You are on page 1of 8

Paaralan Sitio Sto.

Rosario Baitang/Antas 2
GRADE 1 TO 12 Guro Didith L. Salangsang Markahan Una
Petsa at Oras ng Unang
Pagtuturo Pebrero 11,2020 Linggo Linggo

Asignatura Filipino 2 Araw Ikatlo

ANOTASYON/
MASUSING BANGHAY ARALIN SA KOMENTO
FILIPINO 2

I.LAYUNIN Nagagamit ang magalang na pananalita sa


angkop na sitwasyon (pagbati).

Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling


pangangailangan sitwasyon
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag sariling
ideya,kaisipan,karanasan at damdamin.

Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan


sa paggamit ng wika sa komunikasyon at
pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B.Pamantayan sa Pagganap F2TA-0a-j-2
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang
may tamang bilis, diin, tono, antala at intonasyon

C.Mga Kasasnayan sa Pagkatuto F2WG-1a-1


Nagagamit ang magalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon (pagbati)
(Wika at Gramatika)

F2PL-Oa-j2
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling
pangangailangan at sitwasyon
(Pagpapahalaga sa Wika, at Panitikan)

Isulat ang code ng bawat kasanayan


II.NILALAMAN Paggamit ng magagalang na pananalita na
angkop na sitwasyon

Paggamit ng wika bilang tugon sa sariling


pangangailangan at sitwasyon
III.KAGAMITANG PANTURO
A.Mga pahina sa gabay ng guro
1.Mga Pahina sa Kagamitang Pangguro CG 2016 pahina 22,38
DBOW pahina 3-4
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral
3.Mga Pahina sa Teksbuk
4.Karagdagang Kagamitan Mula sa Portal ng
Leraning Resource
B.Iba Pang Kagamitang Panturo kuwento, diyalogo,laptop,questbox, speaker,
projector
IV.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Project GEM – Singing Be


pagsisimula sa bagong aralin Punan ang bawat patlang upang mabuo ang awit
Pahina 1
at awitin ayon sa tono ng “Paru-parong Bukid”:

Pamatnubay na Tanong:
1. Isa-isahin ang mga pangungusap ng
pagbati na ginamit sa awit.
2. Ibigay ang iyong naramdaman habang
kayo ay umaawit.

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin Magbahagi ng inyong karanasan kaugnay sa
ng aralin inilahad ng mga larawan.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang usapan sa isang Tindahan sa


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Peoples’sPark at ihanda ang sarili na sagutin
ang mga tanong sa loob ng “QUESTBOX”
(Project CLIP)

Pahina 2
Masayang Namamasyal si Johd at Kokoks
sa People’s Park nang maisipan nilang
magmeryenda.
Narito ang usapan nila.

Johd: Halika Koks, punta tayo sa tindahan ni


Aling Luz. Masarap ang puto doon.
Kokoks: Cge halika.
Johd at Kokoks: Magandang umaga po Aling
Luz!!!
Aling Luz: Magandang umaga mga bata!!!
Johd: Nais po naming bumili ng napakasarap na
puto na tinda nyo.
Kokoks: Magkano na po ang isa ngayon Aling
Luz?
Aling Luz: Wala pa ring pagbabago Kokoks at
Johd. Dalawang-piso pa din ang isa.
Johd: Mayroon po kaming Dalawampung piso.
Ilan nga ba ang mabibili natin Koks?
Johd: Sa dalawampung-piso, tayo ay makabibili
ng sampung pirasong Putong pulo. Tama po ba
kami Aling Luz?
Aling Luz: Oo tama kayo mga bata. (Sabay abot
sa putong pulo)
Johd at Koks: Maraming Salamat po Aling
Luz! (Sabay tikim sa putong-pulo)
Kokoks: Tunay nga pong napakasarap ng
putong-pulo!!
Johd: Oo nga!! Masarap at masustansya pa!!
Aling Luz: Yan ang produktong pinagmamalaki
na gawa ng mga Valenzuelano. Ito ay maaangkat
sa Barangay ng Polo sa lungsod natin.
Johd at Kokoks!!! Talaga po?? Maraming
salamat po sa masarap na puto at impormasyong
tunay na ipagmamalaki ng bawat Valenzuelano!!
Paalam na po Aling Luz, hanggang sa susunod
po!!!
Aling Luz: Walang anuman mga bata, mag-
iingat kayo sa pag-uwi!!

Mga Tanong sa QUESTBOX:

Pahina 3
A. Mga Katanungang hango sa kuwento:
 Sinu-sino ang mga tauhan sa usapan?
 Saan sila naroon?
 Ano ang kanilang binili?
 Anong produkto ang ipinagmamalaki ng
mga Valenzuelano?

B. Pamatnubay na Katanungan para sa Bagong


Aralin:
 Isa-isahin ang mga pagbati ang ginamit
sa diyalogo.
 Ibigay ang dahilan kung bakit kailangan
nating gamitin ang mga magagalang na
pananalita o pagbati.
 Paano natin maipapakita ang pagiging
magalang?
 Magbigay ng iba pang halimbawa ng
magagalang na pananalita na inyong
ginagamit.
 Isusulat ng guro sa pisara ang mga
magagalang na pananalita at ipabasa ito
nang pabigkas.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang usapan nina Johd at Kokoks at


paglalahad ng bagong kasanayan #2 tukuyin ang mga magagalang na pananalita na
kanilang ginamit.

Pamatnubay na Tanong:

Ilahad ang mga sitwasyon na


ginagamitan ng magagalang na
pananalita.
F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain:
(Tungo sa formative assessment) Pag-awit ng mga batang ng “Ako, ikaw sa
pangkatang gawain ay Magtulungan” sa himig
ng It’s I Who Build Community”

Pagbibigay ng guro ng mga gabay bago,habang


at pagkatapos ng pangkatang gawain.

Project KAHONE:

Pahina 4
Magalang na Aksyon 24/7

G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na I-Select: “Who wants to be a Millionaire?”


buhay

Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang titik


ng angkop na magalang na pangungusap sa
bawat bilang.

1. Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong


guro;
a. “Paalam na po, mahal naming guro.”
b. “Magandang umaga po.”
c. “Mabuti po naman.”
Pahina 5
d. “Magandang tanghali po.”

2. Kinumusta ka ng kaibigan ng iyong nanay


minsang
magkita kayo sa daan.
a. “Mag-iingat po kayo.”
b. “Maraming salamat po.
c. “Mabuti po naman.”
d. “Magandang umaga po.”

3. Tapos na ang inyong klase at lalabas na ng


silid-aralan ang guro.
a. “Paalam na po, mahal naming guro.”
b. “Magandang umaga po.”
c. “Mabuti po naman.”
d. “Magandang tanghali po.”

4. Paalis na ang iyong tatay patungo sa opisina.


C. “Mabuti po
naman.”
a. “Magandang tanghali po.”
b. “Mag-iingat po kayo.”
c. “Maraming salamat po.
d. “Salamat po.”

5. Isang tanghali, nakita mo si Ginang Luna, ang


nanay
ng iyong kaklase
a. “Paalam na po,mahal naming guro.”
b. “Mabuti po naman.”
c. “Mag-iingat po kayo.”
d. “Magandang tanghali po.”

H. Paglalahat ng Aralin May magagalang na pananalita at pagbati na


ginagamit sa iba‟t ibang sitwasyon tulad ng:
1. Magandang umaga/tanghali/hapongabi.
2. Kumusta ka?
3. Maraming salamat.
4. Wala pong anuman.
5. Makikiraan po.
6. Paalam na po.
I.Pagtataya ng Aralin Kapwa Ko, Igagalang Ko.
Colored tiles
Hanapin ang kaugnay na pagbati o magagalang
na pananalita ng bawat larawan. Kulayan ang
maliit na tiles na nasa tabi ng bawat larawan

BLUE-Maaari po kayong maupo dito.


BLACK-Paumanhin po, Ginoong Cruz.
PINK-Maraming salamat Marta.
YELLOW-Kamusta ka Ben,Mabuti naman Ana.
Pahina 6
BROWN-Wala pong anuman.
VIOLET-Tutulungan na kita Lina.

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin Magdikit sa kuwaderno larawan na nagpapakita


at remediation ng magagalang na pananalita. Sumulat ng isang
pangungusap tungkol sa larawan.
V.MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral n nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation
C.Nakatulong ba ang remedial?Bilang ng
magpaaral na nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation
E.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang Stratehiyang dapat gamitin:
nakatulong ng lubos?Paano ito nakatulong? __Kolaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I –Search
__Discussion
F.Anung suliranin ang aking naranasan na Mga Suliraning aking naranasan:
nasolusyunan sa tulong n g aking punungguro at __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
superbisor? __Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa
pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong
teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan

G.Anong kagamitang panturo ang aking __Pagpapanuod ng video presentation


naidibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko __Paggamit ng Big Book
guro? __Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
Pahina 7
Inihanda ni:
______________________
DIDITH L. SALANGSANG
Gurong Magpapakitang-Turo sa Filipino 2
Paaralang Elementaryang Sitio Sto. Rosario

Binigyan Pansin:

___________________________
LUZVIMINDA M. CAMARISTA ___________________
Punongguro LILIBETH O. DAPLIN
Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino
Silangang Valenzuela

_______________
EDITHA BAESA
Punonggurong Kasangguni sa Filipino
Silangang Valenzuela

______________________ _____________________
WALTER H. FABRO Ed.D EDNA L. LLANERA Ed.D

Tagamasid Pampurok –Unit 1 Tagamasid Pampurok –Unit 2


Silangang Valenzuela Silangang Valenzuela

___________________
ROSARIE R. CARLOS
Tagamasid Pansangay sa Filipino

Evaluator:

__________________________ _______________________

REDEMPTA D. GALLARDO CHERRY LOU D. TOLENTINO


MNHS Head Teacher PNHS Head Teacher

Pahina 8

You might also like