You are on page 1of 9

Basic Education Department

S.Y. 2022-2023

STUDY GUIDE –Filipino 6

Module TopiPangungusap na Walang Teacher: Ms. Lovely Joy R. Floron


Code: Q4M1
Paksa/ LPT
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
Content teksto at napapalawak ang talasalitaan. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
Standards: maunawaan ang iba’t ibang teksto. Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri
ng sulatin. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.
Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyob at
pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan.
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s theatre o dula-
dulaan. Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay
Performance sa mensahe ng binasang teksto. Nagagamit ang iba’t ibang babasahin ayon sa
Standards: pangangailangan. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal,
lathalain o balita. Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula.
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan,
paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at kuwento
Learning Competencies:
2.1 Pangungusap na Walang Paksa

• Natutukoy ang mga pangungusap na walang paksa;


• Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
• Napahahalagahan ang panitikan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing kaugnay nito

2.2 Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap, Patalastas

• Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan at ang kaukulan nito ( I)


• Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagbuo ng patalastas. (B)

Performance Task: (AP/ Filipino) Criteria:

Goal : Makapagsuri sa proyektong inilunsad ng isa sa mga pangulo ng


bansa at epekto nito sa bansa. Pipili ka ng isang pangulo at proyekto nito at
susuriin mo ang implikasyon o resulta ng nasabing proyekto sa ating bansa
at ito ay iyong iuulat na layuning magbigay kabatiran sa mga mamamayang
Pilipino na mag-isip.

Role: Reporter, Editorial Writer, Radio Broadcaster

Audience : Mga mamamayang Pilipino

Situation: Maraming iba't-ibang proyektong inilunsad ang mga pangulo


para sa ikabubuti at ikauunlad daw ng ating bansa. Ngayon ating suriin at
alamin ang dulot nang nasabing proyekto at ito ba ay naisakatuparan at
naisagawa sa ikabubuti nang ating bansa.

Product: Maaring video, pasulat na output

Standards:

Pamantayan 4 3 2 1
Malinaw,
maayos at Nailahad
organisado ng maayos May ilang
pagkakasunod- ang mga bahaging
sunod ng ideya pangyayari hindi
at kaisipan sa sa malinaw at
Nilalaman at editorial. ginawang maayos Magulo at
organisasyon Mahusay na editorial. ang maligoy ang
nagamit ang Nagamit editorial. ginamit
mga datos sa ang mga na salita sa
(X2) isyung datos sa Kulang ang editoryal
inilalahad. paglalahad datos na
ng isyung inilahad sa
tinatalakay isyung
tinatalakay

Mahusay at
katangi-tangi
ang
ipinakitang
Pagsunod sa Kabuuan ng
hakbangin sa isinulat na Nakasulat
pagsulat ng editoryal, May ng
sanaysay editoryal Kulang ang
makatawag Hindi
na taglay diwa ng
pansin na kakikitaan ng
ang nailahad
panimula, kaayusan sa
kabuuan o sa
malaman na editoryal
katangian editoryal
impormasyon
sa pagsulat
sa katawan at
nito
(x2) nag-iiwan ng
marka o diin
sa damdamin
ng babasa ang
wakas.

DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across-Discipline Click or tap here to enter text.
4
Communication and Collaboration
4

Technology-Enabled
4
Individualized Learning
3

Values-Driven
3

Experiential Learning
4

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of The inclusion of The component is
well-planned and present in the the components the component is not present in
practiced in module and seems forced in practiced in the module and in
module and in reflected during module and in class but not class.
class. class. class.
reflected in the
module.

Study Guide Outline

Activity F2F/ODL
Week 1
• Payabungin Natin: Word of the day! ODL
• Lusungin Natin
A. Paunang Gawain
B. Talasalitaan
C. Basahin Natin
• Lusungin Natin
A. Talakayan
B. Gawain
• Konsultasyon F2F
• Paglalagom
• Pagtataya
Week 2
• Payabungin Natin: Word of the day! ODL
• Lusungin Natin
➢ Paunang Gawain
➢ Talasalitaan
➢ Basahin Natin
• Lusungin Natin
➢ Talakayan
➢ Gawain
• Konsultasyon F2F
• Paglalagom
• Pagtataya

Modyul 1: 2.1 Pangungusap na Walang Paksa

Asignatura/Baitang: Filipino 6 Inihanda ni: Bb. Lovely Joy R. Floron


Iskedyul: Ika-apat na Markahan (W3-W4) Inaprubahan ni: Bb. Gizelle Tagle

Panimula
Ngayon naman tayo ay tutungo sa ating bagong paksa patungkol sa Iba’t-ibang Bahagi ng Pahayagan, Pagbibigay
Opinyon at Reaksyon sa Balita, Iba’t-ibang Gamit ng Pangungusap, Bahagi ng Pananalita, Patalastas. Napakahalaga
ang maging mulat tayo sa mga pangyayari sa ating paligid at alamin natin ang wastong pamamaraan sa pagbibigay
ng reaksyon kaugnay sa balitang tinatalakay. Nilalaman ng modyul na ito ang mga online at printable materials na
magagamit at makakatulong sa iyong pag-aaral.

Mga Layunin
Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

2.1 Pangungusap na Walang Paksa

• Natutukoy ang mga pangungusap na walang paksa;


• Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.
• Napahahalagahan ang panitikan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing kaugnay nito

2.2 Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap, Patalastas


• Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng pahayagan at ang kaukulan nito ( I)
• Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagbuo ng patalastas. (B)

W3D1 ODL Classes _01

I. Payabungin Natin!
Word-of-the-day!
Panuto: Mula sa ini-upload na akda sa canvas ng guro, ang nakatalagang mag-aaral ay pipili ng
sampung salita mula rito na kanyang bibigyang kahulugan at gagamitin sa pangungusap na kanyang
ipapaskil sa TEAMS Channel na nakalaan para sa TALASALITAAN. Bilang recitation ng klase, ang bawat
kamag-aral naman ay pipili ng 3 salita na kanila naman gagamitin sa sarili nilang pangungusap bilang tugon
sa post ng nakatalagang tagapagbigay ng Word- of- the-day!

II. Lusungin Natin!


A. Paunang Gawain
Basahin Natin
Panuto: Basahin ang talambuhay ng isang kilala at mahusay na manunulat na may mayamang
kaaranasan sa buhay at paglalakbay.

Magandang Araw! Gusto kong ipakilala sa iyo si Samuel Clemens. SIya ay ipinanganak noong 1835 sa
Missourii, Estados, Unidos. Lumipat ang mag-anak sa Mississippi nang apat na taong gulang na siya.

Tama! Ang mabubuti at magaganda niyang karanasan sa iba’t-ibang mamamayan at sa makukulay at


magagandang kapaligiran ay isa sa mga pinaghuhugutan niya sa kanyang mga isinulat na mga
pakikipagsapalaran nina Tom Sawyer at Huckleberry Finn. Ginamit niya ang alyas na “Mark Twain
sa pagsusulat.

Grabe! Ang dami niyang lugar na napuntahan. Nakapaglakbay si Samuel Clemens sa buong Estadon
Unidos at Europa. Mula sa edad na 38 hanggang 54 ay nakalikha siya ng mga nobela. Sumakabilang buhay
siya sa edad na 75 subalit buhay pa rin sa mga mambabasa ang kanyang mga akda at ang alyas niyang
Mark Twain

Ang galling n’ya talaga! Idol!

Ano ang napansin mo mula sa pahayag na naka-pahilis?

III. Linangin Natin


A. Talakayan

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

Ang mga pangungusap na walang paksa ay maaaring magpahayag ng:

1. “pagka-mayroon” o “pagkawala”
Halimbawa:
May mga turistang humanga kay Meyor.
Walang Nawala sa aming gamit

2. matinding damdamin
Halimbawa:
Wow!
Ang galing!

3. salita o panawag ng pangalan


Halimbawa:
Ginoo!
Inay!

4. oras o panahon
Halimbawa:
Bumabagyo!
Umaga na.

5. Pagbati o pagbilang galang sa mga nakagisnan na ng mga Pilipino


Halimbawa:
Maaari po bang magtanong?
Magandang tanghali po.

IV. Subukin Natin!


Pag-aralan ang mga larawan at bumuo ng makahulugang usapang nagpapakita ng iba’t-ibang pangyayari
dito. Pagkatapos, tukuyin ang nabuo mong pangungusap kung walang paksa o di kaya ay tukuyin ito ayon sa gamit
at kayarian ng pangungusap.

Rubrik:
PAMANTAYAN 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nilalaman Malinaw na Di gaanong malinaw Magulo ang Walang isinulat na
naipahayag ang na naipahayag ang pagpapahayag ng pahayag mula sa
iba’t-ibang iba’t-ibang iba’t-ibang mga larawan
pangyayari sa bawat pangyayari sa bawat pangyayari sa bawat
larawan larawan. larawan
Paggamit ng Wika Napakahusay na Nakagamit lamang Gumamit lamang ng Walang ginamit sa
nagamit ang mga ng dalawang isang uri ng gramatikang
gramatikang halimbawa mula sa pangungusap sa tinalakay
tinalakay sa klase. gramatikang talatang ginawa
tinalakay

Q4-SW 03
Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na walang paksa at tukuyin kung ito ay nagsasaad ng:
A. “pagkamayroon” o “pagkawala”
B. matinding damdamin
C. salita o panawag ng pangalan
D. oras o panahon
E. pagbati o pagbibigay-galang

1. ____ Magandang umaga po, Meyor.


2. ____ Alas-tres na.
3. ____ Aalis na tayo.
4. ____ Sobrang ganda!
5. _____ Walang masama.
6. _____ Nanay!
7. _____ Salamat ng marami.
8. _____May pera diyan.

W3D2 F2F Classes:

I. Mga Paglilinaw (Consultations)


Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng guro.
O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo upang
mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.

II. Paglalagom:
Ang bawat mag-aaral ay magsusulat ng mga katanungan sa isang papel at ihuhulog sa box. Pagkatapos ay
magkakaroon ng tanong sagot ang bawat isa.

W4-D1 ODL CLASS

Aralin 02: Iba’t-ibang Pananalita sa Pagbuo ng Isang Patalastas

I. Payabungin Natin!
Word-of-the-day!
Panuto: Mula sa ini-upload na akda sa canvas ng guro, ang nakatalagang mag-aaral ay pipili ng
sampung salita mula rito na kanyang bibigyang kahulugan at gagamitin sa pangungusap na kanyang
ipapaskil sa TEAMS Channel na nakalaan para sa TALASALITAAN. Bilang recitation ng klase, ang bawat
kamag-aral naman ay pipili ng 3 salita na kanila naman gagamitin sa sarili nilang pangungusap bilang tugon
sa post ng nakatalagang tagapagbigay ng Word- of- the-day!

II. Lusungin Natin!


A. Paunang Gawain
Iuupload sa Discussion board ang video ukol sa patalastas ng COVID-19 ng DOH pagkatapos ay sasagutin
ang gabay na tanong ukol dito. https://www.youtube.com/watch?v=5ruNCIwyBOk

Pamprosesong Tanong :

1. Tungkol saan ang Bidyong Pinanuod?

2. Naging mabisa baa ng ginawang patalastas? Paano mo ito nasabi?

III. Linangin Natin


A. Talakayan

Mahalagang malaman ang gamit ng iba’t-ibang pananalita sa pagbuo ng isang mahusay na patalastas o anunsiyo.
Napapangkat sa dalawa ang mga bahagi ng pananalita:

1. Mga salitang pangnilalaman-pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay


2. Mga salitang pangkayarian-pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy, at pangawing

Ang pagpapatalastas o pag-aanunsyo ay isang uri o anyo ng komunikasyon na ginagamit upang mahikayat ang
mamimili sa produkto at magbigay ng impormasyon na ginagamit upang mahikayat ang mamimili sa produkto at
magbigay ng impormasyon sa isang pangyayari. Sa pagpapatalastas, kailangan ang pagpili ng angkop na mga
salitang magpapakita at maglalarawan sa katangian ng mga produkto na ipagbibili at nilalaman ng pahayag o
anunsiyo.

Mga Tuntunin sa pagbuo ng patalastas


1. Tiyakin ang paksang susulatin
2. Gawing maikli ang mensahe
3. Ilagay ang mahahalagang impormasyong sumasagot sa tanong na Ano, sino, kalian, at saan.
4. Isulat nang maayos ang patalastas sa tulong ng tamang gamit ng salita at bantas. Pansinin ang halimbawa sa
ibaba

Ang Magic Shampoo

Ang shampoong….
Nagpapaganda sa iyong buhok sa ‘isang gamitan
Tanggal ang balakubak!
Makinang, mabango, at malamabot magpakailanman
Hindi nakaiirita sa iyong mata
Ang halimuyak ay magdamag, mapapalingon ang lahat
Natural at walang halong kemikal, kaya banayad para sa balat
Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha sa mababang presyo!
Ano pang hinihintay ninyo? Bili na!

Ginamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita sa nabasang patalastas ng shampoo tulad ng mga sumusunod:
Ang shampooing….
Nagpapaganda sa iyong buhok sa isang gamitan, Tanggal ang balakubak!
1. pangngalan-ang shampoo
2. panghalip- iyong buhok
3. Pandiwa- tanggal ang balakubak
4. Pantukoy- ang shampoo

Ang halimuyak ay magdamag, mapapalingon ang lahat, natural at walang halong kemikal, kaya banayad para sa
balat.
1. pangatnig- natural at walang halo
2. pang-ukol-para sa lahat
3. Pang-angkop- halong kemikal
4. Pang-uri- banayad sa balat
5. Pang-abay-halimuyak ay magdamag
6. Pangawing- ang halimuyak ay magdamag

Sa patalastas o maging sa anunsiyo, mahalaga ang bahagi ng pananalita upang maiparating ang mensahe nang
maayos at malinaw.

IV. Subukin Natin!

Q4-SW4

Gumawa ng isang patalastas ukol sa isang produkto na maaring maibenta ngayong panahon ng pandemya,
gumawa ng draft sa ibaba pagkatapos ay i-video ang sarili na layunin ay mahikayat ang mamimili na
tangkilikin ang inyong produkto.

Kaugnay nito ay nakagrupo na ang klase bago pa magsimula ang klase bawat pangkat at bibigyan ng isang produkto
na kanilang gagamitin sa gagawing komersyal.

Rubrik:

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman at Malinaw, maayos at Nailahad ng maayos Kulang at maligoy Hindi organisado,
organisado at ang katangian ng ang nailahad na Magulo at maligoy
organisasyon katangi-tangi ang nasabing produkto impormasyon ukol ang ginamit na
deskripyon ng sa ginawang sa produkto sa paglalarawan sa
produksto sa patalastas nasabing produkto
(X2) ginawang ginawang
patalastas. patalastas.

Pagiging Makatawag pansin, Malikhain at Kulang sa pagiging Nakababagot ang


katangi-tangi at makatawag pansin malikhain at ginawang patalastas
malikhain lubhang ang ginawang kawilihan ang
mapanghikaya patalastas ginawang patalastas

W4D2 F2F Classes:


I. Mga Paglilinaw (Consultations)
Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng guro.
O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo upang
mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.
II. Paglalagom:
Ang bawat mag-aaral ay magsusulat ng mga katanungan sa isang papel at ihuhulog sa box. Pagkatapos ay
magkakaroon ng tanong sagot ang bawat isa.
III. Pagsubok sa Natuhahan
Maikling Pagtataya (Quiz 02)
Panuto: Piliin ang “Tama/True” kung ang lipon ng mga salita ay pangungusap. Kung hindi ito pangungusap,
piliin ang “Mali/False”
1. Tuwang-tuwa ang mga bata. /
2. Paliwanag ng guro naming. M
3. Upang matapos ang gawain. M
4. Luto na ang kanin. T
5. Makinig tayo nang Mabuti. T

6. Ang mga mamamayan ay mapayapa


Gamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita, gumawa ng isang patalastas na manghihikayat sa pag-
aalaga ng ating katawan. Gawing gabay ang mga sumusunod na bahagi ng pananalita: (6 pts)
I.
Pangngalan –
Panghalip –
Pandiwa –
Pantukoy –

II.
Pangatnig –
Pang-ukol –
Pang-angkop –
Pang-uri –

Rubrik:
Pamantayan 2 1
Nilalaman Napakahusay na naisulat ang Nakasusulat ng isang patalastas at
patalastas gamit ang mga bahagi ng walang bahagi ng pananalita na
pananalita na ibinigay. makikita.
Pagkamalikhain Nagpapakita ng malikhaing Di gaanong malikhain kung kaya’t
pagsulat ng patalastas. Dahil dito, hindi nakakahalinang bumili ng
talagang mapapabili ka sa produkto.
produkto.

Mga Sanggunian
• Antonio, et al. 2020, Yamang Filipino Batayan at sanayang aklat sa Filipino 6, Quezon City, Rex Book Store.
• Marasigan, et al., 2020, Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya 06, ikalawang edisyon,
Quezon City, Phoenix Publishing House.

You might also like