You are on page 1of 9

Basic Education Department

S.Y. 2022-2023

STUDY GUIDE –Filipino 6

Module Topic Uri ng Pelikula at Iba Pang Teacher: Ms. Lovely Joy
Code: Q4M3
Elemento Nito R. Floron LPT
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Content Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
Standards:
maunawaan ang iba’t ibang teksto. Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng
iba’t ibang uri ng sulatin. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood
ng iba’t ibang uri ng media. Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa
paggamit ng wika sa komunikasyob at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang
napakinggan. Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang
bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan. Naiguguhit ang mensahe ng binasang
teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang teksto.
Performance Nagagamit ang iba’t ibang babasahin ayon sa pangangailangan. Nakasusulat
Standards: ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal, lathalain o balita.
Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula.
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan
at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at
kuwento
Learning Competencies:
3.1 Uri ng Pelikula at Iba Pang Elemento Nito

• Natutukoy ang mga pangungusap na walang paksa;


• Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
• Napahahalagahan ang panitikan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing kaugnay nito

3.2 Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap, Patalastas

• Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan at ang kaukulan nito ( I)


• Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagbuo ng patalastas. (B)

Performance Task: (AP/ Filipino) Criteria:

Goal : Makapagsuri sa proyektong inilunsad ng isa sa mga pangulo ng bansa at epekto


nito sa bansa. Pipili ka ng isang pangulo at proyekto nito at susuriin mo ang
implikasyon o resulta ng nasabing proyekto sa ating bansa at ito ay iyong iuulat na
layuning magbigay kabatiran sa mga mamamayang Pilipino na mag-isip.

Role: Reporter, Editorial Writer, Radio Broadcaster

Audience : Mga mamamayang Pilipino

Situation: Maraming iba't-ibang proyektong inilunsad ang mga pangulo para sa


ikabubuti at ikauunlad daw ng ating bansa. Ngayon ating suriin at alamin ang dulot
nang nasabing proyekto at ito ba ay naisakatuparan at naisagawa sa ikabubuti nang
ating bansa.

Product: Maaring video, pasulat na output

Standards:

Pamantayan 4 3 2 1
Malinaw,
maayos at Nailahad
organisado ng maayos May ilang
pagkakasunod- ang mga bahaging
sunod ng ideya pangyayari hindi
at kaisipan sa sa malinaw at Magulo at
Nilalaman at editorial. ginawang maayos maligoy
organisasyon Mahusay na editorial. ang ang
nagamit ang Nagamit editorial. ginamit
mga datos sa ang mga na salita
(X2) isyung datos sa Kulang ang sa
inilalahad. paglalahad datos na editoryal
ng isyung inilahad sa
tinatalakay isyung
tinatalakay

Mahusay at
katangi-tangi
ang
ipinakitang
Pagsunod sa Kabuuan ng
hakbangin sa isinulat Nakasulat
na
pagsulat ng editoryal, May ng
Hindi
sanaysay editoryal
makatawag Kulang ang kakikitaan
na taglay
pansin na diwa ng ng
ang
panimula, nailahad sa kaayusan
kabuuan o
malaman na editoryal sa
katangian
impormasyon editoryal
sa pagsulat
sa katawan at
nito
(x2) nag-iiwan ng
marka o diin sa
damdamin ng
babasa ang
wakas.

DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across-Discipline 4 Click or tap here to enter text.

Communication and Collaboration


4

Technology-Enabled 3
Individualized Learning
3

Values-Driven
4

Experiential Learning
4

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of The inclusion of The component is
well-planned and present in the the components the component is not present in
practiced in module and seems forced in practiced in the module and in
module and in reflected during module and in class but not class.
class. class. class. reflected in the
module.
Study Guide Outline

Activity F2F/ODL
Week 1
• Payabungin Natin: Word of the day! ODL
• Lusungin Natin
A. Paunang Gawain
B. Talasalitaan
C. Basahin Natin
• Lusungin Natin
A. Talakayan
B. Gawain
• Konsultasyon F2F
• Paglalagom
• Pagtataya
Week 2
• Payabungin Natin: Word of the day! ODL
• Lusungin Natin
➢ Paunang Gawain
➢ Talasalitaan
➢ Basahin Natin
• Lusungin Natin
➢ Talakayan
➢ Gawain
• Konsultasyon F2F
• Paglalagom
• Pagtataya

Modyul 1: 2.1 Uri ng Pelikula at Iba Pang Elemento Nito

Asignatura/Baitang: Filipino 6 Inihanda ni: Bb. Lovely Joy R. Floron


Iskedyul: Ikaapat na Markahan (W5-W6) Inaprubahan ni: Bb. Gizelle Tagle

Panimula
Ngayon naman tayo ay tutungo sa ating bagong paksa patungkol sa Iba’t-ibang Bahagi ng Pahayagan, Pagbibigay
Opinyon at Reaksyon sa Balita, Iba’t-ibang Gamit ng Pangungusap, Bahagi ng Pananalita, Patalastas. Napakahalaga
ang maging mulat tayo sa mga pangyayari sa ating paligid at alamin natin ang wastong pamamaraan sa pagbibigay
ng reaksyon kaugnay sa balitang tinatalakay. Nilalaman ng modyul na ito ang mga online at printable materials na
magagamit at makakatulong sa iyong pag-aaral.

Mga Layunin
Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

2.1 Uri ng Pelikula at Iba Pang Elemento Nito


• Natutukoy ang mga pangungusap na walang paksa;
• Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
• Napahahalagahan ang panitikan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing kaugnay nito

2.2 Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap, Patalastas

• Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan at ang kaukulan nito ( I)


• Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagbuo ng patalastas. (B)
W5D1 ODL Classes _01

I. Payabungin Natin!
Word-of-the-day!
Panuto: Mula sa ini-upload na akda sa canvas ng guro, ang nakatalagang mag-aaral ay pipili ng
sampung salita mula rito na kanyang bibigyang kahulugan at gagamitin sa pangungusap na kanyang
ipapaskil sa TEAMS Channel na nakalaan para sa TALASALITAAN. Bilang recitation ng klase, ang bawat
kamag-aral naman ay pipili ng 3 salita na kanila naman gagamitin sa sarili nilang pangungusap bilang tugon
sa post ng nakatalagang tagapagbigay ng Word- of- the-day!

II. Lusungin Natin!


A. Paunang Gawain
Panoorin Natin
Panoorin ang maikling pelikula na nakasaad sa link na: https://youtu.be/O1TXe-usbXA . Unawain ang
pinanonood na maikling pelikula sa tulong ng Story Grammar. Lagyan ng mga impormasyon ang mga kahon batay
sa isinasaas na tanong.
Ang Matalinong Kuneho

Saan (lokasyon ng pellikula)


Tagpuan • ________________________________________________

Ano ang aral at mensaheng hatid ng pelikula?


Tema • ________________________________________________

Ano ang nais iparating ng pelikula sa iyo bilang manonood?


Mensahe • ________________________________________________

Sino-sino ang nagsisiganap sa pelikula?


Tauhan • ________________________________________________

III. Linangin Natin


A. Talakayan
Uri ng Pelikula at Iba Pang Elemento Nito

Ang pelikula ay isa sa pinakapopular na libangan ng mga Pilipino. Ito ay may iba’t-ibang uri tulad ng sumusunod:

1. Katatawanan (Comedy) – ito ay pelikulang nagbibigay ng ng kasiyahan sa tao dahil nakatatawa ang kuwento,
mga kilos, linya, at karamihan ng pangyayari ditto. Halimbawa nito ang pelikulang Tanging Ina ng Star Cinema
https://youtu.be/Fx8z4HWw_Ms .

2. Katatakutan (Horror) – pelikula itong nakasisindak o nagpapakabog ng dibdib sa mga manonood. Maaaring ito
ay tungkol sa mga aswang, multo, ligaw na kaluluwa, o iba pang nilalang na nakakatakot. Isang halimbawa nito ang
pelikulang Shake, Rattle, and Roll ng Regal Films.
3. Kababalaghan (Fantasy) – ang pelikulang ito ay angkop sa mga kabataan dahil ang mga tauhan ditto ay maaaring
mga diwata, nimpa, at iba pang nilalang na may kakaibang kapangyarihang wala sa mga karaniwang tao. Ilan sa
kilalang pelikulang Pilipinong may temang kababalaghan ay Ang Panday at Okay ka Fairy Ko the Movie.
4. Historikal (Historical) – pelikula ito tungkol sa kasaysayan o batay sa tunay na pangyayari sa bayan. Ang
pelikulang Heneral Luna ay isang halimbawa nito.

5. Aksiyon (Action) – pelikula itong bakbakan, barilan, o sukatan ng lakas na nagpapakita ng husay at galling sa
pisikal na aktibidad ng artista. Halimbawa nito ang pelikulang Ang Probinsyano na unang pinagbidahan ng
Fernando Poe Jr. ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino (Da King) na binigyang buhay ni Coco Martin sa isang
teleserye.

6. Drama – madamdamin ang pelikulang ito. Ito ay maghahatid ng kalungkutan o pagluha sa mga manonood. Isang
halimbawa nito ang pelikulang Anak na pinagbidahan nina Vilma Santos at Claudine Barreto.

Maliban sa tauhan, tagpuan, pamagat, tema, paksa, aral, at simbolismo narito ang iba pang element ng isang
pelikula.

Direksyon – ditto makikita ang husay ng direktor na mabigyang-buhay ang dula o iskrip ng pelikula sa pagsasanib
ng iba’t-ibang elemento ng pelikula.

Sinematograpiya – tumutukoy ito sa pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw, galaw, at iba pang komposisyon o Teknik sa paggamit ng
kamera.

Iskoring ng Musika – akma ba ang mga musika o awit na ginamit sa pelikula? Epektibo bai to upang mabigyang-
buhay ang pagsasanib ng diyalogo, tagpuan, at tauhan sa pelikula? Ang tunog ay maaaring may titik o wala. Ito ay
maaaring tunog ng gitara, piyano, o orkestra. Sa kasalukuyan, maraming pelikula ang ginagamitan ng awit na
nagiging pamagat na rin ng pelikula.

Editing – ang pagkakaayos ng pelikula kapag natapos na ang shooting o aktuwal na recording ng kamera. Ditto
makikita kung maaayos ang pagkakasunod-sunod o pagkakaayos ng pelikula. Tama ba ang pagkakaputol o
pagkakahati ng pelikula mula sa umpisa hanggang sa katapusan?

IV. Subukin Natin!


Panoorin ang maikling pelikula na pinamagatang, “Ang Soro at ang Pusa” na makikita sa
https://youtu.be/6sbCgROEE1I Suriin ito gamit ang template sa ibaba. (8 pts)

1. Ano ang nais iparating ng pelikula?

2. Ilarawan ang mga tauhan sa pelikula.

3. Sumulat tungkol sa tema ng pelikula.

4. Nakatutulong ba ang musika na ginamit dito?

2 pts 1 pt.
Ang buong pagsusuri ay tungkol sa pelikula. Nakabuo Ang buong pagsusuri ay tungkol sa pelikula. Di gaano
ng isang mahalagang opinyon mula sa pinanood. Ang naibahagi ang mahalagang opinyon mula sa pinanood.
lahat ng nilalaman ng pagsusuri ay kaugnay ng Ang lahat ng nilalaman ng pagsusuri ay kaugnay ng
nabuong opinyon. nabuong opinyon.

Q4-SW 04
Tukuyin kung anong uri ng pelikula ang mga sumusunod na halimbawa ng pelikula.
1. Inang Yaya a. Drama
2. GOYO: Ang Batang Hemeral b. Historikal
3. Ang Probinsyano c. Aksiyon
4. Bulong d. Katatakutan
5. Ang Panday e. Kababalaghan
6. The Entitled f. Katatawanan
7. Hello, Love, Goodbye
8. Petrang
W5D2 F2F Kabayo
Classes:
I. Mga Paglilinaw (Consultations)
Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng guro.
O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo upang
mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.

II. Paglalagom:
Ang bawat mag-aaral ay magsusulat ng mga katanungan sa isang papel at ihuhulog sa box. Pagkatapos ay
magkakaroon ng tanong sagot ang bawat isa.
III. Pagsagawa ng PT

Nakalaan ang oras na ito upang ipagpatuloy ang pagsagawa ng PT ang pagsumite ng PT Phase 1.

W6-D1 ODL CLASS

Aralin 02: Wastong Gamit ng Salita (Nang, at Ng)

I. Payabungin Natin!
Word-of-the-day!
Panuto: Mula sa ini-upload na akda sa canvas ng guro, ang nakatalagang mag-aaral ay pipili ng
sampung salita mula rito na kanyang bibigyang kahulugan at gagamitin sa pangungusap na kanyang
ipapaskil sa TEAMS Channel na nakalaan para sa TALASALITAAN. Bilang recitation ng klase, ang bawat
kamag-aral naman ay pipili ng 3 salita na kanila naman gagamitin sa sarili nilang pangungusap bilang tugon
sa post ng nakatalagang tagapagbigay ng Word- of- the-day!

II. Lusungin Natin!


A. Paunang Gawain
Iuupload sa Discussion board ang video ukol sa patalastas ng COVID-19 ng DOH pagkatapos ay sasagutin
ang gabay na tanong ukol dito. https://www.youtube.com/watch?v=5ruNCIwyBOk

Pamprosesong Tanong :

1. Tungkol saan ang Bidyong Pinanuod?

2. Naging mabisa baa ng ginawang patalastas? Paano mo ito nasabi?

III. Linangin Natin


A. Talakayan

Mahalagang malaman ang gamit ng iba’t-ibang pananalita sa pagbuo ng isang mahusay na patalastas o anunsiyo.
Napapangkat sa dalawa ang mga bahagi ng pananalita:

1. Mga salitang pangnilalaman-pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay


2. Mga salitang pangkayarian-pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy, at pangawing

Ang pagpapatalastas o pag-aanunsyo ay isang uri o anyo ng komunikasyon na ginagamit upang mahikayat ang
mamimili sa produkto at magbigay ng impormasyon na ginagamit upang mahikayat ang mamimili sa produkto at
magbigay ng impormasyon sa isang pangyayari. Sa pagpapatalastas, kailangan ang pagpili ng angkop na mga
salitang magpapakita at maglalarawan sa katangian ng mga produkto na ipagbibili at nilalaman ng pahayag o
anunsiyo.

Mga Tuntunin sa pagbuo ng patalastas


1. Tiyakin ang paksang susulatin
2. Gawing maikli ang mensahe
3. Ilagay ang mahahalagang impormasyong sumasagot sa tanong na Ano, sino, kalian, at saan.
4. Isulat nang maayos ang patalastas sa tulong ng tamang gamit ng salita at bantas. Pansinin ang halimbawa sa
ibaba
Ang Magic Shampoo

Ang shampoong….
Nagpapaganda sa iyong buhok sa ‘isang gamitan
Tanggal ang balakubak!
Makinang, mabango, at malamabot magpakailanman
Hindi nakaiirita sa iyong mata
Ang halimuyak ay magdamag, mapapalingon ang lahat
Natural at walang halong kemikal, kaya banayad para sa balat
Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha sa mababang presyo!
Ano pang hinihintay ninyo? Bili na!

Ginamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita sa nabasang patalastas ng shampoo tulad ng mga sumusunod:
Ang shampooing….
Nagpapaganda sa iyong buhok sa isang gamitan, Tanggal ang balakubak!
1. pangngalan-ang shampoo
2. panghalip- iyong buhok
3. Pandiwa- tanggal ang balakubak
4. Pantukoy- ang shampoo

Ang halimuyak ay magdamag, mapapalingon ang lahat, natural at walang halong kemikal, kaya banayad para sa
balat.
1. pangatnig- natural at walang halo
2. pang-ukol-para sa lahat
3. Pang-angkop- halong kemikal
4. Pang-uri- banayad sa balat
5. Pang-abay-halimuyak ay magdamag
6. Pangawing- ang halimuyak ay magdamag

Sa patalastas o maging sa anunsiyo, mahalaga ang bahagi ng pananalita upang maiparating ang mensahe nang
maayos at malinaw.

IV. Subukin Natin!

Q4-SW4

Gumawa ng isang patalastas ukol sa isang produkto na maaring maibenta ngayong panahon ng pandemya,
gumawa ng draft sa ibaba pagkatapos ay i-video ang sarili na layunin ay mahikayat ang mamimili na
tangkilikin ang inyong produkto.

Kaugnay nito ay nakagrupo na ang klase bago pa magsimula ang klase bawat pangkat at bibigyan ng isang produkto
na kanilang gagamitin sa gagawing komersyal.

Rubrik:

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman at Malinaw, maayos at Nailahad ng maayos Kulang at maligoy Hindi organisado,
organisado at ang katangian ng ang nailahad na Magulo at maligoy
organisasyon katangi-tangi ang nasabing produkto impormasyon ukol ang ginamit na
deskripyon ng sa ginawang sa produkto sa paglalarawan sa
(X2) produksto sa patalastas ginawang nasabing produkto
ginawang patalastas.
patalastas.

Pagiging Makatawag pansin, Malikhain at Kulang sa pagiging Nakababagot ang


katangi-tangi at makatawag pansin malikhain at ginawang patalastas
malikhain lubhang ang ginawang kawilihan ang
mapanghikaya patalastas ginawang patalastas

W6D2 F2F Classes:


I. Mga Paglilinaw (Consultations)
Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng guro.
O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo upang
mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.
II. Paglalagom:
Ang bawat mag-aaral ay magsusulat ng mga katanungan sa isang papel at ihuhulog sa box. Pagkatapos ay
magkakaroon ng tanong sagot ang bawat isa.
III. Pagsubok sa Natuhahan
Maikling Pagtataya (Quiz 02)
Panuto: Piliin ang “Tama/True” kung ang lipon ng mga salita ay pangungusap. Kung hindi ito pangungusap,
piliin ang “Mali/False”
1. Tuwang-tuwa ang mga bata. /
2. Paliwanag ng guro naming. M
3. Upang matapos ang gawain. M
4. Luto na ang kanin. T

5. Makinig tayo nang Mabuti. T


6. Ang mga mamamayan ay mapayapa
Gamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita, gumawa ng isang patalastas na manghihikayat sa pag-
aalaga ng ating katawan. Gawing gabay ang mga sumusunod na bahagi ng pananalita: (6 pts)
I.
Pangngalan –
Panghalip –
Pandiwa –

Pantukoy –

II.
Pangatnig –
Pang-ukol –
Pang-angkop –

Pang-uri –

Rubrik:
Pamantayan 2 1
Nilalaman Napakahusay na naisulat ang Nakasusulat ng isang patalastas at
patalastas gamit ang mga bahagi ng walang bahagi ng pananalita na
pananalita na ibinigay. makikita.
Pagkamalikhain Nagpapakita ng malikhaing Di gaanong malikhain kung kaya’t
pagsulat ng patalastas. Dahil dito, hindi nakakahalinang bumili ng
talagang mapapabili ka sa produkto.
produkto.
Mga Sanggunian
• Antonio, et al. 2020, Yamang Filipino Batayan at sanayang aklat sa Filipino 6, Quezon City, Rex Book Store.
• Marasigan, et al., 2020, Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya 06, ikalawang edisyon,
Quezon City, Phoenix Publishing House.

You might also like