You are on page 1of 10

Basic Education Department

S.Y. 2022-2023

STUDY GUIDE – FILIPINO 1

Paksa ng Modyul: Pangngalan at Guro: Bb. Alyana C. Candelaria


Code: Q2M1
Panghalip 11-04-22
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang:

Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto

Naipapahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksy on nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon
Pamantayan sa
Pagganap: Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon

Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat

Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang:

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag- unawa sa napakinggan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Pamantayan sa
Pagkatuto: Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog

Naipamama las ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at wika

Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


  Natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking titik o letra
 Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pabalat
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang akda
 Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kwentong napakinggan
 Naisasalalay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan
 Natutukoy ang gawain ng may-akda/tagaguhit o kwento
 Nagagamit nang wasto ang pangalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at
pangyayari
 Nasasabi ang mensahe ng isang babala
 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galawa, ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-
larawan
 Nakikilala ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Naisasakilos ang napakinggang awit
 Natutukoy ang uri ng pangngalan
 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang kwento
 Nakikilala ang pangngalan sa pangungusap at natutukoy ang kasarian nito

Performance Task: Araling Panlipunan, Filipino, MAPEH, at Math Criteria:


GOAL: Maipakita ng mga mag-aaral ang layunin para sa sariling
komunidad sa pamamagitan ng isang talumpati. Main PT:
Filipino
ROLE: Ang mga mag-aaral ay aaktong mga kandidato sa kanilang Individual rubric:
komunidad.
Overall rubric:
AUDIENCE: Ang mga manunuod ay ang kanilang mga kaklase at guro.  Nilalaman ng talumpati
 Pagkamalikhain
SITUATION: Ang mga mag-aaral ay sasali bilang mga kandidato sa
 Presentasyon
eleksyon ng kanilang komunidad. Bawat grupo ay maghahanda ng sarili
nilang awiting gagamitin sa pangangampanya at talumpating kanilang
Pamantayan:
sasabihin sa mga mamboboto. Kailangang maipakilala nila ang kanilang
sarili at makapag-talumpati nang may kaayusan. Piyesa
STANDARD:
4- Mahusay ang
pagkakabanghay ng pyesa,
AP/Arts:
may maayos na
Phase 1 (Campaign Poster,) pagkakasunod-sunod.

Music: 3- May kaunting kulang ang


Phase 2 (Campaign Jingle) pagkakabanghay ng pyesa,
may maayos na
Filipino: pagkakasunod-sunod.
Main PT (Campaign proper, maikling talumpati)
2- May kakulangan ang
pagkakabanghay ng pyesa, at
di-gaanong maayos ang
pagkakasunod-sunod.
1- Hindi maayos ang
pagkakagawa ng piyesa.
Hikayat
4- Napupukaw ang interes ng
madla na making.
3- Hindi gaanong napukaw
ang interes ng madla na
making.
2- ‘Di gaanong magaling at ‘di
gaanong angkop ang
damdaming ipinakita ng
manunulampati.
1- Hindi nakakahikayat ang
talumpati.
Tinig
4- Angkop ang lakas at
taginting ng tinig ng
mananalumpati.
3- Angkop ang lakas ngunit
matinis minsan taginting ang
tinig ng manunulampati.
2- Hindi gaanong angkop ang
lakas at taginting ng tinig ng
manunulampati.
1- Hindi marinig ang
talumpati.
Bigkas
4- Malakas at malinaw ang
bigkas ng mga salita.
3- Malakas ngunit minsan
hindi masyadong malinaw ang
pagbigkas ng mananalumpati.
2- Mahina at ‘di malinaw ang
pagbigkas ng mananalumpati.
1- Hindi maintindihan ang
mga salita.

DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across-Discipline Click or tap here to enter text.

Communication and
Collaboration
Technology-Enabled

Individualized Learning

Values-Driven

Experiential Learning

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of The inclusion of The component is
well-planned and present in the the components the component is not present in
practiced in module and seems forced in practiced in the module and in
module and in reflected during module and in class but not class.
class. class. class. reflected in the
module.

Modyul 1:
Asignatura: ___FILIPINO 1_________ Inihanda ni: Bb. Alyana C. Candelaria
Schedule: _Unang Markahan (Week 1-4) Iniwasto ni: Bb. Gizelle V. Tagle
Inaprubahan ni: Gng. Maria Belinda B. Cabonegro
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
 Natutukoy ang gamit ng maliliit at malalaking titik o letra
 Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pabalat
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang akda
 Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kwentong napakinggan
 Naisasalalay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan
 Natutukoy ang gawain ng may-akda/tagaguhit o kwento
 Nagagamit nang wasto ang pangalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at
pangyayari
 Nasasabi ang mensahe ng isang babala
 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galawa, ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-
larawan
 Nakikilala ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Naisasakilos ang napakinggang awit
 Natutukoy ang uri ng pangngalan
 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang kwento
 Nakikilala ang pangngalan sa pangungusap at natutukoy ang kasarian nito

Unang Linggo
Aralin 1: Pangngalan
(Martes, F2F)
First Period
A. Talasalitaan #1
Panuto: Magbibigay ang guro ng limang salitang isusulat niya sa pisara. Kokopyahin ito ng mga mag-
aaral at tatalakayin nila sa klase.
1. manok
2. matanda
3. magsasaka
4. ginto
5. diwata
B. Pagbasa ng Maikling Kwento
Panuto: Ipakukuha ng guro ang libro sa mga mag-aaral at kanila itong bubuksan sa pahina 103. Ang
pamagat ng maikling kwento ay ‘Ang Manok ni Mang Apolo.’
Mga katanungan:
1. Paano mo ilalarawan si Mang Apolo na siyang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Paano gumanda ang dating mahirap nilang buhay?
3. Bakit naman nagbalik sa kahirapan ang buhay ni Mang Apolo?
4. Ano kaya ang naramdaman ng diwata nang mamatay ang regalo niyang manok?
5. Kung ikaw si Mang Apolo, ano ang gagawin mo sa kayamanang bigay ng itlog na ginto?
6. Bakit kailangang pahalagahan ang mga biyayang natatanggap natin?
Note: Habang isinusulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral, ipakikita ng guro na kada nagsusulat ng
pangungusap, dapat itong magsimula sa malaking titik at magtapos sa tamang bantas.
Hal:
1. Si Mang Apolo ay isang matulunging tao.

C. Pagsulat
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang kwaderno sa Filipino at kanilang isusulat ang
sumusunod na mga pangungusap.
Gamit ng Malaking Titik
Tandaan:
Ginagamit ang malalaking titik sa:
1. simula ng pangungusap
Hal: Si Mang Apolo ay isang matulunging tao.
2. tiyak na pangalan
Hal: Mang Apolo
3. unang titik ng pamagat
Hal: Ang Manok ni Mang Apolo

D. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
pahina 110, Sagutin Natin, C.

E. Takdang Aralin
Panuto: Pasagutan sa mga mag-aaral ang Sagutin Natin, B, pahina 108-109 sa kani-kanilang mga
tahanan.

Second Period
A. Library Period
Panuto: Dala-dala ang kanilang mga lapis at libro sa Filipino, pupunta ang buong klase sa silid-aklatan
at susundin ang mga panuto ng guro.
1. Ang klase ay hahatiin sa 4 n grupo at aatasan silang pumili ng libro sa Filipiniana section.
2. Sunod, sila ay pauupuin sa mat at paliliwanagan kung ano ang awtor at ilustrador.
Awtor- ang sumusulat ng kwento
Ilustrador- ang gumuguhit ng mga larawan sa aklat
3. Pagkatapos, ang bawat miyembro ng grupo ay dapat sagutan ang pahina 113 ng kanilang libro sa
Filipino.
4. Panghuli, babasahin ng guro ang librong ‘Chenelyn, Chenelyn’ sa klase.

(Biyernes, ODL)
Synchronous
A. Pangunahing Gawain
Panuto: Ayon sa librong binasa ng guro sa mga mag-aaral noong nakaraang araw sa loob ng silid-
aklatan, babasahin ng guro ang ilang bahagi ng kwento at huhulaan ng mga mag-aaral ang nawawalang
salita.
1. Biglang magtitilian ang mga kaldero at siyansi sa ilalim ng kalan.
2. Biglang magsisindi ang ilaw sa loob ng bahay.
3. Maglilitawan ang mga sepilyo, sabon, shampoo, at twalya.
4. “Chenelyn! Ang kape ko, akin na!” sabi ni tatay.
5. Basta tatawagin mo ang pangalan niya, mayroon nang iniinom si tatay sa kwarto.
Nakita na ang nawawalang gamit ni kuya.
Handa na ang damit ni ate para bukas.
Malinis na ang mga gamit ni nanay sa kusina.
Note: Ang mga salitang nakasalungguhit ay ang mga nawawalang salita.

B. Talakayan
Panuto: Muling ipapakita ng guro ang mga nawawalang salita at kaniyang babanggitin na ang mga ito ay
mga halimbawa ng pangngalan.
Hal: kaldero, siyansi, bahay, sepilyo, Chenelyn, tatay, kuya, ate, at iba pa

Tandaan:
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.

Asynchronous
C. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
mga sumusunod:
1. Madali Lang ‘Yan, A at B, pahina 115-116
2. Subukin Pa Natin, pahina 116-117
3. Tiyakin Na Natin, pahina 117

D. Paalala:
Mag-aral para sa Maikling Pagsusulit #1, aralin ang mga sumusunod:
1. Wastong Paggamit ng Malaking Titik
2. Pangngalan

Ikalawang Linggo
Aralin 2: Sanhi at Bunga
(Martes, F2F)
First Period
A. Pagbabalik-Tanaw
Panuto: Sa pamamagitan ng isang PowerPoint Presentation, magpapakita ang guro ng mga paksang
kanilang tinalakay noong nakaraang lingo. Ang mga mag-aaaral ay magpapakita ng ‘thumbs up’ kung
wasto ang nasa slide at ‘thumbs down’ naman kung hindi.
1. Paggamit ng Malaking Titik
a. si chenelyn ay mabait.
b. Yana
c. Ang bata ay masipag.
2. Pangngalan
a. lapis
b. oo
c. aso

B. Maikling Pagsusulit #1
A. Panuto: Gumuhit ng tsek (/) kung wasto ang pagkakasulat ng pangungusap at (x) naman kung mali.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Hal:__x__ si chenelyn ay mabait.

_____1. Ang ating paaralan ay maganda.


_____2. si lani ay mahusay.
_____3. feu
_____4. Bb. Jam
_____5. Ang bata ay naglalaro.
_____6. Si Joey ay masaya.

B. Panuto: Pagtambalin an tamang pangngalan sa larawan. Pagkabitin ng linya ang pangngalan sa


larawan nito.
A B
7. a. saging

8. b. inhinyero

9. c. palengke

10. d. ahas

11. e. halaman

12. f. pulis

C. Pangunahing Gawain
Panuto: Ipakikilala ng guro ang awiting ‘Kumusta Ka! Halina’t Magsaya!’. Kanila itong sasayawin at
aawitin sa loob ng limang minuto.
Link ng Awit: https://www.youtube.com/watch?v=63czT0YoNok
Pagkatapos, tatanungin ng guro ang bawat mag-aaral kung kumusta ba sila at aatasan nang magsiupo
ang lahat.

D. Talasalitaan #2
Panuto: Magbibigay ang guro ng limang salitang isusulat niya sa pisara. Kokopyahin ito ng mga mag-
aaral at tatalakayin nila sa klase.
1. kaibigan
2. bata
3. kumusta
4. Martes
5. masungit

Second Period
E. Pagbasa ng Maikling Tula
Panuto: Ipakukuha ng guro ang libro sa mga mag-aaral at kanila itong bubuksan sa pahina 123. Ang
pamagat ng maikling tula ay ‘Ang Dalawang Bata.’
Mga katanungan:
1. Sino ang dalawang bata na tinutukoy sat ula? Ano-ano ang kanilang mga katangiang taglay?
2. Bakit kaya maraming kaibigan ang batang palangiti?
3. Bakit walang gustong makipag-usap sa batang masungit?
4. Ano kaya ang magbabago sa batang masungit matapos na siya ay lapitan at kausapin ng
batang palangiti?
5. Kung ikaw ang batang palangiti, kakausapin mo pa rin ba ang batang masungit kahit na alam
mong hindi ka niya papansinin?
6. Alin ka kaya sa dalawang batang ito? Ang palangiti o ang masungit? Bakit?
7. Bakit mabuti ang maging palakaibigan?

F. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
pahina 124 at 125, Sagutin Natin, B.

(Biyernes, ODL)
Synchronous
A. Pangunahing Gawain
Panuto: Ang buong klase ay aawit at sasayaw ng kantang ‘Oras na ng Kwentuhan’.
Narito ang link ng nasabing vidyo: https://www.youtube.com/watch?v=hSN4MZvvnDc
B. Pagbasa ng Maikling Kwento
Panuto: Babasahin ng guro ang kwentong Si Tiktaktok at Pikpakbum.
Mga katanungan:
1. Sino ang dalawang aso na tinutukoy sa maikling kwento? Ano-ano ang kanilang mga
katangiang taglay?
2. Bakit kaya maraming kaibigan si Tiktaktok?
3. Bakit maraming kaaway si Pikpakbum?
4. Alin ka kaya sa dalawang asong ito? Si Tiktaktok o si Pikpakbum? Bakit?
5. Paano dapat tayo makitungo sa ating mga kapatid o miyembro ng pamilya?

C. Talakayan
Panuto: Gamit ang mga halimbawa na nabanggit sa kwentong Si Tiktaktok at Pikpakbum, itatanong ng
guro ang mga posibleng dahilan ng mga pangyayari.
Mga katanungan:
1. Bakit kaya madalas mag-away ang magkapatid na si Tiktaktok at Pikpakbum?
2. Bakit kaya maraming kalaro si Tiktaktok?
3. Bakit kaya maraming kagalit si Tiktaktok?
4. Ano kaya ang mangyayari kay Tiktaktok kung palagi siyang nakain ng masusustansiyang
pagkain kagaya ng gatas, itlog, at gulay?
5. Ano kaya ang mangyayari kay Pikpakbum kung palaging hindi masustansiya ang kanyang
mga kinakain?
Sa mga nabanggit, makikita ang relasyon ng dalawang pangyayari. Ang mga ito ay tinatawag na sanhi at
bunga.
Sanhi at Bunga
Tandaan:
Ang sanhi ay ang dahilan kung bakit nangyari o naganap ang isang pangyayari. Samantalang ang
bunga ay ang kinalabasan o resulta ng isang pangyayari o naganap.
Halimbawa:
Sanhi: Mabait si Tiktaktok.
Bunga: Marami siyang kalaro.

Asynchronous
Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
mga sumusunod:
1. Sagutin Natin, C, pahina 126
2. Magagawa Natin, pahina 126-127

Ikatlong Linggo
Aralin 2: Uri ng Pangngalan
(Martes, F2F)
First Period
A. Pangunahing Gawain
Panuto: Ipapanuod ng guro ang maikling vidyo na nagpapakita ng iba’t ibang lenggwahe na nagsasabi
ng ‘salamat’. Pagkatapos, tatanungin ng guro ang bawat isa kung may natandaan ba sila sa mga ito.
Link ng vidyo: https://www.youtube.com/watch?v=B3f0_qXRZ38

B. Talasalitaan #3
Panuto: Magbibigay ang guro ng limang salitang isusulat niya sa pisara. Kokopyahin ito ng mga mag-
aaral at tatalakayin nila sa klase.
1. pantangi
2. pambalana
3. kapwa
4. pook
5. salamat

C. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
Payabungin Natin, A at B, pahina 137.
D. Pagbasa ng Maikling Kwento
Panuto: Ipakukuha ng guro ang libro sa mga mag-aaral at kanila itong bubuksan sa pahina 135. Ang
pamagat ng maikling kwento ay ‘Ang Aklat ni Juana.’
Mga katanungan:
1. Sino ang magkapitbahay sa kwento?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng magkapitbahay?
3. Kung ikaw si Juana, magbibigay ka pa rin ba sa iyong kapwa kahit alam mong ikaw naman
ang mawawalan sa huli? Bakit?
4. Ano kaya ang ibig sabihin ng maraming gintong naging katumbas ng aklat ni Juana?
5. Bakit mabuti ang tumulong sa kapwa?

Second Period
E. Talakayan
Panuto: Gamit ang mga halimbawa na nabanggit sa kwentong Ang Aklat ni Juana, itatanong ng guro
ang mga pangngalan na nabanggit.
Hal:
1. Ano-ano ang pangalan ng mga babae sa kwento? Juana at Petra
2. Ano ang pangalan ng hari? Wala po.
3. Nabanggit ba ang ngalan ng kaharian? Hindi po.

Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong at isusulat niya ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara.
Mga tanong:
1. Kung tayo ang magibibigay ng pangalan ng hari, ano kaya ito?
2. Ano naman ang maaaring ngalan ng kaharian?

Mula sa mga halimbawa ay babanggitin ng guro ang dalawang uri ng pangngalan.


a. Tiyak o pantangi – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, at pangyayari. Ito ay
nagsisimula sa malaking titik.
Hal: Juana
b. Di tiyak o pambalana – tumutukoy sa di tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook, at pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa maliit na titik.
Hal: babae

(Biyernes, ODL)
Synchronous
A. Pangunahing Gawain
Panuto: Ipapakita ng guro ang mga larawan ng mga taong nangangailangan ng tulong at itatanong ng
guro ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa mga nangangailangan?
2. Anong kantangian na Juana ang dapat nating gayahin?
3. Sa panahon ng kalamidad at sakuna, sino sa tingin mo ang dapat na unang magpaabot ng
tulong? Inaasahang sagot: gobyerno
Pagkatapos makuha ang inaaasahang sagot, ipaliliwanag na ng guro ang Performance Task ng mga mag-
aaral para sa ikalawang markahan.

PT Phase 1: Campaign Poster, by group (sa oras ng AP gagawin, F2F)


PT Phase 2: Campaign Jingle, by group (sa oras ng MAPEH gagawin, F2F)
Main PT: Campaign Proper, will present as a group, will be graded individually (sa oras ng Filipino
gagawin, ODL)

Dito na rin ibibigay ng guro ang pangalan ng mga magkakagrupo. Ang klase ay hahatiin sa dalawang
grupo. Ang mga sumusunod na posisyon na kanilang tatakbuhan ay:
a. Presidente (1)
b. Bise-Presidente (1)
c. Sekretarya (1)
d. Ingat-yaman (1)
e. Taga-ulat (1 o 2)
f. Sarhento (1 o 2)

Asynchronous
B. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
Madali Lang Iyan, pahina 130.
C. Paalala:
Mag-aral para sa Maikling Pagsusulit #2, aralin ang mga sumusunod:
1. Sanhi at Bunga
2. Uri ng Pangngalan (pantangi at pambalana)

Ika-apat na Linggo
Aralin 3: Kasarian ng Pangngalan
(Martes, F2F)
First Period
A. Pagbabalik-tanaw
Panuto: Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pinagkaiba ng sanhi at bunga? Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa?
2. Ano ang dalawang uri ng pangngalan?

B. Maikling Pagsusulit #2
A. Panuto: Isulat ang titik S kung ang pangungusap ay ang Sanhi at B naman kung Bunga. Isulat ang
iyong sagot sa mga patlang.
1.
______ Masama ang ugali ni Pikpakbum.
______ Marami siyang kaaway.

2.
______ Palaging kumakain si Pikpakbum ng hindi masusustansiyang pagkain.
______ Naging sakitin si Pikpakbum.

3.
______ Kinain ni Pikpakbum ang may lason na karne.
______ Sumakit ang tiyan niya.

4.
_____ Hindi na nag-aaaway sila Tiktaktok at Pikpakbum.
_____ Mabait na si Pikpakbum.

B. Panuto: Piliin ang mga salita sa loob ng kahon at isulat ang mga ito sa tamang kolum.
Lifeguard paaralan kotse bansa
lapis Jungkook Yogu Cavite

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana


5. 9.

6. 10.

7. 11.

8. 12.

Second Period
C. Talasalitaan #3
Panuto: Magbibigay ang guro ng limang salitang isusulat niya sa pisara. Kokopyahin ito ng mga mag-
aaral at tatalakayin nila sa klase.
1. aklat
2. pahina
3. kasarian
4. lalaki
5. babae

D. Pagbasa ng Maikling Kwento


Panuto: Babasahin ng guro ang kwentong Ang Tipaklong at ang Langgam.
Mga katanungan:
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa maikling kwento? Ano-ano ang kanilang mga
katangiang taglay?
2. Alin ka kaya sa kanila? Si Tipaklong o si Langgam? Bakit?
3. Bakit dapat nating paghandaan ang mga sakuna kagaya ng bagyo?
Habang binabasa ng guro ang malaking aklat, kanya ring ipapakita ang wastong pagbasa ng libro.
Makikita ang mga hakbang sa pahina 146-147 ng libro sa Filipino.

(Biyernes, ODL)
Synchronous
A. Pangunahing Gawain
Panuto: Ipapanuod ng guro ang vidyo tungkol sa kasarian.
Narito ang link ng vidyo: https://www.youtube.com/watch?v=ilPgjOB7A38
Mga tanong:
1. Ano sa ingles ang babae?
2. Ano sa ingles ang lalaki?

B. Talakayan
Panuto: Gamit ang mga halimbawa na nabanggit sa aklat, tatalakayin ng guro ang kasarian ng
pangngalan.
Ang pangngalan ay may apat na kasarian:
1. Panlalaki- kapag tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop na panlalaki
2. Pambabae- kapag tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop na pambabae
3. Di tiyak- kapag tumutukoy sa di tiyak na ngalan ng tao o hayop. Maaaring ito ay pambabae o
panlalaki.
4. Walang kasarian- kapag tumutukoy sa bagay o pook na walang kasarian.

Asynchronous
C. Gawaing Libro
Panuto: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang libro sa Filipino at kanilang sasagutan ang
Tiyakin na Natin, pahina 152-153.

AKLAT
Baisa-Julian, A. G. (2022). Pinagyamang Pluma (Ikatlong Edisyon ed.). Phoenix Publishing House.

ONLAYN
Halina’t Magsaya- https://www.youtube.com/watch?v=63czT0YoNok
Oras na ng Kwentuhan- https://www.youtube.com/watch?v=hSN4MZvvnDc
Salamat sa Iba’t ibang Lenggwahe- https://www.youtube.com/watch?v=B3f0_qXRZ38
Nasaan ang mga Babae at Lalaki?- https://www.youtube.com/watch?v=ilPgjOB7A38

You might also like