You are on page 1of 3

Basic Education Department

S.Y. 2019 - 2020


Alternative Delivery Module for Filipino 08

Pangalan: Deadline: Oktubre 11, 2019 Seksyon:


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang kagulugan ng mga masining na pahayag na ginamit sa akda.
 Nasusuri ang halimbawa ng balagtasan sa pamamagitan ng mga elemento nito.
Patalasan ng Talasalitaan!
A. Guhitan sa loob ng kahon ang salitang kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba at isulat ito sa patlang.

1. Mahirap _____________________
2. Dumating _____________________
3. Moderno _____________________
4. Napahamak _____________________
5. Maunawaan _____________________
6. Mauubos ______________________
7. Pagsulong ______________________
8. Maayos ______________________
9. Umatras ______________________
10. Sansalain ______________________
B. Naipaliliwanag ang kagulugan ng mga masining na pahayag na ginamit sa akda.
Ang sumusunod na salita na nakasulat nang madiin ay ilan lamang sa mga masining na pahayag na ginamit sa akdang tatalakayin. Ipaliwanag
mo ang mga ito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Sa pag-unlad nitong siyensya, tao rin ang mawawalan,
Ng trabaho ang kapalit, makinaryang matuturan,
Papaano yaong ibang bisig lamang ang puhunan,
Di sila ay matitigil at sikmura ay kakalam

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang sikmura ay kakalam na ginamit sa saknong


_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ngayon ako nagsisisi , bakit ako nakapatol,
Sa makatang si Ofeliang naiiwan ng panahon,
Di ka pala nararapat na lumakad nang pasulong,
Pagkat habang nagtatagal, tumatanda ng paurong

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang tumatanda ng paurong na ginamit sa saknong


_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Nang dumami ang makina ang polusyon ay sumapit;
Naagawan ng Gawain ang maraming anak-pawis.
Maingay na pambubulahaw sa pagtulog ay ligalig,
Mabuti pa noong una, masagana at tahimik

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang anak-pawis na ginamit sa saknong


_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Sa Cebu ang tanghalian, kung hindi ka mapahamak,
Dahilan sa eroplano’y dumami ang sawimpalad,
At si Pangulong Magsaysay, ang saksi kong maliwanag
Sa pagsulong ng agham mo, pati buhay nawasak.

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang sawimpalad na ginamit sa saknong


_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Kahit ika’y isang henyo ang tiyak mong mararating,
Matutuyo ang utak mo sa dami ng iisipin

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang matutuyo ang utak na ginamit sa saknong
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Basic Education Department
S.Y. 2019 - 2020

Talakayin Natin!

Ang balagtasan ay isang uri ng tulang patnigan o pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung
saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa
huli.

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN

Tauhan

 Lakandiwa – siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas. Siya rin ang
tagapamagitan o tagapagbigay hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa paksa, tikas, tinig at kakayahang umakit sa
mga nakikinig.

 Mambabalagtas – ito ang tawag sa taong nakikipagbalatasan o makatang lumalahok dito na karaniwang sumusulat ng
piyesa ng balagtasan. Makata ang gumagawa ng tula, mga akda at nagwagi na sa larangan ng pagsulat. Sila rin ang mga
mambibigkas na naghahatid ng mensahe ng isang paksa sa pamamagitan ng pagtatalo.

 Manonood – sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan. Ang manonood ay isa sa mga
pangangailangan sa ganitong uri ng presentasyon. Ang kahusayan ng mga mambabalagtas at masusukat sa reaksyon
ng mga manonood. Ang taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa kanila.

Pinagkaugalian

 May Sukat – ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ngayon nauuso na rin ang moderasyon
sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay naging labing-anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay ginagawa
itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu.

 Tugma-tugma – ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan. Maari itong maging
tugmang ganap na nangangahulugang matatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog. Ang tugmang di-
ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng tunog sa
loob ng pantig subalit ang huling titik naman ay magkaiba.

 Indayog – tinatawag ding aliw-iw ang indayog. Ito ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan
ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod. Ang sining ng pagbigkas ang
nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa mga tagapakinig.

Paksa
Ang paksa ay bagay na pinag-uusupan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto
nito. Kinakailangang ang tema ng balagtasan ay maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng
paksang pagtatalunan.

Mensahe
Ito ang kaisipang nais ipabatid ng mga mambabalagtas sa mga tagapakinig. Ang balagtasan ay hindi lamang isang
uri ng libangan kundi ito rin ay mainam nan a paraan upang maipabatid sa madla ang mga napapanahong isyung dapat
pag-isipan ng mga mamamayan. Upang maging malinaw maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga nakikinig o
manonood, may mahalagang tungkuling ginagampanan ang galaw, kumpas at ekspresyon ng mukha sa pagpaparating
ng damdamin nais ipadama ng mambibigkas sa kanyang tagapakinig.
Basic Education Department
S.Y. 2019 - 2020
Pangalan: Deadline: Oktubre 11, 2019 Seksyon:
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang kagulugan ng mga masining na pahayag na ginamit sa akda.
 Nasusuri ang halimbawa ng balagtasan sa pamamagitan ng mga elemento nito.

Buoin ang nilalaman ng dayagram sa ibaba upang masuri ang nilalaman ng balagtasan na “Alin ang
Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi?” p. 175 at sagutin ang mga tanong sa pahina 182 sa iyong notebook.

Pamagat
_________________________________
May-akda
__________________________

Tauhan

Pinagkaugalian

Paksa

Mensahe

You might also like