralan ay pumupunta ako
sa silid ng Gawaing Pangkabuhayan. Humihiram ako ng pala upang ayusin ang aming mga tanim sa
likod ng silid-aralan. Nang umagang iyon, nakita ko na matataas na ang mga tanim naming gabi.
Maaari na itong kunan ng dahoon. Maganda rin naming may tanim kaming ganito, nakapag-uuwi pa
kami ng gulay sa bahay. Napakikinabangan namin ang aming pinaghirapan, natututo pa kaming
magtanim.
Pagdating ng hapon, hapong-hapo akong dumarating ng bahay. Pasalampak akong mauupo
sa sala. Sa labis na pagod na aking nararamdaman, palagi kong ipinaririnig kay Nanay ang aking
himutok.
“O! Ano ang sala ko at nararamdaman ko ang pagod na ito? Mahirap po pala ang buhay ng
isang estudyante.”
“Mahirap din naman ang buhay ng isang nagtatrabaho,” natatawang biro ni Tatay.
Sasagutin naman ako ni Nanay nang nakangiti. “Anak, huwag mong intindihin ang hirap.
Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusumikap at darating ang araw ng kaginhawaan, kapag
nakatapos ka na ng iyong pag-aaral.”

Sila ang mga inspirasyon ko sa buhay. Kahit mahirap ang buhay ng isang mag-aaral patuloy
akong magsusumikap alang-alang sa kanila.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento?
2. Ano ang paksa ng kanyang salaysay?
3. Bakit pinili niyang maglakad papunta sa paaralan kaysa sumakay?
Basic Education Department
SY 2021 - 2022
4. Sa iyong sariling karanasan, mas pinili mo bang maglakad o
sumakay papunta sa paaralan? Bakit?
5. Ano-ano ang naoobserbahan nilang nagaganap sa paligid habang naglalakad? Ganito rin ba ang
nakikita mo habang papasok sa paaralan?
6. Ano-anong katangian ng isang may pagpapahalaga sa edukasyon ang binabanggit sa kuwento?

ANYO O KAYARIAN NG PANGNGALAN


Ang pangngalan ay may apat na anyo o kayarian.
1. Payak - pangngalang binubuo ng salitang ugat.
Halimbawa: lolo, lapis, papel, manok
2. Maylapi -pangngalang binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Halimbawa: Salitang-ugat Panlapi
palay + an = palayan
liit + ma = maliit
saya + ka-, -han = kasayahan
3. Inuulit - pangngalang binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig ng
salitang ugat o buong salitang ugat na maaaring mayroong o walang dagdag na
panlapi.
Halimbawa: ari-arian, araw-araw, agad-agad
4. Tambalan - pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita.
Dalawang Uri ng Tambalan
a. Tambalang Ganap - pagsasama ng dalawang magkaibang salita sa pagkakaroon ng
bagong kahulugan ang salitang nabuo.

Halimbawa: kutong + lupa = kutonglupa (maliit)


hanap + buhay = hanapbuhay (trabaho)
kapit + bisig = kapitbisig (magkaisa)

b. Tambalang Di-Ganap - nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama-


sama.
Halimbawa: taong + gubat = taong-gubat
silid + aralan = silid-aralan
lakbay + aral = lakbay-aral
- ang pangngalang tambalan ay maaaring dalawang salitang pinag-isa o pinagdugtong ng
gitling (-).

Mga Uri ng Tauhan ng Maikling Kwento


1. Pangunahing Tauhan - pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa kaniya umiikot ang kuwento,
mula sa simula hanggang sa wakas.
2. Katunggaling Tauhan - siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Sa kaniya
nabubuhay ang pangyayari sa akda.
3. Pantulong na Tauhan - karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
- PANGUNAHING TUNGKULIN - maging kapalagayang loob o sumusuporta sa tauhan.
4. May-akda - magkasama lagi ang loob ng awtor at pangunahing tauhan.
- laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
- siya ang nagsulat ng kwento
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

Sa pamamagitan ng padlet, gamitin sa makabuluhang pagpapahayag ng iyong opinyon


tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng inyong pamilya upang manatiling ligtas sa banta ng
sakit ngayong panahon ng pandemya ang mga anyo o kayarian ng pangngalan.

IV. KONSULTASYON
Ang mga mag-aaral ay maglalagay ng katanungan sa board for thought. Kung ang mag-aaral
ay walang katanungan, siya naman ang sasagot sa mga kamag-aral na may katanungan. Ito ay
gagawin sa pamamagitan ng face-to-face interaction.

SEATWORK #1
A. Panuto: Balikan ang
tekstong Pagsusumikap para sa Pangarap. Uriin batay sa mga uri ng tauhan
ang mga sumusunod na karakter sa maikling kwento.
____________1. Aling Nena
____________2. Anton
____________3. Allen
____________4. Memet

B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kayarian ng pangngalan at gamitin sa makabuluhang


pangungusap ang mga sumusunod na salita.
5-6. silid-aklatan
Basic Education Department
SY 2021 - 2022
5. Uri ng Kayarian ng Pangngalan:
________________________________________________________________________
6.
_______________________________________________________________________________________________
______________

7-8. halaman
7. Uri ng Kayarian ng Pangngalan:
________________________________________________________________________
8.
_________________________________________________________________________________________________________
____

Ikalawang Maikling Pagsusulit sa Filipino 5


Unang Markahan
Pangalan: Baitang at Seksyon: 5 - Joy

Paksa: Tula at mga Bahagi Nito, Pangngalan at Kasarian Nito,


Pagbasa ng Teksto, Kayarian ng Pangngalan, Tauhan bilang Elemento Petsa:
ng Kwento
Yunit: 1 Puntos: _________/16

Mga • Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga
Pamantayan tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid, sa usapan at paglalahad tungkol sa
sa sariling karanasan.
Pagkatuto: • Naipapangkat ang mga pangngalan batay sa kasarian nito.
• Natutukoy at nagagamit ang pangngalan batay sa kayarian nito.

A. Panuto: Isulat sa patlang ang titik P kung ang kayarian ng pangngalan ay payak, M kung
ito ay maylapi, I kung ito ay inuulit, o T kung ito ay tambalan.

______1. bungangkahoy ______5. sabi-sabi ______8. kalinisan


______2. Relihiyon ______6. paaralan ______9. balikbayan
______3. dalandan ______7. tira-tira ______10. buntong-hininga
______4. balangkas
Basic Education Department
SY 2021 - 2022

B. Panuto: Sumulat ng makabuluhang pangungusap na may kaugnayan sa kayarian ng


pangngalan.

A. buntong-hininga
11-12. Uri ng Kayarian ng Pangngalan:
_________________________________________________________________________________________________________

B. pinaglabhan
13-14. Uri ng Kayarian ng Pangngalan:
_________________________________________________________________________________________________________

C. kilo-kilometro
15-16. Uri ng Kayarian ng Pangngalan:
_________________________________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
AKLAT
Agbon, Zenaida Z., Vinta 5: Paglalayag sa Wikang Filipino. Don Bosco Press, Inc. Makati City.
2017
ONLAYN
https://quizlet.com/398086959/uri-ng-tauhan-ng-maikling-kwento-flash-cards/
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/08/uri-ng-pangngalan-ayon-sa-
kayarian_1-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/08/uri-ng-pangngalan-ayon-sa-
kayarian_2-1.pdf
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/08/uri-ng-pangngalan-ayon-sa-
kayarian_3-1.pdf
https://www.slideshare.net/denzelmathewbuenaventura/anyo-o-kayarian-ng-pangngalan

You might also like